Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 6 - Uno

Chapter 6 - Uno

"Ok ka lang, my dear?" Tanong kay Melissa ng lola nito habang nag-aalmusal silang dalawa. Tahimik lang kasi siya habang kumakain. Mugto pa ang mata niya dahil sa magdamag na pag-iyak dahil sa kapatid. Pilit siyang ngunit at tumunghay sa matanda.

"I'm ok, lola. Nag-iisip lang po ako kung paano sisimulan ang Sports Clinic. Nag-presenta po kasi si Becca na pahiramin muna ako ng pang-puhunan." Ani niya na pilit pinatatag ang tinig.

"That's great to hear, apo. Maswerte ka talaga dahil may mabubuti kang kaibigan." Nakangiting ani nito.

"Kaya aalis ako lola ngayon para mag-check ng magandang area na pwede kong i-rent at magpre-prepare po ako ng flyers for advertisement." Pagpapaliwanag niya dito. Nagpatango-tango naman ang matanda.

Pareho pa silang napahinto sa pagkain ng makitang nagmamadaling lumabas sa kwarto nito ang kapatid at halos patakbong lumabas.

"Mark, mag-almusal ka muna!" Sigaw ng matanda ngunit tila bingi itong dire-diretching lumabas.

"Bye, lola. Una na rin po ako." Mabilis na paalam niya sa matanda. Hindi na ito nakapagsalita pa dahil halos takbuhin na rin niya ang palabas ng bahay.

Kita niya ang matulin na pagpapaandar ng motorsiklo nang kapatid. Agad siyang sumakay sa kanyang kotse upang sundan ito.

Panay ang overtake ng motorsiko ng kapatid kaya nahirapan siyang makalapit dito. Lalo pang pinaharurot ng kapatid ang motorsiklo kaya lalo pa itong napalayo sa kanya. Napakunot naman ang noo niya ng i-overtake siya ng mahigit lima pang motorsiklo. Lahat ng magmamaneho nito'y nakasuot ng itim na leather jacket at helmet na tulad ng suot ng kapatid. Patungo rin ang mga ito sa direksyong dinaraan nang kapatid.

"What's going on, kuya?" Nag-aalalang tanong niya sa isip habang mahigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan at mas pinaharurot pa ito upang hindi mawala sa paningin ang motorsiko ng kapatid. Panay na rin ang pag-oovertake niya sa mga sasakyan.

Maya-maya pa ay halos sumabog ang kanyang puso ng makitang naglabas ng mga baril ang limang nakamotorsiklo at pinaulanan ng bala ang kapatid. Kitang-kita niya ang paghandusay ng katawan nito sa daan. Lakat ng sasakyan ay napahinto ay nagtakbuhan lahat ng mga sakay palayo.

Nanginginig ang katawang bumaba siya sa kotse at naghihinang tumakbo palapit sa nakahandusay na kapatid.

"Waaaagggg!!!!" Umiiyak na sigaw niya ng makitang pinagbabaril pa rin ng limang nakahelmet ang katawan ng kapatid kahit tila walang buhay na itong nakahandusay.

Mabilis na muling sumakay sa motorsiklo ang mga ito at umalis.

"Kuya! Kuya…please…don't die!" Humahagulgol niyang ani saka nanginginig ang kamay na inalis ang helmet nito. Tila huminto ang oras para kay Melissa ng sandaling iyon ng makita ang duguang mukha t katawan ng kapatid.

"Mel-lissa…" Nanghihinang pagsasalita nito. "Ba-batok m-mo…" Pagpatuloy nito. Umiiyak at natatarantang mabilis niyang hinawi ang buhok na tumatakip sa kanyang batok at pinakita ito sa naghihingalong kapatid.

Napatango naman ito kasabay ang isang ngiti kahit nangingiwi na ito sa sakit na nararamdaman.

"D-dominic….U-u..uno…"Pagpipilit nitong pagsasalita saka bumulwak ang maraming dugo sa bibig nito kasabay ang tuluyang pagbagsak ng ulo nito sa daan habang nakamulat pa rin ang mga mata.

