Chapter 14 - 13

Chapter Seven

"OUR ACTIVITY for today is called 'catch me I'm falling'; this is to build trust with your co-members. Ang bawat team ay may tig-sampung participants at isa ang aakyat sa mataas na platform at magpapahulog para saluhin." Anunsyo ni Emmanuel sa kanila.

Si Aphrodite ang napili para magpahulog sa kanilang grupo since siya daw ang pinakamaliit at mas magaan kaysa sa ibang mga babae. Ayaw niya sa mga ganitong activity pero excited naman siya dahil bagong experience ito sa kanya, ipinahawak niya saglit kay Emmanuel ang kanyang salamin sa mata. Pumuwesto na siya sa mataas na platform at tumalikod. Medyo kinakabahan siya dahil first time niyang gagawin ang ganitong activity.

"Love, sa right side mo ikaw magpahulog dahil hinding-hindi kita hahayaang mahulog at masaktan." Narinig niyang mahinang sabi ni Blaster.

"Aphrodite, sa left side ka magpahulog, nandito ako at hindi kita pababayaan. Willing kitang i-catch kahit paulit-ulit ka pang mahulog." Narinig din niyang mahinang sambit ni RD.

Nagtawanan tuloy ang mga co-members nilang nakakarinig sa mga sinasabi ng dalawa. "Ibang klase ka Aphrodite, ang haba ng buhok mo, ha." Narinig niyang sabi ng isa nilang teammate, kaya napailing na lang siya ng lihim.

Bumilang muna siya ng hanggang tatlo bago siya nagpatihulog, naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng mga kasamahan niya. Napapikit siya at saglit pa ay naramdaman niyang niyang na-catch siya ng mga kasamahan niya at pagmulat niya ng mga mata ay ang nakangiting mukha ng mga ito ang nakita niya. Mabilis siyang ibinaba ng mga ito at kinuha ang kanyang eye glasses kay Emmanuel para isuot 'yon.

"You really did great!" nakangiting sabi ni RD sa kanya. Akmang makikipag-high five ito sa kanya ay mabilis siyang nahila ni Blaster sa tabi nito at inakbayan.

"Ang galing mo, love, hindi ka natakot!" nakangiting sabi ni Blaster, saka na siya iginiya palayo kay RD.

Kinahapunan ay nagkaroon sila ng fellowship, naupo sila nang paikot sa damuhan para mag-share ng kani-kanilang masayang experiences at mga natutunan sa team buiding activities nila. Maganda ang klima at hindi masyadong mainit, huling araw na nila ito sa bahay nina Emmanuel dahil mamayang gabi ang uwi nila sa manila dahil may pasok na sila kinabukasan.

Masasabi niyang kahit dalawang araw lang niyang nakasama at naka-bonding ang mga co-members niya sa Science club ay parang ang lapit na ng mga ito sa puso niya—palibhasa ay tanggap siya nito bilang kaibigan hindi katulad ng ibang mga taong halos pandirihan siya dahil hindi maganda ang hitsura niya.

"Ako nang mauuna," ani Emmanuel. "Sa totoo lang ay nakapasaya at napakasarap n'yong kasama, hindi ako na-bore sa pananatili ko dito sa lugar na ito kasama kayo. Feeling ko para ko na kayong mga kapatid sa ibang mga magulang at mas naging malapit tayo sa isa't isa. Kaya kung may pinagdadaanan kayo, alam n'yong nandito lang ang Science club para sumuporta sa isa't isa..."

Sunod namang nagsalita ang ibang club officers hanggang sa siya na lang ang huling nagsalita dahil paikot ang sequence nang pagsasalita.

