Mabilis na niyang inubos ang pagkain niya at saglit siyang nagpababa ng kinain bago siya tuluyang tumayo sa mesa para lisanin ang lugar-ngunit nagulat siya nang bigla siyang hinarang ng limang matatangkad at magagandang mga babae. Akmang dadaan siya sa kaliwang bahagi ng mga ito para lagpasan ang mga ito ay hindi siya hinayaan makalagpas. Tumaas-baba ang mata ng mga ito habang sinusuri ang kayang kabuuang anyo.
Tumango-tango ang isang babaeng may mahabang buhok. "Branded clothes and bags and even her perfume," konklusyon nito.
"Sa hitsura lang talaga nagkatalo, e," segunda naman ng babaeng may maiksing buhok saka nagkatawanan ang mga ito.
Napakagat siya sa ibabang labi niya para pigilin ang emosyon niyang kumawala sa kanya. Ini-expect naman na niyang mangyayari ito dahil sa pakikipaglapit ni Blaster sa kanya-pero masakit pa rin talaga ang malaman ang katotohanan.
"You're Aphrodite, right?" sabay-sabay na tanong ng mga ito na dahan-dahan niyang tinanguan.
"Ang balita ko ay galing ka sa mayamang pamilya," nakangiting sabi ng isang babaeng may makapal na pulang lipstick. "Bakit hindi ka kaya magpa-plastic surgery ng mukha? Baka sakaling may igaganda ka?" dagdag pa ng babae saka muling nagkatwanan ang lahat-kasali na ang iba pang mga estudyante sa canteen na nakakarinig sa usapan nila.
"E-Excuse me," aniya, saka siya mabilis na kumanan para lagpasan ang mga ito pero hindi siya pinahintultuan. "A-Ano bang kailangan n'yo sa akin?" tanong niya.
"Get away from our dear Blaster." Sabi ng pinaka-matangkad na babae sa grupo. "Ang kapal naman ng mukha mong landiin siya samantalang mukha ka namang basura." Natatawang sabi nito. Nag-high five pa ang mga kasamahan nito.
Gusto nang tumulo ng mga luha sa kanyang magkabilang pisngi dahil sa panlalait ng mga babaeng ito sa harapan niya, ngunit pilit niyang pinipigilan. Kung bakit hindi niya kayang mailabas ang galit niya. Kapag galit kasi siya ay mas gusto na lang niyang tumahimik sa isang tabi at magbasa ng libro.
"Narinig mo ba ang sinabi namin? Layuan mo si Blaster kung ayaw mong mas lalong pumangit, matalino ka naman kaya siguro naiintindihan mo ang gusto naming sabihin sa 'yo." Muling sabi ng may mahabang buhok na babae.
Tumango-tango na lang siya sa mga ito. Pero nagulat siya nang may kamay na biglang humawak sa kanyang kamay para hilain palayo sa mga babaeng nasa harapan niya-it was no other than Blaster. Nanlaki ang mga mata ng babaeng nasa harapan niya.
"B-Blaster..." sabay-sabay na sabi ng mga babaeng nasa harapan niya saka napangiti nang maluwang.
"Kapag nasagot n'yo ang tanong ko, maaari n'yo akong maging kaibigan-pero kung hindi n'yo masagot ito in ten seconds, huwag na huwag n'yo na uling i-istorbuhin ang buhay ni love, ayos ba?" nakangiting tanong nito.
"L-Love?" sabay-sabay na tanong ng mga ito saka bumaling sa kanya, mabilis din siyang nagbaba ng tingin para umiwas sa mata ng mga ito. At akmang babawiin niya ang kamay niyang hawak ni Blaster ay hindi siya pinahintulutan nito kaya halos mag-apoy ang mga mata ng babaeng nasa harapan niya sa sobrang selos at inggit.
