Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 39 - Chapter 38

Chapter 39 - Chapter 38

Triton's Point of View

Isang linggo na ang nakalilipas simula nang hindi ako pinayagan ni Lei na ligawan siya. At isang linggo na rin ang lumipas at hindi ko pa rin nakakausap si Lei kahit nasa eskwelahan ako. Sa tuwing nilalapitan ko kasi siya para kausapin ay lagi itong lumalayo o hindi naman kaya ay iniiwasan niya ako.

"Lei, can we talk?"

Nagkasalubong kasi kami sa loob ng library habang hinahanap ko ang aklat na aking hihiramin.

"I'm busy, Triton." maiksing sagot nito at nilampasan ako pero bago pa siya makalayo ay hinawakan ko siya sa braso kaya naman natigilan siya sa paglalakad at hinarap ako.

"You're always busy everytime na kakausapin kita. Ano bang ginagawa mo at sobrang busy ka nitong mga nakaraang araw? Busy ka ba talaga o sadyang ayaw mo lang akong kausapin? " tanong ko sa kanya at napatingin sa hawak niyang mga papel na nasa kaliwang kamay niya na agad naman niyang itinago sa likod niya.

"Busy talaga ako kaya kung puwede bitawan mo na ako dahil marami pa akong gagawin." seryosong sagot nito kaya naman binitawan ko na ang braso niya.

"Kung hindi ka na busy baka pwede..." nakagat ko ang pang ibabang labi ko nang naglakad na ito palayo sa akin. "na kitang makausap." mahinang bulong ko kahit alam kong hindi na nito maririnig pa.

Sumandal naman ako sa kinauupuan kong sofa rito sa may sala ipinikit ang aking mga mata.

Sabado ngayon kaya naman mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Wala sina mama at papa dahil nasa Kani-kanilang trabaho sila. Si mama, nasa hospital habang si papa naman ay nasa eskwelahan dahil may report silang ginagawa kahit na Sabado ngayon.

Habang nakapikit ang aking mga mata ay dahan-dahan kong idinilat ang isang mata ko nang marinig kong may nag-doorbell. Hindi lang isang beses na tumunog ang doorbell kundi sunod-sunod ang tunog nito na akala mo'y sisirain na ng taong nasa labas ng aming bahay ang pumipindot dito.

Dahil sa inis ko ay tumayo na ako at malalaki ang hakbang ko papunta sa gate ng aming bahay para sakalin kung sino man ang walang sawang pumipindot sa doorbell.

"What the fuck! Can you please stop pressing-anong ginagawa mo rito?" Nagkasalubong agad ang dalawang kilay ko at halata sa boses ang pagkainis nang buksan ko ang gate namin at makita sa harapan ng bahay ang pagmumukha niya.

"May kailangan kang malaman, Triton." wika nito.

"Ano pa ba ang kailangan kong malaman Damon bukod sa ikaw ang gusto at pinili ni Lei kaysa sa akin?"

"Triton, listen. Hindi ako gusto ni Lei at lalong-lalong hindi niya ako pinili-"

"Please, tama na." putol ko sa sasabihin niya. "Puwede ka ng umuwi ngayon." pagkasabi ko iyon ay handa ko na sanang isara ang pintuan ng gate nang matigilan ako sa gagawin ko dahil sa kanyang sinabi.

"Lei is leaving." tiningnan ko siya na para bang hindi makapaniwala sa aking narinig. "She's going to Baguio, now. At doon na siya titira at mag-aaral."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad akong tumakbo papunta sana sa garahe ng motor ko pero natigilan ako nang magsalita ang hilaw na intsik na nasa harap ng bahay namin.

"Saan ka pupunta?"

"Kukunin ko ang motor ko."

"Para saan?"

Napamura na lamang ako sa isip ko dahil sa tanong niya.

"Gagamitin ko para pumunta sa bahay nila Lei-"

"Sa mga oras na ito ngayon wala na siya sa mansion nila. Baka papunta na siya ngayon sa bus station. Gusto mo ba ihatid kita doon?" ngumiti ito sa akin.

Dahil sa wala na akong pagpipilian at siya ang nakakaalam kung saan sasakay si Lei ay pumayag na lamang akong ihatid niya ako kahit labag sa kalooban ko.

