Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 30 - Chapter 29

Chapter 30 - Chapter 29

Triton's Point of View

Alam kong nagulat si tita Lilia sa sinabi ko sa kanya kanina pero kalaunan ay ngumiti ito sa akin at saka niya ako hinawakan sa aking balikat.

"Hindi ko alam kung humihingi ka ba ng permiso o gusto mo lang ipaalam sa akin na liligawan mo ang anak ko." natatawang sambit nito at inalis niya ang kamay niya na nasa balikat ko.

"Ayaw ko pong humingi sa inyo ng permiso dahil baka hindi niyo ako payagan, kaya naman sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang na liligawan ko si Lei pagkatapos ng birthday niya. Sa ayaw at sa gusto niyo, tita."

Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para sabihin iyon sa mama ni Lei na hindi man lang ako nautal kanina.

"Triton!" nilingon ko naman ang babaeng tumawag sa akin.

Ang babaeng unang minahal ko at minahal ako.

"Mama, akala ko ba five PM ang uwi mo?" agad na tanong ko sa kanya nang makalapit siya sa akin at hinalikan na muna niya ako sa pisngi bago niya sinagot ang tanong ko.

"I'm sorry, kung dalawang oras kitang pinaghintay. Nagkaroon lang kasi ng problema sa loob kanina." tumango lang naman ako sa mama ko bago kami nagsimulang naglakad papunta sa sasakyan ni papa na kararating lang.

"Hey." may ngiti sa mga labi ni papa nang bumaba siya sa sasakyan at saka niya kami nilapitan.

Una niyang nilapitan si mama at hinalikan niya ito sa pisngi bago siya tumingin sa akin at tinapik ako sa braso ko kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Let's go?" Aya sa amin ni papa kaya naman tumango lang kami ni mama at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Nasa likod ako ng sasakyan ngayon na naka-upo at si mama naman ay nasa harapan kung saan magkatabi sila ni papa.

Habang nasa loob ako ay napatingin ako sa labas ng bintana. Nababalutan na ng dilim ang kaninang maaliwalas na kalangitan. At ang tanging liwanag na makikita mo sa madilim na kalangitan ay ang malaking buwan na napakalaki at liwanag.

Ano na kayang ginagawa ni Lei sa mga oras na 'to?

Napatingin naman ako sa relo na suot ko at tiningnan kung anong oras na. Seven-thirty na ng gabi. Napabuntong hininga naman ako at saka napapikit at sumandal sa upuan.

"Triton..." iminulat ko naman ang isang mata ko na nakapikit nang tawagin ako ni mama. "It's Sunday tomorrow and we're going to church. Invite mo kaya si Lei?" naka-ngiting wika nito kaya naupo ako ng maayos at kinusot ang mga mata ko.

"I-i-invite si Lei?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Nakita ko namang tiningnan ako ni papa gamit ang rareview mirror ng sasakyan at saka ito nagsalita.

"Why are you stuttering, Triton? Don't tell me..."

"Papa, hindi ako naduduwag. Nagulat lang kasi ako sa sinabi ni mama." pagpuputol ko sa sasabihin ng papa ko.

Tumango lang naman siya at muli niyang itinuon ang atensiyon niya sa daan.

"Call her now." binalingan ko naman si mama.

"I will call her later, ma."

"Later? Bakit, wala ka bang load?"

Umiling lang naman ako.

"Nasa bahay po iyong cellphone ko. Nakalimutan kong dalhin kanina." totoo naman kasing nakalimutan ko ang cellphone ko

kanina.

"Use my phone." rinig mong sambit ni papa at saka niya ibinato sa gawi ko ang cellphone niya at buti na lamang at nasalo ko ito.

Napatingin naman ako sa rareview mirror ng sasakyan kung saan nakatingin sa akin ngayon si papa.

"Bilis-bilisan mo ang galaw mo anak, mamaya maunahan ka pa ng iba diyan. Mahirap na." pagkasabi niya iyon ay muli siyang tumingin sa daan.

Kumunot naman ang noo ko sa kung anong ibig sabihin nang sinabi sa akin ng papa ko.

Napatingin naman ako sa cellphone na hawak ko ngayon.

