Chapter 3 - 2

"Miss, are you okay? May masakit ba sa 'yo?" tila nag-alala pa ang hitsura nito. Kaya nagulat siya nang muling kumabog ang puso niya.

Why is he acting like this? Close ba sila ng lalaking ito para mag-worry ito sa kanya? Ano naman dito kung nasaktan nga siya, ipapagamot ba siya nito sa clinic kung sakali?

"Gusto mo samahan kita sa clinic para ma-check kung okay ka?"

Muli siyang nagulat sa narinig na sinabi ng lalaki. Hindi niya ito kilala! At hindi naman siya ilusyonada para isipin na may gusto na ito agad sa kanya dahil hindi siya kagandahan o baka marahil concern citizen lamang ito-o baka naman may balak itong kumandidato bilang Presindent ng Pilipinas sa hinaharap kaya ito nagpapakabuting mamamayan. Palibhasa ay ngayon lang siya na-trato ng ganito ng isang lalaki.

Napapiksi siya nang hawakan nito ang kanyang braso para akaying maglakad ngunit mabilis din niyang binawi ang braso niya. What was that weird feeling she had felt? That was kinda electrifying, though. Kinolekta niya ang senses para bumalik sa katinuan.

Hinarap niya ang lalaki. "M-Maayos lang ako, salamat." Aniya at akmang lalagpasan na niya ito nang muli itong humarang sa daraanan niya.

Pakiramdam niya ay pinagtitinginan na rin sila ng mga tao sa paligid at ng mga babaeng mukhang maghahatid sa kanya mamaya ng death threat letters dahil sa pakikipag-usap ng guwapong nilalang na ito sa kanya.

"Are you also a freshman? Ano'ng room ka sa floor na 'to?" nakangiting tanong nito. Nang lagpasan niya uli ito at magsimulang maglakad ay umagapay na ito sa kanya. "I'm Blaster Nicolaus Solomon." Pagpapakilala nito sa sarili kaya mabilis siyang napatigil sa paglalakad para bumaling dito.

"Y-You're Blaster?" hindi niya napigilang itanong na mabilis din nitong tinanguan. Ngumiti ito sa kanya kaya muli siyang nasilaw sa kagupuwahan nito. Hiniling niyang sana ay hindi siya nananaginip nang mga sandaling 'yon na kinakausap siya talaga nito.

"Yes, kilala mo ako?" nakangiting tanong nito.

"N-Naririnig ko lang ang pangalan mo, sikat ka yata dito sa school, e." Aniya, saka uli siya nagpatuloy sa paglalakad at umagapay naman ito.

"And you're?"

"Aphrodite."

"Aphrodite?" tila gulat na tanong nito saka ito ngumiti sa kanya. "Beautiful name." puri pa nito sa pangalan niya na ikinangiti niya ng lihim-buti pa ang pangalan niya maganda kaysa sa kanya, pero hindi naman siya nagre-reklamo sa hitsura niya sa lagay na 'yan. "Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw din 'yong estudyanteng naka-perfect at nag-top one sa entrance exam?" nakangiting tanong nito.

"At ikaw din 'yong estudyanteng sumunod sa akin?" Nakangiti ring sabi niya na tinanguan nito. Saka ito masayang nag-abot ng kamay para makipagkamay sa kanya na inabot din niya-na ikinasinghap rin ng mga tao-lalo na ng mga kababaihan sa paligid.

"OMG! The chaka girl is with the Prince charming!" may narinig pa siyang nagsambit n'yon pero hindi na niya inintindi dahil naka-focus siya sa lalaking kausap.

He's really the epitome of the word 'a man with substance'; guwapo na, mabait pa at matalino, he's so perfect!

"Sa room 302 ako, ikaw?" aniya.

"We're classmates? Inilipat kasi ako ngayon sa section A." imporma nito sa kanya. Lihim siyang napangiti. So, makakasama pa pala niya ang lalaking ito bilang kaklase. "This is fate." Nakangiting sabi nito.

"Yeah." tipid siyang ngumiti.

Nang makarating sila sa classroom nila ay halos maglingunan ang mga kaklase nila sa kanilang dalawa dahil sabay silang pumasok ni Blaster. May mga mapanuri at masakit na tumingin sa kanya ngunit hindi na lamang niya inintindi, tutal dapat ma-master na niya ang pangde-deadma sa mga ito.

Umupo na siya sa harapang bahagi at nagulat siya nang umupo rin ang binata sa bakanteng upuan sa tabi niya. Nagkatilian ang mga babae knowing na may super guwapo silang kaklase kaya nagmamadaling lumapit ang mga ito sa binata para kausapin ito. Nagkibit-balikat na lang siya.

Saglit pa ay dumating na din si professor Raymundo para sa kanilang Chemistry class. Saglit na ipinakilala si Blaser sa lahat bago nagsimula ang kanilang klase. After ng discussion ay nagkaroon sila ng short quiz and gladly ay na-perfect na naman niya 'yon.

"You're really amazing, Aphrodite." Amazed na sabi ni Blaster sa tabi niya.

"Ikaw din naman." Aniya, isa lang kasi ang mali nito.

Ngumiti ito sa kanya at lumapit para bulungan siya. "You know what, I like witty girls," nakangiting sabi nito kaya gano'n na lang ang kabog ng dibdib niya.

Ano'ng ibig sabihin ng lalaking ito? Huwag nitong sabihin na may gusto na agad ito sa kanya? Na na-love at first sight ito? Gumagana ba 'yon sa kanya, e, hindi naman siya attractive at sexy. Baka sa sobrang kakaaral ni Blaster ay lumabo na ang mga mata dahil napagkamalan na siyang maganda.

"Ano ba ang puwede kong itawag sa 'yo? Nakakabulol kasi banggitin ang pangalan mo, e." Natatawang bulong nito.

"Zeus at Venus kasi ang pangalan ng parents ko, kaya ako Aphrodite," imporma niya, na pangalan rin ng God at Goddess. "At wala akong nickname."

"Ahh," tumatangong sabi nito. "Then can I just call you by a nickname?" hindi siya nagsalita dahil nakatuon ang atensyon niya sa pisara. "How about... love or beauty, since Aphrodite is the Goddess of love and beauty?"

"A-Ano?" napalakas ang tanong niya kaya bumaling ang lahat sa kanila-kasama na ang nagtataka nilang guro sa harapan. "Sorry po." Hinging paumahin niya sa lahat saka siya bumaling sa lalaking noon ay tila aliw na aliw na nakatingin sa kanya.

"I'll just call you beauty."

Napailing-iling siya at natawa nang mahina sa sinabi nito. "Gusto mo ba akong ma-bully lalo dito sa school? Tiyak pagtatawanan lang ako sa itatawag mong 'yan dahil hindi naman ako maganda, e."

"Who said that?" saglit itong napakunot-noo at nang hindi siya sumagot ay muli itong nagsalita. "Okay, kung ayaw mo ng beauty, e, 'di love na lang and that's final!"

"Ano?!" muling naglingunan ang lahat sa kanila ni Blaster-na noon ay tawang-tawa sa pagkabigla niya.