Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

Triton's Point of View

Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga habang inaalala ang mga napag-usapan namin ng mga magulang ko kasama si tita Lilia, para sa pagkikita nila ng anak niya na si Lei sa darating na kaarawan nito sa susunod na linggo.

Napag-usapan namin kanina na gusto raw magpakita at magpakilala ni tita Lilia kay Lei bago gunitain ang kaarawan ng kanyang anak para sa ganoon ay, makilala siya ng anak niya bago ang kanyang kaarawan.

Umuwi naman si tita Lilia mga bandang alas-nueve na ng gabi pero bago pa siya tuluyang makaalis ng bahay ay sinundan ko siya sa labas ng gate namin at tinawag siya.

"Tita..." humarap naman siya sa akin at saka niya ako nginitian. "hatid ko na po kayo."

Umiling naman siya sa akin.

"Huwag na, malapit lang naman iyong inuupahan kong bahay." pagkasabi niya iyon ay tinalikuran na niya ako pero bago pa siya humakbang ay nagsalita muli ako para tanungin siya kung saan siya nakatira at kung anong pinagkakaabalahan niya sa buhay.

"Isa akong tindera sa palengke kung saan nagtitinda ako ng mga gulay at mga isda." sagot nito sa akin.

"May pasok po ba kayo bukas? Gusto niyo po ba tulungan ko kayong magtinda bukas ng mga paninda niyo?" lumapit naman siya sa akin at saka niya ako hinawakan sa braso ko.

Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nakita ko na naman ang malaki nitong peklat na nasa braso niya na nakita ko noong una ko siyang nakita.

"Tutulungan mo ako?" napatingin ako sa mukha niya at saka niya ako nginitian.

Tuwing nakikita kong ngumingiti si tita Lilia ay nakikita ko sa kanya ang babaeng matagal ko ng gusto, si Lei. Mag kamukha sila na akala mo ay carbon copy niya ito.

"Sige, pumunta ka sa palengke bukas pero, bago ka pumunta para tulungan ako ay dapat magpaalam ka sa mama at papa mo, baka hindi ka nila payagan." binitawan na ni tita Lilia ang braso ko at tiningnan niya ako sa mga mata ko kaya nakatingin lang din ako sa kanya.

"Salamat pala at nandiyan ka sa tabi ng anak ko ng maraming taon." nagulat naman ako sa sinabi niya. "Naikwento kasi sa akin ng mama at papa mo na gusto mo ang anak ko."

Yumuko naman ako dahil nahihiya akong tingnan si tita Lilia lalo pa't alam na nito na may gusto ako sa anak niya.

"Bantayan at alagaan mo lagi ang anak ko, a? Huwag mo siyang hahayaang saktan ng kahit sino."

Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko sa sinabi niya. Nakayuko pa rin kasi ako at hindi tinitingnan si tita Lilia. Papaano ko sasabihin sa kanya na minsan ko nang sinaktan ang anak niya?

Ilang minuto pa ako sa ganoon posisyon ko nang maramdaman kong tinapik ako ni tita sa balikat kaya napatingin ako sa kanya. May sumilay na ngiti sa kanyang mga labi nang harapin ko siya.

"Sige, alis na ako Triton. Kita na lang tayo bukas sa palengke."

"Ingat po kayo sa pag-uwi."

Tinanguan lang naman niya ako bago siya naglakad papalayo sa akin hanggang sa nakita ko siyang pumara ng tricycle at sumakay dito.

Napalingon naman ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig kong may kumatok dito. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko at pinagbuksan ang kung sino man ang kumatok mula sa labas.

Pagbukas ko ng kwarto ko ay bumungad sa akin ang mukha ni mama habang may hawak na isang basong gatas.

"Hey, sweetheart." anito at saka niya inabot sa aking ang gatas at agad ko namang kinuha.

"Thank you, ma."

"Tumawag nga pala sa akin si Lilia at sinabi nitong sasamahan mo raw siya sa puwesto niya sa palengke bukas para tulungan siyang magtinda?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ng mama ko.

