Chapter 15 - 14

Naramdaman niyang hinawakan ni Blaster ang kamay niya at ikinulong sa kamay nito, lihim siyang napangiti at kinilig kaya nag-iwas siya ng tingin para hindi nito makita—ngunit nag-reflect ang mga ngiti niya sa bintana ng sasakyan—at nakita niyang nakatingin din doon si Blaster, kaya halos mag-init ang buong mukha niya sa kahihiyan.

"MAS GUSTO ko 'yong mga classic Hollywood movie compare sa mga movie na love stories ngayon, tulad ng mga pinapanood ng parents ko no'n. Iba kasi 'yong atake ng mga lines at scenes, e." nakangiting sabi ni Shin kay Aphrodite.

Dumalaw uli ang grandparents nito nang hapong 'yon at nadatnan niya ang mga ito sa bahay kasama ang lalaki, palibhasa ay ito ang driver ng matatanda at summer break nito sa school nito sa Japan. Isa itong movie director wannabe, inspired by his uncle na isang movie director sa 'Pinas. Nasa theatre room sila no'n dahil nagyaya itong manood ng movie, kapalagayan naman niya ito ng loob dahil magkasundo sila nito—ang totoo niyan ay parang magkapatid na ang turingan nila dahil solo silang mga anak.

"You're right, maganda rin 'yong mga twist and turns." Nakangiti ring sagot niya.

Tumingin ito sa kanya at parang may nakikita itong iba sa kanya. "You really look different today, Aphrodite." Puna nito.

Kinapa naman niya ang sarili at sinuri. "Ano'ng iba sa akin?" nagtatakang tanong niya.

"You look happier and you're blooming." Sagot nito saka ito napangiti. "Parang may nase-sense akong something, ha."

"What?" nangingiting tanong niya.

Napahawak ito sa baba nito na tila kunwari ay nag-iisip. "Kapag daw masaya at blooming ang isang babae ay iisa lang ang rason n'yon,"

"At ano 'yon?"

"In love. She is in love!" konklusyon nito kaya kumabog ang puso niya. Gano'n ka-obvious na nagkakagusto na siya sa isang lalaki?

"I am not," mahinang sabi niya pero tumawa at umiling-iling lang ito. "Okay, may gusto akong guy sa school, he's a very ideal guy; guwapo, sikat at matalino," aniya saka siya napabuga ng hangin, "Pero imposible siyang magkagusto sa akin."

"Grabe ka din, e," natatawang sabi nito. "Pero may ikukuwento ako sa 'yo para mas mabuhayan ka ng loob," anito saka ito napahugot ng malalim hininga. "May cousin akong nag-aaral sa PNU, ngayon isinama niya ang friend niyang 'yon sa bahay para gumawa ng project and I was there kasi bumisita ako, and when I saw her friend, feeling ko nagkaroon ng visible na mga pusong nagliliparan sa paligid namin, I was struck on love at first sight," nakangiting kuwento nito. "Nahihiya akong lumapit no'ng una kasi napakaganda niya at ako ay feeling nerd-looking guy pa rin, pero sa huli ay naging magkaibigan kami hanggang sa nagtapat ako ng feelings for her, ngayon nanliligaw na ako sa kanya, her name is Chrissa." Nakangiting sabi nito.

"Wow!" nakangiting sabi niya.

Tumango ito at ngumiti sa kanya. "Na-su-sweet-an din ako sa tuwing nagpapaturo siya sa kaibigan niyang mag-nihonggo para lang makausap ako, samantalang puwede naman kaming mag-usap ng Filipino language," tila kinikilig na sabi nito. "Pero alam mo ang mas nakakatawa, ex-boyfriend niya mismo 'yong pinagpapaturuan niya, nag-aral kasi ng nihonggo 'yong ex niya dati, pero siniguro niya sa akin na hindi ko daw kailangang mag-selos kasi friends na lang daw sila ngayon."

Tumango-tango naman siya. "Sila lang 'yong narinig kong mag-ex pero friends pa din." Aniya na tinanguan nito. "Pero I think gusto ka na no'ng girl e, bakit hindi ka pa sagutin?"

Nagkibit-balikat ito. "Ang sabi niya ay susubukan muna niya ang patience ko kung hanggang saan ang itatagal ko," nakangiting sabi nito na tinanguan naman niya. "Pero alam mo, medyo hindi ako natutuwa sa ex niya, e."

"Bakit naman? Nakilala mo na?"

Umiling ito. "Balita ko kasi kay Chrissa, may plain girl daw itong kinaibigan sa school at nakipagkaibigan lang ito sa girl na 'yon para maagaw 'yong pagiging top student, he wanted to make her fall in love with him. Niloloko niya at pinapasakay 'yong girl para lang sa label bilang top student."

Hindi rin niya napigilan ang sarili malungkot sa ikinuwento nito. "Bakit may gano'ng klaseng mga lalaki?"

Nagkibit-balikt si Shin. "Baka may pinagdadaanan 'yong lalaki kaya niya 'yon ginawa, hindi lang nakakatuwa."

"Ano'ng sabi ni Chrissa doon sa kaibigan niya?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko din alam e, pero parang ang cute gawing movie 'yong story nila, e. Nagsimula sa pakikipaglapit n'ong lalaki sa babae para makuha ang pagiging top student, pero sa huli ay magkakagusto ang lalaki sa babae at magsisisi siya dahil nasaktan niya si girl. How sweet!" nangangarap na sabi nito.

"You're a hopeless romantic soon to be director." Naiiling na sabi niya.

Pero saglit din siyang napaisip sa ikinuwento nito sa kanya. Kung sa kanya siguro 'yon mangyayari—hindi niya alam kung ano'ng mararamdaman niya, ang sakit n'yon dahil pinaniwala siya at kinaibigan para lang sa label na top student—pero wala nang mas sasakit pa pa-in love-in nito at sa huli ay iiwan dahil nakuha na ang gusto.

Biglang pumasok sa isipan niya si Blaster, mabuti na lang at alam niyang mabuti itong lalaki at malayong-malayo ito sa lalaking ikinukuwento ni Shin sa kanya. Napangiti siya lihim na kinilig just by the thought of Blaster.