"She likes you, Triton."

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko sa katabi kong nagmamaneho ngayon papunta sa bus station.

"Ikaw talaga ang gusto ni Lei at hindi ako."

"Huwag ka ngang magbiro. Kung ako talaga ang gusto niya hindi siya papayag sa engagement niyong dalawa. Ikaw ang gusto niya, kaya nga pumayag siya sa engagement niyo." sagot ko rito habang sa harapan ang tingin ko.

"She lied to you, Triton. Hindi kami engage na dalawa!" sigaw nito at bumusina dahil sa sobrang traffic.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Last month, engagement party dapat namin ni Lei. But, because we don't like each other at hindi kami pabor sa gusto ng pamilya namin ay hindi natuloy ang engagement party namin. You want to know kung bakit hindi natuloy?" nilingon niya ako kaya wala sa sariling tumango naman ako.

"Dahil sa may iba kaming gusto. I like someone and she likes someone, too. At ikaw iyong someone na gusto ni Lei."

"Pero..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang huminto ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Nasa bus station na kami.

"Go, ahead." turo niya sa labas ng sasakyan gamit ang nguso niya at saka niya ako nginitian. "ayaw kong maging kontrabida ako sa kwento niyong dalawa kaya naman nandito ako para tulungan ka at para na rin maging masaya kayong dalawa sa huli."

"Salamat," pagkasabi ko iyon ay nagmadali akong lumabas sa kanyang sasakyan at agad na hinanap si Lei.

Maraming tao sa lugar na iyon kaya hindi ko agad mahanapan si Lei. Buti na lamang at nadala ko ang cellphone ko kaya agad kong hinanap sa contacts ko ang numero niya para tawagan.

"Please, answer the phone." mahina ng bulong ko habang naririnig sa kabilang linya ang ring.

Nakatatlong ring na ako pero hindi niya pa rin sinasagot kaya naman muli kong dinial ang numero niya pero sa pagkakataon na ito ay hindi ko na siya ma-contact. Mukhang pinatay na nito ang cellphone niya.

Fuck! Fuck! Fuck!

"Please, don't leave me Lei." wika ko habang palinga-linga ako sa kinatatayuan ko at nagbabakasakaling mahanapan ko siya. "Where are you, Lei?"

Nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya pero sadyang mabait ang Panginoon dahil binigyan niya ako ng pagkakataon para makita si Lei.

Hindi ko alam kung paano at saan nakuha ni Damon ang number ko dahil nakatanggap ako ng text mula sa kanya kung nasaan si Lei ngayon. Dahil sa text niyang iyon ay naglakad na ako papunta sa babaeng naka-upo ngayon sa loob ng cafeteria ng bus station.

Habang palapit ako nang palapit sa kanya ay pabigat din nang pabigat ang bawat habang ko. At ang puso ko? Heto na naman at ang lakas ng kabog nito.

Pagpasok ko sa cafeteria ay nilapitan ko siya at naupo sa kaharap niyang upuan kung nasaan siya ngayon.

"T-triton..." alam kong nagulat siya na nasa harapan niya ako ngayon dahil nautal pa siya nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Lei? Bakit hindi mo sinabi sa akin na gusto mo rin pala ako?"

"I don't like you, Triton." matigas na wika nito.

"You're lying. Sinabi sa akin ni Damon ang lahat-lahat maski ang katotohanan na gusto mo rin ako. Kaya bakit ba nagsisinungaling ka pa Lei? Kung gusto mo rin pala ako, bakit hindi mo ako pinayagan na ligawan ka? Bakit Lei?" Halos pabulong ko ng tanong sa kanya at saka inabot ang kamay niyang nakapatong sa mesa. "Please, tell me why I can't court you..."

"Because you like my bestfriend."

Nalunok ko ang dila ko sa sinabi niya. At hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ngayon.

"H-hindi ko gusto si Shania..." nakita ko namang inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"You like her, Triton." pagdidiin pa nito.

"Bakit mo ba sinasabi na gusto ko siya e, ikaw nga itong gusto ko Lei! Ikaw lang!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Kung ako lang talaga, hindi ka magkakagusto sa kaibigan ko."

Naihilamos ko na lamang ang dalawang pala ko sa mukha ko.

