Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

Triton's Point of View

"Anong nangyari? Bakit kayo nagsisigawan?" tanong ko sa kaklase kong babae na napadaan sa amin.

"Nag-aaway kasi sa CR sina Lei at Shania. "

Shit!

Agad akong tumakbo patungo sa CR ng mga babae matapos kong marinig ang sinabi sa akin ng kaklase ko.

Bakit sila nag-aaway? Ako ba ang dahilan ng pag-aaway nila?

Malapit na ako sa CR ng mga babae nang makarinig ako ng isang isigaw ng babae.

"Totoo naman a!"

Boses iyon ni Lei!

Mabilis naman ang ginawa kong pag takbo papunta sa CR dahil baka kung ano na ang ginagawa nila.

Nang nasa pintuan na ako ng CR na nakabukas ay nagulat ako sa nakita ko. Nasa sahig si Shania habang dumudugo ang isa niyang kamay at si Lei naman ay nakahawak siya sa magkabilang balikat ni Shania.

Tinulak niya ba si Shania? Hindi ko lubos akalain na magagawang saktan ni Lei ang kaibigan niya.

"Lei, anong ginawa mo kay Shania?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya at agad kong nilapitan si Shania para tulungan.

"Triton, nagkakamali ka. Hindi ko naman sinasadyang maitulak—"

Lalapitan na dapat ako ni Lei para mag paliwanag pero hindi ko siya pinansin at saka ko binuhat si Shania para dalhin sa clinic.

"What are you doing, Ventura? Bakit mo ako binuhat palabas ng CR?" napatingin naman ako sa babaeng nasa braso ko.

Nakatingin ito sa akin habang Naka-kunot ang kanyang noo kaya naman iniwas ko ang tingin ko sa kanya at saka ko siya sinagot.

"You are injured kaya binuhat kita papunta sa clinic..." tinapunan ko siya ng tingin. "Pero walang ibig sabihin itong pagtulong ko sa'yo. I just helped you as a friend." Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad papuntang clinic habang buhat ko pa rin siya.

"Injured?" rinig kong tanong niya kaya tumango lang ako sa kanya. "What are you talking about? Ako injured? E, ang liit lang ng sugat na nasa palad ko."

Tinapunan ko lang naman siya ng masamang tingin dahil sa kaingayan niya. 

"Anong maliit na sugat ang pinagsasabi mo? Tingnan mo nga iyang kamay mo kung gaano karaming dugo ang lumabas."

Halos ang buong palad kasi nito ay puno ng dugo.

Nakita ko naman kung paano kumunot ang noo niya nang tiningnan niya ang tinutukoy kong kamay niya na may sugat.

"Put me down."

"Huh? Malapit na tayo sa clinic..."

"I said, put me down, Ventura." maawtoridad na saad niya.

"Okay, ito na..." dahan-dahan ko naman siyang ibinaba sa harap ng pintuan ng clinic tulad nang sinabi niya.

"This is not my blood." saad niya at saka niya inilagay sa harap ng mukha ko ang kamay niyang puno ng dugo.

"Anong pinagsasabi mo? Halika na nga sa loob para magamot ka." hila ko sa kanya papasok sa clinic.

"Nurse Iris..." tawag ko sa school nurse nang makapasok kami sa clinic.

"Bakit?" tanong nito habang may ngiti sa kanyang mga labi nang lapitan niya kami ni Shania.

"Pakilinisan po iyong sugat niya." wika ko at saka tinapunan ng tingin ang katabi ko.

"Let me see your wound." binalingan ni nurse Iris si Shania at agad naman niyang ipinakita ang palad niya kay nurse Iris. "Sige, kunin ko lang iyong mga gamit ko. Maupo na muna kayo sa bed."

Tumango lang naman kaming dalawa at saka tinungo ang sinabing kama ni nurse Iris.

"Ako ba ang dahilan kung bakit nag-away kayo ni Lei?" tanong ko kay Shania pagka-upo namin sa kamang sinabi ni nurse Iris.

Buti na lang at dalawa ang kama rito sa clinic kung kayat naupo ako sa isang kamang nasa tapat ngayon ni Shania kung saan doon naman siya naka-upo.

