2 years later...
"Anak, naayos mo na ba ang mga gamit mo? Ilang oras na lang babyahe na tayo." wika ng kanyang ina habang nag-aayos ng kanyang bagahe si Lei sa loob ng kanyang kwarto.
"Patapos na po ako, ma." sagot naman nito at saka isinara na ang maleta na nasa kanyang harapan at saka ibinaba ito sa lapag para hilain palabas ng kanyang kwarto kung saan nasa labas ng kwarto niya ang mama niya.
Papunta kasi sila ngayon sa Isabela para bisitahin at kumustahin ang Lola niya. Dalawang taon na rin kasi ang nakalipas simula nang umalis siya sa Isabela para mag-aral sa Baguio at syempre, para makalimot sa nangyari.
Buti na lamang at bakasyon nila ngayon kaya malaya siyang magbakasyon sa Isabela.
"Ready na po ako. Tara na po ba?" may ngiti sa kanyang mga labi ang dalaga nang lumabas siya sa kanyang silid.
Sinuri naman siya ng kanyang ina mula ulo hanggang paa at napangiti ang Ginang.
"Handang-handa ka na ngang umuwi sa Isabela, anak. Ang laki ng dala mong bagahe." natatawang wika ng kanyang ina na ikinatawa rin niya.
"Ako rin po mama ready na po akong pumunta ng Isabela! Makikita ko na rin po ang Lola ni ate Lei!" napatingin naman ang dalawa sa batang nasa pagitan nila nang magsalita ito.
"Don't worry, Scarlet mabait ang Lola ko kahit hindi halata sa mukha." biro nito sa bata.
Si Scarlet ay anak ng kapatid ng kanyang ina, ibig sabihin lang no'n ay pinsan niya ito. Limang taon pa lamang si Scarlet at close sila dahil siya ang laging nakakasama at nakakalaro ng bata sa tuwing iniiwan siya ng kanyang Tita para pumunta sa trabaho.
Kaya naman ngayong magbabakasyon sila sa Isabela ay naisipan nilang isama ang bata para na rin makapasyal ito at para makilala siya ng kanyang Lola Corazon na pinayagan din naman agad ng kanyang Tita Lorna.
"Tara na! Baka maiwan tayo ng masasakyan natin!" masayang anunsiyo ng kanyang ina kaya naman binuhat na nila ang kanilang mga bagahe palabas ng kanilang bahay at sumakay sa taxi na kanina pa pala naghihintay sa kanila sa labas ng kanilang bahay.
"Ventura, tara sa ilog. Gusto kong mag-swimming doon." matalim naman ang mga mata ni Triton na napatingin sa kanyang kaibigan na si Achilles na ngayon ay ginugulo siya.
"Can't you see, Aki? I'm busy. May exam pa ako next week. So, please..." pakiusap nito sa kaibigan at muli niyang itinuon ang kanyang atensiyon sa mga aklat at papel na nasa harapan niya ngayon.
"Makakapaghintay naman iyang exam, dude. At saka bakasyon na—"
"Aki, hindi na tayo mga high school. College na tayo, bro! Kailangan kong magseryso sa pag-aaral ko ngayon lalo na't nag-iisang anak lang ako. Gusto kong maging proud ang parents ko sa akin."
Napapatango naman sa kanya ang kaibigan.
"Hindi na ba talaga kita mapipilit?" muling tanong ni Achilles sa kanya.
Umiling lang naman ito habang sa aklat pa rin ang atensiyon na.
"Okay, ako na lang siguro mag-isa ang pupunta sa ilog ngayon..." natahimik naman sa pagsasalita si Achilles nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Triton at iniluwa nito ang iba pa nilang mga kaibigan na sina Apollo, Hector, Khaos, Zeus at Nyx na hinihingal.
"She's back." sabay-sabay na wika ng limang kararating lang.
"Sino ang bumalik?" sabay na tanong naman nila ni Achilles sa lima.
"Eileithyia is back."
Nabitawan naman ni Triton ang hawak na aklat nang marinig niya ang sinabi ni Khaos.
Why did she come back? For what?
"Lola, kumusta kayo? Kumakain pa ba kayo ng maayos? Bakit ang payat niyo na? Wala ba kayong vitamins na iniinom?" sunod-sunod na tanong ni Lei sa kanyang Lola pagkarating na pagkarating nila sa mansion.
"Francheska, I'm okay. Ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan. Bakit ang payat mo pa rin?" natatawa g tanong sa kanya ng kanyang Lola. "How's your life in Baguio? You're college now. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang grade 11 kang umalis dito tapos ngayon college ka na!" masayang sambit nito sa apo.
