Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 34 - Chapter 33

Chapter 34 - Chapter 33

Lei's Point of View

Abala ako sa pagbabasa ng libro ngayon dito sa classroom habang hinihintay ang first subject teacher namin ngayong umaga nang mapatingin ako sa pintuan ng classroom nang tinawag ako ng isang babaeng nakasuot ng salamin at may maiksi itong buhok na hanggang balikat.

Iniligpit ko na muna ang binabasa kong aklat sa bag ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko at saka ako lumapit sa babaeng naghahanap sa akin.

"I'm Eileithyia." pagpapakilala ko rito.

"Nasaan iyong kasama mong maglilinis ngayon sa stock room?"

"Ah, si Shania?" tumingon ako sa loob ng klase at nakita ko si Shania na abala rin sa pagbabasa ng aklat na hawak niya. "Sha! Maglilinis na raw tayo." gulat naman siyang napatingin sa akin pero 'di kalaunan ay nawala rin ang pagkagulat nito at tumango lang ito sa akin bago niya iniligpit ang gamit niya at saka lumapit sa amin.

"Let's go. Kanina pa naghihintay sa stock room si Ms. Claudia." tumango lang naman kami ng katabi ko bago namin siya sinundan papuntang stock room.

Napatakip naman ako ng bibig at ilong ko nang binuksan ni Ms. Claudia ang silid kung saan kami maglilinis ni Shania. Sobrang maalikabok kasi sa loob na halos naging polbo namin ang mga ito nang buksan nito ang silid.

"I will give you one hour to clean this room. After you're done cleaning here, go to my office and write a reflection paper. Understand?" mataray na tanong nito sa amin kaya naman tumango lang kami ng katabi ko bago kami pumasok sa silid.

Nang wala na sina Ms. Claudia at ang kasama nitong estudyate na nagtawag sa amin sa classroom kanina ay nagsimula na kaming maglinis ng kasama ko. Bago pala umalis si Ms. Claudia ay may mga gamit na itong ibinigay sa amin para sa paglilinis ng loob ng silid.

Hindi naman gaanong marumi sa loob kundi maalikabok lang ito at ilang upuan at gamut ang hindi naayos at hindi nakalagay sa tamang lalagyan nito.

Napatingin naman ako sa kasama ko na nakatakip ang braso nito sa ilong at bibig niya. Napansin ko rin na medyo namumutla siya kaya linapitan ko siya at inabot ko sa kanya ang panyo na nasa bulsa ko. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin at saka nito inalis ang braso na nakatakip sa ilong at bibig niya.

"Gamitin mo 'to para hindi mo malanghap iyong alikabok. May hika ka pa naman."

"Paano ka?"

"Don't mind me, wala naman akong hika." tumango lang naman siya sa akin at saka kinuha sa kamay ko ang panyo.

"Salamat, Lei." ngumiti ito sa akin.

Tumango lang naman ako sa kanya at saka ako bumalik sa puwesto ko kanina kung saan inaayos ko ang ilang mga gamit na nagkalat. Mga dekorasyon iyon para sa mga programs o pagtitipon sa eskwelahan.

Habang nag-aayos ako ay napapasulyap naman ako sa kasama ko. Bumalik na iyong dati niyong kulay, hindi kagaya kanina na namumutla siya. Napansin ko rin na suot na nito ang panyo na ibinigay ko sa kanya. Nakatakip ang panyo ngayon sa bibig at ilong niya kaya naman ang tanging makikita mo na lang ay ang mga mata nito.

Napansin yata niya na nakatingin ako sa kanya kaya naman napalingon siya sa gawi ko na ikinagulat ko kaya huli na para iiwas ko ang tingin ko sa kanya.

Pinagpag ko muna ang suot kong uniform bago ako naglakad palapit sa kanya. Pinupunasan kasi niya ngayon ang mga upuan na maalikabok. Tumayo naman siya ng matuwid at saka binitawan niya ang hawak niyang pamunas na gamit niya sa paglilinis at saka niya ako hinarap habang inaalis niya ang pagkakabuhol ng panyo na nakatakip sa bibig at ilong niya.

Nang makalapit ako nang tuluyan sa kanya ay tinitigan ko siya sa mga mata niya. At ganoon din siya sa akin.

"Hindi mo ba talaga kilala si Damon?" nagsalubong naman ang dalawang kilay niya sa tanong ko.

