Chapter 10 - 9

Chapter Five

"WELCOME to the beautiful paradise called Quezon province, my hometome!" nakangiting sabi ni Emmanuel. Saka ito napapikit at nilanghap ang sariwang hangin sa maganda at preskong kapaligiran.

Pagkatapos nang mahigit-kumulang apat na oras na biyahe ay nakarating din sila sa maganda, payapa at tahimik na lugar ng Quezon province. Napangiti siya dahil bukod sa first travel niya ito with friends, ngayon lang din siya nakapunta sa probinsya.

Ang ganda nang buong kapaligiran, lalo na ang bahay nina Emmanuel ay gawa sa kahoy ngunit napakaganda ng exterior design and landscapes. Mabilis silang sinalubong ng dalawang katiwala nina Emmanuel sa bahay para igiya papasok sa loob ng bahay, at muli siyang napatulala dahil sa ganda ng interior design, kahit na ang mga kasamahan niya ay amaze na amaze sa nakikita.

Kung ganito ba naman kaganda ang paligid at buong kabahayan ay talagang mapapanatili ka na lang sa lugar, nakakalungkot lang dahil bukod daw sa dalawang katiwala ay wala nang sinumang miyembro ng pamilya ni Emmanuel ang naninirahan doon dahil ang parents nito ay nasa Manila na din dahil naroon ang hanap-buhay.

Ipinaghanda sila ng meryenda kaya naupo na muna sila sa magandang sofa. May apat na kuwarto sa bahay ngunit napag-desisyonan nilang mag-tent na lang sa labas ng bahay dahil malaki ang bakuran at safe para pagtayuan ng tent at matulog sa gabi—at exciting 'yon dahil ngayon lang niya mararanasan ang mga 'yon!

Inilagay nila saglit ang mga gamit nila sa isang malaking kuwarto bago sila bumalik sa salas para kumain ng meryenda habang nagluluto pa raw ng lunch ang mga katiwala sa bahay. Bigla siyang nalungkot nang maalala niya si Blaster na hindi nakasama sa kanila dahil kasabay ng kanilang team building ay ang audition nito sa school band, ngunit sinabi nito na baka bukas daw ito makasunod sa kanila dahil sa dami ng participants at baka abutin nang hapon.

Ang weird pero na-miss niya ang kakulitan nito. Parang sa kaunting sandali na pagkakakilala nila ay feeling niya napalapit na ang loob niya dito.

Sila din ni Blaster ang nagkamit nang pinakamataas na grades sa Chemistry presentation nila last time at sa magandang discussion ng kanilang topic at research, siyempre dagdag na rin ang magandang videography ni Blaster. Nahihiya nga siya sa buong klase dahil hindi siya telegenic at naririnig pa niya mula sa mga kaklase niyang babae na sana daw si Blaster na lang ang presenter—pero kabaliktaran naman 'yon sa sinabi nina Blaster at ng professor nila, ang galing-galing daw niyang nag-present, ang husay daw nila ni Blaster!

Pero hindi naman magiging successful ang presentation nilang 'yon kung hindi sa teamwork at dedication nila at para na rin sa mga grades nila.

Marami ring nakasama sa team building nila nang araw na 'yon, mahigit sampung baguhang members, kasama na siya at kulang sampung datihang members at Science club officers. Wala man si Blaster para magparamdam sa kanya na hindi siya out of place—naroon naman ang mga kasamahan niya sa Science club na ipinaparamdam din sa kanya na belong siya sa club, minsan pa nga bini-baby siya ng mga ito dahil siya ang pinakabata sa grupo, she's sixteen and other freshmen are seventeen including Blaster.

Nang matapos silang mag-meryenda ay saglit lang silang nanuood ng sci-fi movie bago nag-lunch at dahil maganda ang panahon ay nagpasya silang lahat na mamasyal muna saglit para makita ang lupain ng mga dela Cruz. Mamayang gabi daw ang club activities nila; para mas makilala nila ang isa't isa, makapag-bonding at makagawa ng memories together.

