Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 32 - Chapter 31

Chapter 32 - Chapter 31

Lei's Point of View

Nandito ako ngayon sa may balcony ng kwarto ko habang naka-upo at nakatingin sa malaking buwan na nasa kalangitan at napapaligiran ito ng maraming bituin na nagkikislapan.

Mag-iisang oras na akong naka-upo rito sa balcony at mag-iisang oras na rin na paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang nangyaring family dinner kasama ang pamilya Sy.

Alam kong galit sina tita Divina at tito Dexter sa nalaman nila kanina. At alam kong ganoon din ang nararamdaman ng Lola ko. Gusto lang naman naming sabihin sa kanila ang totoo ni Damon. Ayaw naming maikasal kami dahil kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang cellphone ko na tumunog sa loob ng kwarto ko. Agad ko naman itong kinuha sa kama at binasa ang mensahe na galing kay Damon.

From: DamonYu

Let's talk.

Magtitipa na sana ako para reply-an siya nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya kaya naman agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hoy! Lumabas ka na nga diyan! Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng mansion niyo. Bilisan mo! Huwag kang feeling Cinderella na hinihintay ka ng fairy God mother mo rito sa labas dahil hindi ka mukhang prinsesa gaya ni Cinderella kundi mukha kang pusa na pagmamay-ari ng stepmother ni Cinderella!"

Napairap na lamang ako nang marinig kong pinatay na nito ang tawag. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para magsalita.

Lumapit naman ako sa bintana ng kwarto ko kung saan matatanaw mo rito ang gate. Nakita ko naman ang Chinese na iyon na nakasandal sa kotse niya habang nasa tapat ng dibdib niya ang kanyang dalawang kamay.

Napansin ko rin na hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. Nakasuot pa rin ito ng tuxedo na siyang suot niya kanina kasama ang mga magulang niyang pumunta rito para mag-dinner.

Nang makita kong inilabas nito ang cellphone niya na nasa bulsa ay lumabas na rin ako ng kwarto ko. Alam ko kasing tatawagan na naman niya ako. At hindi nga ako nagkamali, tumatawag na naman siya kaya agad ko itong sinagot.

"Ito na! Huwag kang atat! Sakalin kita diyan e." Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya kaya naman pinatay no na rin agad ang tawag niya at patakbo akong bumaba ng hagdan at mabilis na tinungo ang main door ng mansion para lumabas.

"Ano na naman ang sasabihin mo? May pa-let's talk, let's talk ka pa diyan na text." wika ko habang binubuksan ko ang gate ng mansion. At nang mabuksan ko na ito ng tuluyan ay nilapitan ko siya at tumayo sa harapan niya habang nakahalukipkip ang mga kamay ko.

"Nasaan na iyong panyo?" inilahad nito ang kamay niya sa harapan ko.

Napatingin naman ako sa kamay niya at sa kanya.

"Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?" tanong ko sa kanya at saka ko siya inirapan.

Bago pala siya umuwi kanina kasama ang mga magulang niya, ay ipinaala na naman nito ang panyong pinahiram daw niya sa akin noong nabangga niya ako at naitapon ang kape sa damit ko.

"Where's my handkerchief?"

"Wala na." Nakita ko namang nagsalubong ang dalawang kilay nito.

"Anong wala?"

"Naalala ko kaninang hinahanap ko sa damitan ko, naitapon ko na pala."

"What? Find it! Importante iyon sa akin, Lei!" nagulat naman ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at niyugyog ako. "Ibalik mo iyon sa akin!"

Buong lakas ko naman siyang itinulak kaya nabitawan niya ang braso ko at napaatras ito.

"Alam mo? Ang OA mo! Mas malala ka pa sa babae. Bakla ka ba?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot.

"Find my handkerchief..."

"O, Ayan! Kainin mo na iyang panyong iyan!" inis na ibinato ko sa mukha niya ang panyong kanina niya pa hinahanap dahilan para tumahimik siya at tiningnan niya ako ng masama.

