NATIGILAN si Maki pagpasok niya sa pamilyar na malaking music room ng kanyang ama. Nasa gitna ang grand piano.
Nagtatakang napatingin siya rito. Bakit siya nito dinala roon? "Papa?"
"I heard from Rob that you are doing an album of classical piano pieces. You've been a rock star for long. Can you still play the piano? Kasinggaling ka pa rin ba ng dati?"
Napalunok siya. Iyon din ang tanong niya sa kanyang sarili.
"Play," utos nito habang itinuturo ang piano. "Tingnan natin kung kaya mo pa. Hindi mo gustong ipahiya si Rob, hindi ba?"
Dahan-dahang humakbang siya patungo sa magandang piano. Her fingers gingerly touched the keys. Napapangiting umupo siya sa stool. She missed the piano. She missed playing it.
She started playing a Schubert piece. Lumapad nang lumapad ang ngiti niya habang tumutugtog. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama. She was happy. She felt like she was reunited to her first love.
Napatingin siya sa kanyang ama nang matapos siya. He looked like he was in awe. Naalala niya ang unang pagkakataong nadiskubre nito ang talento niya sa pagtugtog ng piano. Ganoon na ganoon ang hitsura nito noon.
He composed his face. "It's a bit sloppy but it's still amazing," anito sa malamig na tinig. But she saw his eyes were burning. "Do it again. Relax your shoulders. You're too stiff."
Ginawa nga uli niya. Sinikap niyang huwag masyadong magkamali sa pagtugtog. Pakiramdam niya ay nagbalik siya sa nakaraan.
"Better," anito nang matapos siya.
"Papa, na-miss po kita," sabi niya.
"Gawin mo ang lahat upang maging maayos ang kalalabasan ng album mo. You are a great pianist, Kirsten. Sana mapagtanto mo na dito talaga ang lugar mo."
Natilihan siya sa sinabi nito. Nagbaba siya ng tingin pagkatapos.
"Maraming panahon na ang sinayang mo. Huwag mong sayangin ang talento mo. Madalang na ang mga katulad mo. Kung hindi mo napasok ang pagiging miyembro ng banda, nasa Europa ka na sana ngayon. Makinang na makinang na sana ang bituin mo roon."
Bago pa man siya makasagot ay nakalapit na sa kanila si John Robert. Ngumiti ito nang masuyo sa kanya. "You are great as usual," anito habang inaabot ang kamay niya.
"Napanood mo?"
Tumango ito. "Ihahatid na kita pauwi. Gabi na masyado. May guesting kayo bukas sa isang morning show, hindi ba? Uncle, mauuna na po kami," magalang na paalam nito sa kanyang ama.
Napatingin siya sa kanyang ama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap na hindi iyon ang nais niyang maging buhay. Masaya siya tuwing tumutugtog ng piano. She wanted to keep that happiness pure. Ayaw niyang haluan ng hangarin niyang maging sikat na pianista sa buong mundo. Ang importante naman ay nakakatugtog siya, hindi ba? Ang importante ay masaya siya. She wanted to enjoy the music in the purest kind of way.
Inakay siya ni John Robert palabas ng silid. Hindi pa man sila tuluyang nakakalabas ay tinawag ito ng kanyang ama.
"Thank you for bringing her back," anito.
Nagtatakang napatingin siya kay John Robert. Hindi niya maintindihan kung bakit nagpapasalamat dito ang kanyang ama. Pakiramdam niya ay may malalim na dahilan ang pasasalamat na iyon.
Tumango lamang si John Robert at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang nasa sasakyan na sila ay nagtanong siya rito.
"Bakit nagpapasalamat sa `yo si Papa? 'Thank you for bringing her back?' What does that mean?"
Nagkibit-balikat ito. "Maybe, he was just thankful to see you again. Pakiramdam niya siguro ay nagbalik ka sa kanya. Maybe he's just so happy to see you. Ayaw lang niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya."
"Talaga? You really think so?" aniya sa mas masiglang tinig. Her father was happy to see her.
Pinisil nito ang ilong niya at hinila siya patungo rito.
"Aray," reklamo niya habang inaalis ang kamay nito sa ilong niya. Natigilan siya nang mapansin niyang malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya.
Before she could breathe another word, his lips were already on hers. Matagal siyang hinagkan nito. Nang tila mapupugto na ang kanyang hininga ay pinakawalan nito ang mga labi niya. He cupped her face with his hands. Pinagdikit nito ang mga noo nila. They were both catching their breath. She could smell his sweet breath and she felt a strong urge to kiss him again.
