Chapter 21 - 20

Gusto niyang mainis ngunit pinakalma na lang niya ang sarili, wala rin namang mapupuntahan ang nararamdaman niya, kung 'yon talaga ang gusto ni Blaster at wala na itong damdamin para sa kanya, bakit pa siya aasa at hihilingin na muli siyang mahalin nito? Matagal nang tapos ang sa kanila nito, huwag na siyang mag-ilusyon, noon pa man ay alam naman niyang magagandang babae talaga ang gusto nito.

Nagulat na lang siya nang biglang umagapay si Blaster sa paglalakad niya patungo sa comfort room. Binalingan niya ito at nahuli niya itong nakatitig sa kanya ngunit inirapan din niya. Huwag nga itong lalapit-lapit sa kanya—at lalo na ang titigan siya ng gano'n, dahil baka umasa na naman ang puso niya, nakakainis na ang lalaking ito!

Napahinto siya sa paglalakad at agad na bumaling sa lalaki. "Bakit mo ba ako sinasabayan? Ano'ng problema mo?" diretsang tanong niya.

Nagulat ito sa una pero sa huli ay napangiti din. "Bakit ang init yata ng ulo mo?" tanong nito.

Gusto tuloy niyang kutusan ito. "Gutom lang ako, saka puwede ba, bumalik ka na lang kay Sam tutal bagay naman kayo, e." sana ay hindi siya nagtunog na nagseselos.

Ngumiti ito sa kanya. "Bagay kami? Talaga?"

"Oo, marami na rin 'yon nai-date na lalaki at for sure, ikaw din. Kaya meant to be kayo." Aniya. Muli itong natawa. "Saka bakit ka ba nandito? Hindi ko alam na ipu-pursue mo ang pangarap mong ito? Ano'ng nangyari sa pagdo-doctor na pangarap ng parents mo sa 'yo?"

"Ipinagpilitan ko kina mommy at daddy na ito talaga ang gusto ko, at hindi ako magiging masaya sa pangarap nila para sa akin, napapayag ko si dad pero natagalan ako kay mom, pero sa huli ay tinanggap din nila ang gusto ko. I was so happy back then, love... I mean, Aphrodite." Nakangiting sabi nito. "At para sagutin ang una mong sinabi, pagkatapos sa 'yo ay wala na akong d-in-ate na ibang babae." That gazes! Napalunok siya nang mariin nang maramdaman niyang muli ang pamilyar na tibok na puso niyang 'yon.

"E-Eh, malay ko ba kung nagsasabi ka nang totoo," aniya, saka siya nag-iwas ng tingin sa lalaki. "Saka 'di mo naman kailangan magpaliwanag sa akin."

"Right!" sagot nito sa kanya. "It's really nice to be working with you, after so many years," masayang sabi nito. "Oh, sige, mauuna na ako sa control room, saka paghahandaan ko pa ang pagpunta sa bahay ni Sam mamaya—"

"Are you really going?" putol niya sa sasabihin nito saka niya ito binalingan, gulat ang hitsura nito dahil sa tanong niya. "Sam is a playgirl and..."

"And?"

"B-Baka paglaruan ka lang." aniya saka siya nag-iwas ng tingin. OMG! So, talagang in-a-advice ko siya nang ganito? Sana hindi talaga ako nagmumukhang nagseselos.

"Aphrodite," bumaling siya sa binata. Seryoso na uli ang mukha nito. "Sorry uli sa nangyari six years ago. Nagsisisi talaga akong plinano ko 'yon—"

"Matagal na kitang napatawad, Blaster," sagot niya na ikinagulat nito. "Patatawarin na kita nang araw na 'yon—kaso lumipad na kayo ng pamilya mo papunta dito sa States, hindi ko na rin nasabing pinapatawad na kita at binibigyan ng second and last chance na paniwalaan uli."

Lumamlam ang mga mata nito at nagulat na lang siya nang mabilis siyang niyakap nito. "Thank you, thank you," masayang sabi nito. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya at hindi na siya kumontra pa dahil na-miss din niya ito, akmang gaganti siya nang yakap sa lalaki ay mabilis din itong kumalas sa kanya sa pagkakayakap. "Sorry, nadala lang ako." masayang sabi nito na tinanguan din niya. Saka ito lumapit para bumulong sa kanya. "Don't worry, hindi talaga ako pupunta sa bahay ni Sam." Nakangiting sabi nito.

Nagpaalam na ito sa kanya dahil babalik na ito sa control, hindi rin niya napigilang mapangiti sa kanyang sarili, nakalimutan na tuloy niya ang sadya niya. Oo nga pala, magsi-CR ako. Aniya sa sarili.

NAKANGITI si Aphrodite habang binabasa ang notebook niyang may nakasulat na Japanese words na isinulat niya dati para kay Blaster, hindi nawalay o nawala ang notebook niyang 'yon sa kanya dahil lagi niya 'yon dala-dala, doon na rin kasi niya isinusulat ang lahat nang nararamdaman niya lalo na kapag malungkot siya.

'Blaster, I don't know what is going on with my heart? Kapag nandyan ka ay sobrang saya niya at sobrang lungkot naman kapag wala ka. Isn't possible that I already have fallen for you? Pero hindi tayo puwede; hindi ako puwede para sa 'yo dahil masyado kang guwapo para sa akin. I like you but I think I should stop this!'

