Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 33 - Chapter 32

Chapter 33 - Chapter 32

Lei's Point of View

"Ang ganda mo, anak..." napatingin ako sa babaeng katabi ko. "kamukha mo ang papa mo." ngumiti ito sa akin at hinaplos ang pisngi ko dahilan para mapangiti rin ako.

Nandito kami ngayon ni mama sa paborito kong restaurant kasama sina Triton at ang mga magulang nito. Matapos kasi ang misa kanina ay dumeretso na kami agad dito at tinawag kami ng mama ni Triton.

"Eileithyia..." nang marinig ko ang pangalan ko ay humarap ako sa mama ni Triton na siyang kumuha ng atensyon ko. "how did you know that she's your mom? Ang balak ni Lilia ay sa kaarawan mo pa siya magpapakita."

"Ahm... Nakakatawa man pong pakinggan pero hindi ko po siya kilala noong una ko siyang makita sa palengke..." nilingon ko ang mama ko na nasa tabi ko na ngayon ay nakikinig ito habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya. "She looks familiar to me but, I don't know her. Hanggang sa tinitigan ko siyang mabuti at bigla na lamang ako nakaramdam ng kakaiba. Maybe, iyon po ang tinatawag nilang luksong dugo." habang sinasabi ko iyon ay nakatingin lamang ako sa mama ko habang magkahawak kamay kami.

"I'm so happy that you too, reunited again. Almost twenty years na magkawalay kayo, right?" sabay naman kaming tumango ni mama sa tanong ni tita Annie.

Nagpapasalamat ako sa mga magulang ni Triton dahil kung hindi sa kanila at kung hindi nila tinulungan at inalagaan ang mama ko noon ay paniguradong hindi ko siya makikita at makikilala.

Ang totoo niyan ay hindi raw inakala ni mama na nasa simbahan ang pamilya Ventura at kasama ako ng mga ito. At dahil sa pagkikita namin sa simbahan kanina ay doon ko lamang napag-alaman na matalik pa lang magkaibigan ang mama ko at ang mama ni Triton.

"Tita Annie..." tumingin ako sa gawi ng mama ni Triton na siyang katabi nito.

"Yes, sweetheart?" may ngiti ito sa kanyang mga labi nang tingnan niya ako.

"Thank you po."

"For what?"

"Sa pag-aalaga po kay mama. Thank you po." ngumiti lang naman siya sa akin. "And thank you rin po, tito Benedict." nginitian lang naman niya ako at tumango.

Dumako naman ang mata ko sa lalaking kanina pa nakatingin sa akin, si Triton.

"Thank you..." Nakita ko namang tumaas ang isang kilay nito. "Thank you dahil inaya mo ako na magsimba ngayon. Dahil sa'yo, nagkita kami ng mama ko." nang sabihin ko iyon ay nginitian ko siya at gano'n din siya sa akin.

Nang sabihin ko iyon ay sakto naman ang pagdating ng mga pagkain namin sa table namin kaya naman kumain na muna kami habang nag-kwe-kwentuhan.

"Alam mo ba, hija? Lagi kang bukambibig ni Triton. Walang araw na hindi ka niya ikinu-kwento sa amin." sambit ni tita Annie kaya naman nilingon ko si Triton na nakayuko lang habang kumakain.

Ano naman kaya ang mga kinu-kwento ng lalaking 'to sa mga magulang niya?

"Ganyan talaga pag in love ka, friend! Ganyan din naman ako noong nililigawan ako ng papa ni Eileithyia. Walang araw na hindi ko siya iniisip at kinu-kwento sa mga kapatid ko."

Nasamid naman ako sa sinabi ni mama kaya inabutan niya ako ng tissue at tubig.

"Okay ka lang ba, anak?" hinagod niyo ang likod ko.

"O-opo, okay lang po ako." pagkatapos kong uminom ay umupo na ako ng maayos.

"Ilang buwan ka na palang nililigawan ng anak ko?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng papa ni Triton sa akin.

Anong pinagsasabi niya? Hindi ako nililigawan ng anak niya!

"Papa..." rinig kong tawag sa kanya ni Triton. "Hindi ko siya nililigawan." Nakita ko namang kumunot ang ulo ni tito Benedict sa sinabi ng anak niya at saka tiningnan niya ako.

"Opo, hindi po nanliligaw si Triton sa akin Tito. We're friends..."

"Yes, we're friends for now, but after her eighteenth birthday I'm going to court her. And I'll make sure that she's going to be my girlfriend."

"Anak, okay ka lang ba?" napalingon naman ako kay mama nang hawakan niya ang kamay ko.

Nakasakay kasi kami ngayong dalawa sa isang tricycle papunta sa tinutuluyan niyang bahay. Gusto ko kasing malaman kung maayos ba ang tinutuluyan niya. Matapos kasi kaming kumain sa restaurant kanina kasama ang pamilya ni Triton ay nagpaalam na kami ni mama na mauna na at pumayag naman sila.

