"Kung gano'n, baka puwede niya itong mabasa," nakangiting sabi ni Cecilia.
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi!" malakas na sigaw niya. "I mean, hindi puwede, akin na 'yan, VP..." pakiusap niya. May pagka-naughty din itong VP nila, e, dahil imbes na iabot sa kanya ay mas inilayo pa 'yon, hindi na tuloy niya alam kung magpapakain na lang ba siya sa mga isda sa batis o magtatakbo pauwi sa kanilang bahay.
Akmang aabutin niya sa kamay nito ay mas itinaas pa nito ang notebook—hanggang sa nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang may kumuha sa notebook na hawak ni Cecilia—at wala 'yong iba kundi si Blaster.
"What's this?" tanong nito sa kanila saka akmang titignan ang kanyang notebook ay mabilis siyang sumigaw—na halos pati ibang mga kasamahan nila ay napalingon sa kanila. Nagulat na napatingin ang dalawang kasama sa kanya.
"A-Akin na 'yang notebook ko, Blaster, wala kang makikita dyan, please?" pakiusap niya.
Narinig niyang tumawa si Cecilia dahil sa reaksyon niya; siguro ang hitsura niya ngayon ay namumutla na dahil sa sobrang kabang nararamdaman niya.
"'Di ba Blaster marunong kang mag-nihonggo? Baka kaya mong basahin 'yang nakasulat na Japanese words dyan sa notebook ni Aphrodite." Nakangiting sabi ni Cecilia.
Umiling-iling siya at agad na nakalapit sa binata. "Akin na 'yan, Blaster, wala kang mababasa dyan." Pakiusap niya.
"Wala daw, eh, bakit parang paranoid ka?" tanong ni Cecilia.
Napapiksi siya nang tumaas ang kamay ng binata papunta sa kanyang mukha. "Namumutla ka." Puna nito.
Napalunok siya nang mariin at umiling-iling. "Ayos lang ako, akin na 'yang notebook ko..."
Saglit lang nitong tinitigan ang notebook nang nagtataka bago ibinalik sa kanya na ikinahinga niya nang maluwag. "Nacu-curious tuloy ako kung ano ang nakasulat sa notebook mo..." ani Blaster.
"W-Wala ito," mabilis na sagot niya saka niya hinawakan sa braso si Cecilia. "Balik na tayo doon." Yaya na niya.
Ngunit hindi nakasunod agad si Blaster sa kanila dahil sinagot nito ang tawag sa cell phone nito at halos kalahating oras din ito sa tawag na 'yon. Nasa kanya-kanyang tent na noon silang mga babae at lalaki nang bumalik si Blaster. Nasa bungad siya no'n ng tent kaya nang bumaling ang binata sa kanya ay mabilis siyang nagsara—sana ay hindi siya nahuling nakatingin dito.
"Sino 'yong katawag mo? Girlfriend mo? Ang tagal, ah," narinig niyang tukso ni Art na bumungad sa lalaki, na isa rin sa freshman member.
Umiling si Blaster. "She's my friend now." Sagot nito.
"Ah, so, 'yong ex mo nga 'yon?" natatawang sabi ng lalaki.
"Tara na nga lang sa loob,"
"Asus! Nagkabalikan na ba? Paano na si your 'love'?"
"Huwag ka ngang maingay dyan, halika na dito sa loob," ani Blaster kay Art, at wala na nga siyang narinig na sunod na usapan.
"'Uy, parang may nagseselos sa tabi dahil sa unexpected na tawag ni Prince Charming sa ex niya." narinig niyang sabi ni Pilar—na alam niyang siya ang pinatatamaan.
"Kung gusto mo ang isang tao, sabihin mo sa kanya, kaysa maunahan ka pa ng iba—at ang malupit niyan ay ex pa—as in pag-ibig in the past." Sabi naman ni Mich.
Nahiga na siya at nagtalukbong para hindi na siya matukso ng mga ito kaya lang ay hindi pa rin nagpatinag ang mga ito kaya sa huli ay mabilis niyang tinanggal ang talukbong para bumaling sa mga ito.
"Ako ba 'yong pinapatamaan n'yo na dapat magtapat kay Prince Charming?" tanong niya.
"Wala ng iba." Sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Napabuga siya ng hangin at lihim na napailing. "Hindi ko na kailangang gawin 'yon dahil sa simula pa lang ay alam ko na agad ang magiging kasagutan."
"Ano naman?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.
"Hindi pa ba obvious? Syempre epic fail," sagot niya saka umiling-iling. "Sino ba naman ang magkakagusto sa babaeng hindi naman maganda, hindi sexy, hindi flawless at hindi attractive, 'di ba? Bulag na lang talaga."
"Grabe ka naman sa sarili mo." Sabay-sabay na sabi ng mga ito.
"Lahat ng tao ay may karapatang magmahal kaya huwag mong ipagbawal 'yan sa sarili mo, saka hindi ka naman pangit e, hindi ka lang marunong mag-ayos at pangalagaan ang katawan at kutis mo."
"May naisip ako, guys!" pasigaw na sabi ni Cecilia kaya bumaling sila lahat sa babae.
"I-make over natin siya!"
"I'm in!" mabilis naman na segunda ng iba pa nilang kasamahan.
"Next week, hindi na lang ikaw ang super genius na si Aphrodite, dahil magiging campus babe ka na rin." Nakangiting sabi ni Cecilia.
"Ano?" gulat na sabi niya saka umiling-iling sa mga ito. "Huwag na kayong mag-effort pa dahil wala din namang patutunguhan ang gagawin n'yo. Hindi rin naman ako magugustuhan ni Blaster kahit ano'ng gawin ko."
"Nakakasiguro ka ba dyan?" sabay-sabay na tanong ng mga ito.
"Hangga't hindi nangyayari ang isang bagay, huwag agad susuko." Sabi ni Pilar.
"Saka feeling namin, e, may something naamn sa 'yo si Prince Charming, e." tukso ni Mich.
Kumabog ang puso niya na parang biglang nabuhayan, gayunpaman, hindi siya dapat umasa sa mga pinagsasasabi ng mga kasama niya—dahil pinapalakas lang ng mga ito ang loob niya. "Hindi ako bagay sa guwapong tulad niya."
"Masyado ka lang negatibo sa sarili mo, Aphrodite, cheer up! Maganda ka, maganda ako, maganda tayong lahat na miyembro ng Ccience club." Sabi ni Cecilia.
"Tama!" sigaw naman ng lahat.
"Saka kung hindi ka gusto ni Blaster, bakit parang kakainin na niya ng buhay kanina si RD sa mga titig at actions niya?" natatawang sabi ni Mich. Hindi tuloy siya nakasagot.