"THANK you so much, Kirs," sabi ni Mark Kenneth sa tinig na punung-puno ng pasasalamat.
Nginitian siya ni Mary Kirsten Mendoza, the lead vocalist of Stray Puppies, a famous pop rock band in the country. Ito rin ang fiancée ng matalik niyang kaibigan na si John Robert.
"Okay lang. Maliit na pabor lamang ito," ani Mary Kirsten.
"You're so perfect. Thank you for recording this song for free. I can afford your talent fee, you know." Nilakipan niya ng biro ang sinabi.
Natawa ang dalaga. "I know, but I want to be a part of this album for free. Kinikilig ako, Ken, sa totoo lang. Bakit hindi naisip ni Rob na gawin ang bagay na ito sa `kin? Siya itong may-ari ng isang record label."
Natawa na rin siya. Bukod sa nanay at Tito Fred niya, si Mary Kirsten na lang ang tumatawag sa kanya ng "Ken." He was "Maken" to everyone else. Halos magkatunog kasi ang mga palayaw nila. Mary Kirsten was more known as "Maki." He decided to call her "Kirs."
"That's because I'll sue him for stealing my ideas."
Halatang nagulat ang dalaga. "Matagal mo nang plano ito?"
Tumango si Mark Kenneth.
Niyaya niyang lumabas na ng studio si Mary Kirsten at magtungo sa opisina ni Rob. Katatapos lang nitong i-record ang isang espesyal na kanta para sa isang espesyal na album. He had always admired Mary Kirsten's voice. It was powerful and versatile. Nang alukin niya itong kantahin ang isa niyang komposisyon para sa isang espesyal na tao, hindi siya nagdalawang-salita rito.
Pumasok sila sa opisina ni Rob. Nadatnan nilang may kausap ito sa telepono, tila nagbibigay ng mga instruction.
Umupo sina Mark Kenneth at Mary Kirsten sa sofa.
Itinatag ni Rob ang record label na Sounds nang ma-disband ang Lollipop Boys. Kapwa sila galing sa boy band na iyon. Lima ang miyembro ng grupo. They used to be the hottest and the shiniest stars. They were at the peak of their career when they decided to quit. Desisyon nilang lima iyon. Ginusto nila ang paghihiwa-hiwalay nila. Hindi sila nagkagalit-galit at nagkatampuhan.
Mark Kenneth had always believed he was the least favorite Lollipop Boy. Sa number of fans pa lang, malaki na ang agwat niya sa kanyang mga kasamahan. Ngunit dumating pa rin siya sa puntong nalula na siya sa taas ng kinaroroonan niya.
Noong una ay masaya siya sa kanyang kinalalagyan. Ngunit unti-unting nabawasan ang sayang iyon. Nasilaw na siya masyado sa kasikatan ng grupo. Hindi na niya makita ang mga tao sa kanyang harap sa sobrang liwanag ng entabladong kinaroroonan niya.
He realized it was not the kind of life he dreamed. He wanted to work backstage. Ayaw na niyang mag-perform sa stage. Ayaw na niya sa mga ilaw. Ayaw na niya ng sobrang atensiyon.
Si Rob ang unang nagsabi na ayaw na nito. Sumunod agad si Mark Kenneth. Naging maganda naman ang paghihiwa-hiwalay nila. Vann Allen was a successful international singer now, Enteng was a multiawarded actor, Sounds was doing great under Rob's administration, and Nick was a successful businessman.
Mark Kenneth was happy being a songwriter and composer. Dahil naka-penetrate si Vann Allen sa international music industry, naka-penetrate na rin internationally ang mga likha niya. Madalas na gamitin ni Vann Allen ang mga kanta niya sa mga album nito. Dahil dito ay naging international songwriter at composer na rin siya. Nakagawa na siya ng mga kanta para sa mga sikat na international singers. It was a dream came true and more. The world was listening to his music.
Sa puntong iyon ng buhay niya, iisa na lang ang mahihiling niya sa Panginoon, at araw-araw ay ipinapanalangin niyang ibigay na iyon sa kanya.
Nang matapos makipag-usap ni Rob sa telepono ay sinenyasan nito si Mary Kirsten na lumapit. Nakangiting tumalima ang dalaga. Pinaupo ng kaibigan niya ang nobya sa kandungan nito.
"Huwag kang masyadong lalapit sa unggoy na `yan," ani Rob kay Mary Kirsten. "May crush sa `yo `yan. Baka masira ang matagal na friendship namin dahil sa `yo."
