Chapter 19 - 18

Agad naman silang tumango ni Blaster. "Magkaibigan at magka-klase kami sa PU," sagot ni Blaster. At nanlaki naman ang mga mata ni Shin nang may mapagtanto.

Bumaling si Blaster sa kanya at napagiti na rin. "What a small world, I didn't imagine na may common friends pala tayo." Anito.

Hindi siya nakasagot dahil may unti-unting bumabalik na alaala sa kanyang isipan na sinabi no'n sa kanya ni Shin.

"Wow! Hindi pala natin kailangan silang ipakilala sa isa't isa, dahil magkakilala na sila, ang galing!" masayang sabi ni Chrissa, na tinanguan lang ni Shin saka ito bumaling sa kanya ngunit nag-iwas siya ng tingin, mukhang alam na nitong naaalala niya ang sinabi nito sa kanya no'n.

"Kung alam ko lang na dito ka din pupunta, sana pala sabay na tayong nagpunta dito." Narinig pa niyang dagdad ni Blaster, ngunit nanatili pa rin siyang hindi kumikibo—hanggang sa tuluyang nag-flashback nang buo ang sinabi no'n ni Shin sa kanya tungkol sa ex at kaibigan ni Chrissa—na si Blaster pala!

"Pero alam mo, medyo hindi ako natutuwa sa ex niya, e."

"Bakit naman? Nakilala mo na?"

Umiling ito. "Balita ko kasi kay Chrissa, may plain girl daw itong kinaibigan sa school at nakipagkaibigan lang ito sa girl na 'yon para maagaw 'yong pagiging top student, he wanted to make her fall in love with him. Niloloko niya at pinapasakay 'yong girl para lang sa label bilang top student."

Kumabog at kumirot ang puso niya at kasabay niyon ay may parang malakas na sumuntok ng sikmura niya na halos ikayak niya dahil sa sobrang sakit. Oo, napagtanto niyang siya ang babaeng sinasabi noon ni Shin. Ang plain girl na nilapitan ni Blaster para kaibiganin at pa-in love-in para makuha ang label bilang top one student sa buong school—ito rin kaya 'yong gustong sabihin ni Blaster sa kanya last time?

Pinigil niyang huwag umiyak ngunit mahapdi na ang mga mata niya sa pagpipigil, alam niyang nakatingin sa kanya si Shin ngunit pilit niyang itinatago ang mukha sa lalaki. So, ngayon ay alam na niya talaga niya ang dahilan nang pakikipaglapit ni Blaster sa kanya.

Bago pa tuluyang mahulog ang luha sa kanyang mga mata ay tuluyan na siyang tumayo at nagpaalam sa mga ito, akmang tatayo rin sana si Shin ngunit umiling siya at pinigilan ito. Narinig niyang tinawag siya ni Blaster pero nagmamadali siyang naglakad palabas ng resto, bahala na si Shin na magpaliwanag sa girlfriend nito ang totoong nangyari. Mabilis na niyang tinawagan ang driver nila sa bahay para magpasundo ngunit bago pa siya tuluyang nakalabas sa resto ay may mabilis na humarang sa daraanan niya—si Blaster.

"Love, ano'ng nangyari—" hindi nito naituloy ang sasabihin nang makita nitong nalaglag na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan sa loob. Hindi na nakayanan ng puso niya ang isipin na ang lahat ng mga ginawa nito sa kanya ay plinano nito para makuha ang puso niya. "What happened?" anito, na hinawakan ang kanyang braso ngunit mabilis niyang binawi. "Why?" malungkot ang mukha nito.

"May kailangan kang sabihin sa akin, 'di ba, Blaster?" tanong niya saka niya mabilis na pinunas ang luha sa kanyang magkabilang pisngi. "Sabihin mo na bago pa dumating ang sundo ko." Aniya.

Saglit itong nagtaka sa sinasabi niya hanggang sa manlaki ang mga mata nito at napalunok nang mariin. Saglit itong natahimik bago napapikit at napailing—dahil tiyak alam na nitong alam na niya ang itinago nitong lihim.

