"ARE YOU sick, Rob?"
Tumingin si John Robert kay Jillian. Nagtatakang nakatingin din ito sa kanya, pati ang fiancé nito at kaibigan niyang si Enteng ay nagtatakang nakatingin sa kanya.
"Don't mind me. Go on," sabi niya sa mga ito. Gamit ng mga ito ang opisina niya sa pagpaplano ng silent wedding ng mga ito. Both were in demand celebrities in the country. Sa magulong mundo ng show business, nahanap ng mga ito ang isang wagas na pag-iibigan.
Kasama nila sa opisina ang wedding coordinator ng mga ito. Everything about the wedding was kept in secret. The pair wanted a private and solemn wedding. Ipapaalam din ng mga ito sa publiko ang pag-iisang dibdib ng mga ito, ngunit pagkatapos na ng selebrasyon. Nais daw ng mga itong maging normal na ikakasal kahit sandali lamang. Ayaw ng mga ito na pagpiyestahan ang kasal ng mga ito.
He was happy the two ended up together. Inggit na inggit siya sa mga ito. Sana ay katulad niya ang mga ito na masaya.
Napabuntong-hininga siya. Wala sa loob na binuksan niya ang kanyang drawer at kinuha mula roon ang isang kahita. Binuksan niya iyon at pinagmasdan ang kumikinang na bato ng singsing sa loob.
Ilang araw na niyang hindi nakikita si Kirsten. Ilang araw na siyang nangungulila rito. Para na nga siyang mababaliw. Nais niya itong kausapin ngunit pinipigil niya ang kanyang sarili. Napagdesisyunan niyang bigyan muna ito ng kaunting space. Kapag medyo humupa na ang galit nito ay saka niya ito muling kakausapin. Magpapaliwanag siya rito nang husto, ipapaintindi niya rito ang naging mga plano niya. Gagawin niya ang lahat para maniwala ito na hindi naman niya talaga balak na ituloy ang pagbuwag sa Stray Puppies. Hindi niya maaatim na gawin iyon, lalo na at alam niyang mahal na mahal nito ang banda nito at masaya ito sa pagiging miyembro niyon. Hihingi siya ng paumanhin sa mga inisyal na plano niya, sa pagpayag niya sa kagustuhan ng ama nito.
Aaminin niyang nagkamali siya. Aaminin niyang hindi niya isinaalang-alang noon ang nararamdaman nito. Mas inisip niya ang pansarili niyang kaligayahan tuwing nakikita niya itong tumutugtog ng piano. Hindi niya inalam kung masaya ba ito sa ginagawa nito.
He would do everything to win her back. Kung kinakailangan niyang lumuhod sa harap nito at magmakaawa araw-araw, gagawin niya. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito nang tuluyan sa kanya. Mahal na mahal niya ito.
Hinaplos ng mga daliri niya ang magandang singsing. Sa sandaling makamit na niya ang kapatawaran nito ay yayayain na niya itong magpakasal. Hindi na niya ito pakakawalan.
Things would be better between them. Magiging masaya rin sila katulad nina Jillian at Enteng.
Nagpapaalam na ang mga kaibigan niya nang biglang pumasok sa opisina niya sina Clinton, David, at TQ. Halatang galit ang mga ito.
Sinugod siya ni TQ. Alam niyang sasaktan siya nito ngunit hindi siya umiwas. Sapol na sapol ang pisngi niya sa suntok na pinakawalan nito. Napangiwi siya sa sakit at muntik na siyang bumagsak sa sahig.
Napatili sina Jillian at ang babaeng wedding coordinator. Kaagad na lumapit si Enteng sa kanya. Inagapan niya ang braso nito. Uupakan pa sana siya ni TQ ngunit pinigil na ito nina Clinton at David.
"Sana sinabi mo na lang sa amin mula sa umpisa ang gusto mong mangyari," mahinahong sabi sa kanya ni Clinton ngunit may nakapaloob na galit sa tinig. "Hindi naman kami maramot. Iyon ang kaibahan namin sa inyo. Hindi namin ikinukulong si Maki. Hinahayaan lang namin siya sa mga gusto niyang gawin. Hindi mo kasi alam ang totoong kahulugan ng grupo."
"Sana maniwala kayo sa akin na hindi ko kayo sisirain. Inaamin ko naman na pinlano ko iyon sa simula, pero hindi ko naman itutuloy. I realized my mistakes. I saw how happy she is with you, guys. I love her and I always want her happiness."