"Damon Sy?" tumango ako. "I don't know him. It's my first time to see him that day. Why are you asking?" magkasalubong pa rin ang mga kilay nito.

Umiling lang naman ako.

"Is there's something wrong about him?" tanong nito nang tinalikuran ko na siya.

"Nevermind."

Maglalakad na sana ako pabalik sa ginagawa ko nang tawagin niya ako kaya naman nilingon ko siya at saka hinarap siya.

"Are we okay now?" tanong nito at kinagat ang ibabang labi nito habang nakatingin ito sa akin. "You called me Sha kasi kanina so I'm hoping if we were okay now. 'Di ba tinatawag mo lang akong Sha kapag magbabati na tayo mula sa pag-aaway nating dalawa noong mga bata pa tayo?" dagdag nito habang nakayuko at hindi nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Nag-aaway ba tayo?" iniangat naman niya ang ulo niya at saka napatingin sa akin.

"Hindi ba?" naguguluhan na tanong nito. "Ang alam ko kasi nag-aaway tayo dahil lang sa isang lalaki."

"Sa pagkakatanda ko hindi naman tayo nag-away dahil sa lalaki. Nag-away tayo dahil sa paghila mo ng headphone na suot ko at sinabihan kitang bobo."

Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Hindi ako nakipag-away sa kanya dahil kay Triton kundi dahil sa nangyari sa amin sa loob ng cr ng mga babae noong araw na iyon.

"Huh? Akala ko nag-away tayo dahil sa lalaki. Kaya nga hindi mo ako pinapansin ng ilang araw 'di ba? You even said to me that you can't forgive me, kahit pa umiyak ako ng dugo sa harapan mo."

"I'm just mad that time kaya nasabi ko ang mga iyon. Hindi ko kilala ang sarili ko nang sinabi ko ang mga iyon sa'yo. Nilamon ako ng galit ko noong araw na iyon, hindi ko nakontrol at napigilan ang sarili ko. Nagalit ako sa'yo kasi inilihim mo sa akin ang totoo.Hindi naman ako magagalit ng ganoon kung sinabi mo sa akin ang totoo..." sambit ko at umupo sa armchair ng upuan na nalinisan na niya.

"Ibig sabihin ba niyan, okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?" lumapit ito sa akin.

"Anong pinagsasabi mo diyan na okay na tayo? Okay naman talaga tayo dati pa. Hindi lang kita pinapansin noong nakaraang linggo kasi nahihiya ako. Lalo na iyong inakto ko sa harapan niyo ni Triton noong makita ko kayong magkayakap. Iyong mga sinabi ko sa'yo na masasakit na salita. Iyong mga araw na hindi kita pinapansin, doon ko lang napagtanto na mali ang ginawa ko kasi kung umasta ako ay akala mo girlfriend ako no'ng tao. Those days, I just realized that I have no rights to stop anyone to like him because I'm not his girlfriend."

"Okay lang sa'yo na may magkagusto sa kanyang iba kahit alam mong ikaw naman talaga ang gusto niya?" tumango naman ako sa kanya.

"There's no way you can stop liking someone."

Pabalik na kami ngayon ni Shania sa classroom namin matapos naming malinisan ang stock room na pinalilinisan ni Ms. Claudia. Tapos na rin kaming gumawa ng reflection paper kaya heto kami ngayon ni Shania at nag-uusap habang papunta sa klase namin.

"Really? I can't believe what you've said. Parang ayaw maniwala ng utak ko." umiiling si Shania habang sinasabi niya iyon.

Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa mama ko, na buhay pa ito.

"I'm telling the truth, okay? You want a proof?" natatawang tanong ko sa kanya na ikinatawa naman niya. "Don't worry, I'll introduce you to my mom."

"Talaga? Kailan? Mamaya na ba?" natawa naman ako sa kaibigan ko.

"Soon. Huwag kang atat."

"Ano ba iyan!" nagpapadyak na wika niya habang ang mga nguso nito ay mahaba.

Napailing na lamang ako.

Buti na lang at okay na kami. Hindi kagaya noong nakaraang linggo na iniiwasan naman ang isa't isa. Inaamin ko naman talaga na nagalit ako sa kanya pero hanggang doon lang iyon at hindi man lang sumagi sa isip ko na sana ay mawala na lamang siya dahil ang totoo ay hindi ko kayang mawala ang kaibigan ko. I considered her as my sister. Not by blood but, by heart. Kahit ginawa niya iyon sa akin, hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya. Pamilya pa rin ang turing ko sa kaibigan ko.

