Chapter 20 - 19

"LANDING on Mars is hard, so, we really need a thorough study and a perfect spacegraft to land in the red planet. Also, our team has already participated in mission to study comets and asteroids..."

Napapangiti si Aphrodite habang nakikinig siya sa mga Senior Scientist Researcher na nagsasalita sa harapan. After six years of studies with masters degree in California, USA, and a year of intership and training, sa wakas ay isa na rin siya mga baguhang Scientist sa NASA; at sa Jet Propulsion Laboratory center siya na-assign.

JPL investigates physical and chemical processes in earth, in the solar system and throughout the universe. At sobrang excited na siya sa nalalapit na project nila para sa susunod na spacecraft na didisenyuhin. This is a dream come true!

Medyo malapit lang ang JPL sa kinaroroonan ng parents niya, ngunit nagkikita lamang sila kapag nasa bahay na dahil bukod sa hindi pareho ang schedule nila ay pareho din silang busy.

Pagkatapos niyang mag-aral ng college sa Pilgrim University at gr-um-aduate bilang summa cum laude, kinuha siya ng parents niya sa California para mag-aral ng kanyang masters degree sa isa sa pinakamagandang University sa States at muling nag-summa cum laude. Naiwan ang grandparents niya sa 'Pinas ngunit nangako na dadalaw ang mga ito kapag hindi na sila busy ng parents niya.

Sobrang dami niyang adjustments dahil hindi pala gano'n kadali ang pagta-trabaho sa dream place niyang 'yon na tulad nang inaasahan niya dati no'ng nasa junior high siya—pero dahil mahal niya ang ginagawa niya at matagal na niya itong pinapangarap ay kahit gaano pa 'yon kahirap ay pag-aaralan at mamahalin niya 'yon nang buong puso. Nang matapos ang kanilang weekly meeting ay bumalik sila sa kanilang working place.

"Hey, Aphrodite, have you heard the latest news?" tanong sa kanya ni Drew, ang isa sa mga babaeng kaibigan niya sa laboratory. Pure American ito at mas matanda sa kanya ng dalawang taon.

"What news?" tanong niya habang naglalakad sila.

"I just heard from our seniors that there's a new comer here in laboratory, he's a guy and also a Filipino like you." Nakangiting balita nito.

"Really?" na-excite din tuloy siya sa ikinuwento nito sa kanya. "When we will be able to see and meet him?" masayang tanong niya.

Nagkibit-balikat ang babae. "I don't know, maybe tomorrow. I heard that the guy was here a while ago to visit the place and maybe to be familiarized."

Tumango-tango naman siya. "I'm so excited to meet him."

"Me too!" masayang sabi nito.

NASA MISSION control room noon si Aphrodite at abala sa kanyang ginagawa nang kalabitin siya ni Drew dahil breaktime na raw. Ngumiti siya dito at tumango bago silang sabay na nagtungo sa kanilang refectory. Naglalakad sila noon habang nagkukuwentuhan nang may tumawag sa pangalan nilang dalawa ni Drew kaya magkasabay silang lumingon sa kanilang likuran.

"Have you already meet the new Scientist?" tanong ng senior head nilang si Barry, matanda ito sa kanilang ng sampung taon.

Sabay silang umiling ni Drew. "But I heard he's coming today." Sabi ni Drew.

Tumango si Barry. "Yes, he's actually with me, but he just forgot something. I want you to take care of him especially you, Aphrodite, he's also a Filipino and I think you have the same age. He graduated in a good University in New York and had his masters' degree, he was also a summa cum laude, and I know you'll get along well." Nakangiting sabi nito.

Tumango-tango naman siya at ngumiti sa kanyang head. Mas excited na tuloy siyang makilala ang lalaki. Nagpaalam na sila sa senior nila para mauna na sa refectory, nang marinig niya ang lalaking nagsalita sa likuran nila na kinakausap ang kanilang senior—at parang pamilyar sa kanya ang boses na 'yon, ngunit nakailang 'asa' na ba siya na muling makita ang lalaking matagal na niyang gustong makita?

Simula nang umalis ang lalaking pinakamamahal niya sa Pilipinas ay nag-focus na lamang siya sa pag-aaral niya ngunit hindi niya maitatanggi ang longing sa puso niya na muli itong makita. Sinubukan niyang i-reach ito through social media but sad thing, ang dami nitong poser accounts kaya hindi na lang niya ginawa.