"That's for being always lovely, rock star princess slash piano girl."
She just smiled at him.
MASIGLANG-MASIGLA si Maki sa unang araw ng recording ng solo album niya. Siya mismo ang namili ng mga classical piano pieces na gagamitin niya. May dalawang orihinal na piyesa siyang gagamitin. Ang isa ay nilikha ni Nanay Eliza na magaling din sa piano, ang isa ay nilikha niya.
Noong una ay ayaw niyang ipagamit ang piyesang iyon ngunit nagpumilit si John Robert. Ang sabi nito ay maganda raw iyon at sayang naman kung hindi maririnig ng mga tao. Matagal na sa kanya ang komposisyon na iyon. Nabuo iyon noong mga panahong hindi niya alam kung paano i-express ang kanyang sarili. The piece was a bit sad.
Kaagad na nakita niya sa studio si John Robert. Tila sinisiguro nitong maayos ang lahat para sa kanya. Nginitian siya nito nang makita siya. Lumapit ito at masuyong hinagkan ang kanyang noo.
"Ready?" masiglang tanong nito.
Tumango siya.
"You will do great. You always do." He dropped another kiss on the top of her head. "Mesmerize them."
Nag-umpisa na nga siya. Praktisado na niya ang mga piyesa sa bahay kaya hindi na siya nahirapan. Napatingin siya kay John Robert habang nagre-record siya. His eyes were burning like the way her father's eyes burned when he saw her play again. He looked so proud of her. Ang mga humahangang mga mata nito ay hindi humihiwalay ng tingin sa kanya. Lalo niyang pinag-igihan ang pagtugtog.
She wanted to make him happy.
Nasa kalagitnaan na siya ng recording nang makita niyang pumasok doon ang kanyang ama.
UMUPO si Maki sa isang upuan sa terrace ng building ng Sounds. Ibinuka-sara niya ang kanyang mga kamay. Nananakit ang mga iyon. Umaakyat pa iyon patungo sa mga braso niya. Apat na sunod-sunod na araw na siyang nagre-record.
Tumutulong ang kanyang ama sa album. He wanted everything perfect. Kahit na napakaliit na pagkakamali niya ay napupuna nito. Pati sa mga ensayo niya ay kasa-kasama niya ito. Pagod na pagod ang mga kamay niya dahil sa pagiging istrikto ng kanyang ama. Wala naman siyang karapatang magreklamo dahil ginusto niya iyon.
"`You okay?"
Nilingon niya si John Robert na siyang nagsalita at nginitian ito. "Bakit naman ako hindi magiging okay?" tugon niya.
Umupo ito sa tabi niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya at hinilut-hilot iyon.
Nakaramdam siya ng ginhawa. "Salamat," aniya.
"Uncle Juan is being so hard on you. Halos wala ka nang pahinga. Hindi naman minamadali ang album. Gusto kong igiit na hinay-hinay lang pero parang ayaw niyang makinig. Gusto ko tuloy pagsisihan na ginawa ko siyang consultant. You've been playing nonstop for hours." Isinunod nitong masahehin ang isang kamay niya.
"Ganoon talaga siya. Gusto niya, malinis na malinis. But I'm okay," she assured him.
"Alam ko, masakit na masakit na `tong mga kamay mo."
"Sumasakit din ang mga iyan kapag tumutugtog ako ng gitara. Napapagod at napapaos din ang boses ko kapag kumakanta ako nang matagal. Napupuyat ako sa mga gigs. Pain is part of it. Gusto lang ni Papa na maging maganda ang kalabasan ng album."
"This is like a dream come true for him, you know."
Bumuntong-hininga siya. "I know." Alam niyang isa iyon sa mga pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Nais nitong makita ng lahat kung gaano siya kagaling na pianista. Nais nitong hangaan siya ng lahat ng mga tao. Nais nitong tahakin niya ang kaparehong landas na tinahak nito.
Hinalik-halikan nito ang mga kamay niya. "I love you so much."
Nanigas siya sa kanyang narinig mula rito. Sa sobrang pagod na ba niya ay kung ano-ano na ang kanyang naririnig?
Tumingin ito sa mga mata niya. "I love you."
"Rob?"
"Ba't parang nagulat ka? Hindi mo ba alam `yon? Ang girlfriend ko talaga. `Lika nga rito." Hinila siya nito at ikinulong sa mga bisig nito.