"Let me explain," anito.

Tumango siya. "Pakibilisan dahil malapit na ang sundo ko." Aniya. Ayaw man niyang marinig ang explanation nito dahil baka mas lalo siyang masaktan—pero gusto niyang marinig kung bakit talaga nito nagawa 'yon sa kanya. Pakiramdam niya ay duguan ang puso niya ngayong gabi dahil ang kaisa-isang lalaking hinayaan niyang makapasok sa loob ng puso niya—ang siya ring wawasak n'yon.

Naisip naman na talaga niya no'n na sino ba namang guwapo ang magkakagusto sa kanya? Hindi pa ba siya nasanay sa experience niyang ginagamit at pinagpupustahan lang siya ng mga tao?

Napakagat ito sa ibabang labi nito at mas lalong nalungkot ang mukha nito. Bumuga ito ng hininga bago buong atensyong bumaling sa kanya. "I'm sorry, I'm really very sorry, love—Aphrodite." Pauna nito saka napayuko at umiling bago muling tumingin sa kanya. "Pero maniwala ka sa akin, no'ng una ko lang plinano ang lahat ng 'yon—na makipaglapit sa 'yo at makuha ang puso mo—para i-distract ka sa studies mo at makuha ang top one spot at naikuwento ko 'yon kay Chrissa dahil nagsisilbi siyang best friend ko. I was confident during the entrance exam, na ako ang magta-top pero ikaw ang nag-top at naka-prefect ng extrance exam, na-curious ako sa 'yo at may inggit na naramdaman, alam ko din na-disappoint ko ang parents ko dahil umasa din silang makukuha ko 'yong top one spot." Paliwanag nito. "Plinano kong makipaglapit sa 'yo, kaibiganin ka, i-distract at pa-in love-in kung maaari, pero unang kausap ko pa lang sa 'yo... ewan ko pero parang ayoko na agad, dahil bukod sa nako-konsensya ako, parang hindi mo bagay saktan tulad nang sa plano ko. You are a very lovely and nice girl, Aphrodite and I can't afford to see you sad and get hurt because of me, kaya hindi ko rin 'yon itinuloy at lahat ng mga ginawa ko at ipinakita sa 'yo ay hindi pagpapanggap, ako talaga 'yon at 'yon talaga ang gusto kong gawin. I'm sorry," malungkot na sabi nito.

Sumikip ang dibdib niya at halos hindi siya makahinga dahil sa sakit na nararamdaman niya, gustong paniwalaan ng puso niya ang paliwanag nito—pero dahil masyado siyang nasaktan dahil sa ideya nitong 'yon, hindi niya agad kayang patawarin ito kahit pa mahal na niya ito.

Muli siyang napaiyak at napa-atras nang akmang yayakapin siya nito. "I don't wanna see your face." 'yon ang nasabi niya pero hindi 'yon ang nilalaman ng puso niya—dahil kahit gaano siya nasaktan sa plano nito—hindi niya agad maiaalis sa puso niya kung gaano niya ito kamahal.

"I would do anything for you to forgive me." Naiiyak na ring sabi nito. Gustuhin man niyang haplusin ang mukha nito pero pinigil niya ang sarili. She was still hurting inside.

Nagulat siya nang bigla na lang itong lumuhod sa kanya—at halos pagtinginan sila ng mga taong nasa paligid nila. Akmang tutulungan niya ito para patayuin nang maramdaman niyang nag-text na ang driver niya, marahil ay nasa parking lot na ito. Muli niya itong tinitigan bago niya ito iniwanan doon.

Ngunit mabilis nakasunod si Blaster sa likuran niya, hinarangan pa siya nito para humingi ng tawad pero nilagpasan niya ito hanggang sa makasakay na siya sa sasakyan ay hindi pa rin ito tumitigil.

"Tara na manong!" aniya sa driver na noon ay nagtataka sa kanilang dalawa, hinabol ni Blaster ang papalayo nilang sasakyan hanggang sa hindi na niya ito makita.