Pasado alas dos na ng hapon pero hindi maalinsangan, mahangin pa nga at masarap maglakad-lakad, nakangiti siya habang pinapanood ang mga kasamahan niya habang nagkukuhanan ng larawan sa paligid. Mabilis naman siyang nilapitan ni Dora para kunan siya ng larawan na no'ng una ay nahihiya siya dahil hindi talaga siya photogenic pero sa huli ay pumayag din siya. Ang saya! Pero parang may kulang talaga kaya hindi siya makapagsaya ng hundred percent.

Is it because Blaster is not here? Tanong ng isipan niya. Malala na yata siya dahil habang tumatagal ay hindi na niya maiwasang hindi ito maisip at ma-miss kapag hindi ito nakikita at nakakausap. This is insane! Hindi kaya nagkaka-crush na siya sa lalaking 'yon? But he's so crushable! Anang isipan niya na hindi n niya kinontra.

Buong hapon silang namasyal sa lugar, kumain ng mga pagkaing nilalako sa tabi-tabi na una lang din niyang natikman, naglaro sila na parang bata sa nakatumpok na dayami, since malapit lang sa bukid nakatayo ang malaking bahay nina Emmanuel at saka nila napagkasunduang maligo sa malapit na batis, sobrang ganda ng lugar at wala na siyang masabi.

Pagkatapos nilang maglunoy sa malinis na batis ay umuwi na sila para makaligo nang maayos at makapagbihis, pagkatapos ay nagpasya muna silang magpahinga para sa magiging activities nila mamayang gabi. Nakaidlip siya sa kuwartong ipina-okupa ni Emmanuel sa kanila, ng dalawang oras at mag-a-alas sais na nang magising siya.

Tumayo na siya sa kama para hanapin ang mga kasamahan niya, mag-isa na lamang kasi siya sa kuwarto noon at napag-alaman niyang nasa bakuran na ang mga ito at abala sa pagpapatayo ng malalaking tent for girls and boys at ang iba naman ay naghahanda na para sa boodle fight nila. Mabilis na rin siyang nagtungo doon para tumulong.

Nang matapos sila sa lahat ng mga gawain ay saglit muna siyang naupo sa malaking bato, sa magandang garden nina Emmanuel para pagmasdan ang landscape. Ini-relax niya ang sarili at tinanggal saglit ang makapal na eyeglasses para maipahinga ang mga mata nang biglang may lumapit sa kanya doon at naupo pa sa katabing bato—si RD 'yon, co-freshman, co-club member at nursing student.

"Ang ganda dito kina President, 'no?" nakangiting sabi nito, saka ito bumaling sa kanya. Inaamin niyang guwapo at matangkad ang lalaking ito—kung bakit walang anumang reaksyon ang puso niya dito.

"Oo nga, ang sarap sigurong manirahan dito." Nakangiti ding sagot niya.

"Meron din ba kayong bahay bakasyunan? 'Di ba galing ka sa mayamang pamilya?" anito.

Ngumiti siya at umiling. "'Yong ganitong baskayunan? Wala."

Naramdaman niyang nakatitig sa kanya ang binata kaya bumaling siya dito. Ang weird dahil kung ganito ang eksena nila ni Blaster, tiyak kanina pa nagtatatalon na parang sira-ulo ang puso niya, pero wala talaga siyang maramdamang kakaiba kay RD kahit hindi nailalayo ang hitsura nito kay Blaster.

"Bakit?" tanong niya dahil hindi ito umiimik at nakatingin at nakangiti lang sa kanya. Ibinalik niya ang salamin niya para mas lalong makita ang lalaki, simula grade school ay talagang malabo na ang mga mata niya gawa nang araw-araw niyang pagbabasa at panonood ng TV.

Umiling at ngumiti ito. "Mas cute ka pala kapag wala kang suot na eye glasses, ang gaganda ng mga mata at pilik-mata mo na para sa manyika." Anito.

"Ako? Cute?" napailing naman siya. Si Blaster lang yata ang nagsasabi n'on sa kanya, maliban sa pamilya niya. "Baka kailangan mo na rin ng salamin sa mata." Biro niya.

Ngumiti ito at umiling. "Seryoso nga, no'ng unang makita kita sa room ng Science club, na-curious ako sa 'yo kasi nga ikaw lang 'yong naka-perfect doon sa entrance exam ng school."

