Chapter 18 - 17

NAKAHINGA nang maluwag si Aphrodite dahil sa wakas ay natapos na rin ang examination week nila, indeed, it was a tiring but exciting week for her. Katulad niya ay naging maganda rin ang pakiramdam ni Blaster sa katatapos na exam, kaya pareho silang maganda ang mood.

Pagkatapos ng kanilang klase kinahapunan ay niyaya niya ang binata para kumain ng early dinner sa buffet resto kung saan din sila kumakain ng pamilya niya. Maganda at cozy sa lugar at tiyak magugustuhan ni Blaster ang iba't ibang pagkain na nagmula sa iba't ibang lugar sa mundo. Masayang-masaya din ang binata dahil first time daw niyang magyaya silang lumabas together, though at first ay nag-aalangan siya dahil sa narinig niyang usapan nito at ng mommy nito last time—pero hindi naman sila gagawa ng masama ni Blaster at siniguro naman nilang dalawa na kahit magkasama sila araw-araw ay hinding-hindi maaapektuhan ang mga grades nila.

Alam na niya ang damdamin ng binata para sa kanya—ngunit hindi pa nito naitatanong sa kanya kung puwede itong manligaw sa kanya o di kaya kung may pag-asa itong sagutin niya—siguro ay naghahanap pa ito ng perfect time and place kung kailan siya nito liligawan. Pero feeling niya ay nasa cloud9 siya at sobrang ganda niya dahil isang katulad ni Blaster Nicolaus Solomon ay may gusto sa kanya, kung 'di ba naman siya sinusuwerte sa pag-ibig.

Naalala uli niya 'yong naging usapan nila last time na may sasabihin daw itong mahalagang bagay sa kanya—ang lakas pa ng kaba niya dahil akala niya kung ano na...

"Aphrodite..."

"Blaster?"

Napabuga ito ng hangin at saglit na natahimik bago muling bumaling ang buong atensyon sa kanya, bumuka-sumara ang bibig nito na parang may gustong sabihin ngunit hindi nito maituloy-tuloy, mas lalo tuloy siyang nag-isip nang hindi maganda.

Pero nagulat na lang siya nang ngumiti ito at pinisil ang kanyang pisngi at umiling-iling. "J-Joke lang, ang gusto ko lang talagang sabihin ay napakaganda mo ngayon at ang suwerte ko dahil ako ang kasama mo." Sabi nito. Hindi siya na-kumbinsi sa sinabi nito dahil mukha itong sobrang seryoso, pero naisip niyang siguro ay hindi pa nito kayang sabihin sa kanyaang tungkol doon kaya maghihintay na lang kung kailan ito magiging handa.

Nang makarating sila sa resto ay mabilis silang iginiya ng isang waiter sa bakanteng mesa, inilapag muna nila ang mga gamit nila doon bago tinungo ang buffet ng mga pagkain. Kumuha sila ng tig-isa silang malaking plato at nilagyan 'yon ng iba't ibang mga pagkain, pagkatapos nilang pinuno 'yon ay inilapag nila sa kanilang mesa para kumuha uli ng panibago.

Sunod silang kumuha ng kanilang mga paboritong desserts, iba't ibang flavors ng ice cream ang kinuha nito, samantalang siya ay assorted; may cakes, chocolates, cookies at kung anu-ano pa. Medyo naparami sila ng mga kinuha pero nakakasiguro silang mauubos nila ang lahat ng 'yon at para sulit ang ipambabayad nila pagkatapos kumain.

Nagkangitian silang dalawa at dinasalan muna ang pagkain bago nag-selfie at sinimulang kumain. Pareho silang takam na takam sa mga kinuha nilang pagkain. Sa unang minuto ay tahimik lang sila habang nakikipag-tunggali sa kanilang pagkain kapagdaka'y nagsalita si Blaster dahil hindi daw ito sanay na tahimik sa mesa habang kumakain na sinang-ayunan din niya at napangiti dito—palibhasa ay pareho silang na-drain sa katatapos na exam at PG mode kaya naka-focus sila sa kinakain nila.

Pagkatapos nila sa main course ay isinunod na rin nila ang masarap nilang dessert. At halos mapangiti sila nang maluwang dahil sa masasarap na mga pagkaing. Sana pala isinama nila 'yong mga kaibigan nila para mas maingay sa mesa, 'di bale may next time pa naman. May nakasulat sa isang wall na 'no sharing', pero pareho nilang nilabag ni Blaster dahil gusto nilang ipatikim ang mga desserts na kinuha nila. Saka sila nag-thumbs up sa isa't isa.

