Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 24 - Chapter 23

Lei's Point of View

Pagpasok namin ni Charity sa school clinic ay nadatnan namin doon sina Shania at Triton kasama nila ang school nurse na si nurse Iris.

Napatingin naman silang tatlo sa gawi namin ni Charity.

"Anong kailangan niyo?" tanong ni nurse Iris sa amin at muli nitong hinarap si Shania.

Ginagamot niya kasi ang palad ni Shania na may sugat mula sa hindi ko sinasadyang pagtulak sa kanya sa loob ng CR kanina.

"Ipapagamot po kasi ni Lei, iyong tainga niya. Dumudugo po kasi ito." si Charity ang sumagot sa tanong ni nurse Iris.

"Bakit anong nangyari sa tainga mo, miss Vizconde?" tanong sa akin ni nurse Iris at saka siya naglakad palapit sa akin.

Mukhang tapos na niyang gamutin ang sugat ni Shania.

"Hindi ko po—"

"Nasugat po iyong tainga niya dahil po sa paghila kanina ni Shania sa suot niyang headphone." napairap naman ako sa hangin sa sinabi ni Charity.

Ako iyong tinatanong ni nurse Iris e, hindi siya! Sabunutan ko 'tong Charity na ito!

"Nasaan iyong tainga mo na may sugat?" tanong ni nurse Iris nang nakalapit na ito sa akin.

Hinawi ko naman ang buhok ko para ipakita sa kanya ang tainga ko na may sugat.

Abala si nurse Iris sa pag-check ng tainga ko kaya naman napatingin ako sa gawi nila Shania at Triton. Nakatingin lang silang dalawa sa akin kaya naman inirapan ko lang sila.

Anong tinitingin-tingin niyo diyan a?

"Lei, maupo ka na muna sa kama at kukuha lang ako ng gamot para gamutin ang sugat mo." paalam ni nurse Iris sa akin kaya naman naglakad ako palapit kina Shania at Triton para umupo sa katabi nilang bakanteng kama.

Sumunod naman sa akin si Charity habang dala niya ang back pack ko. Nag-prisinta kasi ito kanina na siya na lang daw ang bahalang magbuhat kaya hindi na ako nakatanggi pa.

Pagka-upo ko sa kama ay agad naman akong nilapitan ni Triton.

"Are you, okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin kaya tumango lang ako bilang sagot at hinarap si Charity.

Buti naman at nagawa niya pang tanungin ako kung okay lang ba ako samantalang kanina parang hindi niya ako nakita sa CR at si Shania agad ang nilapitan niya at agad niyang tinulungan papuntang clinic.

"Bakit kayo nag-away ni Shania?" nilingon ko naman ulit siya. Nakatayo pa rin ito sa tabi ng kama kung nasaan ako nakaupo ngayon.

"Let's clean your wound." binalingan ko naman si nurse Iris nang umupo na ito sa tabi ko dala ang mga gamot para sa tainga ko na may sugat.

"Mamaya na lang tayo mag-usap, Lei." paalam naman ni Triton at hindi man lang niya hinintay na makasagot ako at tuluyan na itong lumabas ng clinic at hindi man lang siya nagpaalam kay Shania.

"Aray." daing ko nang maidiin ni nurse Iris ang bulak na may alcohol sa tainga ko.

"Sorry..." sambit nito at kumuha ng panibagong bulak para linisan naman ang maliit na sugat ko sa may braso. "bakit ano bang nangyari at nag-away kayo ng kaibigan mo?" tanong ni nurse Iris sa akin at saka niya nilingon si Shania na ngayon ay nakaupo sa kama habang nakatalikod ito sa amin.

Umiling lang naman ako bilang sagot sa tanong niya at nginitian ko siya.

Natigilan sa paglilinis ng sugat ko si nurse Iris nang marahas na bumukas ang pinto ng clinic kaya lahat kami na nasa loob ay napatingin sa taong iniluwa ng pinto.