"May bumabagabag ba sa'yo?" dagdag pa nito at saka pinisil ang kamay ko.

Sasabihin ko ba sa kanya?

Naramdaman ko namang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

"Naiintindihan kita kung ayaw mong sabihin sa akin. Basta tatandaan mo, nandito lang ako kapag may problema ka, anak." ngumiti ito sa akin at saka ako hinawakan sa pisngi.

Habang ginagawa iyon ni mama ay walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko ngayon. Ganito pala ang pakiramdam na may ina ka at inaalala ka niya. Ipinikit ko naman ang mga mata ko at saka ninamnam ang masayang sandal na kasama ko si mama.

Sana hindi na matapos ang araw na 'to.

Naidilat ko naman ang mga mata ko nang inalis na ni mama ang mainit nitong palad sa pisngi ko at narinig ko siyang nagsalita.

"Nandito na tayo." tumingin naman ako sa labas ng tricycle at nakita ko ang isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Ito na siguro ang tinitirhan ni mama.

"Manong ito po iyong bayad." inabot naman ng driver ang pera na inabot sa kanya ni mama pagkababa ko sa tricycle.

"Halika, pasok ka." binuksan ni mama ang miliit na gate bago kami pumasok. "Pagpasenyahan mo na kung maliit itong bahay ko. Ito lang kasi ang nakayanan ng budget ko." rinig kong sambit niya habang inilalagay niya ang susi sa isang kandado bago kami pumasok sa loob ng bahay niya.

"Kayo lang po mag-isa ang nakatira rito?" tanong ko sa kanya nang makapasok kami.

Inilibot ko naman ang mga mata ko sa loob ng bahay. Masikip sa loob pero kasya na ang dalawang taong manirahan dito. Maayos din naman ang loob at kumpleto sa kagamitan.

"Oo, mag-isa lang ako dito." nilingon ko naman siya at nakita kong inilagay niya ang hawak niyang bag sa isang upuan sa may sala kaya lumapit ako sa kanya at naupo rito.

"Anong gusto mo? Gusto mo ba ng juice?"

"Okay na po ako sa tubig." tumango lang naman siya at sinundan ko siya ng tingin.

"Saan po kayo pupunta?" tanong ko sa kanya nang makita kong palabas siya ng bahay.

"Bibili lang ako ng yelo sa tindahan diyan sa may kanto. Wala kasi akong ref, hindi malamig iyong tubig." nang sabihin niya iyon ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kusina niya. Pagpasok ko sa kusina niya ay nakita kong wala ngang ref dito kaya lumabas ako at pumunta ulit sa sala.

Nakita ko naman sa sala ang iilang litrato na nakasabit sa dingding. Nandoon ang litrato ni mama noong dalaga pa siya at isang litrato ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang papa ko.

Lumapit naman ako dito at saka tinitigan ito ng mabuti. Napansin ko rin ang litrato na nasa tabi ng litrato ni papa. Iyon ang litrato naming tatlo noong baby pa ako.

Habang nakatingin ako sa litrato ay mapait akong napangiti.

Paano kung hindi namatay si Papa? Masayang pamilya rin kaya kami?

Umayos naman ako ng tayo at saka napalingon ako sa pinto ng bahay nang bumukas ang pintuan at pumasok doon si mama na may dalang yelo at tinapay.

"Sorry, matagalan ako. Nakipag-kwentuhan pa kasi sa akin iyong may-ari ng tindahan."

"Okay lang po."

Nginitian lang niya ako at saka ito dumeretso sa kusina. Ako naman ay sinundan siya para tulungan sa paghahanda.

"Mama..." nilingon niya naman ako.

"Hintayin mo na lang ako sa sala-Eileithyia..." natigilan siya sa ginagawa niya nang yakapin ko siya mula sa kanyang likuran.

Namayani naman ang katahimikan sa loob ng bahay. At ang tanging maririnig mo lang ay ang malalim na paghinga namin ng mama ko.

"Anak..." naramdaman ko namang gumalaw ito at saka niya ako hinarap kaya naman lumayo ako sa kanya.

"I'm happy to see you." lumapit siya sa akin at saka inayos ang buhok ko.

"Masaya rin akong makita ka anak." isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi at saka niya ako niyakap. "Sa wakas, pinakinggan din ng Diyos ang matagal ko ng ipinapanalangin, ang makita kita." sambit nito habang yakap niya pa rin ako.

Ako rin mama, masaya po akong makita kayo.

Napangiti naman ako sa narinig ko at saka niyakap din siya pabalik at hinagod ang likod niya. Inilayo ko naman siya sa akin nang marinig kong humikbi ito.

"Bakit po kayo umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya at saka ko pinunasan ang luha niyang naglandas sa pisngi niya gamit ang kamay ko.

"Masaya lang ako."

"Kung masaya po kayo, bakit umiiyak kayo?"

"Tears of joy, anak." wika nito at saka tumawa at muli niya ulit akong niyakap.

Natawa na rin ako at masayang niyakap ang mama ko.