"Kaya nga po Lola e. Hindi rin po ako makapaniwala na college na ako." ngumiti ito.
"O, siya alam kong pagod kayo kaya naman magpahinga muna kayo. Ipapatawag ko na lang kayo kay Katherine kung kakain na."
"Nandito pa rin po si ate Nene?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo, katunayan nga second year college na siya at education ang kinuha niyang kurso." sagot naman ng Lola niya.
"I'm happy for her, Lola." ngumiti ito. "Sige po, magpapahinga muna ako at mamayang hapon po ay sasamahan ko po si Scarlet na mamasyal." aniya at naglakad na ito patungo sa kanyang silid.
Matapos malaman ni Triton na bumalik na si Lei ay agad siyang umalis sa upuan niya na ikinakunot ng noo ng kanyang mga kaibigan.
"Saan ang punta mo?" tanong ng mga ito sa kanya nang makita nila siyang kumuha ng damit at nagpalit sa harapoan nila.
"Pupunta ako sa Park."
"For what?" tanong sa kanya ni Apollo.
"Bike? Gusto kong ipahinga muna iyong utak ko sa kababasa ng aklat maghapon—"
"Iyon ba ang dahilan o baka naman dahil lang sa sinabi namin sa'yo na bumalik na si Lei?" tanong sa kanya ni Hector na agad naman siyang siniko ni Achilles kaya naman nag-peace sign ito sa kanya.
"Hindi siya ang dahilan, okay? Kailangan ko lang talagang makalanghap ng sariwang hangin. Kung gusto niyong sumama, sumama kayo. Kung ayaw niyo, edi bahala kayo." nang sabihin niya iyon ay kinuha na nito ang helmet na nakasabit sa likod ng pintoun ng kwarto niya na lagi niyang isinusuot sa tuwing nag-b-bike siya at saka ito lumabas ng kanyang kwarto.
Naramdaman naman niyang sumundo ang mga kaibigan niya sa kanya kaya naman nagkibit balikat na lamang ito at sumakay na ng kanyang bike at tinungo ang Park kung saan doon lagi siya nag-e-exercise tuwing umaga at hapon.
Hindi naman ganoon kalayo ang Park na pinuntahan nila kaya wala pang fifteen minutes ay nakarating na siya doon at ang mga kaibigan niya. Sa kanilang pito, siya lang ang nakabisikleta habang ang anim ay nakasakay sa motorsiklo.
"Tara, jogging muna tayo!" aya niya sa mga ito pero tumango lang sila at sinabing siya na lang ang mag-jogging dahil maglalakad-lakad muna ang mga ito.
Dahil gusto ni Triton na maalis sa utak niya ang sinabi ng kanyang mga kaibigan kanina tungkol sa pag babalik ni Lei ay naisipan niyang tumakbo na muna sa Park tutal may nakalaan naman talagamg espasyo para sa mga katulad niyang gustong mag-jogging dito.
Habang tumatakbo siya paikot sa Park ay hindi niya napansin ang batang babae na bigla na lamang sumulpot sa kung saan at nabangga niya ito dahilan para matumba ang bata at mapaupo sa sahig.
"I'm sorry hindi kita nakita..." hindi nito natapos ang sasabihin niya nang umiyak ng pagkalakas-lakas ang batang babae na magpahanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa sahig.
Dahil sa taranta ni Triton ay lumuhod siya sa harap ng bata at pinunasan ang mga luha nito at tinulungan na tumayo.
"Tahan na, hindi ko naman sinasadya na mabangga ka." mahinahong wika nito habang inaalo ang bata.
"Ate Lei..." parang naging estatwa naman siya nang marinig niya ang sinabi ng bata.
Triton, hindi lang siya ang may pangalan na iyon. Akala ko ba naka-move-on ka na? Pero bakit iba pa rin ang epekto sa'yo ng pangalan niya sa tuwing naririnig mo ito?
"Gusto mo ba ihatid kita sa ate mo?" tanong nito sa bata nang maramdaman niyang may boses nang lalabas sa kanyang bibig. "Nasaan pala iyong ate mo? Bakit hindi mo siya kasama?"
Hinihintay ni Triton ang sagot ng bata pero imbes na sagutin siya nito ay isang napakapamilyar na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran.
"Scarlet!"
"Ate Lei!" agad na tumakbo ang batang babae papunta sa taong nasa likuran niya ngayon kaya naman dahan-dahan din siyang tumayo at saka lumingon dito.