"Nurse Iris, nandito ba sina Vizconde at Rodriguez... " natigilan si Mr. Reynes nang makita niya ako at si Shania sa loob ng clinic. "the two of you, go to guidance office. Now!" napaigtad naman ako sa kinauupuan ko nang malakas itong sumigaw.

"Teacher Reynes, ginagamot ko pa lang si Lei." wika ni nurse Iris kaya napatingin sa kanya si Mr. Reynes.

"Tapusin mo na ang paggagamot sa kanya dahil kakausapin sila ng guidance counselor kung bakit nag-away sila."

Tumango lang naman sa kanya si nurse Iris at tinapos na niya ang paggagamot sa sugat ko.

"Thank you po." pasasalamat ko kay nurse Iris nang magamot niya ako at saka ako tumayo para lumabas na ng clinic.

"Let's go, Vizconde kanina pa naghihintay ang principal at guidance counselor sa guidance office." ani Mr. Reynes bago ito nagsimula maglakad palabas ng clinic.

Tama ba iyong narinig ko? Meron si Lola? Tinawagan ba nila siya kanina? Anong sasabihin ko sa kanya pag nagkita kami mamaya? Kagagaling pa naman niya ng hospital, mamaya atakihin na naman siya.

"Gusto mo ba samahan kita?" napatingin naman ako kay Charity na kasama kong naglalakad papuntang guidance office.

"Nandiyan ka pa pala..." tipid ko siyang nginitian. Nakalimutan ko kasing may kasama pala ako. "huwag mo na ako samahan, kaya ko na ang sarili ko. Salamat pala sa pagsama sa akin sa clinic kanina." nginitian ko siya at saka ko kinuha sa kamay niya ang back pack ko na kanina niya pa bitbit.

"Thank you, Charity. Sige na, balik ka na sa classroom."

"Sigurado ka ba? Baka kailangan mo ng witness?" pagbibiro nito sa akin.

Umiling lang naman ako sa kanya.

"Kaya ko na 'to. Sige na, pupunta na akong guidance." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko papuntang guidance office.

Nang makarating ako sa guidance office ay ako na lamang ang hinihintay nila. Nakaupo na sa loob sina Lola, Mr. Reynes, Miss Claudia na siyang guidance counselor namin at si Shania katabi si Tita Alexa na siyang ina nito.

Naglakad naman ako papunta sa bakanteng upuan katabi ni Shania. Habang naglalakad ako ay ramdam ko ang tingin sa akin ni Lola. Alam kong galit ito ngayon dahil kasasabi niya lang sa akin kaninang umaga bago ako umalis ng mansion ay huwag akong makikipag-away pero nakipag-away pa rin ako.

Tahimik lang sa loob ng silid hanggang sa nagsalita na si miss Claudia kaya napaupo ako ng matuwid at napatingin ako sa kanya.

"Bakit nag-away kayong dalawa? Anong dahilan?" masungit na tanong nito sa amin.

"Ako po ang may kasalanan." napalingon ako kay Shania nang tumayo ito at nagsalita.

Anong pinagsasabi niya? Ako nga ang may kasalanan dahil tinawag ko siyang bobo kanina at marami pa ang nakarinig.

"Anong pinagsasabi mo?" mahinang tanong ko naman sa kanya nang lumingon ito sa akin.

Hindi naman niya ako sinagot at muli niyang hinarap si miss Claudia at nagsalita.

"Wala pong kasalanan dito si Lei—"

"Ako talaga ang may kasalanan. Tinawag ko siyang bobo kanina at marami ang nakarinig at isa pa, tinulak ko siya sa sahig kaya nga may galos siya sa kamay e." dire-diretsong saad ko habang nakatingin ako sa mga mata ni miss Claudia.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Lola na napahawak sa sintido niya. Alam kong pinipigilan niya ang sarili niya na huwag magalit.