Sana hindi na matapos ang araw na 'to. Sana hindi ito isang panaginip lang.

Habang nag-uusap kami ni mama sa may sala ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-text.

"Sino iyang nag-text? Si Triton ba?" may pilyong ngiti sa labi ni mama nang tanungin niya ako.

Umiling lang naman ako sa kanya.

"Si Lola po iyong nag-text."

Nawala naman ang ngiti ni mama nang sabihin ko iyon sa kanya.

"Pinapauwi ka na ba ng Lola mo?"

Tumango lang naman ako sa kanya.

"Gano'n ba? O, sige hatid na kita sa labas. Baka magalit ang Lola mo kapag hindi ka pa umuwi." tumayo na ito sa kinauupuan niya pero pinigilan ko siya sa pamamagitan nang paghawak sa kamay niya kaya naman napatingin ito sa akin.

"Huwag na po kayong malungkot, mama. Bibisitahin ko pa rin naman kayo rito. At sinisigurado ko po na sa pagbisita ko na iyon ay kasama ko na kayong uuwi ng mansion."

"Anak..." nginitian ko lang siya at saka ko siya hinalikan sa kanyang pisngi bago ako umalis ng bahay.

Konting tiis pa mama, magsasama rin po tayo. Iuuwi kita sa mansion kung saan ka dapat nararapat. Hindi mo kailangang maghirap at magdusa ng ganito.

Mabilis naman akong nakarating sa mansion nang sabihin sa akin ng Lola ko na umuwi na ako, buti na lang at hindi gaanong traffic kanina sa daan at higit sa lahat ay mabilis ang takbo ng jeep na nasakyan ko kaya ito ako ngayon at papasok na ng mansion.

Pagpasok ko naman sa mansion ay napansin kong tahimik sa loob kaya naman dire-diretso lang ako sa pagpasok at naglakad ako patungo sa kwarto ni Lola.

Kumatok na muna ako sa pinto ng kwarto niya bago ko pinihit ang seradula nito at saka pumasok.

Nadatnan ko naman si Lola na nasa balcony habang nagbabasa ng diyaryo.

"Lola..." tawag ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at saka nito ibinaba ang hawak niyang diyaryo.

Kaninang nasa jeep kasi ako ay muli akong nakatanggap ng text galing kay Lola at sinabi nitong kakausapin niya raw ako. Hindi man niya sinabi kung tungkol saan ang pag-uusapan namin, ay alam ko na ang dahilan kung bakit gusto niya ako kausapin.

"Have a sit." umupo naman ako sa katapat niyang upuan.

"About your engagement..."

Sabi ko na nga ba e.

"Lola, hindi po ba sinabi ko na sa inyo na ayaw kong maikasal sa anak ni Mr. Sy?"

"I know."

"Iyon naman po pala e! Bakit, pinipilit niyo pa rin-"

"Francheska, can you stop talking? Hindi pa ako tapos magsalita." napalunok naman ako ng laway ko sa paraan nang pagtitig sa akin ng Lola ko.

"Sorry po."

Napabuntong na lamang si Lola at saka nito pinag-krus ang kanyang dalawang paa at nakahalukipkip ang mga braso nito habang nakatingin ito sa akin.

"You and Damon is now free."

Huh?

"Free? You mean..."

"Yes, hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Damon."

Isang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ko nang marinig ko ang sinabi ni Lola.

"Talaga po?" tumango lang ito sa akin at pinagpatuloy ang sinasabi niya.

"Kinausap ko ang mag-asawang Divina at Dexter kanina at napagkasunduan namin na hindi na lamang ituloy ang kasal. Kahit mahirap para sa amin, tinanggap namin dahil ayaw naman namin na nakikita kayong hindi masaya sa isa't isa para lang sa kagustuhan naming maikasal kayo para sa kinabukasan niyo."

"Thank you, Lola." dahil sa tuwa ko ay lumapit ako sa kanya ay niyakap siya.

Naramdaman ko namang hinaplos niya ang buhok ko at narinig ko siyang nagsalita.

"I'm sorry, Darling..." lumayo naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya at umiling.

"Don't be sorry, Lola. Ginawa niyo lang naman iyon para masiguradong magiging maganda ang kinabukasan ko." nginitian ko siya.

"Kahit na, apo. Sorry pa rin. Ang dami ko ng naging kasalanan sa'yo. Hindi sapat ang isang sorry ko sa lahat nang nagawa ko sa'yo."

"Lola naman! Past is past! Wala na sa akin iyong mga iyon." natatawang sambit ko at saka ako bumalik sa upuan ko kanina.

"Ahmm... Lola, I have something to tell you."

"Something to tell?" tumaas ang isang kilay nito nang tingnan niya ako kaya naman tumango ako. "Is this about the guy named Triton Ventura? Why, darling? Is he going to court you?"

"No! That's not what I'm going to tell, Lola!"

Nagkibit-balikat lang naman siya bago uminom ng kape niya at muli akong tiningnan.

"So, what are you going to tell me?"

"I found her. My mom."