"Akala ko ba itinapon mo na?"

"Naniwala ka naman agad?"

Isang ngiti lang ang isinagot nito sa akin bago niya inilagay sa loob ng bulsa niya ang panyo na hawak niya.

"Hindi sa'yo ang panyo na iyan, tama ba ako Damon?" Nakita ko naman siyang tumango. "Napansin ko kasing iba iyong initials na nakaburda sa panyo. Kanino ang panyo na iyan? Sino si S.R.?"

"Your bestfriend."

"Shania Rodriguez?" magkasalubong ang dalawang kilay ko nang tanungin ko siya kung tama ba ang sagot ko.

"Yes."

"B-but... H-how-"

"This is our promise handkerchief." mahinang bulong nito na narinig ko naman.

Promise handkerchief? May gano'n ba?

Umiling lang naman ako sa naisip ko. Wala akong paki alam kung anong tawag niya sa panyo na iyon. Ang importante ngayon dito ay malaman ko kung bakit may pa promise handkerchief sil ni Shania.

"What are you saying, Damon? Don't tell..."

"Yes, you're right. Hindi ikaw iyong babaeng nangako sa akin na papakasalan mo ako."

"What?! Pero, sabi mo noong unang beses tayo na nagkita ay nangako ako sa'yo noon? Tapos ngayon..."

"Are you disappointed?" may pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Just tell me, Lei kung gusto mong ituloy ang pagpapakasal natin at babawiin ko lahat ng sinabi ko sa harap ng mga magulang ko kanina maski sa Lola mo."

"Disappointed? Hell, no! Magpakasal sa'yo? Baka sakal gusto mo? At anong sinabi mo? Babawiin mo lahat nang sinabi mo kanina? Kung bawian kaya kita ng buhay ngayon na mismo?" narinig ko naman siyang tumawa na ikinainis ko.

"Why are you laughing? Gusto mo bang tanggalin ko iyang ngalagala mo?" tumigil naman siya sa pagtawa.

"Ang bilis mo talagang mapikon."

"Wala kang pakialam." irap ko naman sa kanya.

"Hoy, saan ka pupunta? Uuwi ka na?" tanong ko sa kanya nang makita kong naglakad na ito papunta sa drivers seat.

"Yup! Bakit, mami-miss mo na naman ang mukhang 'to?" natatawang saad niya nang buksan na nito ang pintuan ng kotse niya at saka nito ipinatong ang kanyang dalawang braso sa bubong ng kotse.

"Ang kapal naman po ng pagmumukha mo kuya Damon, kung sa tingin mo po ay mami-miss kita." wika ko at nginitian siya.

"Don't call me, Kuya." iritableng saad nito at tumayo ng maayos.

Napangiti na lamang ako ng palihim. Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag ko siyang Kuya. Yes, he's older than me. He's now an IT college student in my school.

"Why? Tinuruan kasi ako ni Lola na dapat daw igalang ang mas nakakatanda. 'Di mo po ba alam iyon, kuya?" pagdidiin ko sa Kuya.

Nakita ko naman kung paano umasim ang mukha niya at saka na pumasok sa kotse niya.

Nainis na ang Chinese!

Nang marinig kong pinaandar na nito ang makina ng sasakyan ay agad naman akong lumapit dito at kumatok sa binta ng kotse niya na binuksan naman niya.

"What?" inis na tanong nito pero hindi ito nakatingin sa akin.

"Ahm... You know, hindi naman talaga ako chismosang tao. Pero kasi..." matalim ang mga mata nitong napalingon sa akin. "Okay, fine! I'm just curious, okay?"

"Ang sabihin mo, chismosa ka lang talaga."

"Bahala ka sa kung anong gusto mong sabihin. Basta ako, gusto kong malaman kung bakit hindi ka kilala o nakilala man lang ni Shania noong ipinakilala kita sa kanya. Akala ko ba nangako siya sa'yo? Then, why she didn't remember or recognize you?" napahawak siya nang mahigpit sa manubela ng sasakyan at saka yumuko.