Napapangiti siya sa tuwing iniisip niya na kapag lumalabas silang dalawa ni Blaster ay para na rin silang nagdi-date at kahit bumalik na uli ang ugly duckling na si Aphrodite, hindi niya nararamdaman sa binata na ayaw siyang makasama nito at hindi ito nahihiya sa ibang tao na siya ang kasama—kaya mas lalong nao-overwhelm ang puso niya. Mas lalo itong nagiging lovable at gentleman sa kanya, kaya baka bigla na lang siyang mapa-oo agad sakaling bigla siyang tanungin nito kung payag siyang maging girlfriend nito.

Nang matapos silang kumain ay saglit muna silang nagpahinga dahil feeling nila ay sobrang busog na busog sila—inubos ba naman nila lahat. Akmang maglalabas siya ng pambayad ay mabilis ding naglabas ng pera sa wallet si Blaster at ito ang nag-insist na magbayad ng mga kinain nila.

"Ako ang nagyaya kaya dapat ako ang magbayad, saka may ipon naman ako sa mga online tutorials ko." Aniya.

Umiling ito at ngumiti. "It's really okay, siguro bawi ka nalang uli sa susunod," nakangiting sabi nito. "Ako din nag-online selling ako ng mga hindi ko na nagagamit na gadgets and instruments kaya may dagdag pera ako." anito.

Hindi na siya nakipag-debate at nagpasalamat na lang siya, pero m-in-ake sure niya na sa susunod na labas nila ay siya na talaga ang magbabayad ng kakainin nila para fair. Pagkatapos iabot ni Blaster ang higit dalawang libong bayad nito sa kinain nila sa waiter ay tuluyan na rin silang lumabas ng resto.

Nang makarating sila sa sasakyan nito ay mabilis siyang pinagbuksan ng passenger's seat at agad na tinungo ang driver's seat saka nila tuluyang nilisan ang lugar. Dahil maaga pa naman at pareho silang nagpaalam sa kani-kanilang mga guardians na mali-late nang uwi dahil may lakad with a friend, dumiretso muna sila ng binata sa sinehan para manood ng movie na matagal niyang hinintay panuorin; 'The space between us', dapat ay si Shin ang kasama niyang manunood kaso mukhang abala ito kay Chrissa, 'yong nililigawan nito na naikuwento nito sa kanya.

Nang makarating sila sa sinehan ay mabilis silang bumili ng movie ticket at si Blaster pa rin ang taya at dahil busog pa naman sila ay dumiretso na sila agad sa loob ng sinehan. Sa balcony sila pumuwesto at saktong pasimula na no'n ang last full show.

The movie is about a boy who was born in Mars and travel to the Earth to find his father and fell in love with his online chatmate. It's mixed of science fiction, teen romance, action, fantasy and adventure. Pareho nilang gusto ni Blaster ang genre kaya sobrang na-enjoy nila ang movie at siya man ay kinilig din.

Pag-uwi nila galing sa Mall ay inihatid na siya ng binata hanggang sa loob ng bahay nila para makapag-hi na rin sa grandparents niya pagkatapos ay tuluyan na rin itong umuwi. Hindi siya kaagad nakaakyat ng kuwarto niya dahil inintriga pa siya ng grandparents niya tungkol sa binata—ngunit 'friends' lang talaga sila ni Blaster—'yon naman talaga ang totoo, e.

Pagkadating niya sa kuwarto niya ay nakangiti niyang nilundag ang kama niya at napangiti ng malaki dahil sa magkahalong saya at kilig na nararamdaman niya. Hindi lang ang movie ang nakakakilig dahil nakisabay si Blaster sa nagpakilig sa kanya. No'ng nasa loob sila ng sinihan ay hawak ng binata ang kamay niya habang nanunood sila, hindi niya napigilang ma-good vibe sa buong durasyon ng kanilang panunood—napapasandal pa nga ito sa balikat niya at bumubulong-bulong sa kanya na masayang-masaya daw itong kasama siya.

Inilabas niya ang kanyang phone mula sa backpack dahil magpapasalamat uli siya sa binata, buong hapon pala niyang hindi naichi-check ang phone niya palibhasa ay naging abala siya na kasama si Blaster, kaya nagulat siya nang may limang miscalls siya at tatlong texts. Nakita niyang si Shin ang lahat ng 'yon—dahil nagpalitan sila ng numero nito last week, tulad ni Blaster.

Ngunit mas inuna pa rin niyang itinext si Blaster at nagpasalamat dito at nag-goodnight na din na mabilis din nitong sinagot. Napangiti siya at kinilig bago hinarap ang text messages niya na galing kay Shin.

"Oh my God, Aphrodite, sinagot na niya ako! God! Kami na ni Chrissa!" nabasa niyang text ni Shin, awtomatiko tuloy siyang napangiti, sabagay ay napaka-dedicated nito sa panliligaw. Nag-reply siya agad para i-congratulate ito ngunit saglit pa ay nag-ring na ang phone niya at ito ang tumatawag.

"Hello, Aphrodite?"

"Congrats!" nakangiting bungad niya.

