Napahinga nga maluwag si Melissa. Akala niya kasi ay uulanin ng media ang Funeraria Han na pinaglalagakan ngayon ng bangkay ng kapatid. Bukas ay ibuburol na rin ito agad.
"Dominic…Uno.." Salitang paulit-ulit na nakarehistro sa kanyang isip. Napabuntong-hinga siya at sinulyapan ang kanyang lola na tahimik na nakatunghay sa kabaong ng kanyang kuya.
"Melissa…" Niyakap siya ng kaibigang si Becca ng bumisita ito.
"I need fresh air." Bulong niya dito. Napatango naman ito saka hinila ang kanayng kamay palabas ng funeraria. Sumakay siya sa kotse nito na agad nitong pinaandar. Nanatili lamang siyang tahimik sa loob. Hinayaan rin muna siya ng kaibigan at pinukol na lang nito ang atensyon sa pagmamaneho.
Napakunot ang noo nilang dalawa ng makitang sobrang traffic sa daan. Sa gawing kaliwa ay puno ng sasakyan ng police at mga media.
"Anong meron sa Funeraria Paz, Becca?" Tanong niya sa kaibigan.
"Hindi ko rin alam, friend." Sagot nito.
Ibinaba naman niya ang glass ng bintana upang makarinig ng usapan ng mga taong dumaraan. Dahil traffic ay napahinto ang kotse ni Becca sa tapat mismo ng Funeraria Paz.
"Oh my God, who's that?" Bulalas niya ng makita ang isang reporter na nakapolo-shirt na white na panay ang kuha ng litrato. Hindi ito mukhang cameraman bagkus ay tila isang modelo sa ganda ng ng tikas ng katawan.
"Sino?" Usisa naman ni Becca na napatingin din sa tinitingnan niya.
"Ayan, lumalapit siya." Hindi niya alam kung bakit ang naglulungkot niyang pakiramdam kanina ay napalitan ng kilig dahil sa lakas ng dating ng lalake. Inalis niya ang suot na shades upang makitang mabuti ang lalake.
"Oh…my…God…He's hot." Bulalas din ni Becca. "Hindi ko akalain na may hot na cameraman." Natatawang wika nito.
"Buti na lang napadaan tayo dito. Medjo naging ok pakiramdam ko." Pagbibiro niya.
"Single since birth…but so flirty!" Bulalas naman ni Becca na muling pinaandar ang kotse ng umusad ito.
"I just know how to appreciate good-looking guys." Sagot naman niya ngunit pareho silang napatili sa biglang pagpreno ni Becca.
Agad siyang napalabas ng kotse upang tingnan kung may nabangga ba sila.
"Are you ok-" Napahinto si Melissa sa pagtatanong ng bumungad sa kanya ang madilim na mukha ng cameraman na kanilang pinagtutunan ng pansin ni Becca. Ngayo'y kakalat sa daan ang mga bahagi ng camera nito matapos itong umiwas sa sasakyan nila at mabitawan ang camera.
"S-sir..sorry…" SIngit naman ni Becca na bahagya siyang siniko at napakagat sa labi.
Hindi ito nagsalita bagkus ay huminga ng malalim at tumunghay sa kanilang dalawa. Pinagmasdan sila nito mula ulo hanggang paa saka umaliwalas ang mukha nito.
"Well, I guess you did not focus on the road because you're focusing on something else."
Nakapamey-awang nitong wika saka sila binigyan ng makahulugang tingin.
"The truth is, we're looking at you. You're so hot!" Hindi naman napigilang bulalas ni Becca na pinanlakihan niya ng mata.
"Oh really?" Lalo namang lumawak ang ngiti ng lalake sabay sulyap sa kanya na tila hinihintay na sumang-ayon siya.
"Yes. Sorry." Nahihiya rin niyang pag-amin saka kinurot sa tagiliran ang kaibigang si Becca. Alam niyang iyon ang dapat niyang sabihin upang hindi na magalit pa ang lalake dahil sa nangyari sa camera nito.
"Alright. I will not ask you to pay for my camera in one condition- have a lunch with me." Nakangiting ani nito na tumiim ang titig sa kanya.
"S-sure! Kakain na rin sana kami ng lunch ngayon ni Melissa. That's great!" Mabilis naming wika ni Becca saka kumindat sa kanya.
"Melissa?" Natatawa namang tanong na lalake na sumulyap sa kanya.
"Ah, yes. I'm Becca, the driver & the owner of the car. And this is my friend, Melissa." Pakilala nito sa kanya. Agad namang inilahad ng lalake ang palad na kanya niyang tinaggap. Sinalubong niya ang mata nitong may kakaibang kislap.
"I'm Kyel."