Natawa nang malakas si Mark Kenneth. Aminado siyang may malaki siyang crush kay Mary Kirsten noon pa man, ngunit hindi iyon sa romantikong lebel. "Define 'crush,' Rob," aniya na natatawa pa rin. "Intense admiration. Who wouldn't admire your Kirsten? May intense huge crush din ako kay Taylor Swift."
Kung magiging mas matapat siya, mas nagka-crush siya sa tinig ni Mary Kirsten kaysa rito mismo. Lahat ng artist na kumakanta ng mga komposisyon niya ay dumaan sa masusing pagpili. Kailangang may makita siyang espesyal sa isang artist bago niya ito hayaang kantahin ang likha niyang musika. Mula noong una niyang marinig ang tinig ni Mary Kirsten ay nagka-crush na siya sa tinig nito. Hindi naman siya kailanman totoong pinagselosan ni Rob dahil alam niyang alam na nito ang bagay na iyon. Matagal na silang magkaibigan at kilalang-kilala na siya nito.
"Everything's taken care of," ani Rob nang sumeryoso na ito. "The boys are on their way. The employees are leaving. Isang technician at mixer na lang ang maiiwan."
"Thank you, Rob," ani Mark Kenneth sa sinserong tinig. The special album they were making wouldn't be possible without his ever supportive friends.
Bago pa man makapagsalita uli si Rob ay bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Enteng kasama ang fiancée nitong si Jillian, na isa ring sikat na artista katulad ni Enteng.
"Hello, guys," masiglang bati ni Enteng. "Vann's plane landed. Papunta na raw siya rito. Let's wait up for him."
"There's no trouble or whatsoever? Sana ay hindi nag-leak sa press ang pag-uwi niya." Bahagyang nag-alala si Mark Kenneth para sa kanyang kaibigan. Ayaw niyang dumugin ito ng tao o ng media kapag may nakakilala rito sa airport. Sekreto ang pag-uwi ni Vann Allen sa Pilipinas. He made a huge effort to clear his busy schedule for him. Sino ba siya upang pagbigyan ng isang Vann Allen? He was just a friend.
He guessed that was why Vann Allen had always been endearing. Hanggang kaya, paluluguran nito ang lahat. He valued his friends—old and new ones—so much. Palagi nitong ginagawa ang lahat upang makatulong.
"You know how creative Vann is," ani Jillian. "Hindi siya makikilala. Parang hindi ninyo kilala ang kaibigan ninyong iyon." Bahagya pa itong umismid.
Natawa si Mark Kenneth. Biktima si Jillian ng pagiging "creative" ni Vann Allen. Mukhang naalala rin nina Enteng at Rob ang insidenteng iyon dahil kapwa nangiti ang dalawa.
Hindi nagtagal ay dumating na rin si Nick. Nakapang-opisina pa ito at tila galing pa ng trabaho.
"Kumusta ang mayaman?" tanong ni Mark Kenneth kay Nick.
Umupo si Nick sa isang couch. "`Eto, lalong nagpapayaman para mapantayan ko ang kayamanan ni Vann."
As if on cue, a fat guy with a beautiful blond lady came in without a warning knock. Naghagalpakan silang mga lalaki nang makilala ang bagong dating. It was so Vann Allen. Hindi nga ito makikilala ng lahat dahil sa disguise na iyon.
"Where is the bathroom again?" tanong ni Vann Allen.
Natatawang itinuro ni Rob ang pinto ng banyo ng opisina. "Nice. `Love it," anito habang kinukunan ng litrato si Vann Allen sa pamamagitan ng cell phone.
Game naman na nag-pose pa si Vann Allen.
"Vann?" hindi makapaniwalang sambit ni Jillian. "May saltik ka talaga sa ulo."
"You are Vann Allen?" namamanghang bulalas ni Mary Kirsten. Ngayon pa lamang nito makakaharap nang personal si Vann Allen.
"And you must be Rob's ladylove, Mary Kirsten. We'll have a proper introduction later. I'll just make myself presentably gorgeous." Vann Allen winked at Mary Kirsten, pagkuwa'y dumako ang tingin kay Mark Kenneth. "Goodness, Maken! You really love that brat. I have to wear this uncomfortable and heavy fat suit just to be here and record a song for her. You owe me huge, man. I'm doing this for free. But someday, you'll have to return the favor. This is supposed to be my break."
Binigyan ni Mark Kenneth si Vann Allen ng isang ngiti na puno ng pasasalamat. "I know how much I owe you. Makakabawi rin ako. Can you record? Puwedeng magpahinga ka naman muna."
"Excuse me, but you are talking to Vann Allen here. Let's do it now. Guys, I missed you all. Lucille, let's remove this fat suit from my body," anito sa kasama bago tumuloy sa banyo.