"Opo, gusto ko po kasing malaman kung anong trabaho niya at gusto ko rin po siyang tulungan lalo na sa pagkikita nila ni Lei." sagot ko sa kanya at tumango lang naman siya.

"O, sige matulog ka na kung ganoon. Maagang pumapasok si Lilia sa trabaho niya e, kaya ikaw..." itinuro niya ako gamit ang kanyang hintuturo at may pilyong ngiti ang lumabas sa kanyang mga labi. "kung gusto mong maging son-in-law ka ng kaibigan ko ay dapat maaga ka rin bukas para tulungan siyang mag-ayos ng mga paninda niya, at dapat na maging good boy ka sa harap ng magiging mother-in-law mo."

"Ang dami mong sinasabi, ma!" wika ko dahilan para uminit ang tainga ko.

Buset! Bakit ba kinikilig ako sa mga sinabi ni mama? Tanginang pakiramdam na 'to, nakakabakla!

Narinig ko lang naman na tumawa si mama bago siya lumapit sa akin at inilapit niya ang ulo ko sa kanya para halikan niya ako sa pisngi.

"Good night, sweetheart."

"Good night."

Nang umalis na sa harap ng kwarto ko si mama ay pumasok na rin ako sa kwarto ko para matulog. Pero bago ako natulog ay ininom ko na muna ang tinimpla niyang gatas para sa akin.

Maaga akong nagising dahil iyon ang sinabi sa akin ni mama kagabi. Alas-singko pa lang ay nakaligo na ako at pababa na ako ng hagdan para pumunta ng palengke.

Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ng mga magulang ko sa likod ko habang binubuksan ko ang main door ng bahay namin kaya nilingon ko sila.

"Talagang sinunod mo ang sinabi ko sa'yo kagabi, anak." saad ni mama habang papalapit sila sa kinaroroonan ko.

"I can't believe this." umiiling naman na saad ni papa at may ngiti sa kanyang mga labi.

Nginitian ko lang naman sila habang nasa batok ko ang isang kamay ko. Nahihiya kasi ako sa kanila. Lalo na ang ikinikilos ko. Parang hindi ako 'to.

"Pupunta ka na ng palengke?" tanong sa akin ni mama kaya tumango lang ako.

"Sabay na kayo ng mama mo, Triton. Malapit lang naman iyong hospital na pinagtatrabuhan ng mama mo sa palengke kung saan nagtitinda doon si Lilia." napatingin naman ako kay papa na nasa tabi ni mama.

"Sige po."

Bago kami lumabas ng tuluyan ni mama ay nagpaalam na muna siya sa papa ko at hinalikan siya nito sa labi bago kami lumabas ng bahay.

Ilang years ng kasal ang mga magulang ko pero nandoon pa rin iyong sweetness nila.

"Tara na, Triton." rinig kong saad ni mama kaya tumakbo ako palapit sa kanya at sabay kaming naglakad palabas ng gate papunta sa kanto malapit sa amin para maghintay ng masasakyan naming jeep.

Nakasunod lang naman ako kay mama habang nasa loob ng bulsa ng shorts ko ang mga kamay ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng khaki shorts na kulay itim at damit na kulay blue. Habang nasa loob ng bulsa ko ang mga kamay ko ay kinapa ko sa loob ng shorts ko ang cellphone ko para sana i-text si Lei, pero wala akong nakapa rito at ang tanging nakapa ko ay ang wallet ko.

"Triton..." napaangat naman ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni mama. "halika na."

Doon ko lang napagtanto na nasa kanto na pala kami at may isang jeep doon na naghihintay at mukhang ako na lang ang hinihintay nito dahil nasa loob na ang mama ko habang tinatawag niya ako.

Tumango lang naman ako sa mama ko at saka ako pumasok. Gusto ko sanang balikan pa ang cellphone ko pero hindi ko na ginawa dahil nakasakay na si mama at ayaw ko namang magpahintay sa jeep dahil nakakahiya.