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Naluluha na siya sa sobrang kaligayahan. He loved her. Parang nawala ang pananakit ng mga kamay niya dahil doon.
He kissed her temple. "I want you to be always happy, Kirsten. Your happiness would always be my first priority. Kung ayaw mo nang ituloy ito, sabihin mo lang. Tatandaan mo lang lagi na hindi kita pipilitin sa mga bagay na hindi mo gustong gawin."
"Para kang sira. Bakit ko naman hindi itutuloy `to? Mahal ko ang piano at masaya akong tumutugtog. Mawawala rin ang pananakit ng kamay ko. I'm happy, believe me. Hindi ba, ang pagiging piano girl ko ang nagpabighani sa `yo? I want to be your piano girl."
"So you love me, too?"
Tiningala niya ito at nginitian. "Yes. I love you, too. So much."
Biglang nagliwanag ang buong mukha nito. Dinampian nito ng halik ang mga labi niya. Walang makakasukat ng kaligayahang nadarama niya nang mga sandaling iyon.
All was well in her life. Kontentong-kontento na siya.
"MISSED na kita, bunso."
Natawa si Maki sa sinabi ni TQ. Nasa recreation room silang apat at may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan—si Clinton sa pagkalabit ng gitara sa isang sulok; si David sa pagbabasa; at sila ni TQ sa panonood ng telebisyon.
"Tatawa-tawa ka riyan. Totoo. Ilang araw ka na naming hindi nakakasama. Busy ka masyado sa solo album mo. Kapag may gig tayo, `di naman tayo gaanong nag-uusap. Kapag libre ka naman, si Boss John Robert ang lagi mong kasama. Mahal mo pa ba kami?"
Lalo siyang natawa. "You are being silly. Parang ilang araw lang akong busy."
Inakbayan siya nito. "Malamang na hindi mo kami nami-miss. Kasama mo ba naman lagi ang papa mo at si John Robert. Masaya ka ba, bunso?"
"Super. Ang sarap magmahal."
"Hmp! Hindi na `ko magtataka kung isa sa mga araw na ito ay iiwan mo na kami."
Mariing pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. "Lalo kang nagiging engot sa mga pinagsasasabi mo. Hindi ba, nangako ako na hindi ko iiwan ang Stray Puppies hanggang sa mag-retire tayo?"
Umupo sa tabi niya si Clinton. Si David ay umupo naman sa tabi ni TQ.
Ginulo ni Clinton ang buhok niya. "Kung mare-realize mong mas gusto mong maging pianista kaysa maging rakista, okay lang sa `min. Kung saan ka masaya, doon ka. Huwag mo kaming intindihin."
"Paano kayo?" tanong niya sa maliit na tinig.
"Anong paano kami?" sabi ni TQ sa mataas na tinig. "Huwag mong sabihing ikokonsidera mo talaga ang sinabi ni Clinton? Kung okay sa kanila, sa akin, hindi."
Binatukan ito ni David. "Huwag mong pansinin ang unggoy na ito. Hindi niya alam ang sinasabi niya. Tama si Clint. Huwag mo kaming alalahanin. Maraming pakalat-kalat diyan na asong-kalye na puwedeng pumalit sa `yo. Ang mahalaga, masaya ka sa ginagawa mo, sa kinaroroonan mo. You're a great pianist."
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. "Pero masaya ako rito."
"Di dito ka lang," sabad ni TQ. Muli itong nakatikim ng batok mula kay David. Sa pagkakataong iyon ay gumanti na ito.
"I know deep in your heart, you know that Rob wants a pianist wife," sabi ni Clinton. "Masaya ka nga sa `min pero mas sasaya ka kapag naging asawa ka na ni Rob."
Totoo iyon. Hindi naman niya gagawin ang album kung hindi sa ikasisiya ni John Robert. Ganoon niya ito kamahal. Ngunit aabot ba iyon sa puntong iiwan niya ang banda niya upang maging pianista para sa ikaliligaya ni John Robert?
"I hate Boss Rob now," ani TQ habang nakanguso. "Bubuwagin niya ang magandang grupo natin."
"Ayoko kayong iwan," aniya sa mga ito. "Rob would also love a rock star for a wife."
"Sana nga," sabay-sabay na sabi ng mga ito.
John Robert loved her. Ang sabi nito, magiging una sa mga priorities nito ang kaligayahan niya. Hahayaan nitong magbanda siya. Hindi siya nito pipiliting iwan ang grupong mahal na mahal niya. He would definitely support her on that.