"I don't know if she really can't remember me or she just pretending that she doesn't know me."

Nakahiga na ako ngayon sa kama at ang kanang braso ko ay nakatakip sa mga mata ko.

"I don't know if she really can't remember me or she just pretending that she doesn't know me."

Dahan-dahan ko namang inalis ang braso kong nakatakip sa mga mata ko nang maalala ko na naman ang sinabi kanina ni Damon.

"Ibig sabihin, matagal na silang magkakilala ni Shania pero, bakit..." napabuga na lamang ako ng hangin. "bakit ba iniisip ko pa iyon? Hindi ko na problema kung hindi siya matandaan ni Shania!" pagkasabi ko iyon ay dumapa na ako sa kama ko at pinilit ang sarili na matulog na.

Hindi na nagtagal pa ay nakatulog na ako.

Naalimpungatan naman ako nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa cellphone ko na nakapatong sa sidetable ko malapit sa kama. Ininat ko naman ang kaliwang braso ko para abutin ang cellphone na nag-iingay habang nakadapa pa rin ako.

Nang makuha ko na ito ay hindi ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag at agad ko na lamang itong sinagot at halata ang pamamaos ng boses ko.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa taong nang istorbo sa pagtulog ko.

"How's your day?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Triton sa labi lang linya kaya naman inilayo ko ang cellphone ko na nakatapat sa tainga ko at tiningnan ang screen ng cellphone na hawak ko.

Gabi na a? Bakit napatawag ang bugok na 'to?

"Ano bang kailangan mo? Alam mo bang natutulog na ako nang tumawag ka?" inis na tanong ko sa kanya at ipinikit ang mga mata ko. Inaantok pa kasi ako.

"Sorry, gusto ko lang kasi sanang tanungin ka. Si mama kasi..."

"Spill it."

Narinig ko naman ang malalim na paghinga nito sa kabilang linya bago siya muling nagsalita.

"Kung hindi ka busy bukas at wala kang pupuntahan, gusto mo bang pumunta tayo ng simbahan? Kasama ang family ko. Puwede mo rin naman isama ang Lola mo. Tara, magsimba."

Ang kaninang inaantok na mata ko ay kusang dumilat na akala mo ay lalabas na ang mga ito dahil sa sinabi ni Triton.

"Lei? Nandiyan ka pa ba? Gising ka pa ba?"

Bumangon ako mula sa pagkakadapa ko at tinitigan ang cellphone ko kung saan naririnig ko pa rin ang boses ni Triton.

"Mukhang nakatulog na yata siya."

"Sige, anong oras ba?"

"Alas-sais ng umaga."

"Sige."

"Sunduin na lang kita-"

May sasabihin pa sana siya pero pinatay ko na ang tawag niya.

Tumayo naman ako sa kama ko at humarap sa salamin na nasa kwarto ko.

"Bakit ka pumayag, Lei?" wala sa sariling tanong ko sa repleksiyon ko na nasa salamin.

Hindi dapat ako papayag nang tanungin niya ako kanina pero nagulat na lamang ako nang makita ko ang sarili kong um-oo at tinanong ko pa kung anong oras ba bukas ang simula ng misa.

Naalala ko naman ang sinabi niya kanina na kasama raw ang family niya at kung puwede ay isama ko rin ang Lola ko.

Shit!

Makikita at makikilala ko bukas ang mama at papa niya!

Naitakip ko naman sa mukha ko ang dalawang palad ko sa naisip ko. Naramdaman ko kasing uminit ang dalawang pisngi ko.

"Paano si Lola? Paano ko sasabihin sa kanya bukas? Sasama kaya siya?" mahinang saad ko bago ako bumalik sa kama ko at nahiga at dumipa ako habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko.

"Good luck for tomorrow, Eileithyia."

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang maramdaman kong may nag-v-vibrate malapit sa pisnge ko.

"Hmm..." itinaas ko ang dalawang kamay ko sa may gilid ng ulo ko at nagsimulang mag-inat bago ko kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko lang.