Huminto naman kami sa paglalakad ng kaibigan ko nang nasa harap na kami ng classroom namin. Nakasara ang pinto kaya naman kumatok na muna kami bago namin binuksan ito.

"Saan kayo galing?" masungit na tanong sa amin ni Ms. Nolasco nang buksan namin ang pinto.

"Sa guidance office po."

"Oo nga pala, nakalimutan kong pina-excuse kayo sa akin ni Ms. Claudia kanina dahil maglilinis kayo ng stock room. Tapos na ba kayong maglinis?" tanong naman nito sa amin na ikinatango namin ng kasama ko. "Kung gano'n pumasok na kayo dahil ngayong araw niyo babasahin sa harapan ng klase ang mga tula na ginawa niyo."

Pumasok naman kami ni Shania at tinungo namin ang aming upuan. Pagka-upo ko ay siya namang nagsalita si Ms. Nolasco sa harapan at ipinaliwanag nito ang tungkol sa mga tula na ginawa namin noong nakaraang linggo.

"Okay, dahil kararating lang nila Eileithyia at Shania ipapaliwanag ko muli ang sinabi ko kanina tungkol sa pagbabasa niyo ng tula na ginawa niyo rito sa harapan. Dahil medyo marami kayo sa klase niyo ay kinakailangan kong pumili ng tatlong estudyante kada araw na magbabasa ng kanilang ginawang tula rito sa harapan. Hindi naman kasi maganda kung ngayong araw ay babasahin niyo lahat ang mga ginawa niyong tula." paliwanag sa amin ni Ms. Nolasco.

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na sumang-ayon sa sinabi ni Ms. Nolasco.

"Kaya bago tayo mag-klase, bubunot na ako ng tatlong estudyante na magbabasa ng tula na ginawa nila rito sa harapan." pagkasabi nito at kinuha na niya ang index card na nakapatong sa mesa at nagsimulang bumunot dito.

Sana hindi ako mabunot. Ayaw kong basahin sa harapan ang ginawa ko.

Napatingin naman ako kay Ms. Nolasco nang marinig kong binanggit niya ang pangalan ko.

"First to perform, Brent. Next, Triton and lastly, Eileithyia."

Shit!

Nakita ko namang tumayo na sa kanyang kinauupuan si Brent at naglakad na ito papunta sa harapan upang ibahagi nito ang ginawa niyang tula.

Bago magsimula si Brent sa kanyang pagtutula ay kinausap muna siya ni Ms. Nolasco.

"Brent, bakit blanko itong nasa papel mo?" itinaas nito ang papel na hawak at ipinakita nito kay Brent.

"Ma'am, kilala mo naman ako. Genius ako, remember? On the spot ako gagawa ng tula." ngumiti ito kay Ms. Nolasco at saka kinindatan ito bago magsimula.

Napailing na lamang kami sa narinig namin mula kay Brent. Pilyo talaga siya kahit kailan. Makapagsabi siya na genius siya e, lagi naman siyang nag-c-cutting classes.

Napaayos naman ako ng upo nang marinig ko siyang tumikhim senyales ba magsisimula na siya sa pag bahagi niya ng kanyang tula.

Tula

Ako'y tutula,

Mahabang-mahaba.

Ako'y uupo,

Pahingi po ako ng upo.

Napahagalpak naman kami nang tawa sa tula no Brent.

"Idol na talaga kita, Brent! Bwisit ka!" natatawang sigaw sa kanya ng isa naming kaklase na si Echo.

"Thank you, Pre." sagot naman nito at saka kumaway sa loob ng klase bago siya bumalik sa upuan niya.

Pero bago pa siya tuluyang makalapit sa upuan niya ay sinigawan siya ni Ms. Nolasco dahilan para tumigil siya sa paglalakad at dahan-dahan itong lumingon.

"Bakit po ma'am?"

"Nakinig ka ba kay Ms. Vizconde noon? Kung anong gagawin niyo, ha?" halata sa boses ni Ms. Nolasco na galit na ito kay Brent.

"Yes po. Sinabi niya na gagawa kami ng tula na may tatlong saknong at may apat na linya na nakapaloob sa bawat saknong." sagot nito.

"Alam mo naman pala. Bakit iisang saknong lang ang ginawa mo?"

"Iyon lang po kasi ang nakayanan ng utak ko e." sagot nito at isang malaking ngiti ang ibinigay niya kay Ms. Nolasco.