"Oo? Siguro?" sagot naman niya sa akin at saka matipid na ngumiti.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Syempre, Triton ikaw ang dahilan kung bakit nag-aaway ngayon ang matalik na magkaibigan. Gago ka kasi!

Napatingin naman kami pareho kay nurse Iris nang lumapit na ito sa kanya at sinimulang gamutin ang sugat niya.

"Ang liit lang naman pala ng sugat mo pero bakit ang daming dugo?" tanong sa kanya ni nurse Iris habang abala pa rin itong ginagamot ang kamay ni Shania.

"Ano po kasi..."

Naputol ang sinasabi ni Shania nang bumukas ang pinto ng clinic at saka pumasok doon si Lei kasama ang kaklase naming si Charity. Napatingin kaming tatlo sa kanilang dalawa at natigil ang ginagawang paggagamot ni nurse Iris sa kamay ni Shania.

"Anong kailangan niyo?" tanong sa kanila ni nurse Iris at muli niyang binalingan ang kamay ni Shania at pinagpatuloy nito ang paggagamot dito.

"Ipapagamot po kasi ni Lei, iyong tainga niya. Dumudugo po kasi ito." rinig kong sagot ni Charity kay nurse Iris kaya naman napatingin ako kay Lei na ngayon ay nakatingin lang sa amin.

"Bakit anong nangyari sa tainga mo, miss Vizconde?" tanong ni nurse Iris at tumayo na ito para lapitan si Lei. Mukhang tapos na niyang gamutin ang sugat ni Shania. 

"Nasugat po iyong tainga niya dahil po sa paghila kanina ni Shania sa suot niyang headphone."

Nagulat ako sa sagot ni Charity sa tanong sa kanya ni nurse Iris.

Nasaktan at nasugatan si Lei sa pag-aaway nila ni Shania kanina?

Nakatingin lamang ako sa kanya habang kinakausap siya ni nurse Iris hanggang sa naglakad na ito palapit sa direksiyon namin kaya naman tumayo ako sa tabi ng kama kung saan nakaupo ako kanina para hintayin siya.

"Are you, okay?" tanong ko sa kanya nang maka-upo ito sa kama.

Tumango lang naman siya sa akin at saka hinarap si Charity na nasa tabi niya at nag-usap sila.

"Bakit kayo nag-away ni Shania?" muling tanong ko sa kanya.

Gusto ko kasing marinig mula sa bibig niya kung bakit nag-away sila ng kaibigan niya. Hindi naman niya ako sinagot at tinitigan lang naman niya ako hanggang sa dumating si nurse Iris para linisin ang sugat niya.

"Mamaya na lang tayo mag-usap, Lei." paalam ko sa kanya habang nakatalikod ito sa akin. Hindi ko na nahintay pa ang sagot niya kaya naman naglakad na ako palabas ng clinic.

Hindi ko na rin nagawang nagpaalam kay Shania at tuloy-tuloy na lamang akong lumabas ng clinic at naglakad patungo sa kung saan ako dinala ng mga paa ko.

Nakita ko naman ang sarili ko ngayon na naglalakad papunta sa rooftop. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin at para makalimutan ang mga nangyari ngayong araw. Masyado kasing maraming nangyari ngayon na tila ba gusto ko na lamang matulog at hindi na muling magising pa.

"How's Lei?" napalingon naman ako sa kanya nang marinig ko siyang magsalita sa likuran ko.

Bakit anong ginagawa niya rito sa rooftop?

"Narinig ko kasi sa mga chismosa nating mga kaklase na nagkasakitan ang dalawang babae mo at mukhang si Lei ang napuruhan." dagdag nito at saka tumabi sa akin.

"Apollo, hindi ko sila babae." pagtatama ko sa sinabi niya pero nagkibit-balikat lang naman siya.

"Sinabi mo na ba sa kanya ang totoo?" rinig kong tanong sa akin ni Apollo kaya naman umiling lang ako bilang sagot.

"Kung ako sa'yo Triton, habang hindi pa gano'n kabigat ang kasalan mo sa babaeng gusto mo ay dapat sabihin mo na sa kanya ang totoo, at kung bakit nagawa mo iyon sa kanya."

"Paano kong masaktan siya kapag nalaman na niya ang katotohanan?"

"Triton, wala namang taong hindi nasasaktan kapag nalaman nilang niloloko lang sila."