"Pero na-disappoint ka kasi nang makita at makilala mo ako, hindi ako ideal girl?" aniya.

Umiling-iling ito. "Of course not, 'yong iba siguro mas prefer ang mga babaeng pang-commercial model ang dating pero may mga lalaki ding mas gusto ang mga simple at matatalinong babae." Nakangiting sabi nito.

"Imposible 'yan!" naiiling na sabi niya.

"Oo nga, like me, I prefer someone... like you." Nakangiting sabi nito. "Kanina pa kita pinagmamasdan; mula sa pagpasyal natin hanggang sa paliligo natin sa batis." Pag-amin nito. "I hope we can be friends, Aphrodite."

"Ahm, tell me, may ulterior motive ka ba sa pakikipaglapit sa akin?" diretso niyang tanong.

Saglit itong tumitig sa kanya saka napangiti at umiling. "It's really pure friendship," sagot nito. "Paano mo nasasabi 'yan?"

Saka niya ikinuwento ang naging experience niya no'ng high school siya sa malulupit niyang mga kaklase. Napailing-iling lang ito. Saglit itong tumayo saka pinulot ang bulaklak na naitangay ng hangin saka bumalik sa kanya.

"For you." Nakangiting sabi nito.

Saglit siyang nag-alinlangang tanggapin 'yon pero akmang kukunin na niya ang iniaabot ng lalaki nang may mabilis na kumuha n'yon mula sa kamay ni RD—at nanlaki ang kanyang mga mata nang malingunan niya si Blaster, na no'n ay halos magdugtong na ang makapal na mga kilay nito habang nakatitig kay RD.

"Blaster?" nagtatakang tanong niya. Ang buong akala niya ay bukas pa ang punta nito dito—na-surprise tuloy siya. Pinigil niya ang sariling ma-excite nang sobra dahil sa pagkakakita sa lalaki, ang puso niya ay nagsimula na namang mag-headbang mula sa ribcage niya.

"Ahm, sige, Aphrodite and Blaster, maiwan ko muna kayo dito." Paalam na ni RD nang siguro maramdaman nito na halos nakakatupok na ang mainit na mga titig ni Blaster. Tumango at kumaway na siya sa lalaki, nagulat pa nga siya nang awatin ni Blaster ang kumakaway niyang kamay kay RD saka ito umupo sa binakanteng upuan ng lalaki.

"Akala ko bukas ka pa pupunta dito." Aniya, sana ay hindi nagmukhang excited ang pagkakasabi niya nang sinabi niya.

"Dahil gusto na kita agad makita," sagot nito saka ito nag-angat ng tingin para pagmasdan ang papadilim nang kalangitan. "Pero iba pala ang makikita ko." Anito.

Napakunot-noo siya. Ano bang pinagsasasabi nito? Ang weird yata ni Blaster ngayon? Saka bakit ito mukhang badtrip at banas na banas? "May nangyari ba sa pag-o-audition mo kanina sa school?" hindi niya naiwasang itanong.

"Nakapasa ako sa preliminary screening, next week 'yong final battle."

Napakunot-noo uli siya "Eh, positive naman pala 'yong result, e, bakit para kang badtrip? Na-traffic ka ba? Buti alam mong magpunta dito?"

"Hindi ako na-traffic kahit nag-commute lang ako saka binigyan ako ng mapa ni President," sagot nito. "Pero alam mo kung ano ang ikinaka-badtrip ko?" Umiling-iling naman siya. "Masyadong nakikipaglapit 'yong mukhang alien na lalaking 'yon sa 'yo."

"Si RD?"

"Sino pa ba?" naiinis pa ring sabi nito. Hindi tuloy niya napigilang matawa kaya napabaling ito sa kanya at mas lalong na-badtrip ang hitsura. Ngayon lang niya ito nakitang nagsusungit ng gano'n na parang ang laki ng problema—tapos malalaman lang niyang nagseselos it okay RD? Teka, nagseselos siya kay RD? "Huwag ka ngang nakikipaglapit doon," dagdag pa nito.