Chapter 16 - 15

NAPABUSANGOT si Aphrodite at muling napabuga ng hangin at tiyak hindi na naman siya matatahimik at makakatulog dahil sa isang mali niya kanina sa naging long quiz nila sa Human anatomy, nagkamali kasi siya nang pagkakarinig sa naging katanungan ng professor nila. Napabuga siya ng hangin.

"Hey, cheer up, isang mali lang naman 'yon, e." konsuelo ni Blaster sa kanya. Niyaya siya ng binata para magtungo sa canteen at mag-meryenda, sumama naman siya dahil hindi maganda ang naging bungad ng araw niya dahil sa score niya. Na-perfect ni Blaster ang long quiz nila.

"Hindi kasi maganda sa pakiramdam." Sagot niya, na tinanguan naman nito.

"Ganyan din ang pakiramdam ko no'n, pero dahil sa pagkakamali kaya tayo natututo. Malay mo sa exam ma-perfect mo 'yan." tumango na lang siya dito.

Nang makarating sila sa canteen ay pinaupo agad siya nito sa paborito nilang puwestuhan dahil ito na lang daw ang bahalang bibili nang makakain nila na sinang-ayunan na lang din niya. Nanghihina ang pakiramdam niya at nangalumbaba siya sa mesa, feeling drained na siya, saglit pa ay dumating rin si Blaster na may tangan na tray na naglalaman ng sampung iba't ibang flavors ng ice cream sa maliliit na cup.

"This is my one of my favorite stress-reliever." Nakangiting sabi nito. saka nito binuksan ang mango flavoured ice cream cup at ibinigay sa kanya. "Come on, try it."

Tipid siyang tumango at sumubo doon, nakaka-tatlong subo siya nang nasarapan siya sa kinakain niya. Parang nakaka-adik na kaya itinuloy-tuloy na niya, pagkaubos niya ng mango flavor ay isinunod niya 'yong matcha flavor.

"Ang sarap." Sa wakas ay napangiti na rin siya.

Ngumiti si Blaster saka tumango sa kanya at nagbukas ng ube flavor at sumubo doon. "I wonder kung ano ang stress-reliever mo?"

"Nawawala 'yong stress ko kapag nagbabasa ako ng book, nanonood ng films o di kaya kumakain ng popped corn o basta kahit anong cruchy na kinakain, pero ang sarap pala kumain ng ice cream kapag malungkot."

"Mas masarap kumain kapag kasama ka." Nakangiting sabi nito, hindi rin tuloy niya naiwasang mapangiti. Parang biglang naglaho ang inis na nararamdaman niya—at mas nangibabaw na lang ang kilig. Siguro kung no'n pa niya nakilala ang lalaki, madaling nawawala ang sadness niya kapag kasama ito. "Ngapala love, three days from now ay magaganap na ang finals para sa school band, sana makanood ka." Imbita nito. "Gagalingan ko kasi alam kong manunood ka."

Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. "Ilan ba ang kukunin sa school band?"

"Bass guitarist, electric guitarist—kung saan ako sumali, keyboardist, drummer at lead vocalist."

"Panalo ka na, for sure." Pagpapalakas niya ng loob dito.

"Basta manood ka, kahit hindi ako manalo, feeling panalo pa rin."

"Oo na, sige na." nakangiting sabi niya.

PAGSAPIT ng araw ng sabado ay daig pa niya ang a-attend ng JS Prom dahil pinagkatuwaan siyang ng mga kasamahan niya sa Science club nang puntahan siya ng mga ito sa bahay niya, palibhasa alam ng mga ito na espesyal siyang inanyayahan ni Blaster para manood sa kompetisyon nito sa school band, kaya dapat daw ay magmukha siyang lovelier—hindi na siya nakatanggi dahil parang mas malakas din ang hatak niyang magpahatak kina Cecilia.

Dahil wala siyang klase ng sabado—at mamayang after lunch pa ang finals ng school band ay sinamahan siya ng mga kaibigan niya sa Science club para magpunta ng salon para ipa-treatment ang kanyang patay na buhok, magpa-ahit ng kilay at maglagay nang manipis na make up na babagay sa kanya—kahapon din ay niyaya siya ni Mich na after school ay magpunta sila sa skin care shop para magpa-facial—na pag-aari ng parents nito at nailibre siya nito.

Bumalik lang sila uli sa bahay niya para maghanap ng dress na magagamit niya at halos malula ang mga ito sa laki ng closet niya—ang dami niyang dress pero hindi naman ginagamit dahil hindi naman bagay ng pangit na babae ang mag-dress dahil baka magmukhang trying hard lang na magpanganda, pero mabilis namili doon ang mga kaibigan niya at napili nga ng mga ito ang mini-dress na may kulay mint green, bagay daw niya 'yon dahil maputi naman ang kutis niya saka siya pinilian ng sapatos niyang may three inches na heels na naka-stock lang sa shoe rack niya.

"Nagco-contact lens ka ba?" tanong ni Pilar sa kanya na tinanguan niya—pero ginagamit lang naman niya 'yon kapag may okasyong pinupuntahan dahil mas kumportable pa rin siya sa salamin niya, gayunpaman, ipinakuha pa rin ng mga ito ang brown colored contact lens niya at isinuot sa kanya, saka kinulot ang dulo ng kanyang buhok.

Nang matapos sina Cecilia, Pilar, Mich at Ria sa kanya ay sabay-sabay napangiti at nag-thumbs up ang mga ito sa kanya. "You are now the loveliest." Nakangiting sabi ng mga ito.