Napailing na lamang ito at saka tinawag na ang susunod na magbabahagi ng tula. Si Triton.

"Here's your paper," inabot sa kanya ni Ms. Nolasco ang papel niya kung saan nakasulat doon ang ginawa niyang tula na agad naman niyang kinuha.

Nakatingin lamang ako sa kanya habang nasa harapan siya. Nagulat naman ako nang tumingin siya sa gawi ko at saka niya ako nginitian bago siya nagsimula ng magsalita.

Aking Binibini

Ako ay masaya sa tuwing ika'y nakikita,

Mga nagkikislapan mong mga mata'y nakakahalina.

Ang mga ngiti mong ubod ng tamis at ganda,

Ay naakit akong ngitian ka.

Aking Binibini sana'y iyong dinggin,

Na ako, si Triton Ventura ay gusto kang makapiling.

Binibini na aking sinisinta,

Nais kong ipabatid na gusto kitang makasama.

O, Binibini na nakikinig ngayon sa akin,

Puwede ba kitang lapitan at tanungin?

Tanungin kung puwede kitang maging akin?

Binibini na tinitibok ng aking damdamin.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko habang nakatingin sa mga mata ko si Triton habang binibitawan niya ang bawat salita na binabasa niya sa hawak na papel. Alam kong ako ang kanyang tinutukoy na Binibini na gusto niyang makapiling.

"What a nice piece Mr. Ventura." doon lamang ako napakurap nang marinig kong pinuri ni Ms. Nolasco si Triton. "mukhang kilala ko na kung sino ang Binibini na tinutukoy mo sa tula mo. Habang binabasa mo ang bawat linya ay nakatingin ka lang kay Ms. Vizconde." may ngiti sa mga labi ni Ms. Nolasco.

Bigla naman umingay sa loob ng klase dahil sa sinabi nito at ang iba naming kaklase ay tinukso kami.

"Sana may Triton Ventura rin akong makilala at iaalay niya sa akin ang tula na kanyang ginawa." rinig kong saad ni Eunice, isa sa mga kaklase ko.

"Kung ako sa'yo, Lei sasagutin ko agad si Triton kung manliligaw man siya." dagdag pa ni Charity.

Hindi na lamang ako umimik at hinayaan sila sa kung ano man ang gusto nilang sabihin. Tumahimik lamang sila nang sinuway na sila ni Ms. Nolasco bago niya ako tinawag sa harapan.

"You don't like him, right?" nagulat naman ako sa tanong ni Ms. Nolasco sa'kin pagkalapit ko sa kanya.

"How did you know?" tanong ko na kaming dalawa lang ang nakaririnig.

Maingay pa rin kasi sa loob ng klase dahil sa tula ni Triton kanina. Pinag-uusapan pa rin kasi nila ang tungkol dito.

"This..." ipinakita niya sa akin ang papel ko kung saan nandoon ang tula na aking ginawa kaya kinuha ko ito. "are you sure you want to read that infront of your classmates at sa lalaking gusto ka at higit sa lahat ay ginawan ka ng tula?" napatingin ako sa papel na hawak ko at binasa ko ito sa pamamagitan ng mga mata ko.

Napakagat ako sa labi ko. Ayaw kong masaktan si Triton lalo na sa harap ng mga kaklase ko. Siguro, mas mabuting sabihin ko na lang sa kanya ng diretso ang gusto kong sabihin sa kanya kaysa idaan ko pa sa tula. Matalino si Triton kaya alam kong maiintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig kung babasahin ko ngayon ang tula na ginawa ko.

"Hindi po ito ang babasahin ko." nang sabihin ko iyon kay Ms. Nolasco ay tinalikuran ko na siya habang hawak ko pa rin ang papel ko kung saan nandoon ang tula na ginawa ko noong nakaraang linggo na hindi ko babasahin ngayon.

Huminga naman ako ng malalim at saka tumingin sa mga kaklase kong nakatingin sa akin ngayon habang nakatayo ako sa kanilang harapan.

Kaibigan

Kaibigan, sila ang ating malalapitan,

Kung tayo'y nilalamon na ng kalungkutan.

At sila rin ang puwede nating utangan,

Sa oras ng kagipitan.

Kaibigan na maituturing,

Ang laging nandiyan para ika'y dinggin.

Mga kaibigan na puwede nating sandalan,

Kapag tayo'y nangangailangan.