Sorry, Lola.

"Totoo ba ang sinabi ni miss Vizconde, Shania?" tanong ni miss Claudia kay Shania.

Nilingon naman ako ni Shania bago niya sinagot si miss Claudia.

"Opo, totoo po ang mga sinabi niya." sagot nito.

"Kung gano'n..." Hindi natapos ni miss Claudia ang sasabihin niya nang nagsalita muli si Shania.

"Pero, miss Claudia nagawa lang naman iyon ni Lei sa akin kung hindi ko marahas na hinablot ang headphone na suot niya at nasugat ang tainga niya. Kaya naman po miss Claudia, may kasalanan din po ako at kung ano man po ang ibibigay niyong parusa kay Lei ay tatanggapin ko rin po dahil may kasalanan din naman ako sa kanya."

Napairap naman ako sa loob-loob ko. Ang galing talaga umarte ng babaeng 'to. Pwede siyang award-an ng best actress.

"Mrs. Vizconde and Mrs. Rodriguez, narinig niyo naman po siguro ang sinabi nilang dalawa. They admitted their wrong doings inside the campus.

Kaya bilang guidance counselor, I will give them a punishment."

"Punishment?"

"Anong klaseng parusa?" Sabay na tanong nila Lola at tita Alexa sa sinabi ni miss Claudia.

"Don't worry po, hindi naman po mabigat na parusa ang ibibigay ko sa kanilang dalawa." tumingin ito sa amin ni Shania at nginitian. "Paglilinisin ko lang naman silang dalawa sa stock room para magtanda sila sa ginawa nila kanina."

What? Maglilinis kami sa stock room? Hindi nga ako naglilinis sa mansion tapos ngayon paglilinisin nila ako ng stock room?

Matapos ang pag-uusap tungkol sa magiging parusa namin ni Shania sa guidance office kanina ay nandito na kami sa hallway ni Lola at naglalakad palabas na ng eskwelahan. Wala na kasi kaming klase mamayang hapon dahil half-day lang ang klase namin ngayong Biyernes.

Hindi na rin natuloy ang laro namin ng volleyball kanina dahil sa nangyaring pag-aaway namin ni Shania.

Habang naglalakad kami ni Lola ay wala sa aming dalawa ang nagsasalita. Tahimik lang akong naglalakad habang katabi ko siya. Nagsasalita lang naman si Lola kapag may mga estudyate o guro na bumabati sa kanya.

"Good bye, ma'am." paalam sa kanya ng isang estudyateng dumaan sa tabi niya kaya naman parehas kaming napalingon dito.

"Good bye, hija."

Patuloy lang kami sa paglalakad ni Lola hanggang sa makalabas na kami ng school gate at hinihintay namin ang sasakyan niya na minamaneho ni Kuya Roger.

Habang nakatayo kami sa labas ng school gate at hinihintay ang sasakyan ni Lola na pinaayos ni Kuya Roger sa isang malapit na talyer dito sa eskwelahan dahil malambot ang gulong nito ay may isang estudyate ang lumapit sa amin at kinausap niya ang Lola ko.

"Principal..." nakita ko kung paano siya lumunok na para bang kinakabahan habang nasa harapan niya ang Lola ko. "puwede ko po bang makausap si Lei?" paalam niya sa Lola ko.

"Sure, speak now." seryosong sagot sa kanya ng Lola ko.

"Ahmm..." Napahawak siya sa batok niya. "puwede po bang kaming dalawa lang po?" kinakabahang tanong niya muli sa Lola ko.

Tiningnan naman siya ni Lola mula ulo hanggang paa. Mukhang sinusuri niya ito.

"Who are you? Why do you want to talk to her? And what is your connection with Francheska?"

"Hello, ma'am. I'm Triton Ventura. And I have a feelings for Lei. Yes, ma'am you heard it right. I like Eileithyia, your grandchild."