"Lei, ikaw nga lang ang gusto ko at iyon ang totoo. Hindi ko gusto ang kaibigan mo-"

"Siya ang gusto mo at hindi ako! Iyon ang totoo, Triton!" galit na sigaw na rin nito sa akin na nakakuha ng atensiyon ng iba na nasa loob ng cafeteria.

"Tangina naman Lei! Papaano mo ba nasasabi ang bagay na iyan? Na ang kaibigan mo ang gusto ko? Ako iyong nakakaramdam Lei kaya alam ko kung sino ang gusto ko." mahinahong sambit ko.

"Papaano ko nasabi na siya ang gusto mo?" ngumisi ito sa akin. "Iyong araw na nakita ko kayo sa bilihan ng mga damit na kung saan nabisto ko kayo, iyong araw na iyon nakita kita kung paano mo siya tingnan at ngitian, Triton. Iyong mga titig at ngiti mo noong araw na iyon ay gano'n ang paraan nang pagtitig mo dati sa akin noon."

"Lei..." akmang aabutin ko ang kamay niya pero inilayo niya ito.

"Naalala mo rin ba iyong araw kung saan tinanong kita kung gusto mo ang kaibigan ko?" tiningnan niya ako sa aking mga mata.

"Do you like, Shania?"

"H-hindi. We're just f-friend."

"You lied to me that day, Triton. Am I right?" napayuko na lamang ako. Hindi ko na kayang makipagtitigan pa sa kanya dahil puno ng sakit at galit ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"I'm sorry."

Naramdaman ko namang tumayo siya kaya inangat ko ang ulo ko para tingnan siya.

"That's the reason why I did not allow you to court me, Triton. Bakit pa kita papayagan na ligawan ako kung alam kong hindi na ako ang gusto mo? Bakit magpapaligaw pa ako sa'yo kung noong hindi pa tayo ay nagawa mo nang magloko at magsinungaling sa akin? Hindi pa tayo pero nagawa mo na akong lokohin." nang matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ito paalis pero hindi pa siya nakakalabas sa cafeteria ay agad ko siyang hinabol at niyakap siya mula sa kanyang likuran na ikinatigil niya.

"You're the reason why I'm happy so please don't leave." bulong ko sa kanya.

"Ano ba, Triton! Bitawan mo nga ako" kumakawala ito sa yakap ko pero dahil ayoko siyang umalis ay ipinaharap ko siya sa akin at niyakap siya ng mahigpit.

"Please, Lei. Don't leave me. Ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako-" naputol ang sasabihin ko nang itulak ako ni Lei dahilan para mapaupo ako sa isang silya malapit sa kinatatayuan namin.

"Paano naman daw ako, Triton? Naisip mo rin ba ako? Iyong nararamdaman ko? Iyan ang problema sa'yo e, lagi na lang iyang sarili mo ang iniisip mo! You're selfish! Okay, you said I'm the reason why you are happy? Then, how about me? Did you ask me if you're the reason why I'm happy?" tanong nito habang umaagos sa kanyang pisngi ang mga luha niya.

Ako naman ay tumayo mula sa pagkakaupo ko sa siya nang itulak niya ako. Lumapit ako sa kanya para sana tuyuin ang kanyang mga pisngi nang tabigin niya ang kamay ko.

"Hindi ba 'di mo ako tinanong kung masaya ba ako sa'yo? Kasi ang totoo, ikaw ang rason kung bakit lagi na lang akong umiiyak at malungkot, Triton. Oo, mahal kita pero pagod na ako. Pagod na akong lagi na lang nakakaranas ng sakit. Tama na. Ayoko na, Triton... "

"Lei, please stay. Magbabago ako. Kakalimutan ko kung ano man iyong nararamdaman ko para sa kaibigan mo. Please..." pagmamakaawa ko habang hawak ko ang dalawa niyang kamay.

"I'm sorry, Triton."

Nang bitawan niya ang mga salitang iyon ay unti-unting lumuwag ang kamay kong nakahawak sa kanya at napatingin na lamang ako sa kanyang likuran nang magsimula na itong maglakad palayo sa akin.

This is the saddest part of my life. Alam ko kung kanino ako sasaya but that person is not happy to be with me. And worst...

She left me.