Chapter 8 - 7

Chapter Four

"MAYROON akong dalawang chemistry activities na gustong gawin dito sa presentation natin. How about blowing up a balloon using carbon dioxide; lemon juice and baking soda to create a carbon dioxide? Or let's make a lava lamp to demonstrate both a physical and chemical properties of the ingredienst to be used, what do you think, Blaster?" tanong ni Aphrodite sa kasama niyang lalaki na mukhang iba naman ang pinag-kakaabalan sa notebook nito. Nasa library sila no'n para mag-conduct ng magandang chemistry research sa activity na ipe-present nila next week.

Pumitik siya sa harapan nito na siyang nakaagaw sa atensyon nito. "Oh, sorry, you're saying something?" nangingiting tanong nito.

"Ang dami kong sinabi pero wala ni isa man sa mga 'yon ang pinakinggan mo?" aniya.

Ngumiti ito at napakamot ng baba. "Sorry, masyado ko kasing pinupusuan itong ginagawa ko, e." Nakangiting sabi nito. Napakunot-noo siya. Ano ba kasi ang mas mahalagang bagay na ginagawa nito kaysa sa chemistry research nila? Eh, tungkol ito sa magiging grades nila!

"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo?" aniya saka siya tumayo at mabilis na inagaw sa mga kamay nito ang notebook. Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito at mabilis hinila ang kanyang braso para muling makuha ang hawak niyang gamit nito, pero dinagundong siya ng kaba nang makita niya kung gaano na sila kalapit sa isa't isa. Mabilis na lang niyang ibinigay ang notebook nito at agad na dumistansya sa lalaki.

Pinilit niyang pakalmahin ang sarili habang nagwawala ang puso niya sa loob ng kanyang katawan. This is insane! Naiiling na sabi niya sa sarili. Hindi pa kasi niya nararamdaman ang gano'ng klaseng pakiramdam noon kahit sa mga naging crushes pa niya—kahit kay Shin na ilang oras din niyang nakakuwentuhan at nakalaro ng scrabble last time. Walang ganitong weird na pakiramdam!

Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki at gano'n na lang ang gulat niya nang mapansin niyang nakatingin na rin pala lahat ng mga tao sa kanila ni Blaster, mabilis siyang naupo sa puwesto niya at inabala na lang ang sarili na kunwari ay pagbabasa kahit pa pakiramdam niya ay pati buhok niya ay namumula na rin sa kahihiyan. Napapikit na lang siya't napailing.

He never fails to make her feel weird inside. Hindi na 'to nakakatuwa but ironically, may kung ano'ng kumikiliti sa puso niya at hindi niya magawang ma-badtrip sa lalaking ito; kung pinaglalaruan o ginu-good time lang siya nito. Hindi niya ma-resist ang charm at cuteness nito.

"I-I'm just kidding, of course, I was listening to your suggestions a while ago." Ani Blaster, nang lingunin niya ito ay nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Maganda ang mga sinabi mo at sa tingin ko ay kailangan na din nating simulan ang video presentation natin." Anito. "Maganda rin 'yong 'Insta-snow' activity, I also used to do it in junior high, nakakatuwa siya."

"Then let's do it all, total pagandahan naman ng research at video presentation, saka wala namang sinabi si sir kung ilang researches gagawin. Sa palagay ko naman ay wala pang gagawa sa mga naisip natin." Aniya.

Tumango ito at bumaling sa kanya at tipid na ngumiti. "Dadalhin ko ang video camera ko sa susunod."

"Baka madami ang gumagamit ng chemistry laboratory, kaya kung gusto mo ay sa laboratory na lang sa bahay namin gawin 'tong activities natin." Suhestyon niya na ikinalaki ng mga mata nito sa gulat.

"M-May laboratory kayo sa bahay n'yo?" amazed na tanong nito

"Oo, and my parents were Scientist after all." Nakangiting sabi niya na tinangu-tanguan nito. "Kung okay lang sa 'yo."

Mabilis itong nag-thumbs up. "Siyempre mas okay pa sa alright!" masayang sabi nito.

"IF ALL goes well then your balloon should inflate. Adding the lemon juice to the baking soda creates a chemical reaction. The baking soda is a base while the lemon juice is an acid, when combine they create carbon dioxide. The gas rises up and escapes through the soft drink bottle, it doesn't however escape the balloon, pushing it outwards and blowing it up. If you don't have any lemons then you can substitute the lemon juice or vinegar. And that's how to blow up a balloon with carbon dioxide."

"And cut!"

Nakahinga nang maluwag si Aphrodite nang sa wakas ay natapos ang kanilang laboratory activities at video presentation nang buong weekends. At siya pa talaga ang ginawang presenter ni Blaster—sabagay ay mas mahusay itong kumuha ng video—dahil no'ng siya ang nagvi-video ay sobrang magalaw at pangit ang anggulo.

Nakagawa sila ng short video presentation ng apat na chemistry researches; making a lava lamp, insta-snow, separating soluble solutions and itong blowing up a balloon with carbon dioxide.