Salamat sa aking mga kaibigan,

Dahil lagi kayong nandiyan.

Nandiyan para ako'y protektahan,

At samahan sa oras ng kalungkutan.

Hawak ko ng mahigpit ngayon ang papel na nasa kamay ko. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay nakagawa ako ng tula kahit alam kong hindi ganoon kaganda. Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na pumalakpak at ang iba naman ay nagtatanong kung bakit tungkol sa kaibigan ang ginawa ko at hindi ang pagsagot sa tula na inalay sa akin ni Triton kanina.

Hindi ko na lamang sinagot ang mga tanong nila at binigyan ko na lamang sila ng isang ngiti bago ako lumapit kay Ms. Nolasco at ibinalik ko sa kanya ang papel na hawak ko.

"Don't worry, itong nakasulat sa papel ang bibigyan ko ng grado at hindi ang ginawa mo." anito nang kunin niya ang papel ko.

"Salamat po."

"Salamat din dahil hindi mo itinuloy na binasa ang tula na ginawa mo. Ayaw ko lang kasing masaktan ang pamangkin ko."

Pamangkin niya si Triton? Bakit hindi ko alam? Kaya ba pinigilan niya akong huwag basahin ang tula na ginawa ko at gumawa na lang ako ng bago on the spot? Ibig sabihin ba niyan alam niya rin na matagal na akong gusto ng pamangkin niya?

"Don't worry, hindi ko ipapaalam sa pamangkin ko ang tula na ginawa mo. Ayaw kong sa akin niya mismo malaman na hindi mo siya gusto. But, make sure Lei, sabihin mo sa kanya ang totoo." tumango lang naman ako sa kanya bago ako bumalik sa upuan ko.

Habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko ay napatingin ako sa puwesto ni Triton. Kausap nito ang kaibigan niya habang may ngiti ito sa kanyang mga labi.

Nginitian ko naman siya at si Apollo nang mapatingin sila sa gawi ko bago ako tuluyang naglakad papunta sa upuan ko.

Kararating ko lang dito sa mansion galing sa eskwelahan nang salubungin ako ni mama sa may sala.

"Kumusta ang pag-aaral anak? Napagod ka ba? Gusto mo ba ng meryenda?" isang ngiti ang sumilay sa mga bibig ni mama nang tanungin niya ako.

Nginitian ko naman siya at tumango kaya nagtungo ito sa kusina. Sinundan naman ng mga mata ko ang mama ko nang maglakad na ito palayo. Masaya ako dahil kasama ko na ang mama ko rito sa mansion.

Matapos ko kasing sabihin sa Lola ko ang tungkol sa mama ko ay sinabihan niya akong puwedeng tumira rito sa mansion si mama dahil asawa siya ni papa, ang anak ni Lola. Hindi ko inaasahan ang sinabi sa akin ni Lola kahapon kaya laking pasasalamat ko na lamang sa kanya at tinanggap niya si mama at nagkapatawaran sila sa nangyari, twenty years ago.

"Lilia, I'm so happy to see you. And, I want to apologize for what I did to you, twenty years ago. Patawarin mo ako kung inilayo ko sa'yo ang anak niyo ni Francis. Patawarin mo sana ako."

"Mrs. Vizconde, naiintindihan ko po kayo kung bakit niyo inilayo sa akin ang anak ko. Alam ko sa sarili ko na hindi ako sapat para maging ina niya dahil isang hamak na kasambahay lamang ako. Inaamin ko pong nagalit po ako sa inyo sa ginawa niyo noon pero hindi kalaunan ay naintindihan ko rin po kayo kung bakit nagawa niyo iyon. Sa tuwing nakikita kong lumalaki ang anak ko at nakikita ko siyang masaya at nakukuha nito lahat ng gusto niya ay masaya ako. Alam ko kasing kapag nasa akin siya ay hindi ko maibigay ang mga ito sa kanya."

Bumalik naman ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni mama. Nasa harapan ko na pala siya habang may hawak siyang tray na may laman na orange juice at sandwich.

"Okay ka lang ba anak? May gumugulo ba sa isipan mo?" nag-aalalang tanong nito at saka inilapag niya sa center table ang hawak niyang tray bago siya umupo sa tabi ko.