Saka siya dahan-dahang ipinaharap sa malaking vanity mirror sa kuwarto niya—at halos manlaki ang mga mata niya sa nakita niyang hitsura niya, napakurap-kurap pa nga siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang hitsura niya. Para siyang isang si Cinderella, kanina ay mukha siyang basahan pero in a blink of an eye ay mukha na siyang prinsesa.

"I-Is that really me?" aniya sabay turo sa babaeng nakikita niya sa vanity mirror. Sabay-sabay namang nagkatawanan ang mga kaibigan niya at tumango-tango. Doon na rin nag-sink sa isip niya saka napangiti dahil sa nakikitang hitsura niya.

Wow! May igaganda pala ang isang tulad niya! "Pero mas maganda pa rin ang mga babaeng laging nakangiti at may self confidence." Ani Cecilia na tinanguan ng lahat. "Kaya don't forget to smile and be confident." Anito na tinanguan din niya.

Pagkatapos nilang mag-lunch all together sa bahay nila ay ni-retouch ng mga ito ang magandang ayos niya, kahit na ang grandparents niya ay labis na natuwa dahil sa magandang transformation niya. Nag-picture-picture din sila bago sila tuluyang nagpahatid sa driver niya sa school.

KINABAHAN siya nang makalabas sila mula sa sasakyan ay pinagtitinginan siya lahat ng mga tao sa paligid—pataas-pababa. Mabuti na lang at kasama niya ang mga kaibigan niya dahil kung hindi ay baka pumasok na lang uli siya sa loob ng sasakyan nila. Nagsimula na silang maglakad papunta sa school gym dahil doon magaganap ang finals para sa school band.

"Chin up, Aphrodite, huwag kang mahihiya dahil sobrang ganda mo ngayon." nakangiting sabi ng mga kaibigan niya.

Oo nga naman! Ngayon na ang pagkakataon ko para maipakita sa mga taong nanlalait sa dating hitsura ko na may igaganda ako nang hindi nagpapa-plastic surgery! Dahan-dahan siyang nag-angat ng chin at naglakad ng may confidence.

Saglit pa ay nakarating na din sila sa school gym at halos punuan na no'n ang lahat ng upuan doon, mabuti na lang at airconditioned doon kaya hindi masisira ang make up niya. Pumuwesto sila sa bahaging malapit sa stage kung saan magpe-perform ang mga participants.

Nakapuwesto na din ang mga judges at naka-ready na ang mga instrumentong magagamit sa stage. Hinahanap na lang ng kanyang mga mata si Blaster. Siya kasi ang parang kinakabahan para sa lalaki—pero alam niyang makakapasok ito sa kanilang school band dahil may puso ito sa musika at may dedikasyon sa ginagawa nito.

Nang tawagin na ang unang participant ay halos magiba ang buong gym dahil sa ingay ng mga manunood. Sobrang excited ang lahat. Pati silang lima ay napapapalakpak dahil sa kasiyahan. Magagaling ang mga participants sa bawat instrumento, may tatlong participants each instruments at isa doon ang makakapasok sa school band at huling tutugtog ang mga electric guitarists.

Nang matapos ang lahat ng instruments ay sumabak na ang mga electric guitarists. Magaling ang dalawang naunang electric guitarist at panghuling sasalang si Blaster. Nakita na niyang umakyat ito sa stage, nakasuot ng lucky animal print shirt nito pero halos namumutla ang mukha nito, marahil kinakabahan ito, ni hindi nito magawang ngumiti sa mga tao. Kaya mabilis siyang tumayo.

"Go Blaster!" sigaw niya, kaya mabilis na hinanap nito ang boses niya, no'ng una ay hindi siya nakilala nito dahil sa hitsura niya hanggang sa unti-unting lumaki ang mga mata nito nang mapagtanto siguro nito na siya nga 'yon.

Tuluyan na itong ngumiti at nag-thumbs up sa kanya bago bumaling sa mga judges na nasa harapan nito, kapagdaka'y pumailanlang na ang minus one na sasabayan nito ng electric guitar nito. 'If I ain't got you by Alicia Keys' ang kantang napili nitong sabayan. Goode bumps. Halos magtilian silang lahat sa gym dahil sa puso at ganda ng pagtugtog ng binata kahit na ang mga judges ay napapangiti at napapatango dahil sa galing ni Blaster.

Nang matapos itong tumugtog ay nauna siyang napatayo at pumalakpak, sumunod naman ang mga kaibigan niya hanggang sa lahat ng mga tao sa gym ay nagsitayuan na rin para pumalakpak—lalo na ang mga judges na bilib na bilib sa lalaki.

Bumaling sa kanya si Blaster saka ito ngumiti at nag-thumbs up sa kanya. Saglit pa ay nagkatipon-tipon na ang lahat ng participants sa stage para sa grand announcement. Napapikit siya para umusal ng panalangin, ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Relax ka lang, Aphrodite, si Blaster ang mananalo." Natatawang sabi ni Cecilia sa tabi niya, nagmulat siya ng mga mata at tumango sa babae, ngunit nakalapat pa rin ang dalawang palad niya para kumapit kay God para sa magandang resulta.

Unang in-announce ang nakapasok as lead vocalist, keyboardist, bass guitarist, drummer at tumigil ang mundo niya nang in-announce na ang nakapasok sa electric guitar. Blaster! Blaster! Blaster! Tili ng isip niya.