Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 7 - Safe

Chapter 7 - Safe

Napabalikwas ng bangon si Melissa. Agad niyang inilibot ang pangin sa kinaroroonan.

"Apo!" Nag-aalalalang ani ng matanda na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Nasapo niya ang ulo sa matinding kirot na nararamdaman.

"Nawalan ka daw ng malay matapos kang interviewihin ng NBI. Hinatid ka ni Kervy dito." Pagpapaliwanag ng matanda na tila nabasa ang katanungan sa kanyang mga mata.

"Hindi! Hindi iyon ang nangyari!" Babala ng utak ni Melissa sapagkat malinaw pa sa kanyang isipan kung paanong tinakpan ng dalawang NBI agent ang kanyang bibig ng isang panyo bago niya naramdaman ang panghihina.

"Ipagluto muna kita ng sopas, apo, para mainitan ang sikmura mo. Mamaya ay pupunta na tayo sa Funeraria Han." Malungkot na wika nito saka hinimas ang kanyang pisngi at iniwan siya sa silid.

Muli niyang sinapo ang ulo saka kinuha ang cellphone at nag-dial.

"Kervy…" Naghihina niyang bungad sa lalake ng sagutin nito ang tawag nito.

"Melissa, ok ka na ba? I am too worried-

"What happened?" Putol niya sa iba pang sasabihin nito.

"I waited sa tapat ng van. Umalis kayo sandali. Pagbalik ng NBI wala ka ng malay. Dahil daw sa kakaiyak mo.Then, I drove you home." Pagsasalaysay nito. Napapikit naman siya.

"Are you ok now, Melissa?" Nag-aalala nitong tanong. Napabuntong-hinga naman siya.

"Y-yes. Thanks, Kervy." Ani niya saka muling ipinatong ang cellphone sa maliit na mesa sa tabi ng kanyang kama.

Matapos maghilamos at mag-ayos ng sarili ay nagtungo na siya sa kusina kung saan abala ng kanyang lola na nagluluto.

Napakunot ang noo niya ng mahagip ng paningin ang tila malaking peklat sa batok nito.

"Napano ang batok mo, la?" Tanong niya dito. Agad namang inayos ng matanda ang buhok nito bago siya sinagot.

"Alam mo kung bakit, apo." Malungkot nitong wika saka pilit siyang nginitan ng iaabot nito ang bowl ng sopas sa kanyang harapan.

"I experienced severe burns all over my body, apo. Hindi lang diyan ang peklat ko…almost all over my body." Pagpapatuloy nito saka naupo sa tabi niya.

Tama. Pati rin siya ay may mga peklat sa likod dahil sa sunog ng siya ay bata pa- sunog na pumatay sa kanilang buong pamilya maliban sa kanya, sa kuya niya, at sa Lola Juliana niya. Ngayon ay dalawa na lamang silang magkasama. At sa mga susunod pang taon ay magiging mag-isa na siya. Hindi man niya hilinging mamatay ang kanyang lola, ngunit ang kulubot nitong mga balat, ang mabagl na nitong pagkilos, at ang madalas nitong pagkakasakit ay nagbabadya na hindi na rin ito magtatagal.

"When you left, apo…Mark has changed. Halos hindi na umuuwi. Kung uuwi man ay laging bugbog sarado. Masakit man ay minsan ipinagdadasal ko na matahimik na ang kanyang buhay. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon mawawala ang kuya mo…" Gumagaralgal na wika ng matanda sa pagitan ng pagsubo sa sopas. Nagsimula na ring mangilid ang luha sa mga mata ani Melissa.

"I know mas masakit sa'yo ang nangyari sa kuya mo lalo na you're there when he was dying." Umiiyak na wika nito kaya siya ay napaluha na rin.

"Lola…" Pag-aalo niya sa matanda.

"Did he tell you something, apo? Did he tell you his last wish? It's too late for that…my poor Mark." Ani ng matanda kasabay ang paghagulgol.

"Dominic, uno." Malungkot na sagot niya sa matanda. Dahan-dahan namang sinalubong nangluhaang mata nito ang kanyang magandang mukha. Napakunot ang noo ng matanda habang pinapahid ang luha nito.

"Dominic, uno. 'Yan ang huling sinabi ni kuya sa akin, lola." Pag-uulit niya saka malungkot na pinahid ang luha ng matanda.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni kuya pero tingin ko, lola, malaki ang kinalaman noon sa pagkamatay niya." Pagpapatuloy niya.

"Sinabi mo ba sa mga NBI agent ang tungkol doon, apo?" Tanong nito.

"Hindi po, lola. Sa tingin niyo po ba, dapat kong sabihin?" Tanong niya dito. Huminga namn ng malalim ang matanda.

"Hindi ko alam, apo. Kung ako ang tatanungin mo, ayaw kong makealam ka sa buhay na pinasok ng kapatid mo. Baka ganun din ang mangyari sa'yo, apo. Pag napahamak ka, hindi ko na alam ang gagawin ko." Malungkot na wika nito.

"Hayaan na lamang natin ang batas…ang NBI..ang awtoridad na kumilos, apo. I want you to be safe." Wika nito saka siya niyakap ng mahigpit.