Mabilis lang ang pagpapatakbo ng jeep kaya mabilis din kaming nakarating sa destinasyon namin ni mama. Sabay kaming bumaba sa tapat ng hospital na pinagtatrabahuan ni mama at nagpaalam sa isa't isa para pumunta sa kanya-kanya naming pupuntahan.

"Ingat ka, Triton. Tawagan mo ako kapag..."

"Naiwan ko po iyong cellphone ko sa bahay."

"Gano'n ba? Don't worry, ako na lang ang tatawag kay Lilia mamaya. Sabay na tayong umuwi mamaya, okay? Hanggang alas-singko lang ako ngayon." pagkasabi iyon ni mama ay naglakad na ito papasok sa building ng hospital at ako naman ay tinungo ang daan papunta sa palengke.

"Tita Lilia!" tawag ko sa mama ni Lei nang makita ko siyang may hinihilang malaking palanggana na may lamang mga isda at yelo, pero hindi niya ako narinig dahil maingay sa loob ng palengke kaya naman napagdisisyonan ko na lamang na lapitan siya. "Tita, ako na po." hinawakan ko ang tali na nakalagay sa palanggana na hila-hila ni tita Lilia kaya gulat na napatingin siya sa akin.

"Triton, bakit ang aga mo?" pinunasan ni tita Lilia ang pawis niyang tumutulo sa noo niya. "Okay lang naman kahit mamayang alas-otso ka na pumunta rito." rinig kong saad ni tita habang naglalakad kami papunta sa pwesto niya habang hila-hila ko pa rin ang palanggana na naglalaman ng mga paninda ni tita.

"Sabi po kasi ni mama na dapat maaga raw po akong pumunta rito para matulungan ko po kayong mag-ayos ng mga paninda niyo." nilingon ko siya at saka ngumiti at ganoon din naman siya sa akin.

Tumigil kami sa paglalakad ni tita Lilia nang nasa harap na kami ng pwesto niya at saka kami nag-ayos ng mga paninda niya. Nandiyan ang mga iba't ibang gulay, isda, karne at mga frozen foods kagaya na lamang ng mga hotdogs and longganisa.

"Magpahinga ka na muna diyan, Triton at bibili ako ng maiinom natin." paalam ni tita Lilia at saka siya tumayo sa kinauupuan niya.

"Ako na lang po ang bibili." prisinta ko at tumayo sa kinauupuan ko malapit sa kanya.

"Ako na, magpapa-load pa kasi ako. Diyan ka na lang at hintayin mo ako." tumango na lamang ako at hinintay ko siya sa puwesto.

Habang hinihintay ko si tita Lilia ay may mga bumibili sa puwesto kung nasaan ako ngayon kaya naman tumayo ako para asikasuhin sila.

Nakangiti ako habang binebentahan ko ang mga namimili sa akin. Ganito pala kahirap ang ginagawa ni tita Lilia at the same time ay masaya dahil lahat ng pagod niya ay napapalitan ng saya kapag marami siyang nabenta.

Nang wala ng bumibili sa akin ay naupo na ako muli sa upuan at saka pinunasan ang pawis ko. Habang tinutuyo ko ang buhok ko na sobrang basa ay nakuha ng atensiyon ko ang babaeng nakatayo sa hindi kalayuan at palinga-linga ito. Si Lei. Mukhang may hinahanap siya hanggang sa napatigil siya at napatingin sa isang tao. Sinundan ko naman ang tingin niya kung saan siya nakatingin at nagulat na lamang ako nang makita ko kung sino ang tinitingnan niya. Si tita Lilia!

Nakita ko naman si tita Lilia na nakatingin lang sa anak niya at base sa mukha nito ay gusto niyang lapitan si Lei. Bumagsak naman ang mga balikat ni tita nang makita niyang palabas na si Lei sa palengke kasama ang dalawang kasambahay nila sa mansion.

Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para lapitan si tita Lilia.

"Tita..." tawag ko sa kanya kaya napatingin naman siya sa akin at saka niya ako tipid na nginitian.

Gusto ko sana siyang tanungin kung okay lang ba siya pero inunahan na niya ako.

"Okay lang ako, Triton." muli niya akong nginitian. "Tara na." tumango lang naman ako habang nakasunod ako sa kanya.

Tahimik lang si tita na nakaupo at malayo ang kanyang tingin. Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi niya napansin na may bibili sa kanya kaya naman ako na lang ang umasikaso rito.

"Tita, gusto mo ba uwi na tayo? Mukhang hindi ka po okay." wika ko kaya napatingin siya sa akin at saka tinanguan.

"Mabuti nga kung ganoon. Biglang sumama iyong pakiramdam ko kaninang makita ko ang anak ko. Akala ko makikilala niya ako dahil sa tagal ng pagtititigan namin kanina, pero hindi pala." malungkot na saad nito.

Parang may kumurot sa puso ko na nang marinig ko ang sinabi ni tita Lilia.

Ilang taon na kaya niyang dinadala ang sakit na nararamdaman niya ngayon?

Mabilis lang ang ginawa kong pagliligpit sa mga gamit at paninda ni tita Lilia na nasa puwesto niya. Hindi ko na siya hinayaan pang tulungan ako dahil ayaw kong mas lalo siyang mapagod lalo pa't may iniisip siya.

Tinawag ko lang siya nang tapos na ako sa ginagawa ko para lumabas kami sa lugar na iyon para umuwi na.

"Tara na po." tumango lang naman siya at naglakad na palabas ng palengke.

Nasa likod lang ako ni tita Lilia habang naghihintay kami ng jeep hanggang sa may dumating at sumakay kami rito.

"Bakit ka sumakay, Triton? Hindi ito ang jeep papunta sa bahay niyo." naguguluhang tanong niya sa akin.

"Alam ko po, tita. Gusto ko lang pong masigurado na safe kayong makauwi."

Isang ngiti lang naman ang ibinigay nito sa akin.

Tahimik lang kami sa loob ng jeep habang nasa biyahe. Napatingin naman ako sa pambisig na orasan ko. Mag-a-alas dose pa lang ng tanghali.

"Nandito na tayo." napatingin naman ako sa labas ng bintana ng jeep nang marinig ko ang boses ni tita Lilia.

Bumaba naman kaming dalawa at saka tinungo ang bahay niya kung saan siya nakatira. Maliit lang ang bahay na tinitirhan niya at kasya na ang dalawang tao rito.

"Pasok ka."

Napayuko naman ako nang papasok ako sa bahay dahil matangkad ako. Inililibot ko lang ang paningin ko sa loob ng bahay.

"Pagpasensyahan mo na kung hindi kalakihan ang bahay ko. Hindi naman kasi ganoon kalaki ang kinikita ko sa paglalako ko sa palengke." rinig kong saad ni tita Lilia habang nasa kusina siya.

Nasa may sala kasi ako at nakaupo sa upuan na kahoy na nandito.

"Uminom ka na muna ng tubig." nakita kong lumabas sa kusina si tita habang may hawak siyang pitchel at baso.

"Salamat po." tumayo ako at saka kinuha sa kamay niya ang mga hawak niya.

"Hindi malamig iyang tubig kasi wala akong ref." nahihiyang sambit nito.

"Okay lang po." nginitian ko siya bago ako nagsalin ng tubig at ininom ito.

Nakita ko namang nakatingin lang siya sa akin habang umiinom ako kaya naman minadali kong inubos ang tubig na nasa baso ko at pinunasan ang bibig ko bago ako humarap sa kanya.

"Tita..."

"Hmm?"

Kaya mo iyan Triton! It's now or never! Fighting! Hooo!

"I want to let you know that, I will court your daughter after her eighteenth birthday."