Umaasa siyang balang araw ay muli itong makita at makausap. Nang mag-take siya ng masters degree sa isa sa mga university sa California ay na-excite siya dahil pakiramdam niya malapit na muli ang kanilang pagtatagpo dahil nasa iisang bansa sila, ngunit imposible pa rin pala sa laki ng USA.

Nang minsan malibre siya ng oras ay nagpaalam siya sa parents niya na may dadalawing kaibigan sa New York kung saan niya nalaman na nag-aral ang binata, ngunit epic fail dahil sa dinami-dami ng mga estudyante doon ay hindi niya natagpuan ang lalaki at hindi kilala ng guwardiya ito sa dami ng populasyon doon.

Walang araw na hindi niya ito naaalala, may mga sandali ring parang naririnig niya ang mga tawa at halakhak nito, hindi tuloy niya mapigilang malungkot at mapaiyak dahil sobrang nami-miss na niya ito. Sobrang nalungkot siya nang mawala ito sa PU, pati ang mga friends nila ay na-miss ang binata.

Para hindi siya masaktan ay g-in-ive up nito ang banda nito at ang school, pero siguro ay nakabuti na rin 'yon sa lalaki dahil mas nabigyan ito nang magandang opportunity para ipakita nito sa parents nito na kaya nitong maging independent at may sarili itong desisyon sa buhay. Siguro ay successful na rin ito kung nasaan man ito ngayon at kahit papaano ay masaya na rin siya dito.

"Aphrodite, Drew!" muling tawag ni Barry sa kanila kaya sabay silang muling lumingon ng kaibigan—ngunit parang naging slowmo na ang lahat sa kanya, mula sa paglingon hanggang sa pagdapo ng kanyang paningin sa pamilyar na lalaking katabi noon ni Barry na nakangiti sa kanila ni Drew.

"Oh! He's so gorgeous." Narinig niyang puri ni Drew sa lalaki.

At sinalakay na naman siya ng pamilyar na pakiramdam na 'yon na huli niyang naramdaman six years ago. Ang bilis ng tibok ng puso niya at ang pagwawala ng mga paru-paru sa loob ng simura niya. Bigla rin yatang nag-init ang pakiramdam niya sa pagkakakitang muli sa lalaking minahal niya nang buong buhay niya, yes, it was Blaster Nicolaus Solomon!

Mabilis na nakalapit ang dalawang lalaki sa kanilang dalawa para ipakilala ang bago nilang kasamahan. "Hello Drew!" nakipagkamay si Blaster sa kaibigan niya bago ito bumaling sa kanya—pagka-miss ba ang nababasa niyang nakasulat sa mga mata nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dahil baka mapansin nito ang labis na kabang nararamdaman niya. "Long time no see, Aphrodite." Bati nito sa kanya. Ayaw man niyang tingnan ang lalaki dahil baka ipagkanulo siya ng puso niya pero awtomatikong nag-angat siya ng tingin para salubungin ang tingin nito.

"Oh! So, you guys knew each other?" tanong ni Barry sa kanila.

"No!"

"Yes!"

Magkasabay na sagot nila ni Blaster, kaya nagpapabaling-baling ng tingin ang dalawa pa nilang kasamahan sa kanila. Pero sa huli ay inamin din niyang magkakilala at naging magkaklase sila ni Blaster no'ng first year college.

"So, I think you need some time to remisnisce the past." Nakangiting sabi ni Drew saka nito hinila si Barry para iwan na silang dalawa ni Blaster.

"Kumusta na? Long time no see." Nakangiting sabi ni Blaster. Nang hindi siya sumagot ay muli itong nagsalita. "Ang ganda dito sa JPL at hindi ko inaasahan na dito ako ma-a-assign at makita kang muli. Maybe it's really meant to be." Masayang sabi nito. Nang magsimula siyang maglakad ay umagapay ito sa kanya. "Six years din tayong hindi nagkita at walang komunikasyon, siguro may boyfriend ka na rin—"

"Wala." Mabilis niyang sagot. Gusto tuloy niyang kutusan ang sarili niya para siyang naging defensive na atat sumagot.

Narinig niyang tumawa si Blaster, gayunpaman, sobrang na-miss niya ang tawa nitong 'yon. "Mas gumanda ka yata ngayon." puri nito sa kanya ngunit hindi siya nag-react, pero sa loob-loob niya ay parang may kumikiliti sa kanya dahil nakaramdam siya ng kilig.

