Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 38 - Chapter 37

Chapter 38 - Chapter 37

Lei's Point of View

Sometimes we have to make a decision that will hurt our heart but will heal our soul.

"Hindi ako nagbibiro, Triton. Totoo lahat ng sinabi ko sa'yo. Fiancé ko si Damon at siya ang gusto ko, at ikaw? Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo." pagkasabi ko iyon sa kanya ay tinalikuran ko na siya para umalis sa lugar na iyon pero hindi pa ako nakakahakbang palayo sa kanya ay nagsalita muli ito na ikinatigil ko.

"Iyong apat na taon ba na ako ang kasama mo at laging nandiyan sa tabi mo, ni minsan ba hindi mo talaga ako nagustuhan?"

Napapikit ako ng mariin sa tanong niya at umiling kasabay no'n ang pagbagsak muli ng mga luha ko.

"Kahit isang porsiyento lang Lei, wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?" Halos pabulong na nitong tanong at halata sa boses niya ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

"Wala."

Nang sabihin ko iyon sa kanya ay tumakbo na ako papasok ng bahay. Habang tumatakbo ako papalayo kay Triton ay patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi. At ang puso ko? Parang unti-unting napupunit at hindi ko maipaliwag ang sakit na nararamdaman ko.

I'm really sorry, Triton.

Pagpasok ko sa bahay ay nagulat naman ako nang may isang kamay ang humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Damon..."

"Bakit nagsinungaling ka sa kanya?" magkasalubong ang dalawang kilay nito.

Hindi ko naman siya sinagot at tinanggal na lamang ang kamay niyang nakahawak sa akin at pinagpatuloy ang paglalakad ko papasok ng mansion papunta sa kwarto ko.

Nang mapadaan ako sa sala namin ay wala na ang mga ka-klase ko at ang tanging nakita ko lamang doon ay ang mama at Lola ko kasama sina Shania, Apollo at ang girlfriend nito.

"Anak, umuwi na iyong mga ka-klase mo-"

"Matutulog na po ako. Pagod po ako." pagkasabi ko iyon ay tuluyan na akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pa ang kaibigan ko at si Damon na tinatawag ako pero hindi ko na lamang sila nilingon pa at dire-diretso na lamang akong pumasok ng aking kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagmadali kong tinungo ang kama ko at padapang nahiga rito at niyakap ang unan ko at doon umiyak nang umiyak habang inaalala ko ang lahat ng kasinungalingan na sinabi ko kanina kay Triton.

"Papaanong may iba? Hindi ba sabi mo gusto mo ako? Kaya papaanong may iba, Lei?"

"Our feelings are not mutual..."

Walang iba, Triton. Ikaw lang. And our feelings are mutual.

"W-what do you mean? Hindi kita maintindihan, Lei."

"I don't like you, Triton. Simula pa lang hindi na kita gusto. Yes, I admit that I like you pero bilang kaibigan lamang."

I really really like you, Triton. Hindi bilang kaibigan kundi bilang ikaw. Gusto kita noon pa.

"I'm sorry, Triton pero may iba akong gusto at hindi ikaw iyon."

Wala akong ibang gusto, Triton. Ikaw lang. Ikaw lang talaga.

"I don't believe you, Lei. You said you like me when we we're grade seven."

Hanggang ngayon naman gusto pa rin kita.

"Iyong apat na taon ba na ako ang kasama mo at laging nandiyan sa tabi mo, ni minsan ba hindi mo talaga ako nagustuhan?"

"Kahit isang porsiyento lang Lei, wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?"

"Wala."

Sa apat na taon na kasama kita at laging nandiyan sa tabi ko ay hindi lamang kita nagustuhan kundi natutunan ko rin kung paano ka mahalin, Triton. Mahal na mahal kita pero ang pagmamahal na iyon ang sumira sa puso ko. Mahal kita pero tama na.

Agad ko namang pinunasan ang basang pisngi ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Lei, anak gising ka pa ba? Puwede ba kaming pumasok ng Lola mo?" boses iyon ng aking ina.

Bumangon naman ako mula sa pagkakadapa ko at saka inayos ang aking sarili bago ko tinungo ang pinto ng kwarto ko para pagbuksan sila.

"Pasok po kayo." wika ko at nilakihan ang awang ng pinto at saka naglakad ako pabalik ng kama ko.

"Na-ikwento na sa amin ni Damon ang nangyari sa inyo ni Triton." napahinto naman ako sa paglalakad sa sinabi ni mama.