"Nagpapasalamat ako sa inyo dahil ngayon lang talaga ako naka-attend sa ganitong event, nagkaroon ng mga kaibigan sa katauhan ninyo at napalapit ang loob sa inyo. Feeling ko ay nakatagpo ako ng mga kakampi na handang suporta sa akin—'yong hindi importante ang hitsura ko na basehan nang pagiging kaibigan n'yo at hindi n'yo ako pinabayaan. Ang dami kong natutunan na kasama kayo at masaya ako na hindi ako nagkamaling sumali sa club na ito," naiiyak na sabi niya. Naramdaman naman niyang tinapik nang magaan ni Blaster ang kanyang likuran, na nasa tabi niya. "At syempre gusto ko na din kunin ang pagkakataon para pasalamatan ang isang tao na sa simula pa lang ay hindi ako kailanman hinusgaan dahil pangit ako, hindi katulad ng ibang mga tao na halos ipamukha sa akin na hindi ako belong sa kanila." aniya saka siya bumaling kay Blaster—na hindi nito inaasahan. "Thank you, Blaster, dahil hindi ka naging katulad ng ibang tao para husgahan ako, hindi ka nangiming kaibiganin ako kahit... pangit ako, at walang pakialam sa sasabihin ng ibang mga tao."

Tipid itong ngumiti. "Hindi ka pangit, Aphrodite," seryosong sabi nito at tinawag siya ngayon sa totoong pangalan niya, ngunit biglang nalungkot ang hitsura nito at parang hindi makatingin sa kanya ng diretso. "You're an amazing person that's why I befriended you and I really like you because you are what you are, no pretentions."

Seryoso at masayang nakikinig at nanunuod ang iba nilang mga kasamahan sa kanila ni Blaster. Nata-touch din siya sa mga sinasabi ni Blaster na nakakadagdag ng confidence niya. Napangiti siya kay Blaster at hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para yakapin ito—alam niyang nagulat si Blaster sa ginawa niya dahil animo'y nanigas ito sa kinauupuan nito ngunit kapagdaka'y t-in-ap din nito ang likuran niya. Saglit din siyang nakayakap sa binata bago sila unti-unting inulan ng tuksuan.

Hanggang sa pagsakay nila sa ni-rentahan nilang bus pauwi sa kanila ay todo tukso pa rin ang mga kasamahan nila sa kanilang dalawa ni Blaster, nahihiya tuloy siya pero pinanindigan na rin niya tutal may nararamdaman naman na talaga siya sa binata, e.

Sa bus ay magkatabi sila ng upuan ng binata dahil wala daw gustong pumutol sa love story nila, sila daw ang love team na tatalo sa lahat ng sikat na love teams ngayon sa Pilipinas kaya natatawa na lang siya—though mas kinikilig naman siya sa tuksuan sa kanila.

Nakatingin siya no'n sa labas ng bintana nang napapiksi siya dahil kinalabit siya ni Blaster, nang bumaling siya dito ay nakangiti ito sa kanya. "I have a message for you." Nakangiting sabi nito. saka nito dahan-dahan inilagay ang kaliwang earphone nito sa kanyang kaliwang tainga.

At doon niya narinig pumailanlang ang kantang 'It might be you na version ni Daniel Padilla'. Hindi niya napigilang kiligin sa isipin na parang gustong sabihin ni Blaster sa kanya ang laman ng kanta. Alam niyang mabuting tao lang ito at hindi siya dapat umasa sa mga pakilig nito—kung bakit gustong maniwala ng puso niya na may damdamin na rin ito para sa kanya? Pero imposibleng magkagusto ang napakaguwapong lalaki sa tulad niya!

Pero wala namang batas ang nagsasabi na ang mga guwapo ay para lang sa magaganda—lalo na ang hindi maaaring ma-in love ang isang guwapong lalaki sa pangit. Minus the face, 'di ba lovable naman siya? 'Yon ang lagi niyang naramdaman sa tuwing kasama at kausap niya si Blaster—na lovable siya at maganda.

Dinadagdagan nito ang confidence niya na matagal nawala sa kanya dahil sa ibang mapanghusgang mga tao. Tinuruan siya nitong mas mahalin ang sarili niya at makita ang sarili niya na hindi nalalayo sa ibang magagandang babae. Hindi nito kailanma ipinaramdam sa kanya na hindi sila magka-level sa hitsura nito—dahil feeling niya kapag kasama siya nito ay siya si Lee Sung Kyung at ito naman si Nam Joo Hyuk—na sobrang perfect para sa isa't isa.