Nakangiting lumapit si Blaster sa kanya at nakipag-high five ito ngunit nagulat siya nang hilain din nito ang kamay niya at mabilis siyang niyakap. Nagkagulo tuloy agad ang mga paru-paru sa kanyang sikmura kaya mabilis siyang kumalas dito at dumistansya, naramdaman pa niyang nag-init ang kanyang pakiramdam.

"You're cute when you blush." Narinig niyang masayang sabi nito. Naisip tuloy niyang siguro ay tuwang-tuwa itong kinukulit siya para makita siyang mag-blush.

Saglit na inabala ni Blaster ang sarili sa experiment na ginagawa nito—na hindi kasali sa presentation nila, samantalang siya ay binalikan niya ang insta-snow na experiment nila kanina, masyado kasi siyang natuwa. Na-miss niya ang makakita ng snow, saka lang naman siya nakakakita ng snow kapag dumadalaw sila ng grandparents niya sa States, sa mga magulang niya and that was more than a year ago, at kapag nagbabakasyon siya kasama ng grandparents niya sa south east asia kung saan nag-i-snow.

Muli siyang nag-prepare ng ingredients para muling makagawa ng insta-snow; sodium polyacrylate—a superabsorbent polymer that expands to one hundred times its original volume in few seconds and a water. Naglagay siya ng pitong kutsara na sodium polyacrylate sa isang malaking lalagyan at nilagyan ng kalahating tubig na laman ng malaking pitsel—and after a few seconds, may insta-snow na siya! This is non-toxic kaya puwede 'yong laruin.

Napangiti siya nang bigla siyang nakaisip ng kalokohan. Kumuha at namilog siya sa kanyang insta-snow na nasa malaking container saka niya agad ibinato sa tahimik na nagsusulat na si Blaster. Natamaan niya ang ulo nito kaya mabilis itong lumingon sa kanya. Napakagat siya sa ibabang labi niya nang makitang wala itong kangiti-ngiti sa mukha habang seryosong nakatingin sa kanya, nanlaki na lang ang mga mata niya nang mabilis itong tumayo sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kanya—kaya mabilis siyang dumitansya.

Pero 'yon pala ay kukuha lang din ito sa insta-snow saka mabilis 'yong binilog para gumanti sa kanya. Ngumiti ito sa kanya at babatuhin na siya nito nang mabilis siyang yumuko kaya nakaiwas siya dito, tawang-tawa tuloy siya. Muling kumuha ito ng insta-snow at binilog 'yon saka tumakbo palapit sa kanya kaya mabilis din siyang tumakbo palayo sa lalaki ngunit mabilis naman siyang nahabol nito.

Niyakap siya nito sa likod saka isinalampak sa ulo niya ang hawak nitong insta-snow saka ito mabilis kumawala sa kanya ng tawa nang tawa. Bumaling naman siya dito para sana gantihan ito pero napatigil siya nang matuon ang kanyang mga mata sa masaya at nakangiting mukha nito at gano'n na lang ang pagkabog ng puso niya sa hindi malamang kadahilanan. Mas trumiple yata ang kaguwapuhan nito sa kanyang mga mata.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at muling lumapit sa lagayan ng snow at bumilog doon para makaganti sa lalaki, ngunit akmang babatuhin niya ito mabilis itong umiwas kaya sinundan niya ito sa may pintuan para kornerin ngunit pagbato niya ay umilag ito at sakto namang bumukas ang pintuan kaya natamaan niya ang mukha ni Yaya Ninay na pumasok sa loob.

Mabilis siyang nakalapit sa matanda. "Naku, yaya, sorry po, si Blaster po kasi, e." aniya, saka niya binalingan ang lalaking noon ay pigil ang tawa, kinunutan niya ito ng noo bago muling bumaling sa matanda na no'n ay pinapampag na ang mukha at damit.

"Ayos lang," anito. "Pinapatawag na kayo ng senyora para magmeryenda sa salas." Imporma nito bago ito tuluyang umalis.

"Hala ka!" natatawang sabi ni Blaster. Napailing-iling na lang siya dito. Nilinis at inayos muna nila ang laboratory bago sila tuluyang lumabas doon. At bago pa sila makarating sa salas ay may papel na inabot sa kanya ang binata, basahin na lang daw niya 'yon mamaya kaya ibinulsa na lang din niya.

Naabutan nila sa salas ang lolo at lola niya na masayang nagkukuwentuhan at agad namang napangiti ang mga ito nang makita sila ni Blaster, nakilala na din ng mga ito ang lalaki kahapon. Nakahanda na no'n ang masarap na cakes at cookies para sa kanila ng binata.

At habang kumakain sila ay panay ang kuwentuhan ng grandparents niya with Blaster at animo'y tuwang-tuwa ang mga ito, palibhasa ay unang beses yata siyang nagkaroon ng bisita at kaibigan na dumalaw sa bahay nila.