"And now, I need your explanation Francheska. Siguro naman ito ang tamang pagkakataon na tanungin kita kung bakit ka nagsinungaling sa akin? Kung ano nga ba ang tunay na dahilan mo kung bakit ayaw mong ma-engage kay Damon at bakit sinabi mong may iba kang gusto pero palabas lang pala ito para hindi ka matali kay Damon." mahabang litanya ni Lola.

Huminga muna ako ng malalim bago ko hinarap si Lola at saka ko sinagot lahat ng tanong niya.

"Me and Damon were friends. Parehas kaming hindi pabor sa gusto niyong maikasal kami sa isa't isa. And besides, he likes someone..." umupo ako sa kama ko. "tungkol naman po sa sinabi niyong palabas ko lang ang pagsabi sa inyo na may gusto akong iba? Hindi iyon palabas kundi totoo talagang may gusto akong iba at iyon ay si Triton."

Nakita ko naman kung paano tumaas ang isang kilay ng Lola ko habang nakatingin ito sa akin.

"What did you say, Francheska? Hindi ba ang sinabi mo sa akin ay hindi mo siya gusto? Kaya papaanong..."

"Yes, I don't like him, because I love him."

"Unbelievable." umiiling na wika ni Lola.

Nakita ko naman sa mga mata nila Lola at mama ang pagkagulat matapos nilang marinig ang sinabi ko.

"Kung mahal mo siya, anak bakit hindi mo siya pinayagan na ligawan ka?" nagtatakang tanong sa akin ni mama at saka nito ako nilapitan at naupo sa tabi ko.

"Papaano ko pa po siya papayagan na ligawan ako kung nalaman kong gusto niya rin ang kaibigan ko?"

Napasinghap naman sina mama at Lola sa kanilang narinig.

"Anong ibig mong sabihin, Lei?"

"You mean..."

Sabay na sambit nilang dalawa at naramdaman kong napatingin din sila nang sabay sa akin.

"Yes, he likes Shania. My bestfriend."

Namayani ang katahimikan sa kwarto ko. Wala kina Lola at mama ang nagbalak na nagsalita matapos kong bitawan ang mga katagang iyon.

Dahil sa hindi sila nagsasalita ay muli kong kinuha ang kanilang atensiyon dahil may gusto pa akong sabihin sa kanila.

"Ahm... Lola... Mama...," tawag ko sa kanila at hinawakan sila sa kanilang kamay. "gusto ko pong pumunta ng Baguio at doon na po mag-aral."

Alam kong nagulat sila sa sinabi ko dahil sa ekspresyon pa lang nila na halos lumuwa ang kanilang mga mata at naka-awang na mga labi nang tingnan nila ako.

"May problema ba sa eskwelahan kung saan ka ngayon nag-aaral, anak?" nag-aalala ng tanong ng aking ina.

Umiling lang naman ako bilang sagot.

"Wala naman palang problema, apo kaya bakit gusto mo pang lumipat sa Baguio at gusto mo pa roon na manirahan?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Lola sa akin.

"Gusto ko lang pong lumayo at gusto ko rin po na makilala ang mga Lolo't Lola ko po sa Baguio na siyang mga magulang ni Mama." sagot ko sa tanong nito sa akin.

"Ibig sabihin ba niyan Francheska, next school ay lilipat ka ng paaralan?" tanong muli sa akin ni Lola dahilan para umiling ako kaya naman nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay.

"Next week na po ako lilipat."

"Sa susunod na linggo, anak? Ang bilis naman yata? Hindi ba ngayong buwan na ang recognition niyo? Hindi ba pwedeng patapusin mo na muna ang school year na ito bago ka lumipat?" napalingon naman ako kay mama.

"Tama ang mama mo, Francheska. Last week ng buwan na ito ang recognition niyo kaya bakit lilipat ka pa ng school? Patapusin mo muna at saka masisira lang ang record ng mga teachers kung bigla kang lilipat ngayong patapos na ang school year." dagdag naman ni Lola kaya napalingon muli ako sa kanya at saka hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Lola, alam ko naman po iyon. Kaya nga po next week pa po ang alis ko 'di ba? Dahil bukas na bukas ay aayusin ko na po iyong mga papers na kakailanganin ko para lumipat ng school and tatapusin ko lahat ng mga requirements sa lahat ng subjects ko bago ako umalis... " nginitian ko siya.

"How about your exam? Your final exam this semester?"

"Don't worry, Lola dahil nakapag-exam na po ako. Humingi ako ng permiso sa mga teachers ko and sinabi ko po sa kanila ang rason kung bakit nauna na akong nag-exam kaysa sa mga kaklase ko."