Nakita niyang nabawasan ang galit ng mga ito sa sinabi niya.
"Sana nga ay nagsasabi ka ng totoo, Rob," ani David. "We went through a lot already. Hindi kami basta-basta masisira ninuman. Pero nasasaktan mo si Maki dahil naniniwala siyang hindi mo siya totoong minahal. Na palabas lamang ang lahat. She loves you so much, you know."
Nasasaktan siya sa kaalamang nasasaktan niya nang husto si Kirsten. He would make up to her. Kailangan na talaga niyang ayusin ang lahat.
"`Everything okay?" tanong sa kanila ni Enteng.
"Ayusin mo `to, Rob," wika ni TQ. "Kahit labag sa loob ko, bibigyan pa kita ng isa pang tsansa. Kung hindi ko lang alam na mahal na mahal ka niya, ilalayo ko na siya sa `yo. Sana nga ay nagsasabi ka ng totoo."
Sinalubong niya ang mga mata nito. Rage was still burning in TQ's eyes. He realized it then, TQ was in love with Kirsten. Nagkaroon ng matinding takot sa dibdib niya. Kung hindi niya maaayos ang lahat, baka mawala nang tuluyan si Kirsten sa kanya.
SINADYA ni John Robert si Uncle Juan sa bahay ng mga ito nang araw na iyon. Nais niyang maliwanagan ito. Kapag naliwanagan na ito, hihingin niya ang tulong nito upang maayos niya ang relasyon nila ni Kirsten.
Dumeretso siya sa music room.
Napangiti ito nang makita siya. "Hello, Rob," masayang bati nito.
Walang salitang iniabot niya rito ang isang CD case na naglalaman ng isang DVD. It was the DVD special that was included in the Stray Puppies' album. Iyon ang nagpabago ng mga plano niya. Sana ay iyon din ang magpabago sa pananaw ni Uncle Juan. He was hoping he would let Kirsten go after watching it.
"What is this?" nagtatakang tanong nito.
"Watch it, Uncle. Malalaman mo kung bakit mas gusto ni Kirsten ang magbanda kaysa maging pianista." Tinalikuran na niya ito pagkatapos.
Si Tatay Eustace ang nagbigay sa kanya ng mga home videos ng Stray Puppies. Nagpasya siyang isama iyon sa album ng mga ito. Naroon ang mga kulitan ng grupo tuwing nasa bahay lang ang mga ito at hindi nakikita ng publiko. It was fun watching them. They were like typical kids goofing around.
Doon niya narinig ang malutong na tawa ni Kirsten. Ang sarap-sarap pakinggan ng tawa nito. Parang walang kasinsaya ito. Kahit sa mga rehearsals ng banda ay makikitang maligayang-maligaya ito. Napagtanto niyang mali na alisin ito sa lugar kung saan ito masaya.
Malapit na siya sa gate nang makita niya si Kristina. Bumuntong-hininga siya. "I love her, Kristina. I love her so much. Alam mong gusto ko na siya kahit noon pa."
"Ako ang gusto mo," giit nito.
"Noon iyon. I thought we're friends? Paano mo nagawang magsinungaling kay Kirsten?"
"Nagsinungaling ba ako? Hindi naman, ah. Nagsabi lang ako ng totoo."
Naihilamos niya ang kanyang kamay sa mukha niya. Iniwan na niya ito roon bago pa siya tuluyang mainis dito. Kasalanan din siguro niya kung bakit ito umaakto nang ganoon. Nagpakita siya ng interes dito noon. Totoo naman kasing nagkagusto siya rito. Siguro, nawala ang interes niya rito nang mapansin niyang interesado rin ito sa kanya. Nawala ang challenge. Then he saw her sister Kirsten. Nabaling ang lahat ng interes niya rito noon sa kapatid nito.
Madalas siyang dumadalaw rito dahil nais niyang makita si Kirsten. Hindi niya alam kung bakit pagdating kay Kirsten ay natotorpe siya. Hindi niya magawang lumapit dito nang husto. Siguro, noon pa man ay minahal na niya si Kirsten. Kaya nga apektadong-apektado siya nang umalis ito.
Sa mga nakalipas na taon, nagpatuloy ang pagiging magkaibigan nila ni Kristina. Alam niya sa kaibuturan ng puso niya na hindi lang kaibigan ang tingin nito sa kanya. He just let her. Dapat ay nilinaw na niya noon pa ang estado nila. Hindi na sana nagulo ang lahat ngayon.