Ang corny at cheesy pa niya noon, pero wala naman siyang makapa sa puso niya na against siya sa mga isinulat niyang 'yon, kinilig pa nga siya, e. At siguro kung magsusulat uli siya para kay Blaster ay mas ma-keso pa doon minus the last part.

Nasa refectory siya noon mag-isa dahil naka-leave si Drew nang biglang may tumabi sa kanya sa upuan sa harapan niya, kaya ang pagbabasa niya sa notebook ay bumaling sa taong nasa harapan niya—si Theo, ang lalaking gusto siyang maka-date, na hindi pa rin sumusuko sa kanya.

"I'm still waiting, Aphrodite. Look, believe me, I really like you."

"Theo—"

"She's no longer available, dude, I'm sorry."

Sabay silang napalingon ni Theo sa biglang nagsalita sa kanang bahagi niya at nakita doon nakatayo si Blaster na noon ay halos mangunot ang makapal na kilay nito. Bumaling sa kanya nang nagtataka si Theo saka ibinalik ang tingin kay Blaster.

"What do you mean by that?"

"She's mine and forever mine." Sagot ni Blaster na siya man ay hindi nakaimik sa sinabi nito, bumaling si Theo sa kanya ngunit naka-fix na ang mga mata niya kay Blaster.

Narinig niyang tinanong siya ni Theo kung totoo ba ang sinabi ng lalaki—na wala sa sariling tinanguan niya kaya tuluyan na ring tumayo ang lalaki sa kinauupuan nito at iniwan silang dalawa ni Blaster.

Hindi pa rin siya nakakaimik at nanatiling nakatitig sa lalaki. "People may come and go in my life but you are the only one going to stay in my life forever," anito, saka nito imunuwestra ang kamay sa harapan niya na mabilis din niyang inabot, tinulungan siyang tumayo nito. "Whether you believe it or not, I love you, I still love you, I love you again and again, I love you one hundred times, no, one thousand times, no, million times. Argh! I can't count." Nangingiting sabi nito ngunit ramdam niya ang katotohanan sa sinasabi nito. Muli ay hindi siya nakaimik sa sinabi nito dahil para siyang nananaginip pa rin at nakalutang sa outerspace. "I fell in love with your sweet smiles before. Your thought in my head create the sweetest melody and I can't help but fall for you." Nagulat siya nang mag-angat ito ng kamay para punasin ang luha palang hindi na niya namalayan na pumatak sa kanyang mga mata.

"B-Blaster..."

"I'm sorry, hindi ko kayang makitang nilalapitan ka ng ibang mga lalaki, na nakangiti ka kapag kasama sila, ang isipin na may iba kang mamahalin, pakiramdam ko ay unti-unting nadudurog ang puso ko." Pagtatapat nito sa kanya saka nito hinaplos ang kanyang mukha. "Alam mo bang ilang beses kong ipinagdasal ang pagkakataon na muli kang makita at makasama, and look, nandito na tayo pareho at hindi ko na hahayaan na muling lumipas ang ilang taon para tanungin sa 'yo ito," humugot ito nang malalim na hininga bago muling nagpatuloy. "Maaari ba uli akong makapasok sa buhay mo? Maaari mo ba akong mahalin? Dahil kailanman hindi nagawang magmahal ang puso ko nang iba. It's been said that you only fall in love once, but I don't believe it." Tipid itong ngumiti sa kanya at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya para halikan siya sa kanyang noo. "Everytime I see you, I fall in love all over again and even if there wasn't gravity on earth, I'd still fall for you."

"Blaster!" muli siyang napaiyak at napayakap sa lalaki. Mahal din naman niya ito e, bakit pa niya pahihirapan ang puso niya? Samantalang sobrang torture na noon sa kanya ang pagkakawalay dito ng anim na taon. Kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha ay ang labis na kasiyahang nararamdaman niya. Walang kapantay ang nararamdaman niya ngayon. "You are the only man of my dreams; I've missed you so much. My heart only beats for you, my eyes only sees you and you are the only love of my life, Blaster, at nagseselos din ako sa tuwing may ibang babae kang kasama at kausap, ayokong maagaw ka ng iba sa akin kaya ayoko nang itago ang nararamdaman ko para sa 'yo, thank you for coming here and for praying that we could be together again," siya man ay ipinagdarasal din gabi-gabi n asana ay muli silang magkasama nito. "I love you, Blaster, and I'm willing to be with you again and again."

"So, are you willing to be my girlfriend?" pigil-hiningang tanong nito.

"Yes!" sagot niya na ikinasigaw nito ng malakas, kaya humingi siya agad ng paumanhin sa mga na-istorbo nilang kumakain. Natawa tuloy siya. "Ang totoo niyan, matagal na rin kitang gustong sagutin, kaso hindi mo naman ako tinatanong, e," natatawa pang dagdag niya, napailing tuloy itong natawa sa sinabi niya.

Mabilis siyang hinalikan sa kanyang mga labi at muling niyakap nang mas mahigpit. Ang buong akala niya no'n ay imposible na uli ang kanilang love story sa tagal na panahon nilang magkalayo, ngunit kung ang taong 'yon ay nakatadhana talaga para sa 'yo, kahit abutin pa 'yon ng ilang taon ay magkikita at magkikita pa rin kayo para muling ipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan, like the work of Science, true love is truly amazing! Nang ipabasa ni Aphrodite ang notebook niya kay Blaster ay halos kiligin ito minus the last part.

True love does not come by finding the perfect person but by learning to see an imperfect person perfectly. And for sure this time, they would treasure their love for each other, to the galaxy and back to back to back.

WAKAS