Matapos ang pag-uusap namin ni Apollo sa rooftop kanina ay nauna na siyang bumaba dahil tumawag ang tita niya na siyang mama ni Hades. Hinahanap daw kasi siya ngayon ng pinsan niya. Nasa hospital pa rin si Hades dahil binabantayan pa rin siya magpahanggang ngayon ng Doctor niya na umaasikaso sa kanya simula nang ma-comatose siya. Simula kasi nang magising si Hades mula sa pagkaka-coma ay laging nagwawala ito at hinahanap si Apollo, kaya naman kahit may klase kami ay emergency na tinatawagan nila ang kaibigan ko para pumunta ng hospital.

Pababa na ako ngayon sa rooftop para umuwi na dahil wala na rin akong pasok mamayang hapon dahil nga half-day lang ang pasok namin tuwing Biyernes. Nang tuluyan na nga akong makababa at naglalakad na sa hallway sa may first floor ng building ay natanaw ko naman sina Lei at ang kanyang Lola na palabas na ng gate ng eskwelahan kaya naman nagmadali akong tumakbo para maabutan sila.

Ngayong araw kasi ay sasabihin ko na kay Lei ang katotohanan. Sasabihin ko na sa kanya lahat ng mga ginawa kong paglilihim sa kanya kasama ang kaibigan niya.

Hinihingal naman ako nang makalapit ako sa gate kung nasaan sila ngayon. Nakatalikod silang dalawa sa akin kaya hindi nila ako nakita. Nakatayo pa rin sila sa harapan ng gate at mukhang hinihintay nila ang magsusundo sa kanila. Sa pagkakataon naman na iyon ay nilakasan ko na ang loob ko para lapitan sila.

"Principal..." sabay naman silang napalingon ng kanyang apo nang tawagin ko siya."puwede ko po bang makausap si Lei?" paalam ko habang kinakabahan at halos mangatog ang mga tuhod ko.

"Sure, speak now."

"Ahmm...puwede po bang kaming dalawa lang po?"

Napatayo naman ako ng maayos nang ibaling niya muli ang atemsyon niya sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Who are you? Why do you want to talk to her? And what is your connection with Francheska?" masungit na tanong sa akin ng Lola niya.

Kumuha na muna ako ng lakas ng loob ko bago ko sinagot ang mga tanong sa akin ng Lola ni Lei.

"Hello, ma'am." binigyan ko siya ng isang malaking ngiti. "I'm Triton Ventura. And I have a feelings for Lei." nakita ko namang kumunot agad ang noo niya at magsasalita na sana nang inunahan ko na siya. "Yes, ma'am you heard it right. I like Eileithyia, your grandchild."

Nakita ko naman kung paano ako pandilatan ni Lei habang katabi niya ang Lola niya. Alam kong sa mga oras na ito ay minumura na niya ako sa isipan niya.

"What did you just say, Mr. Ventura?" tiningnan ko naman muli ang Lola ni Lei nang marinig kong tinanong niya ako.

"I like Eileithyia..."

"Lola..." pumunta si Lei sa pagitan namin ng Lola niya kaya hindi ko tuluyang nasabi ang dapat kong sabihin sa Lola niya. "he's just joking. Magkaibigan lang po kami."

Aray! Grabe naman itong babaeng 'to. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin habang nasa harap kami ng Lola niya.

"Hintayin niyo na lang po ako sa loob ng sasakyan kapag meron na po si Kuya Roger, mag-uusap lang kami ng kaibigan ko." rinig kong sinabi niya sa Lola niya at saka niya ako nilingon at inirapan.

Attitude talaga itong babaeng 'to. Kaya nagustuhan ko siya e.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ako sa kaliwang kamay ko at hinila ako pabalik sa loob ng eskwelahan.

"Bakit sinabi mo ang bagay na iyon kay Lola?" agad na tanong niya sa akin at binitawan ang kamay kong hawak niya kanina.

Hindi ko pinansin ang tanong niya sa akin at may sinabi ako sa kanya na alam kong ikakagulat niya.

"Iyong pagsama ko kahapon kay Shania sa shop na iyon, hindi iyon ang unang beses na sinamahan ko siya. Matagal na kaming palihim na lumalabas ng kaibigan mo at hindi namin iyon sinabi sa'yo."