PARANG walang gana si Maki habang patungo sila sa rehearsal sa isang concert venue. May gaganaping malaking benefit concert para sa mga street children at isa ang banda nila sa mga musikerong naimbitahang magtanghal.
Mula nang hindi na sila nagkikita ni John Robert ay palagi na lang siyang walang gana. Nais na niya itong makita. Missed na missed na niya ito. Ngunit nangingibabaw pa rin ang sakit sa dibdib niya. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya dahil hindi siya totoong minahal nito.
Nasa final stage na ang solo album niya. Hindi magtatagal ay lalabas na iyon sa merkado. She was not excited about it. The album would always remind her that it was part of John Robert's plan to ruin Stray Puppies.
"How are you feeling?" tanong ni Clinton na katabi niya sa upuan ng van.
"Okay," malamyang sagot niya.
"You don't look okay. Are you worried about your father?"
Bumuntong-hininga lamang siya bilang sagot. Makikita niya ang kanyang ama mamaya. Magka-karoon sila ng number na magkasama. Tutugtog sila ng piano sa stage. Nagkaroon na ng press release na maglalabas siya ng album ng mga classical piano pieces. Marami rin ang hindi nakakaalam na anak siya ng isang sikat at magaling na pianista. Kasama sa promotion ng album niya ang number nila sa concert.
Nagulat siya nang unang ipaalam sa kanya ang bagay na iyon. Nais niyang tumanggi ngunit pakiramdam niya ay babastusin niya ang kanyang ama kung gagawin niya iyon. Kahit may sama siya ng loob dito, ama pa rin niya ito.
Pagdating sa concert venue ay binati niya ang mga taong kakilala niya. Maraming mga banda ang imbitado. Ang mga kasama niyang lalaki ay nakipagkuwentuhan sa mga ibang banda habang naghihintay ng oras nila ng ensayo sa stage.
Umupo siya sa audience at nakinood sa kasalukuyang nag-eensayo. Natigilan siya nang makita si John Robert sa di-kalayuan. Ang akala niya ay lalapitan siya nito ngunit ngumiti lamang ito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. Lalo yata siyang nangulila rito.
Hindi nagtagal ay tinawag na sila upang sila na ang sumunod sa entablado. Kahit walang gana ay pinilit niyang paghusayin ang pagkanta. Sinikap niyang iiwas ang tingin niya kay John Robert dahil baka masira ang concentration niya.
Naging maayos naman ang ensayo nila. Bitbit ang kanyang gitara ay bumaba siya ng stage. Hindi na siya lumayo dahil siya pa rin ang susunod na mag-eensayo, kasama ang kanyang ama. Ihahanda lang ang mga piano na gagamitin nila.
Natigilan siya nang makitang palapit sa kanya ang kanyang ama. Umupo siya sa harap. Tumabi ito sa kanya. Kinabahan siya na hindi niya mawari.
"I guess I've been selfish, huh?" anito sa kanya.
Nilingon niya ito.
"I am sorry, anak. Patawarin mo ang papa sa pagiging makasarili niya. Hindi ko nakitang hindi ka na masaya. Puro sarili ko lang ang inisip ko. Unang pagkakataon kitang napanood na tumutugtog at kumakanta. Finally, I am able to see how great you are as a rock star. You are simply amazing. Nakita iyon ng lahat ng tao pero ako na ama mo ay hindi."
Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Nais niyang magpasalamat dito ngunit hindi niya magawang magsalita.
He ruffled her hair. "It was my plan, not Rob's. I want you back so badly. Hindi dahil gusto kong tuparin mo ang mga pangarap ko sa `yo. I want you back because a father wants his daughter back. Huwag kang masyadong magalit kay Rob. You've captivated him since the first time he saw you play the piano. Maraming ulit ko siyang nahuli na lihim kang pinanonood. Ginamit ko siya dahil alam kong gusto ka rin niyang bumalik. Hindi niya nais ikulong ka sa pagiging pianista, nais lang niyang lagi kang nakakasama, nakikita. He's a good man and I know from the very beginning that he would not ruin Stray Puppies.
"Mahal na mahal ka namin, anak. Hindi ko madalas sabihin at ipakita, pero mahal na mahal kita. Anak kita, eh. Mahal ka ni Rob bilang ikaw. Mahal niya ang buong pagkatao mo, maging pianista o rakista ka man. Forgive us, anak."
Sunod-sunod ang naging patak ng kanyang mga luha. Pigil-pigil niya ang kanyang sarili na mapahagulhol. Niyakap siya nito. "I love you, too, Papa. I love you so much."
He patted her head. "Tahan na. May rehearsal pa tayo. Give your best shot."
Kumawala siya rito. Luminga-linga siya sa paligid. Hinahanap ng kanyang mga mata si John Robert. "Si Rob po?" She felt awfully guilty for not hearing him out. Hindi niya ito pinaniwalaan. Inulit-ulit nito sa kanya na sa una lamang ang plano nitong iyon. Hindi naman daw nito itutuloy. He truly and really loved her.
"Mamaya mo na siya hanapin. Tinatawag na tayo. Nasa paligid lang siya. Hindi siya mawawala."
Wala na siyang nagawa kundi ang umakyat uli sa entablado. Umupo na sila ng kanyang ama sa harap ng kanya-kanyang piano nila.
They played Mozart sonata for two pianos. Ilang ulit na rin nilang tinugtog ang piyesang iyon na magkasama. Kabisado pa niya ang tiyempo ng bawat nota dahil magaling ang memorya niya.
Naluluha-luha siya habang tumutugtog. Sa wakas ay natupad na ang matagal na pangarap niya. Maayos na sila ng kanyang ama. Naintindihan na siya nito sa wakas.
Pinahid niya ang kanyang mga luha nang matapos sila. Tatayo na sana siya upang hanapin si John Robert ngunit natigilan siya nang muling tumugtog ang kanyang ama. She was familiar with that piece. Nagtatakang napatingin siya rito. Napapangiti na rin siya. It was a pop song. Kung hindi siya nagkakamali, "No Air" ang title niyon. Hindi niya alam na tumutugtog din ito ng mga ganoon. Ang akala niya ay pulos classics ang nais nitong tugtugin.
Her father grinned at her. Kasabay niyon ay ang pagpailanlang ng pamilyar na magandang tinig. Hindi naglipat-sandali, nakita niyang umakyat sa stage si John Robert. May tangan-tangan itong mikropono at kumakanta.
"Tell me how I'm supposed to breathe with no air? If I should die before I wake. It's `cause you took my breath away. Losing you is like living in a world with no air, oh. I'm here alone, didn't wanna leave. My heart won't move, it's incomplete. If there was a way that I could make you understand. But how do you expect me to live alone with just me? `Cause my world revolves around you. It's so hard for me to breathe."
Lumapit ito sa kanya at kinantahan siya. Hindi niya masabi ang eksaktong nadarama niya. Lalong bumalong ang mga luha niya. She was so happy. She felt so loved and adored. Ang mga mata nito ay punong-puno ng pag-ibig habang nakatingin sa kanya. How could she doubt his feelings for her?
"Tell me how I'm supposed to breathe with no air? `Can't live, can't breathe with no air. It's how I feel whenever you ain't there. There's no air, no air. Get me out here in the water so deep. Tell me how you gonna be without me? If you ain't here I just can't breathe. There's no air, no air."
Nang matapos ito sa pagkanta ay lumuhod ito sa harap niya. "Please forgive me. I love you. I love everything about you. I love you when you play the piano. I love you when you're being the loveliest rock star in the whole world. I'll let you do everything that makes you happy. You can be a rock star forever, I don't mind. Just marry me after you've forgiven me." Kasabay niyon ay naglabas ito ng isang kahita at binuksan iyon sa harap niya.
Pinunasan niya ang kanyang mga luha upang makita niya nang malinaw ang ganda ng singsing niya. Iyon na ang pinakamagandang singsing na nasilayan ng kanyang mga mata.
She cupped the back of his head and kissed him hard. "I forgive you. Slip that beautiful ring on my finger now," utos niya rito.
Napakaganda ng naging ngiti nito. Tila ito nakahinga nang maluwag sa naging sagot niya.
Isinuot nito sa kanya ang singsing. It fitted perfectly on her. She was getting married to the love of her life.
Niyakap siya nito nang mahigpit na mahigpit. "Thank you," bulong nito sa tainga niya. "Thank you so much. I love you."
"I love you, too," aniya habang gumaganti ng yakap.
Naghiyawan ng panunukso ang mga tao. Noon lamang niya napansin na lahat ng mga tao roon ay nakatingin sa kanila. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Nag-init ang mga pisngi niya.
Her father patted John Robert's shoulder. "Take good care of my bunso."
"I will, Papa," nakangiting tugon nito. "I'll keep on loving this lovely girl who captured my heart."
BELLE FELIZ
•••WAKAS•••