Aliw na aliw si Mark Kenneth sa kaibigan niyang si Vann Allen. Kahit noon pa ay maloko na ito, masayang kasama dahil parang walang puwang ang lungkot sa pagkatao nito. Sa katunayan, si Vann Allen ang unang nakilala niya sa grupo. Bago pa man mabuo ang Lollipop Boys ay magkaibigan na sila. Hanggang ngayon, sariwa pa sa alaala niya kung bakit sila nasali sa commercial ng lollipop na naging daan upang makilala silang limang magkakaibigan.
Hinintay nilang matapos si Vann Allen sa banyo. Nang lumabas na ito ay wala na ang fat suit at prosthetics. Nawala na rin ang wig. Nakatali ang medyo mahabang buhok. "Let's record your song for Rainie, Maken."
Ngumiti si Mark Kenneth. He was excited. He couldn't wait to finish the special album for his beloved.
"SO MANY things have changed already. We are getting so old, guys."
Napatingin si Mark Kenneth kay Vann Allen na seryoso ang tinig. Nasa rooftop sila ng building ng Sounds at may mga bote ng beer na hawak-hawak. Madaling-araw na. Katatapos lang nilang i-record ang kanta ni Vann Allen. Ang mga babae ay kanina pa umuwi. Silang lima ay nais pang magkasama-sama. Bibihira na silang mabuo dahil masyado silang abala sa kanya-kanyang mga buhay.
"Oo nga," sang-ayon ni Nick. "Isa-isa na kayong nagsisipag-asawa. Hindi magtatagal, may karay-karay na kayong mga anak tuwing magkikita tayo."
"The boys are men now," ani Mark Kenneth. "From lollipop to beer. Parang kailan lang."
"Kahit na mga apo na ang karay-karay natin, let's still be brothers," sabi ni Enteng.
"We'd still be friends even if we're already old, gray, wrinkled, and suffering from dementia," dagdag ni Rob.
Nagkatawanan sila. Mark Kenneth was so thankful they found each other and became best of friends. Ang mga ito ang mga kapatid niya. They shared too many good times together. They shared millions of laughter. Magkakasama rin sila sa hirap at problema na dumating sa mga buhay nila. He knew they would be friends forever. Kahit siguro magkaroon siya ng dementia ay maaalala pa rin niya na kaibigan niya ang mga ito.
Nilapitan ni Vann Allen si Mark Kenneth at inakbayan. "Finally, huh?"
Lalong gumanda ang ngiti ni Mark Kenneth. "Yes, finally. After so many years, she's going to be mine. Isn't that amazing? She's my first love. My only love."
"Good for you," ani Nick, may dumaang lungkot sa mga mata.
Mark Kenneth knew why.
"How's Mitch?" kaswal na tanong ni Vann Allen kay Nick. "Sana isinama mo ngayon. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita."
Nick sighed heavily. "She's getting married."
Nabalot sila ng hindi komportableng katahimikan. Si Nick ang bumasag niyon.
"Don't give me that look, guys. I'm okay. Let's not talk about Mitch and me. This is Maken's moment." Tumingin si Nick kay Mark Kenneth. "Ang suwerte mo, `tol. It had always been just you from the very start. Nag-iisa ka sa puso ni Rainie. Your relationship with her had always been sailing smoothly."
May inggit na nahimigan si Mark Kenneth sa tinig ni Nick. Hindi siya sumagot, ngumiti lamang siya. His relationship with Rainie was not exactly sailing smoothly. Dumaan din sila sa mga rough roads. May mga bagyo rin. Paminsan-minsan ay nasusumpungan pa rin nila ang baku-bakong daan. Matinding mga pagsubok din ang mga pinagdaanan nila bago sila makarating sa ganoong estado. Alam niyang patuloy pa rin silang susubukin ng pagkakataon.
Ngunit nais niyang isipin na mas masuwerte siya kaysa sa mga kaibigan niya. Rainie had always been in love with him and he knew it. Hindi nawala ang pagmamahal sa pagitan nila. Madalas na magkalayo sila ngunit alam niyang konektado pa rin sila.
"I'm sitting here waiting for you to rain," biglang pag-awit ni Vann.
Sinundan kaagad iyon ni Rob. "Secretly going insane. Girl of my dreams, yours, too, it seems such a pain."
Enteng sang next. "I'm just sitting here waiting for you to rain."
"And I know this is love. Someday we'll be together. Baby, I hope that it's not just a fable in my mind," pagpapatuloy ni Nick.
Napangiti na lang si Mark Kenneth.