Chapter Two
HINDI PA rin makapag-move on si Aphrodite sa 'exclusive' na tawag sa kanya ni Blaster. Hirap daw kasi itong bigkasin ang pangalan niya kaya nag-isip ito ng ibang maitatawag sa kanya at dahil nga wala naman siyang nickname ay wala siyang maisagot sa lalaki.
Pero nahihibang na ba ang lalaking 'yon? Ano bang pagkain o gamot ang nilaklak nito at para itong naka-high? Siya-tatawagin nitong love? Hindi kaya magdagsaan ang mga babaeng gustong manakit sa kanya dahil sa inggit? Napailing-iling siya. Hindi siya papayag na magulo ang buhay niya dahil sa 'love' na tawag ni Blaster sa kanya!
Asus! Kunwari ka pa, feel na feel mo naman. Anang kabilang bahagi ng isipan niya na mabilis din niyang sinaway. Kuntento na siya sa tahimik na buhay niya sa school at ayaw niyang magulo 'yon dahil sa biglang pagsulpot ni Blaster Nicolaus Solomon sa buhay niya.
Pero wala naman dapat ikaselos ang mga babae sa kanya e, hindi naman siya maganda para kainggitan-siguro ay puwede pa nilang isipin na baka pinagkakatuwaan lang siya ni Blaster dahil bored ito sa buhay. Naku! If ever na malaman niyang gano'n nga ang balak ng lalaking 'yon sa kanya, kukulutin niya ang unat at tila malambot nitong buhok!
Muli siyang napailing-iling. Natatakot na tuloy siyang magtungo sa canteen dahil baka may nakarinig sa usapan nila ni Blaster sa classroom kanina at naikalat na sa buong school. Nakakahiya 'yon! Hindi pa naman siya sanay na makaagaw ng atensyon ng mga tao saka baka makarinig lang siya nang masasakit na salita mula sa mga admirers ng lalaki. Hindi kakayanin ng puso niya ang pamba-bash ng mga tao.
Pumasok siya sa canteen na nakatakip ng libro ang kalahati ng kanyang mukha; tanging ang kanyang mga mata lamang ang nakatanaw. So far, wala naman siyang napapansin na nagbubulungan dahil sa pagdating niya, mukha yatang assume-ra at ilusyunada lamang siya. Hindi lang niya maiwasang ma-paranoid dahil ayaw niya sa gulo at kahihiyan.
Mabilis na siyang dumiretso sa isang counter para mag-order ng kanyang lunch. Nauna na kaninang lumabas si Blaster kasama ng mga bagong male friends nito at iba niyang kaklaseng mga babae, gusto pa nga nitong hintayin siya kaso nagdahilan siya nang marami kaya sa huli ay wala din itong nagawa.
Pagkatapos niyang mag-order ng paborito niyang fish fillet, adobong baboy na tuyo at orange juice ay agad siyang naghanap ng isolated place para ma-puwestuhan at agad naman siyang nakakita. Nang mailapag niya ang mga gamit sa pandalawahang mesa ay nagsimula na rin siyang kumain-nang bigla na lang...
"Love!"
Kumabog ang puso niya at halos mailabas niya sa ilong ang kanin na kakasubo lang niya dahil sa narinig niyang sumigaw. Alam niyang masyado siyang assume-ra para i-assume 'yon na siya ang tinatawag-palibhasa ay medyo napaparanoid siya ngayon sa salitang 'yon. Dineadma niya 'yon at muling nagpatuloy sa pagkain nang muli niyang marinig ang sumigaw ng 'love' at nagulat na lang siya nang malingunan si Blaster na nasa tabi na niya at nakangiti nang pagkalaki-laki sa kanya.
"Hi love!" muling sabi nito. Muntik na tuloy mahulog ang kanin at ulam na na-stuck sa bunganga at nakaligtaan na niyang nguyain at lunukin dahil sa lalaking ito.
Bumilis ang tibok ng puso niya lalo na no'ng umupo ang binata sa harapan niya. Mabilis siyang napalingon sa mga tao sa paligid at nakita nga niyang nagsimula nang magbulungan ang mga ito habang nakatingin sa kanila ng kasama niya sa mesa. Lihim siyang napailing at nanlumo.
Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito? Bakit ba gusto nitong magkaroon siya ng death threat letters sa school nila mula sa mga babaeng nagkakagusto dito? Bakit nito gustong pahirapan ang buhay niya?