"My question is, how far is earth from the sun?" tanong ni Blaster sa mga babae. Napangiti siya nang lihim nang matahimik ang matataray na babae, naramdaman naman niyang humigpit ang pagkakahawak ng binata sa kamay niya kaya nang balingan niya ito ay kumindat at ngumiti ito sa kanya. "Okay, time's up! Walang nakasagot." Nakangiting sabi nito. "Isa lang ang ibig sabihin n'on-stay away from Aphrodite." Seryosong sabi nito saka na siya hinila palayo sa lugar at doon lang din nito binitiwan ang kanyang kamay. "Can you answer my question, love?" baling nito sa kanya.
"Puwede bang Aphrodite na lang ang itawag mo sa akin? Nami-misinterpret kasi ng mga tao, e," naiiling na sabi niya.
"Or should I call you beauty?" nakangiting tanong nito, kaya napailing-iling na lang siya at napabuga ng hangin. "So, what's the answer?"
"It's one hundred forty nine billion five hundred ninety seven million eight hundred seventy thousand seven hundred meters or ninety two million nine hundred fifty five thousand eight hundred seven miles." Sagot niya.
"Wow!" amazed na sabi ni Blaster saka ito pumalakpak. "Memorize mo pa talaga 'yong mga butal, ha," natatawang sabi nito. "You're really amazing, love." Humahangang sabi nito.
Wala na talaga siyang magagawa sa 'love' na 'yan kundi tanggapin na lang ang lahat, siguro naman ay magsasawa din ito sa pagtawag n'yon sa kanya. "I love Science." Sagot niya.
"I also love Science," nakangiting sabi nito. "Bakit ito ang kinuha mong kurso?" kapagdaka'y tanong nito.
"My parents are Scientist and I wanted to be like them." sagot niya na amazed na tinanguan nito. "How about you?"
"My mom and dad are both neuro-surgeons and they wanted me to be one," sabi nito. "So, where are your parents now?"
"NASA in California,"
"Wow!" amazed pa ring sabi nito. "Saan silang field? Ang galing naman! Gusto ko rin maging Scientist at mag-travel all over the Universe." Anito.
"Sa Armstrong Flight Research sila, ako din, gusto kong mag-travel sa buong Universe." Nakangiting sabi niya.
"Wow and wow! Pareho pa pala tayo ng mga pangarap," nakangiting sabi nito. "Kaya siguro ako dinala ng mga paa ko sa 'yo kasi we're meant to be." Nakangiting sabi nito.
Halos mag-init ang pakiramdam niya dahil sa sinabi nito. Paano nito nasasabi ng parang balewala lang ang mga gano'ng klaseng salita? "Huwag mo ngang sabihin 'yan, mamayamay makarinig at awayin na naman ako ng mga admirers mo." Aniya.
Natawa ito saka mabilis na humarang sa daraanan niya. "Are you blushing?" tukso nito sa kanya. Kaya mabilis niyang tinakpan ng libro ang kanyang mukha at nilagpasan ito. Bukod sa bigla siyang na-concious ay muli na namang nag-react ng ka-werduhan ang puso niya. "Hey, wait..." tawang-tawang sigaw nito na halos ikalingon ng mga tao sa paligid.
Ngunit imbes na hintayin niya ito ay mas lalo pa niyang binilisan ang paglalakad para hindi ito makasabay sa kanya-ngunit napapitlag siya nang may braso na lang na umakbay sa kanyang balikat-at nang bumaling siya ay ang nakangiting mukha ni Blaster ang nakita.
Mabilis niyang hinampas ang braso nito sa balikat niya na ikinatawa at ikinadaing nito. "Hey, close friends na tayo, 'di ba?" anitong nakasunod pa rin sa kanya sa paglalakad. "Hey, love!" sigaw pa nito nang hindi niya ito pansinin.
Hiyang-hiya tuloy siya sa mga taong nasa paligid na nakatingin sa kanila ng lalaki-at halos i-shoot na niya ang ulo niya sa loob ng kanyang backpack para magtago. This guy is really hilarious!