Binuksan ko ito nang makita ko ang pangalan ni Triton. May text kasi ito sa akin.

From: Triton V.

Rise and shine! Are you done fixing yourself? Papunta na ako diyan ngayon para sunduin ka.

Agad naman akong bumangon sa kama ko nang maalala kong ngayong araw pala ang araw kung saan pupunta kami ngayon sa simbahan.

Dali-dali naman akong umalis sa kama ko at tingungo ang banyo para magmadaling maligo. Wala pa yatang limang minuto ay tapos na akong maligo.

Paano kasi mag-s-six o'clock na e, sa isang text sa akin ni Triton kanina ay six o'clock ang first mass sa simbahan na pupuntahan namin.

Nang matapos akong maligo ay tumingin ako ng pwede kong suotin. Kinuha ko naman sa may damitan ko ang isang kulay krema na bistida na hanggang tuhod ko at saka ito sinuot.

Paikot-ikot ako ngayon sa harap ng salamin para siguraduhin kung bagay ba ang suot ko sa pupuntahan ko ngayon. Nang kuntento na ako sa suot ko ay kinuha ko naman sa lagay an ng mga sapatos ko ang isang dolllshoes no na kulay krema rin at isinuot ito.

Ngumiti na muna ako sa harapan ng salamin bago ako lumabas ng kwarto ko at tinungo ang kwarto ni Lola para ayain siya na magsimba tulad nang sinabi ni Triton kagabi.

Kumatok na muna ako sa kwarto ni Lola bago ko hinintay ang permiso nito na pumasok ako.

"Tulog pa kaya siya?" mahinang bulong ko sa sarili ko ng hindi ko narinig ako boses ng Lola ko.

Tumalikod na ako para umalis dahil baka natutulog pa ito nang marinig ko ang pagbukas ng pinto na nasa likuran ko kaya naman napalingon ako rito.

"Good morning, Lola." bati ko sa kanya at saka ngi niyo.

Tumango lang naman siya sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ito nagsimulang maglakad pababa ng hagdan.

"Where are you going? Bihis na bihis ka yata?" tanong nito habang nakasunod lang ako sa kanya.

"I'm going to church po. In-invite po kasi ako ni Triton. Kasama raw po ang parents niya and gusto po sana nila na kasama ka rin po." tumigil naman ako sa pagsunod sa kanya nang huminto siya sa paglalakad nang makababa na kami sa hagdan.

"Ikaw na lang ang pumunta. I'm busy today." sambit nito nang hindi man lang niya ako nililingon at pinagpatuloy niya ang paglalakad patungong kusina.

Napailing na lamang ako at isang malalim na paghinga ang ginawa ko.

Alam kong nagtatampo pa rin siya sa akin dahil sa nangyari kagabi, ang pagsabi namin sa kanila ni Damon nang totoo.

Kinuha ko naman sa loob ng sling bag na suot ko ngayon ang cellphone ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito. Nasapo ko naman ang bibig ko nang mabasa ang text ni Triton. Nasa harap na raw siya ng gate ng mansion, kaya agad akong lumabas habang sinusuklay ko ang buhok ko at inaayos ang pagkakasuot ko ng dollshoes ko.

"Sorry, pinaghintay ba kita ng matagal? Late na ba tayo? Nagsimula na raw ba iyong mass?" tanong ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.

"Hindi pa naman tayo late sa pupuntahan natin." sagot nito at napatingin sa likuran ko."Iyong lola mo pala? Hindi ba siya sasama?"

"Busy siya e."

Tumango lang naman siya s a akin at hindi na nagtanong pa kaya naglakad na kami papunta sa motor niya.

"Wear this." nagulat naman ako nang ilagay niya sa ulo ko ang helmet na kinuha niya sa motor niya. "mukha kang alien kapag nakasuot ka ng helmet." pagbibiro nito sa'kin pero inirapan ko lang.

"Ikaw nga, hindi pa nagsusuot ng helmet pero mukha ka ng alien na may sakit." binangga ko naman siya sa balikat niya nang sabihin ko iyon at nauna na akong umupo sa motor niya.

Lalo akong napairap sa hangin nang marinig ko ang tawa niya.

Buwisit talaga siya!

"Tara na, Ventura! Ano pang nginingiti mo diyan? Mukha kang asong ulol." sigaw ko sa kanya nang makita kong nakangiti lang siya habang nakatingin sa direksiyon ko.

Akala ko doon na lang siya sa kinatatayuan niya kanina. Buti na lang at naglakad na rin ito papunta sa direksiyon ko at sumakay na ng motor.

Kaya ang puwesto namin ngayon, siya na nakaupo sa unahan at ako na nasa likod niya habang naka-upo ako kagaya nang pag-upo kung nakasakay sa likod ng bisekleta.

"Humawak ka sa bewang ko para hindi ka mahulog." napatingin naman ako sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya.

Tumango lang naman ako kahit alam kong hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa harapan. Umayos ang pag-upo ko sa motor niya at saka ko inabot ang damit niya na nasa bandang bewang niya at iyon ang hinawakan ko.

"What are you doing?" alam kong nilingon niya ako pero ako ay hindi siya tiningnan at nagkunwaring may tinitingnan ako sa likod. "Lei, sa bewang ko ikaw-"

"Ayoko nga. Hindi naman ako linta kagaya ni Shania para ipulupot ang kamay ko sa bewang mo." mahinang bulong ko na ako lang ang makaririnig.

"Ano?"

"Wala! Tara na kasi! Ang dami mo pang sinasabi-Ahh! Triton! Buwisit ka!" napasigaw ako sa gulat at napayakap ako sa bewang niya nang mahigpit ng bigla niyang pinaharurot nang mabilis ang motorsiklong sakay namin.

"Triton! Ano ba! Bagalan mo nga ang pag-d-drive! Ventura, sinasabi ko sa'yo! Pagkababa ko talaga sa lintik na motor na 'to, talagang tatanggalan kita ng dalawang ulo!" narinig ko naman siyang tumawa nang mahina.

Sige, tumawa ka lang diyan na bugok ka. Humanda ka sa akin mamaya. Buwisit ka!

Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang minura dahil sa pagpapatakbo niya nang mabilis at ang mahigpit na pagkakayakap ko sa kanya.

Lumuwag lang ang pagkakayakap ko sa bewnag niya nang maramdaman kong normal na ang pagpapatakbo nito kaya inilayo ko ang sarili ko sa kanya at naupo nang maayos.

Tiningnan ko naman ngayon ang lalaking nasa harap ko at abal sa pag-d-drive at hindi man lang umiimik. Sa inis ko sa ginawa niya ay hinampas ko siya ng malakas sa kanyang likuran.

"Aray! Bakit ka nanghahampas?"

Kunwari ka pa diyan! Kung hindi lang talaga ako nakasakay sa motor mo, talagang sasakalin kita.

"Buwisit ka!"

Tumawa lang naman siya.

"Humanda ka sa aking lalaki ka. Ipagdadasal talaga kita mamaya na sana mabaog ka." mahinang bulong ko.

"Nandito na tayo." rinig kong anunsiyo niya.

Nandito na kami ngayon sa harap ng malaking simbahan dito sa amin. Isa itong Catholic church kung saan dito kami madalas pumunta ni Lola noong bata pa ako.

"Alam ko! Hindi ako bulag." sagot ko at bumaba na sa motor niya.

Nakatingin lamang ako sa kanya habang inaalis niya ang suot niyang helmet hanggang sa nauna na itong naglakad papunta sa loob ng simbahan.

"Tara na-bakit hindi mo pa inaalis iyang helmet mo?" naramdaman niya yatang hindi ako nakasunod sa kanya kaya nilingon niya ako at laking gulat na lamang niya nang makita akong nakasuot pa rin ng helmet na inilagay nito kanina.

"Kasi hindi ko alam tanggalin?" pamimilosopo ko sa kanya.