"Framcheska, tell me talagang plinano mo na 'to, right?" tinaasan ako ng kilay ni Lola kaya tumango lang ako at tipid siyang nginitian. "Kung aalis ka na next week, paano iyong mga awards mo sa recognition day? Sinong aakyat sa stage para kunin ang mga medals and certificates mo?"

"Kayo po."

"What? Ako? Ako ba ang nag-aral para ako ang award-an-"

"It's my gift for you for taking good care of me, and being a mother and at the same time father and also an amazing Lola for me for how many years." nakita ko naman kung paano nangilid ang mga luha ni Lola kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you, Lola." naramdaman ko naman na gumanti siya ng yakap at tumango habang magkayakap kami.

"Mag-ingat ka doon, Francheska."

Kinabukasan ay nagkita kami ni Damon sa isang restaurant para sabihin sa kanya na lilipat na ako ng eskwelahan.

"You're leaving? But why? Don't tell me, coffee girl it is because of what happened yesterday between you and Triton?" mausisang tanong nito.

"Maybe, yes? Maybe, no?" nakita ko naman kung paano niya ako inirapan.

"Alam mo, ikaw? Ang OA mo. Dahil lang doon sa nangyari na iyon e, aalis ka?"

"OA na kung OA Damon pero wala e. Wala na akong maihaharap pa kay Triton na mukha simula nang sabihin ko lahat ng iyon sa kanya. Iyong mga kasinungalingan na sinabi ko na alam kong nakasakit sa kanya."

Nakita ko naman na kinuha niya ang baso na nasa harapan niya kung saan may laman itong kape at humigop dito at tiningnan niya ako.

"You know what? I want to spill this coffee to you. Para naman magising ka sa katangahan mo. Sino kasing nagsabi sa'yo na magsinungaling ka sa kanya tungkol sa tunay na nararamdaman mo sa kanya tapos ngayon gagawa ka ng eksena na aalis ka papuntang Baguio. At talagang dinamay mo pa ako a?" umiiling na wika nito.

"Wala na akong choice, okay?"

Nakita ko namang humaba ang bibig nito habang nakatingin sa akin.

"Wala kang choice? Or talagang gusto mo akong maging fiancé? Eileithyia naman, puwede naman kasi nating pag-usapan ang tungkol doon-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang ibinato ko sa pagmumukha niya ang table napkin na nasa harapan ko.

"Shut up." isang mahina ng tawa lang naman ang narinig ko mula sa kanya.

"I'm just joking, okay? Masyado kang seryoso diyan." wika nito habang hindi pa rin maalis ang mga ngiti nito sa labi kaya naman inirapan ko lamang siya.

"Hindi naman sa nangingialam ako, pero bakit hindi mo siya pinayagan na ligawan ka niya? You both like each other, right? So, I'm curious kung bakit hindi mo siya pinayagan na ligawan ka. Hindi naman ako naniniwala na ang rason mo ay dahil gusto mo ako dahil alam naman natin na hindi mo ako gusto at gano'n din ako. Kaya naman, bakit?" nakakunot ang noo nito nang tanungin niya ako.

Sumandal naman ako sa upuan na kinauupuan ko at himalukipkip bago ko siya sinagot.

"He likes Shania. The woman you've ever wanted."

"What?!" sigaw nito kaya nakuha namin ang atemsiyon ng ibang nasa loob ng restaurant kaya naman pinandilatan ko siya ng mata kaya naman humingi ito ng sorry at muli niya akong tiningnan. "Tell me, you're joking again, Eileithyia. How come na magkakagusto si Triton kay Shania? Hindi ba ikaw ang gusto ni Triton kaya papaanong-"

"You know, people change and feelings fade." pagkasabi ko iyon ay tumayo na ako at nagpaalam na sa kanya para umuwi. "Mauna na ako sa'yo." tumango lang naman ito sa akin.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako palayo sa kanya ay muli kong narinig ang boses niya at tinawag niya ako sa aking pangalan kaya naman tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Alam ba niya na lilipat ka na ng school? Alam ba niyang pupunta kang Baguio?"

Alam kong si Triton ang tinutukoy niya kaya naman umiling ako.

"Ayaw kong ipaalam sa kanya."

"Bakit naman?" inirapan ko naman siya.

"Huwag ka ngang madaming tanong diyan. Sa'yo ko lang sinabi na aalis ako. Kaya kung ayaw mong ipa-deport kita sa China, huwag na huwag mong sasabihin sa kanya ang tungkol sa pag-alis ko pati na kay Shania, huwag mo ipaalam." nang sabihin ko iyon sa kanya ay tinalikuran ko na siya at tuluyan na akong umalis sa lugar na iyon.

Sometimes leaving is the only answer to forget and escape from our past.