"Naalala ko lang po iyong mga sinabi niyo kay Lola kahapon. Kagaya na lamang sa sinabi niyo na kung sa inyo ako lumaki ay hindi niyo maibibigay sa akin ang lahat ng gusto ko. Mama, kahit hindi mo maibigay lahat ng gusto ko, sapat na sa akin kung anong meron ako. Masaya na ako kung anong kaya mong ibigay at higit sa lahat, kahit hindi niyo maibigay lahat ng gusto ko basta kasama ko kayo, sapat na po sa akin iyon." nginitian ko siya at gano'n din siya sa akin.

"Masaya ako at pinalaki ka ng maayos ng Lola mo, anak..." hinaplos niya ang pisngi ko at saka niya ako niyakap kaya ginantihan ko rin ang yakap niya. "Vizconde ka ngang tunay, kagaya ng ama mo." lumayo ako sa pagkakayakap sa kanya at isang ngiti ang ibinigay ko bago ako uminom ng juice na inihanda ni mama.

Alam kong pinapanood ako ni mama habang nagme-meryenda ako kaya naman binilisan ko ang pagkain ko at saka ako humarap sa kanya at nagtanong.

"Mama, paano po ba sabihin sa isang tao na hindi mo siya gusto?" Nakita ko namang nagsalubong ang dalawang kilay niya sa tanong ko.

"May umamin ba sa'yo anak na gusto ka niya?" tumango lang naman ako.

"At sa kasamaang palad, ayaw mo sa lalaking ito?"

"Parang gano'n na nga po."

"Masyado ka kasing maganda, anak." biro nito sa akin.

"Nagmana lang po ako sa inyo." natawa na lamang kami pareho sa sinabi ko.

"Kailan pala siya umamin sa'yo? Kanina lang ba?"

"Four years ago."

"Four years ago? Ibig sabihin, apat na taon na rin ang nakalipas at magpahanggang ngayon ay hindi mo pa rin nasasabi sa kanya na hindi mo siya gusto?"

"Opo."

"Bakit hinayaan mong umabot pa sa apat na taon na hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?" halata sa boses ni mama ang pag-aalala.

"Natakot po kasi ako."

"Natakot?"

"Natakot po ako na mawala iyong pagkakaibigan namin—"

"Anak, noong araw na sinabi niya sa'yo na gusto ka niya ay nawala na ang pagkakaibigan niyo. Sa pag-amin niya sa'yo na gusto ka niya noong araw na iyon, ay tinapos na rin niya ang pagkakaibigan niyo."

Hindi ako naka-imik sa sinabi ni mama. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang huling katagang sinabi nito.

"Anak..." naramdaman ko ang pag hawak ni mama sa kamay ko kaya napatingin ako rito. "Si Triton ba ang lalaking tinutukoy mo na umamin sa'yo, apat na taon na ang nakalilipas?"

Tumango lang naman ako.

Naramdaman ko naman ang malalim na paghinga ni mama at ang pagpisil nito sa kamay ko.

"Anong balak mo ngayon anak? Malapit na ang birthday mo at ang paalam sa akin ni Triton ay liligawan ka nito pagkatapos ng kaarawan mo."

"Sinabi niya iyon sa inyo?" tumango lang naman si mama.

"Ayokong ligawan niya ako, mama. Ayoko po." naiiyak na saad ko.

"What did you say, Francheska?" sabay naman kaming napalingon ni mama sa pintuan ng mansion kung saan nandoon si Lola na nakatayo at nakatingin sa amin habang magkasalubong ang kanyang dalawang kilay.

Kanina pa kaya siya? Narinig niya ba lahat ng napag-usapan namin ni mama?

"Lola..."

"Mrs. Vizconde..."

Naglakad naman palapit sa kinaroroonan namin ni mama si Lola at hindi pa rin niya inaalis ang tingin nito sa akin.

"You don't like, Triton?"

"Lola, sorry..."

"You fooled me, Francheska. You said that you have someone you like that's why I canceled your engagement with Damon Sy." mahinahon na saad ni Lola pero mahahalata mo sa boses nito na galit siya.

Napayuko na lamang ako nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko kayang titigan ang mga mata nito. Nagsinungaling ako sa kanya.

"Mrs. Vizconde, may rason naman po ang anak ko kung bakit niya nagawang magsinungaling sa inyo." nilingon ko naman si mama na nasa tabi ko nang magsalita siya.

"Then, what is her reason?" naramdaman kong nilingon ako ni Lola kaya naman inangat ko ang ulo ko para tingnan siya.

"Sorry, I can't tell you now."