Tama nga siya. Si Lei ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Scarlet, sa susunod huwag na huwag kang aalis sa tabi ko, okay? Buti na lang nahanap kita agad kasi narinig ko iyong napakalakas na iyak mo." nakatingin lamang siya kay Lei habang kinakausap nito ang batang babae na kanyang nabangga kanina habang siya ay tumatakbo.
"Binangga niya po kasi ako at napaupo ako sa sahig kaya umiyak ako." sagot nung batang babae kay Lei at nagulat na lamang siya nang lingunin siya ng bata at gano'n din si Lei na alam niyang nagulat ito na makita siya.
"Triton?"
"Hi?" tipid na ngumiti ito sa dalaga. "Ahm... It's not my intention na banggain siya. Nag-j-jogging ako kanina nang bigla na lang siyang sumulpot out of nowhere kaya naman nabangga ko siya at napaupo siya sa sahig." paliwanag nito sa dalaga.
"It's okay. Makulit talaga ang batang 'to." ngumiti sa kanya si Lei. "How's your life?" dagdag na tanong nito sa kanya.
"I'm good. Kahit papaano naitatawid ko naman ang kursong kinuha ko."
"Ano bang course mo?"
"Civil engineering. Ikaw? Kumusta ka? Kumusta ang buhay mo sa Baguio?" tanong nito at umupo siya sa katabing bench nila Lei at Scarlet.
"Noong una, mahirap kasi new environment na naman but time goes by, nasanay din ako. Hindi ko nga akalain na makaka-survive ako ng ilang taon doon knowing wala akong kakilala kahit isa sa eskwelahan na pinasukan ko. But now, I'm happy kasi sa wakas college na ako. May mga naging kaibigan din ako kahit papaano. And, civil engineering din ang course na kinuha ko." pag kwe-kwento sa kanya ng dalaga.
"Ate Lei, mag kakilala kayo?" natigilan naman sila sa pag-uusap nang sumingit sa usapan si Scarlet.
"Yes, he's Triton Ventura."
"Ah! Siya iyong kinu-kwento mo kay Kuya Jes 'di ba ate?" agad namang tinakpan ni Lei ang bunganga ng kanyang pinsan na ipinagtaka ni Triton.
"Sino si Jes?" alam ni Triton na wala siya sa posisyon para magtanong pero dahil sa kuriosidad ay tinanong niya pa rin ang dalaga.
"Ah, si Jes? A-ano—" naputol ni Lei ang kanyang sasabihin nang may isang lalaking lumapit sa kanila at nilapitan niya si Lei at hinagkan sa kanyang noo.
"Babe, kanina pa kita tinatawagan." nagtatampong wika nung lalaking kararating lang.
"I'm sorry, Babe na-low bat kasi iyong phone ko. Akala ko ba bukas pa ang dating mo? Bakit nandito ka na?" sagot naman ni Lei.
"Na-miss kasi agad kita."
Habang nag-uusap sina Lei at ang lalaking kararating lang ay nakaramdam naman ng selos si Triton habang pinapanood ang mga ito. Sobrang sweet nila sa isa't isa.
Siguro, siya iyong tinutukoy ni Scarlet na Jes.
Ang buong akala ni Triton ay nakalimutan na siya ni Lei dahil hindi na siya nito kinakausap pero nagulat na lamang siya nang tawagin siya nito.
"Triton, I want you to meet Jes. My boyfriend." pagpapakilala sa kanya ng dalaga.
"And babe, this is Triton. Kaibigan ko."
"Nice meeting you, bro. Ikaw pala iyong kinu-kwento sa akin ni Lei."
Kinukwento ako ni Lei sa kanya?
"Sige, bro mauna na kami, ipapasyal pa kasi namin si baby Scarlet."
"Bye, Triton. Nice to see again."
"Bye..."
Matapos ipakilala ni Lei sa kanyang boyfriend si Triton ay nagpaalam na ang mga ito na aalis na dahil ipapasyal pa raw nila sa mall ang batang pinsan nito.
Habang naglalakad papalayo sa kanya ang babaeng minsan na niyang minahal at patuloy pa rin na minamahal ay napangiti na lamang siya ng mapait at sa hindi malamang dahilan ay umagos ang kanyang mga luhang kanina niya pa pinipigilan na huwag bumagsak sa kanyang mga pisngi.
You're always in my heart, Lei. I love you. I want to be your boyfriend. But that dreams never come true.
~WAKAS~