"Dalaga ka na pero hindi mo pa rin alam kung paano magtanggal ng helmet." pangaral nito sa akin nang makalapit siya at sinimulang alisin ang pagkaka-lock ng helmet ko.

"For your information, Mr. Ventura. Alam mong hindi ako sumasakay ng motor at higit sa lahat, hindi ako rider. Kaya wala akong alam kung paano magtanggal ng helmet. Mamaya iba iyong nahugot at masakal ako." litanya ko habang nakatingin lang ako sa mukha niya habang inaalis niya ang helmet ko.

Napalunok naman ako nang makita ko kung gaano siya kalapit sa akin. Sa sobrang lapit niya ay naaamoy ko ang hininga niyo na amoy mint.

"Matagal ka pa ba diyan? Anong oras na, magsisimula na iyong misa." wika ko.

"Okay na." nang sabihin niya iyon ay naalis na nito ang lock ng helmet ko at tinanggal ito mula sa pagkakasuot niyo sa akin kanina. "Tara na sa loob."

Tumango lang naman ako at sabay na kaming pumasok. Pagkapasok namin sa loob ng simbahan ay hindi na ako nagulat sa nakita ko. Sobrang daming tao.

"Nasaan ang mama at papa mo? Nandito na rin ba sila?" tumango lang naman siya sa akin at saka hinawakan ako sa kamay at iginaya sa kinarorooonan ng kanyang mga magulang.

"Tara doon."

"Teka, Triton..." hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin kaya natigilan siya sa paglalakad at napatingin ito sa akin.

"What's the problem?"

"Maayos ba? Nagmukhang tao rin ba ako?" tanong ko sa kanya nang matapos kong ayusin ang damit at buhok ko.

Tumango lang naman siya sa akin at ngumiti.

"Sure? Ikaw naman kasi, sabi kong bagalan mo lang ang pagpapatakbo kanina. Iyan tuloy, nagusot iyong damit ko tapos itong buhok ko ang dry na. Ang pangit ko na tuloy." saad ko at ngumuso.

"You're still beautiful for me, Lei."

"Sige, magsinungaling ka pa diyan. Nasa simbahan na nga tayo." inirapan ko ulit siya at nauna na akong naglakad.

"Totoo nga!"

"Whatever." saad ko nang maramdaman kong nasa tabi ko na siya.

"Hey, sweetheart..." napatingin ako sa babaeng naka-upo habang nakangiti kay Triton. Siya siguro ang mama niya. "Oww, you must be Eileithyia?" nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin.

Ang ganda niya. Dahil sa na-starstruck ako sa mukha ng mama ni Triton ay isang tango at ngiti na lamang ang isinagot ko sa tanong nito.

"Triton is right, you're so beautiful, hija." napunta naman ang atensiyon ko sa lalaking nasa tabi ng mama ni Triton nang magsalita ito at may ngiti ito sa kanyang labi nang tingnan niya ako.

Siya siguro si Tito Benedict? Ang tatay ni Triton na teacher.

"Tara, upo na tayo." napalingon naman ako kay Triton nang hawakan niya ako sa siko ko at iginaya sa isang mahabang upuan na bakante malapit sa mga magulang ni Triton.

Paupo na sana kami ng kasama ko sa naturang bakanteng upuan nang natigilan kami pareho ng may magsalita sa likuran namin kaya napalingon kami sa kanya.

"Excuse me, may iba pa ba kayong kasama?" gulat ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Kilala ko ang mukhang nasa harapan ko ngayon. Siya iyong babae na nakatingin lang sa akin kahapon sa may palengke. At siya rin iyong babaeng nasa litrato na ibinigay sa akin ni Triton noong nakaraang linggo.

"Tita Lilia?"

"Mama?" nagkatinginan naman kami ni Triton nang sabay kaming magsalita.

Tama ba iyong narinig kong sinabi ni Triton? Tinawag niyang tita ang mama ko, at higit sa lahat ay alam niya ang pangalan nito?

Kilala niya ang mama ko?