Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 4 - Agent One

Chapter 4 - Agent One

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid.

"Your folder contains the information we've got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he's dead but a source confirmed he's still alive and still working on something. That's why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he's dead." Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya'y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig.

"Yes, Agent 15?" Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay.

"Why do you need us all in this case, Michael?" Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo.

"Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay." Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat.

"Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael." Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One." Sagot ng lalake na ikinatahimik ng marami.

"Hanz Krist, The Greatest Heights Founder…John Mitch, Gary Viles, Froilan Cruz, and Larry Grey, our former directors…and all The Greatest Heights colonels, generals, lieutenants, and agents who existed during the time of Agent One- THEY ARE ALL MURDERED." Pagpapatuloy na pagpapaliwanag ni Michael.

"So it's back to zero. That's why I need all of you to work together. Bawat isa sa inyo ay binigyan ko ng folder na naglalaman ng kasong hinawakan ni Agent One. I need you to review it and reinvestigate. Through that, we could possibly trace him. If not, then it means it's the end of The Greatest Heights…and all of us. That's why this is our top priority right now."

Napatango naman ang lahat. Matapos ang meeting ay lumabas na ang lahat sa conference room maliban kay Michael na nanatiling nakatayo sa harap at ang isa pang agent na nagpaiwan sa loob.

"Agent One…" Ani ni Michael na hinarap ang agent na nasa 30s pa lang na nakapamulsa sa harapan niya.

"I think this should be my job, Michael. I became Agent One without knowing that other Agent One is still there, alive." Tiim ang bagang na wika nito. Napabuntong-hininga naman ang kausap.

"Like what I've told you, this not our fault-

"Ofcourse, this is all our faults!" Putol ng lalake sa iba pang sasabihin ni Michael. Ang boses nito ay yumanig sa buong silid.

"Kyel…" Malalim ang paghingang pabulong na wika ni Michael.

"Telling us that there is still another Agent One…then who am I right now? Alam mong hindi pwedeng magkaroon ng dalawang hari sa iisang trono, Michael." May pait sa tinig ni Kyel. Ang numero uno kasi ay nangangahulugan na siya ang pinakamagaling na agent sa lahat. Ito ay nagpapakita na siya'y higit sa lahat at nagunguna sa lahat ng aspeto ng pagiging isang secret agent.

"Just help us, Kyel. Once we found him, then dun ko palang kayang masagot lahat ng tanong mo." Sagot nito saka siya iniwan sa loob ng silid.

Nakuyom naman ni Kyel ang mga kamao. Ang salita kasing binitiwan ng kausap ay nangangahulugang kailangan niyang patunayan na siya ang karapat-dapat sa numerong ibinigay sa kanya.

Matapos lumabas sa conference room ay dumiretcho na siyang sumakay sa itim na kotse na minamaneho ni Agent Three. Katabi nito si Agent Two na abalang nagte-text.

"We never thought na ikaw pala ng agenda natin kanina, Agent One?" May langkap na pang-aasar na ani ni Agent Two ng pumwesto siya sa likod.

"It means magmu-move ba ang number natin kapag nahanap natin ang totoong Agent One?" Dagdag naman ni Agent Three kasabay ang isang mapang-asar na halakhak.

"That's a big problem, Marcus dahil never naging number two si Kyel sa anumang aspeto. Finding that 'Agent One' means war." Natatawang ani ni Agent Two saka pinaandar ang kotse.

"Pwede bang tigilan niyo akong dalawa, Allen. Let's go back to work." Pagputol niya sa pang-aasar ng dalawa. Natatawa naman ang mga itong ipinukol na lamang ang atensyon sa dinaraanan.

Huminga naman siya ng malalim saka binuklat ang folder na hawak at sinimulang basahin ang nilalaman noon. Tinitingnan naman siya ng dalawang kasama mula sa salamin sa harap.

"When I browsed the folder, there are almost 346 cases handled by Agent One before he was declared dead. So where are we going to start?" Tanong ni Marcus na tumunghay sa kanya mula sa likuran. Sumulyap lamang si Kyel dito saka muling ibinalik ang atenson sa bawat pahina ng makapal na papel sa loob ng folder na kanyang ini-scan.

"It's better to start from the very beginning, Marcus. Sabi nga ni Commander Michael kanina, 'back to zero'." Sagot naman ni Allen habang nagmamaneho.

"Kung gagawin natin 'yan, baka patay na tayong lahat at buong pamilya natin bago pa natin mahanap ang taong 'yun." Seryosong ani ni Kyel.

"So what's the plan, Agent One?" Panunudyo ni Marcus na muling tumunghay sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago ito sinulyapan.

"We will focus on the unsolved cases he handled." Matatag niyang sagot saka muling itinuon ang pansin sa pahina kung saan nakadikit ang isang news clip na nakasulat ang malaking salitang…

MENDES MASSACRE.