Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 25 - Chapter 24

Lei's Point of View

"Lei, I'm really sorry. Alam kong mali ang ginawa kong pagsisinungaling at paglilihim namin sa'yo ni Shania." hinawakan ni Triton ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Naka-upo kasi kami ngayon sa bench sa ilalim ng malaking puno na nasa loob ng eskwelahan malapit sa guard house.

Matapos kasing sabihin ni Triton na gusto niya ako kay Lola ay agad ko na lamang siyang hinila papasok ulit sa loob ng eskwelahan at iniwan si Lola kasama si kuya Roger sa tapat ng gate.

"Triton, stop saying sorry." tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at tipid ko siyang nginitian.

"Hindi ka na galit sa akin?"

"Kung alam mo lang Triton, gustong-gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko magawa dahil wala naman ako sa posisyon para magalit."

"Magalit ka sa akin Lei. Saktan mo ako. Kamuhian mo ako. Kung iyan lang ang paraan para mabawasan iyang galit mo sa'kin, gawin mo." tumayo ito sa harapan ko na para bang sinasabi niyang handa siya sa anumang gagawin ko sa kanya.

"Maupo ka nga! Para kang timang diyan Triton." natatawang saad ko at saka ko siya hinila para umupo muli sa tabi ko.

"Hindi ka na talaga galit sa akin?" muling tanong niya.

"Hindi na nga. Kulit naman ng lahi mo."

"Pero nagseselos ka?" napairap naman ako sa sunod niyang tanong sa akin.

"Gusto kong magselos pero hindi ko magawa dahil hindi mo naman ako girlfriend, Mr. Ventura. Kahit pa nga mag-sex kayo ngayon sa harapan ko ay hinding-hindi ako magseselos dahil wala naman akong paki-alam sa inyong dalawa." irap ko sa kanya.

Narinig ko naman siyang mahinang tumawa.

Tawa ka diyan! Tanggalin ko iyang ngala-ngala mo e.

"Kumusta na pala iyong sugat mo?" tanong nito at saka siya lumapit sa akin at hinawi niya ang buhok kong nakatakip sa tainga ko na may sugat.

Natuod naman ako sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at ang tanging parte na lamang ng katawan ko na gumagalaw ay ang mga mata ko kung saan napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Nakatingin lamang ako sa kanya habang tinitingnan niya ang tainga ko. Abala siya sa pagtingin sa sugat ko hanggang sa magsalita siya at napatingin sa akin.

"Masakit pa rin ba..." Huli na para iiwas ko ang tingin ko sa kanya nang lumingon ito sa akin at nagtagpo ang mga mata namin.  Para akong estatwa ngayon na naka-upo habang nakatingin siya sa mga mata ko at hawak nito ang buhok ko mula sa pagkakahawi niya kanina.

"O-okay lang ako!" Malakas ang ginawa kong pagtulak sa kanya palayo sa akin dahilan para mahulog siya sa kinauupuan niya.

"Tangina!" mura nito nang mahulog siya sa upuan kaya lumapit naman ako sa kanya.

"S-sorry, okay ka lang ba?"

Tumayo naman siya at saka pinagpag niya ang damit nito at saka tumango ito sa akin at muling umupo sa tabi ko.

"Ibig sabihin ba niyan Lei ay hindi ka na talaga galit sa akin? Napatawad mo na ako?" tanong niya habang nakatingin siya sakin.

Tumango lang naman ako at nginitian siya bago ako tumayo at nagpaalam sa kanya.

"Ingat ka sa pag-uwi. Sabihin mo kay Lola Corazon na magpagaling siya." abot tainga ang ngiti ni Triton nang sabihin niya iyon sa akin.

Wow? Nakiki-Lola na siya sa Lola ko a? Parang kanina lang ay halos mangatog ang mga tuhod niya sa pagtawag na principal sa Lola ko sa harap ng gate kanina.

Isang irap lang naman ang ibinigay ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.

"Bye, Eileithyia!" rinig ko pang sigaw niya kaya naman kinawayan ko na lamang siya kahit nakatalikod na ako habang tuloy-tuloy pa rin ang paglalakad ko palabas ng gate.

Nang makalabas ako ng gate ay nakita ko naman ang sasakyan ni Lola sa may tapat kaya lumapit ako rito at saka pumasok sa loob.

"Tara na po Kuya Roger." wika ko nang makapasok ako at umupo ako sa tabi ni Lola na abala sa pagbabasa ng diyaryo.

Tinanguan lang naman ako ni Kuya Roger at saka pinaandar na nito ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang sa loob ng sasakyan at wala ni isa sa amin ang nagsasalita kaya naman ipinikit ko na lamang ang mga mata ko.

Ilang segundo pa lang nang ipikit ko ang mga mata ko ay narinig ko ang boses ni Lola sa tabi ko kaya nilingon ko siya at saka naupo ako ng maayos.

"Anak iyon ni Benedict hindi ba?"

"Kilala niyo po si Tito Benedict?"

Tumango lang naman siya habang abala pa rin siya sa pagbabasa sa diyaryong hawak niya.

"Isa siya sa mga gurong gustong mag-apply noong nakaraang taon sa eskwelahan, kaso wala ng bakanteng posisyon sa a-apply-an niya kaya naman hindi siya nakuha." paliwanag naman ni Lola sa akin.

Oo pala, isang guro ang tatay ni Triton samantalang ang nanay naman niya ay isang nurse sa isang kilalang hospital dito sa amin.

"May gusto ka rin ba sa anak ni Benedict, Francheska?" halos lumuwa ang mga mata ko sa tanong niya sa akin.

Nakatingin ito ngayon sa akin habang hinihintay niya ang sagot ko.

"Francheska, I'm asking you." matalim niya akong tiningnan.

Anong isasagot ko sa tanong niya? Gusto ko ba si Triton? May nararamdaman ba ako sa kanya?

Buwisit na buhay naman 'to o! Bakit ba kasi sinabi nung Triton na iyon na gusto niya ako sa harap pa mismo ng Lola ko?

"We're friends, Lola."

"E, anong ibig sabihin niya sa sinabi niya sa akin kanina na gusto ka niya?"

Napairap naman ako sa loob-loob ko. Ito iyong ayaw ko kay lola e, tanong siya ng tanong.

"Kaibigan ko lang po talaga si Triton, Lola. Walang ibig sabihin iyong sinabi niya sa inyo kanina na gusto niya ako. Mahilig lang po talaga siyang man-trip kaya ako iyong napag-trip-an niya kanina." pagsisinungaling ko sa Lola ko.

Papa Jesus, sorry kung nagsinungaling na naman ako sa Lola ko. Patawarin niyo po ako.

Tiningnan lang naman ako ni Lola na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko sa kanya.

"Belive me, I don't have any feelings for him, Lola. Kapag sinabi kong kaibigan ko lang si Triton, kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Nothing more, nothing less."