'Di ba gusto mong magkaroon ng kaibigan? Oh, heto na siya! Sabi ng isipan niya. Pero masyado namang perfect ang isang ito at ayaw niyang baka bigla na lang siyang awayin dahil isang campus heartthrob ang kaibigan niya. Mas pipiliin pa rin niya ang tahimik na buhay.
"You seemed so bothered." Sabi nito habang nakatitig sa kanya.
Muling tumalon ang puso niya dahil masyado itong guwapo at hindi siya sanay makihalubilo sa katulad nito. Ito ang unang beses na may makipag-kaibigan sa kanyang guwapo na hindi siya pinandidirihan.
"Sagutin mo nga ako nang maayos, Blaster," aniya na mabilis nitong tinanguan. "Are you on drugs?"
"What?" nagtatakang tanong nito kapagdaka'y bumulanghit na lang ito ng tawa. "Sorry, wait," natatawa pa ring sabi nito. Pati tuloy siya ay napapangiti na rin dahil sa walang katapusang pagtawa nito na halos mamula-mula na ang mukha hanggang sa ilang sandali pa ay unti-unti na rin itong humupa sa pagtawa. "Sorry, nadala lang ako." Nakangiting sabi nito. "Ito kasi ang unang beses na tinanong ako kung nagda-drugs ako."
"Eh, kasi naman, sino ba naman ang matino at guwapong lalaki na gustong makipag-kaibigan sa katulad ko?" aniya.
"What do you mean by that?"
"Guwapo ka, heartthrob sa school at matalino tapos gusto mong makipag-kaibigan sa akin? Hello! Normal ba ang vision mo?" hindi niya napigilang itanong.
Napataas ang isang kilay at natahimik bago muling nagsalita. "Kahit saang anggulo ay wala naman akong makitang mali-kung bakit hindi puwedeng makipag-kaibigan sa 'yo." Anito.
"We're too different people, as in, ang layo ng mga agwat ng mga hitsura natin."
"So?"
"Ano'ng sasabihin ng mga taong makakakita sa 'yo na nakikipaglapit ka sa pangit?"
"You're not ugly," mabilis na sagot nito. "Hindi ka lang nag-aayos." Instead ay sagot nito. "At ano'ng pakialam nila sa gusto ko sa buhay? They don't feed me."
Siya naman ang hindi nakasagot sa sinabi nito. "Why do you want be to be friends with me?" diretsong tanong niya.
"Like I've said a while ago, I like witty girls and I like you."
"What?" napaubo siya kaya mabilis siyang uminom ng juice na nasa harapan niya. Nakarinig din si Aphrodite nang malakas na pagsinghap mula sa paligid-na galing sa mga taong palihim na nakikinig sa usapan nila ng lalaki. Kinalma niya saglit ang nagwawala niyang puso dahil sa kagagawan ng lalaking ito. "Are you making fun of me?"
"No! At seryoso ako sa sinabi ko. And it seems that you're cool to be with."
Napailing-iling siya. Kakaiba din ang taste ng lalaking ito sa pakikipag-kaibigan. Pero deep inside ay hindi rin niya maiwasang matuwa dahil kanina lang ay naghahanap siya ng tao na sa inner beauty nakatingin-pero ngayong nakahanap naman siya ay halos pagkamalan niyang drug addict.
"Kain," sabi na lang niya dahil wala na siyang masabi sa lalaki.
"I'm done." Sagot nito kaya inabala na lang niya ang sarili niya sa pagkain.
Kaso naiilang siya dahil habang kumakain siya ay nakatitig lang ito sa kanya. "Ahm, may kailangan ka pa ba sa akin?" tanong tuloy niya.
"Hindi mo ba ako gustong maging kaibigan?" lumungkot ang magagadang mga mata nito.
Saglit siyang natigilan sa itinanong nito bago siya umiling-iling. "Hindi naman sa gano'n, kaya lang-"
"Then, we're friends." Nakangiting sabi nito. saka na ito tumayo sa kinauupuan nito. "Alam kong nakakaistorbo na ako sa pagla-lunch mo, kaya balik na ako sa mga kasamahan ko kanina. See you later." Nakangiting sabi nito bago ito tuluyang nagpaalam sa kanya.
Doon lang niya pinakawalan ang malalim na buntong-hininga. Mukhang sa loob lamang ng kalahating araw ay marami na agad ang nangyari sa kanya-with Blaster, what more sa susunod pang mga araw? 'Uy, naglo-look forward na siya agad? Tukso ng isipan niya, na ikinailing niya.