Muli siyang umiyak sa loob ng sasakyan dahil sa magkahalong lungkot dahil sa natuklasan at sakit dahil makitang pareho silang nasasaktan ni Blaster. Tumatawag sa kanya si Shin ngunit hindi niya sinagot dahil wala siya sa mood makipag-usap.

Pagdating nila sa bahay ay nagulat ang lola niya nang makita siyang umiiyak kaya naikuwento niya ang lahat, hindi naman nito hinusgahan si Blaster, instead ay naroon lang ito para i-comfort siya hanggang sa dumating ang lolo niya na yumakap din sa kanya.

Buong gabi ay umiiyak siya, gusto niyang ubusin ang lahat ng luha sa lachrymal gland niya para wala na siyang maiiyak kinabukasan. Nahiga na siya sa kama at nagtalukbong ng kumot, sana bukas ay mawala na ang nararamdaman niyang sakit.

KINABUKASAN ay bumungad sa kanya ang malaking tarpouline sa harapan ng Science building na may nakasulat na 'Sorry, Aphrodite. Please forgive me', saka may one eight na picture doon si Blaster na naka-sad face. Nagulat din siya nang magsi-sulputan ang mga tao sa tabi niya saka siya binigyan ng tig-iisang tangkay ng roses na may nakalagay na letrang kung pagsasamahin ay mabubuo ang 'I am sorry'.

Na-touch siya sa ginawa nito ngunit may sakit pa rin sa puso niya, gustuhin man niyang maniwala sa sinasabi ni Blaster, pero may kung ano pa sa puso niya na pagdudahan ito. Tinanong siya ng mga kasamahan nila sa Science club sa nangyayari sa kanila ni Blaster pero sasabihin na lang niya ang lahat sa tamang panahon.

Walang araw na hindi humihingi ng sorry ang binata sa kanya, may pa-flowers at chocolates pa ito sa kanya, ngunit hindi pa rin niya ito pinapansin. Pero mas pinili pa rin ng puso niyang patawarin ito at bigyan ng pangalawang pagkakataon na paniwalaan ito.

Ngunit nagulat na lang siya isang araw, mula sa isang kaklase nila ang nagsabi na kumuha daw ng transcript of record si Blaster kahapon dahil mag-tra-transfer na ito sa isang University sa New York. At muling kumirot ang puso niya sa isipin na magkakawalay na sila nito nang tuluyan.

Pinuntahan niya agad ang binata sa bahay nito para kausapin ito at sabihin na pinapatawad na niya ito, pero huli na pala ang lahat dahil ayon sa katulong ay lumipad na ito kasama ng parents nito papuntang States para ihatid ang anak. Hindi niya napigilang umiyak at malungkot dahil hindi man lang niya nasabi ang mga gusto niyang sabihin sa binata.

Pagpasok niya sa school kinabukasan ay may inabot si Aj sa kanya na isang box, ipinabibigay daw sa kanya ni Blaster, na dapat ay kahapon pa nito inabot sa kanya, kaya lang ay umuwi siya agad. Binuksan siya 'yon agad at nakita niyang may iba't ibang petals doon ng roses, may sulat din doon at isang page ng notebook.

Una niyang binuksan ang nakatuping page ng notebook at nakita niya doon ang isang sketch na mukha niya, naka-date at time 'yon no'ng nasa library sila at nagco-conduct para sa chemistry research nila. So, ang pag-i-sketch pala ng mukha niya ang pinagkakaabalahan nito no'n.

Napaiyak siya at pinilit na patatagin ang sarili. Sinunod niyang binuksan ang sulat nito at doon na siya tuluyang mas lalong napaiyak.

To the loveliest girl in the world,

I love you so much and I don't wanna see you get hurt because of me, that's why I chose to leave. I hope someday, all the pain and heartaches that I've caused you would fade away and you're ready to forgive me. I'm sorry.

-Blaster Nicolaus Solomon