Natawa ito sa kabilang linya. "Akala ko dineadma mo na ako, di mo kasi sinasagot ang tawag ko." Anito. Napangiti tuloy siya at hindi naiwasang mag-kuwento tungkol sa lalaking dahil nang pagiging 'blooming' niya. "Wow! That's good news." Masayang sabi nito. "Hindi ko rin mapaniwalaan kanina nang yayain niya ako mag-dinner, pala sasagutin na niya ako. I'm so happy!" anito.

"Happy din ako for you."

"At ako din para sa 'yo." Masayang sabi nito. "At para i-celebrate ang event na ito dahil naging parte ka din ng love story namin dahil ikaw ang aking tagapakinig, niyayaya kitang um-attend sa susunod na araw sa ni-reserved kong resto, kung gusto mo ay isama mo 'yong mistery guy mo para makilala ko na din, tapos susubukan ding yayain ni Chrissa 'yong friend niya na tumulong sa pagtuturo kay Chrissa ng Japanese words kaya mas lalong kaming nagkaigihan ng baby girl ko tapos mag-i-invite na lang siya ng isa pang girl para partner ng friend niya." Masayang sabi nito, hindi rin niya napigilang matawa sa endearment na ginamit nito.

"Sure, sabihin ko bukas kay mystery guy." Nakangiting sabi niya. "Congrats uli, Shin!"

"Sa 'yo din, Aphrodite!" masayang sabi nito. Saglit pa silang nagkakuwentuhan bago tuluyang ibinaba ang tawag. Napapangiti na lang siya at masaya para sa sinapit ng love life ng kaibigan niya.

NGAYON ANG araw ng celebration nang pagmamahalan nina Shin at Chrissa, sad thing pero hindi makakasama si Blaster sa group date dahil nauna daw itong naka-oo sa kaibigan nito pero babawi daw ito sa kanya at hindi rin daw makakasama 'yong inimbitang girl ni Chrissa dahil may lakad din daw ito, kaya parang siya 'yong magiging date no'ng friend na guy ng dalaga. Nag-ayos siya ng sarili niya para magmukha namang maganda sa tingin ng iba at alas sais y media ang usapan na magkikita-kita sa ni-reserved na resto ni Shin. Nagpahatid siya sa driver nila sa resto.

Pagkarating niya doon ay maraming mga tao kaya itinext niya si Shin kung nasaan ang mga ito kaya nang makita niyang may kumakaway ay agad siyang nakalapit sa mga ito, na noon ay nasa reserved table na. Nakita niyang katabi ni Shin ang isang magandang babae na hindi lang din nalalayo sa height niya, marahil din ay kaedad lang din niya ito o mas matanda ng isang taon.

Mabilis na nakipagkamay sa kanya ang dalaga kaya masaya din niyang tinanggap at nagpakilala sa isa't isa. Mali-late daw nang kaunti 'yong friend ni Chrissa dahil um-attend pa ito ng practice sa school band nito, natawa nga siya dahil pareho din pala 'yon ni Blaster na nasa school band din at ang sabi ng binata sa kanya kanina ay baka ma-late daw ito sa pupuntahan nito ngayong gabi.

Hindi pa sila nag-order dahil hihintayin pa nila ang kaibigan ni Chrissa kaya nagkuwentuhan na muna sila, at napag-usapan nga nila ang magiging LDR relationship ng mga ito sakaling bumalik na sa Japan si Shin. I-t-in-ext na din daw ng dalaga ang kaibigan nito na noon ay malapit na rin sa venue. Masaya kakuwentuhan si Chrissa at very friendly and approachable kaya suwerte ang mga ito sa isa't isa, saglit pa ay nagpaalam siya sa dalawa para magtungo muna sa comfort room at ilang minuto din siya doon bago bumalik sa mesa nila at nakita na niya doon ang nakatalikod na lalaki na nakaupo sa tabi ng upuan niya.

Marahil 'yon na 'yong friend ni Chrissa, pero parang pamilyar sa kanya ang likuran nito. Naglakad na siya palapit sa mga ito ngunit napatigil siya nang marinig niyang nagkakatawanan ang lahat ngunit nangibabaw sa kanyang pandinig ang pamilyar na boses ng kadarating na lalaki—at mas lalo niyang napatunayan na tama siya ng hinala na kilala niya ito nang tawagin siya nina Chrissa at Shin ay lumingon din ang lalaki sa kanya—si Blaster.

Ultimo ang binata ay nagulat at nanlaki din ang mga mata sa pagkakakita sa kanya doon, siya man ay natulala din habang nakatitig sa lalaki. Hindi nga niya namalayan na nakalapit na siya sa mga ito, mabilis tumayo si Blaster para ipaghila siya nang mauupuan saka ito umupo sa tabi niya na hindi pa rin nawawala ang gulat at pagtataka sa mukha nito.

"Magkakilala kayong dalawa?"