Inalagaan niya ang sarili niya sa nakalipas na mga taon, ang dating frizzy hair niya ay unat, shiny, straight at mahaba na, wala na rin siyang full bangs at sobrang kapal na eye brows dahil tini-trim na niya 'yon at ang makapal na eye glasses ay d-in-ispose na rin niya dahil naka-contact lens na siya, hindi na rin siya dry lips at dry skin katulad nang dati dahil alagang-alaga na niya ang balat niya, wala na rin ang braces niya at syempre ay healthy living siya kaya mas nagkalaman ang katawan niya.

Actually, no'ng mag-third year college siya ay may mga nagparamdam na lalaki sa kanya, even RD, pero dahil hindi pa rin siya nakaka-get over sa first love niya at wala siyang in-entertain sa mga 'yon. May gusto rin makipag-date sa kanya na mas ahead sa kanya ng isang taon sa JPL kaya lang ay tinanggihan niya. Wala pa siya sa mood mag-boyfriend—o baka ayaw niyang mag-boyfriend dahil...

"I've missed you, love." Kumabog ang puso niya at napalunok siya nang mariin sa narinig niyang sinabi ni Blaster sa tabi niya, dahan-dahan siyang lumingon at nahuli niya itong nakatitig sa kanya. "Looking forward for a great company." Nakangiting sabi nito. Tanging tango lang ang naisagot niya sa lalaki.

HINDI PA rin talaga matanggal sa isip ni Aphrodite si Blaster, of all fields center talaga sa NASA, sa JPL pa ito na-assign—o baka nga talaga meant to be uling magtagpo ang kanilang mga landas. Hindi rin niya puwedeng itanggi sa sarili niya na hindi siya masayang makita ito—dahil mas masaya pa siya sa salitang masaya, hindi lang niya ma-express at ayaw lang niyang i-express dahil baka masaktan siya sa huli, eh, malay ba niya kung hindi na pala ito libreng pangarapin?

Ngunit nakita naman niya kahapon sa palasingsingan nito na wala itong suot na anumang singsing doon—ibig sabihin n'yon ay hindi pa ito naitatali nang sinuman. May kung ano sa puso niya na umaasang sana ay wala pang babaeng nagmamay-ari dito, hindi niya gusto ang isipin na may kasintahan na ito.

Napabuga siya ng hangin at saglit munang tumayo sa kinauupuan niya sa control room para magtungo sa comfort room tutal malapit naman nang mag-break time, nang mapatigil siya sa paglalakad sa hallway dahil nakita niya si Blaster na may kasamang babae—si Samantha, ang kilalang playgirl na Engineer sa JPL, lahat na yata ng lalaki doon ay naka-date na nito, palibhasa sexy, maganda at talaga namang malakas ang dating.

Nagsalubong agad ang mga kilay niya lalo na nang makita niyang parang ayaw nitong padaanin si Blaster, instead ay umabrisyete pa ito sa braso ng lalaki—at ang lalaking 'yon naman ay parang feel na feel pa. Bigla yatang kumulo ang dugo niya. 'Di ba ang sabi niya sa sarili niya ay naka-move on na siya kay Blaster, pero ngayon ay daig pa niya ang asawang inaagawan ng mister!

Gusto tuloy niyang ipadala ang babae sa pinakamalayong planeta, tiyak pagkakaguluhan din ito ng mga alien doon, o mas maganda yata na sa araw na lang ito magpunta tutal hot naman ito baka pumantay ito sa hotness ng araw. Gusto tuloy niya matawa sa inisip niya.

Nang bumaling siya sa dalawa ay nakita niyang nakaakbay na si Blaster sa babae habang nakatitig sa kanya, gusto tuloy niyang batuhin ito ng three inches heels ng stilettos na suot niya. Sa nakikita niya ngayon, nakakasiguro siyang madami itong naging girlfriends no'ng college. Lihim siyang napailing at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad para lagpasan ang dalawa.

"Do you really want me to go to your place later, Sam?" narinig niyang tanong ni Blaster sa babae. Gusto tuloy niyang balingan ang dalawa at pag-untugin ang mga ito, oo na, nagseselos na siya. Siguro nga talaga ay tapos na ang sa kanila ni Blaster, pero ang puso lang niya ang umaasa pang muling magkaroon ng second chance sila ng lalaki, kung hindi lang din siya isa't kalahating engot, e.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag