WITH A SHOULDER length frizzy hair with full bangs, thick eye brows, lips and also eye glasses, not so pointed nose, with ridiculous braces, rough skin, dry lips, pimpled face, dwarfish height, unattractive and a girl who shunned in the crowd-Aphrodite was commonly described-or in short; the modern day ugly duckling or chaka in Pilgrim University.
Eh, ano naman ngayon kung chaka siya at walang nagkakagusto sa isang katulad niya? Walang gustong magpaka-gentleman para sa kanya? Eh, mabubuhay pa rin naman siya kahit walang kaibigan at kumakausap sa kanya sa school basta may hawak siyang libro at mp3 player ay okay na, tutal sanay naman na siya dahil simula pagkabata ay inaayawan na siya ng mga kalaro niya dahil sa ka-chakahan niya.
Hindi niya alam kung ano ba ang masama sa pagiging pangit? Nakakahawa ba ang kapangitan? Kung makalait naman ang mga tao sa kanya parang end of the world na, mabuti na lang at deadma lang siya, gayunpaman, hindi pa rin niya maiwasang masaktan dahil sa mapanghusgang mga tao sa mundong ito.
Kung may gusto mang makipaglapit para makipag-kaibigan sa kanya-'yon ay ang mga taong may kailangan sa kanya, tulad ng mga taong gustong magpagawa ng projects at assignments at mga taong gusto siyang pagpustahan at paglaruan.
First year college na siya sa kursong Bachelor in Natural Science at pinangarap niyang balang araw ay maging Scientist na katulad ng kanyang mga magulang na kasalukuyang nagta-trabaho sa NASA, sa California, USA, nang halos sampung taon na kaya ang maternal grandparents na niya ang tumayong guardian niya.
Ang NASA o National Aeronotics and Space Administration ang namamahala sa mga space programs, aeronautics at aerospace researches at para maintindihan ang nangyayari sa mundo through Earth Observing System. At sa Armstrong Flight Research ang assigned field center ng kanyang mga magulang kung saan nagka-conduct ang mga ito ng mga aeronotical researches at nag-o-operate ng mga most advance aircraft sa buong mundo.
Simula pagkabata niya ay pangarap na niyang makapag-travel sa labas ng mundo at makita ang buwan, araw, mga bituin at asteroids kaya nagkakasya na lamang siya sa panunood sa National Geographic channel at pagbabasa ng mga libro patungkol doon.
Magkaklase ang mga magulang niya sa parehong kursong kinuha niya, nag-aral sa school kung saan siya nag-aaral at kumuha ng masters degree sa States. Una nagkaroon ng trabaho ang parents niya sa bansa bilang mga university Science professors same as with her both maternal and paternal grandparents, so, nasa lahi talaga nila ang pagmamahal sa Science. Hanggang sa maipanganak siya ngunit mas p-in-ursue ng mga ito ang maging Scientist-na hiniling niyang sana balang araw ay makamit din niya.
She loves Astronomy and all about Science; sa katunayan nga ay ang kuwarto niya ay may design na parang sa outer space, and during her grade school and junior high years, she had joined several Science quiz bee and inventions and won the gold medal awards. She was known in her school as the Science genius by her teachers but Science geek by others.
Naglalakad si Aphrodite noon patungo sa library ng school nang bigla na lang siyang mabangga ng isang lalaki kaya kumalat ang dalawang malalaking librong hawak niya-na agad ding pinulot ng lalaki at iniabot sa kanya.
Nang mag-angat siya nang tingin ay nakita niya na ang guwapo ng lalaki, parang kahawig nito ang isang Hollywood actor sa isang Hollywood movie na napanood niya. Nagkatitigan sila ng lalaki at parang ganitong-ganito 'yong mga eksena sa mga napapanood niya-mahilig din kasi siya sa mga Hollywood and asian movies and fiction books. At katulad sa movies ay magkakatitigan sila nito at pagkatapos ay makikipagkilala ang lalaki sa kanya at magiging magkaibigan sila hanggang sa mafa-fall ang isa sa kanila-pero agad ding naputol ang pag-i-imagine niya nang magsalita ang lalaking nasa kanyang harapan.
"Tsk! Haharang-harang ka kasi sa daan, nakakapangit ka ng araw!" Kunot-noong sabi nito saka siya agad na nilayasan. At mula sa di-kalayuan sa kanya ay narinig niya ang tawanan ng mga babae sa paligid.
Napapikit siya at lihim na napailing. Right! Bigla niyang nakalimutan na pangit pala siya at walang sinumang magkakagusto dahil sa hitsura niya kaya paano niya naisip na mangyayri din sa kanya ang cute and cliché scene na 'yon sa napanood niya? Napabuga siya ng hangin. Well, gano'n naman talaga mapa-totoong buhay o sa movies, e, ang mga pangit ay kinakawawa at kinakaayawan, what's new? Napailing siya sa sarili.
Lumipad yata sa outerspace ang utak niya at hindi niya naalala na hindi na uso ang inner beauty sa mga panahon ngayon-dahil mas nangingibabaw na ang physical attraction. Kaya siguro magiging NBSB na lang siya forever-pero may katiting pa rin sa puso niya na umaasa siyang may katulad ang daddy niya-na makakakita sa ganda niya tulad ng mommy niya.
Napamulat siya ng mga mata at inayos saglit ang na-disarrange niyang makapal na eye glasses bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Napapalingon ang mga tao sa kanya kaya halos gusto na niyang magtago sa loob ng backpack niya dahil naco-concious siya. Minsan ay sabi ng grandparents niya na sana ma-develop ang self-confidence niya dahil nagkukulang siya n'yon, ang kaso hindi na yata 'yon mangyayari dahil sa mapanghusgang lipunan.
Siguro kahit gaano katalino at kayaman ang isang tao, hindi pa rin sapat para magkaroon ng sapat na lakas ng loob para humarap sa ibang mga tao-tulad niya.
May mga naging crushes din naman siya during junior high pero sa tuwing nalalaman ng mga crushes niya na crush niya ang mga ito ay daig pa niya ang may AIDS kung layuan siya, mas lalo tuloy bumababa ang self confidence niya. Kasalanan ba niya kung hindi siya nabiyayaan ng mala-Liza Soberano na mukha? Mala-Angelina Jolie na mga labi? Mala-Marian Rivera na katawan? At mala-Kim Tae Hee na kakinisan ng kutis?
Napabuga na lamang siya ng hangin at napailing-iling. Ang pag-aaaral na nga lang niya ang aatupagin niya tutal malapit nang mag-prelim exam kaya kailangan niyang pagbutihin ang pag-aaral niya, bukod sa gusto niyang ma-maintain ang full scholarship niya-ayaw na ayaw niyang bumababa sa ninety nine ang mga grades niya sa bawat subjects, dahil tiyak hindi siya patatahimikin ng konsensya niya, saka gusto rin niyang laging masiyahan ang pamilya niya dahil sa mga achievements niya. May pagka-strikto siya kapag grades ang usapan, palibhasa ay sanay siyang laging top student sa school at walang nakaka-break ng record niya mula grade school.
"Siya ba 'yong Aphrodite na usap-usapan na nag-top at naka-perefect ng entrance exam sa school natin?" narinig niyang tanong ng isang babae sa kasama nito, sa nadaanan niyang round table.
"I don't know, hindi ko naman kilala kung sino 'yong si Aphrodite, e." Narinig niyang sagot ng kasama ng babae. "Pero 'yong top two student na may average ng ninety nine percent ang kilalang-kilala ko-si Blaster Nicolaus Solomon." Patili pa ang pagbanggit ng babae sa sinabi nitong pangalan ng lalaki.
Binagalan niya ang paglalakad para abot pa rin ng tainga niya ang pinag-uusapan ng dalawang babae. "Balita ko nga e, silang dalawa pa lamang ang nakaka-score nang gano'n sa entrance exam sa history ng school, ako nga seventy seven percent lang, e, buti napaikusapan pa ng parents ko 'yong school President dahil eighty percent 'yong passing rate."
"Ako rin kaya," natatawang sabi ng babae. "Pero balita ko nasa section B si Blaster kasi late enrollee siya, pero baka ilipat din sa section A."
"Ano ba course ni handsome?"
"Bachelor in Natural Science yata, 'di ako sure."
Napailing-iling na lang at muli nang binilisan ang paglalakad. Puro 'yong Blaster na lang ang narirnig niyang usapan ng mga ito kaya tuluyan na siyang umalis. Pero sino nga kaya ang Blaster Nicolaus Solomon na 'yon? Nabasa na din niya ang pangalan ng lalaki sa nakapaskil sa top ten students na nakapasa sa entrance exam. Nagkibit-balikat na lamang siya.
Nang makarating siya sa library ay mabilis siyang pumuwesto sa pinaka-isolated na mesa sa dulo, mamayang ten AM pa naman ang start ng class niya at mayroon pa siyang isa't kalahating oras para manatili at magbasa ng mga aralin.
Napatigil siya sa pag-buklat ng mga libro niya nang maisip niyang; 'maganda rin kaya ang magpunta sa library na may mga friends na kasama?' Hindi pa kasi niya 'yon nasusubukan kahit na kailan-though parang hindi naman makakapag-aral ang mga nagpupunta doon kasama ng mga kaibigan dahil puro chikahan lang-gayunpaman, parang masaya pa rin sa pakiramdam. Napabuga siya ng hangin at nag-concentrate na lamang sa kanyang binabasa.
"Cell theory states that the cell is the living fundamental unit of life, that all living things are composed of one or more cell," mahinang pagbabasa ni Aphrodite sa Biology book niya. Hindi niya maiwasang ma-excite sa mga ganitong subjects dahil most favorite talaga niya ang lahat nang tungkol sa Science. "Homoestasis is the ability of an open system to regulate its internal environment..."
NAGMAMADALING lumabas si Aphrodite mula sa library building dahil magsisimula na ang unang klase niya, hindi na kasi niya namalayan na mag-te-ten AM na pala, masyado siyang nadala sa mga binasa niya. Kaya halos maiwan-iwan na niya ang black flat shoes niya dahil sa pagmamadali sa paglalakad, nasa ika-third floor pa naman ang classroom sa Science building.
Nagmamadali na siyang umakyat sa kanilang building at halos takbuhin na niya ang hallway sa third floor nang bigla may bumangga mula sa kanyang likuran kaya muntik na siyang sumubsob sa sahig, gayunpaman ay nabitawan niya ang mga librong hawak niya na mabilis namang pinulot ng isang lalaki.
"Sorry," narinig niyang sabi ng lalaki.
Teka, parang masyadong cliché ang pangyayaring ito, kanina lang at may naganap na ganitong eksena sa kanya at tiyak kukunutan na naman siya ng noo ng lalaki dahil nakakapangit siya ng araw. Kung sakali ay mao-overuse na ang salitang 'nakakapangit siya ng araw'.
Hindi na niya sinalubong ang mga mata ng lalaki at pagkabigay nito ng mga libro ay agad na siyang nagpasalamat at nilayasan ito-ngunit nagulat siya nang mabilis itong humarang sa daraanan niya kaya awtomatikong tumaas ang tingin niya sa matangkad na lalaking nasa harapan niya.
Marahil ay nasa five eleven ang height nito, may maliit, bilogin at cute na mukha, sobrang expressive ang mga mata nito at napakahahaba ng mga pilik-mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.
Nang ngumiti ito sa kanya ay mabilis na nag-react ang puso niya-ang guwapo nitong ngumiti! Moreno din ito at maganda ang built ng katawan, naisip niyang baka artista ito o di kaya modelo dahil ang ganda ng porma nito at ang cute din ng damit nitong may animal print.
"Sorry hindi ako nakatingin sadinaraanan ko, muntik ka na tuloy masaktan dahil sa akin." Nakangiting sabi nglalaki sa kanya, kaya hindi siya agad nakapagsalita. Bakit niya ako nginingitian at kinakausap? Teka, nasisilaw ako sa kaguwapuhan niya! Noooo...