"Kuya! Kuyaaa!!!!" Sigaw niya ng tuluyan ng bawian ng hininga ang kapatid.

Maya-maya pa ay dumating na ang ambulansya at mga pulis. Agad niya ring tinawagan ang kanyang lola na agad ding sumugod sa ospital. Magkayakap silang humahagulgol sa sinapit ng kapatid.

"Melissa…" Nanlulumong bungad ni Kervy na humahangos ding napasugod sa ospital ng malaman ang nangyari mula sa mga koneksyon nito.

Mahigpit siyang niyakap nito at hinayaan lamang na umiyak siya sa malapad nitong dibdib.

"Everything will be alright, Mel. I asked my dad to talk with the NBI to investigate what happened. They are now starting to work for your brother's case." Pag-aalo nito sa kanya. Nanatili lamang siyang nakasandal sa malapad nitong dibdib habang nakabaon ang mukha sa kanyang mga palad. Tila hindi matatapos ang kanyang pagluha dahil sa sinapit ng kapatid.

"Pinahatid ko na rin muna si Lola Juliana kay Becca para makapagpahinga. Ako na ang bahalang mag-asikaso ng lahat, Melissa." Pagpapatuloy ng lalake habang malungkot na hinihimas ang kanyang likod.

Hindi pa rin magawang makapagsalita ni Melissa. Nakikinig lamang siya sa sinasabi nito habang patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Bumuntong-hinga ng malalim ang lalake saka lalo pang hinigpitang ang pagkakayakap sa kanya na tila ito ang makakapagbigay ng lakas sa kanya.

"Do you want me to take you home, Melissa…or do you want me to take you somewhere else?" Muling tanong sa kanyan ng lalake ng huminto na siya sa pag-iyak. Dahan-dahan siyang bumitiw sa pagkakayakap nito saka pilit na ngumiti at tumunghay sa lalakeng puno ng pag-aalala ang mukha.

"Thanks, Kervy. You're here." Pilit na pinatatag ang tinig na wika niya.

"Ofcourse, Melissa. I am always here." Nakangiti naman nitong ani habang pinupunasan ang luhang muling kumawala sa kanyang mga mata.

"So where will I take you?" Muling tanong nito sa kanya.

Sasagot sana siya ngunit may dalawang lalakeng nakasuot ng black leather jacket ang lumapit sa kanya. Napakurap siya at tila bumalik sa kanyang alaala ang limang nakahelmet na humabol sa kanyang kapatid at pumatay ditto. Nangingig ang katawang napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Kervy. Nilibot din niya ang paningin sa pasilyo ng ospital at pinag-isipan kung paano siya makakatakas.

"Excuse me, Miss Melissa Gracia?" Tanong ng isa sa mga lalake.

"Yes, she is. What can we do for you?" Si Kervy na ang sumagot para sa kanya dahil kita nito ang panginginig ni Melissa.

"We're from NBI. We need to talk to her in private for a moment." Sagot ng isa pa sabay pakita ng badge nito.

Nakahinga naman ng maluwag si Melissa saka hinamig ang sarili.

"I need to come with you also, Sir. Right now, she's in trauma and-

"I'm ok, Kervy. I can do this. I'll come back right away." Pigil niya sa iba pang sasabihin ng lalake. Napabuntong-hinga naman ito saka siya hinatid hanggang sa itim na van ng mga ito kung saan doon siya sandaling kakausapin. Nanatili lamang si Kervy na nakatayo sa harap ng van upang hintayin siya.

Inalalayan siya ng dalawang NBI agents paupo sa likurang bahagi ng van. Ang driver nito at nakaupo din lamang doon at tahimik na hinihintay na mag-umpisa ang pagtatanong ng dalawa.

"Pasensya na po Miss Gracia kung nakaabala kami sa ganitong sitwasyon pero kailangan po namin ang tulong ninyo para mas mapabilis ang pag-iimbestiga namain sa nangyari sa kapatid ninyo." Pambungad na pagsasalita ng lalake sa harapan niya na nasa bandang kaliwa. Napatango naman siya sabay ang malalim na pagbuntong-hinga. Ito ang naging hudyat upang magsimula nang magtanong ang mga ito.

"May napansin po ba kayong kakaiba sa kilos ng inyong kapatid nonng mga nakaraang araw?" Pagsisimulang tanong nito.

"Actually po, meron. Gabi po ay umaalis siya at halos madaling araw na siyang bumabalik. Madalas na may mga pasa po siya at sugat kapag umuuwi." Sagot niya. Nagpatango-tango naman ang kausap habang may sinusulat sa maliit nitong notebook.

"May alam po ba kayong kaaway niya?" Tanong naman ng isa. Napailing naman siya.

"Kayo po ang nakasaksi sa pagpatay sa inyong kapatid, hindi po ba?" Muling tanong nito. Tumango naman siya at napapikit dahil tila ayaw na niyang alalahanin pa ang malagim na nangyari.

"Maari niyo po bang ilarawan ang nangyari?" Pagpapatuloy niyo. Huminga naman muna siya ng malalim bago sumagot.

"May limang nakamotorsiklo na humabol sa kanya. Pinagbabaril siya at-" Gumaragalgal ang kanyang tinig saka muling napaluha.

"Nalapitan niya pa po ba ang inyong kapatid matapos siyang barilin?" Tanong muli ng isa. Tumango naman siya habang umiiyak.

"Buhay pa po ba siya ng mga sandaling iyon habang nakahandusay siya sa daan?" Pagpapatuloy na tanong. Isang tango muli ang kanyang sinagot. Tila nanaghihina kasi siya sa muling pag-alala sa nangyari. Nagkatinginan naman ang dalawang lalake sa kanyang harapan. Maging ang driver ng van na nakikinig lamang ay agad napabaling ang leeg sa kanila.

"Nakausap niyo pa po ba siya?" Muling tanong ng isa. Imbis na sumagot ay tinakpan niya ang muka at patuloy na umiyak.

"Nakausap niyo pa po ba siya? May sinabi po ba siya sa inyo bago siya tuluyang bwian ng buhay?" Pag-uulit na tanong ng lalake.

Tila rumehistro sa isip ni Melissa ang huling sandali kasama ang kapatid.

"Mel-lissa…" Nanghihinang pagsasalita nito. "Ba-batok m-mo…" Pagpatuloy nito. Umiiyak at natatarantang mabilis niyang hinawi ang buhok na tumatakip sa kanyang batok at pinakita ito sa naghihingalong kapatid.

Napatango naman ito kasabay ang isang ngiti kahit nangingiwi na ito sa sakit na nararamdaman.\

"D-dominic….U-u..uno…"Pagpipilit nitong pagsasalita saka bumulwak ang maraming dugo sa bibig nito kasabay ang tuluyang pagbagsak ng ulo nito sa daan habang nakamulat pa rin ang mga mata.

"Kuya! Kuyaaa!!!!" Sigaw niya ng tuluyan ng bawian ng hininga ang kapatid.

"Miss Gracia? May nasabi pa po ba siya sa inyo?" Pangungulit ng dalawang NBI agent sa kanya.

"Me-meron." Sagot naman niya sa pagitan ng paghikbi.

Katahimikan ang namayani sa loob ng van. Ang pag-iyak na lamang ni Melissa ang maririnig. Maya-maya ay nag-angat siya ng paningin ng maramdamang umaandar na ang van.

Nanlaki ang mata niya biglang takpan ng panyo ang kanyang bibig ng isa sa mga lalakeng kaharap kasabay ang isang nakakasulasok na amoy. Huli na para makasigaw dahil kasabay ng paglanghap niya sa amoy na iyon ay ang panlalamig ng kanyang katawan at pagdidilim ng kanyang paningin.