Tatawagan ko ba siya?

Text na lang kaya?

Ilang saglit pa ay naisipan ko na rin siyang tawagan. Binuksan ko ang cellphone ni papa at tatawagan na sana siya ng biglang tumunog ito. Nakita ko sa screen ng cellphone ni papa ang pangalan ng Director ng University kung saan siya nagtuturo kaya naman ibinigay ko sa kanya ang cellphone niya.

Pagkabigay ko sa kanya ng cellphone niya ay sakto namang nasa tapat na kami ng bahay kaya bumaba na ako ng sasakyan at binuksan ang gate para makapasok ang sasakyan na minamaneho ni papa mamaya.

Sabay naman kaming pumasok ni mama sa loob ng bahay.

"Ma, tulog na po ako." paalam ko sa kanya at naglakad na ako paakyat ng hagdan.

"Matutulog ka na? Hindi ka na kakain?"

Huminto naman ako sa paglalakad ko at nilingon siya.

"Busog pa po ako."

"Busog? Anong kinain mo?"

"Nakikain po ako ng adobo sa bahay ni tita Lilia kanina bago po ako pumunta ng hospital para sunduin ka." nahihiyang sagot ko sa kanya.

Ang totoo niyan, hindi naman talaga ako naghintay ng halos dalawang oras sa labas ng hospital kanina para hintayin si mama. Tinawagan siya kanina ni tita Lilia para tanungin siya kung anong oras siya uuwi, kaya nang sabihin niyang mga seven o'clock siya lalabas ng trabaho niya ay hindi na muna ako umuwi at nakipagkwentuhan ako kay tita Lilia at nakikain na rin ng hapunan.

"Pumunta ka sa bahay niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin?"

"Sinabi ko po kasi sa kanya na huwag na niyang sabihin sa inyo na nandoon ako at saka masama po ang pakiramdam niya kanina, kaya naman maaga kaming umuwi at sinamahan ko siya para masiguradong ligtas siya sa pag-uwi niya." nakita ko namang tumango ito. "Tulog na po ako, ma. Good night!" Pero bago pa ako tuluyang makaakyat ay muli kong nilingon si mama na nasa sala ngayon at nagpapahinga. "Anong oras po pala iyong pagpunta natin sa simbahan bukas?"

"Alas-sais." nakapikit ang mga mata nito nang sagutin niya ako.

Napagod siguro siya sa trabaho niya.

Pumasok naman na ako sa kwarto ko at nagbihis bago ako nahiga sa kama ko. Ipipikit ko na dapat ang mga mata ko nang maalala kong hindi ko pa pala tinawagan si Lei kaya naman bumangon na muna ako para tawagan siya at sabihing pupunta kami ng simbahan bukas.

"Anong kailangan mo?"

Nagulat ako ng hindi niya ako sinigawan kung bakit tinawagan ko siya ngayon kaya naman huminga ako nang malalim bago ko siya sinagot.

"How's your day?"

"Ano bang kailangan mo? Alam mo bang natutulog na ako nang tumawag ka?"

Tumingin ako sa alarm clock na nasa side table ko. Nine-thirty na pala ng gabi. Ang aga namang natulog ng babaeng 'to.

"Sorry, gusto ko lang kasi sanang tanungin ka. Si mama kasi..."

"Spill it."

Napabuga na lamang ako ng hangin at napailing. Napaka-ikli talaga ng pasensya niya

"Kung hindi ka busy bukas at wala kang pupuntahan, gusto mo bang pumunta tayo ng simbahan? Kasama ang family ko. Puwede mo rin naman isama ang Lola mo. Tara, magsimba."

"Lei? Nandiyan ka pa ba? Gising ka pa ba?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kanya dahil wala akong narinig na boses sa kabilang linya.

"Mukhang nakatulog na yata siya." bulong ko sa sarili ko at handa ko nang patayin ang cellphone ko nang marinig ko siyang nagsalita sa kabilang linya.

"Sige, anong oras ba?"

Tinatanong niya ang oras. Ibig sabihin ba nito ay pumapayag siya?

"Alas-sais ng umaga."

"Sige."

"Sunduin na lang kita—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sa kanya nang marinig kong pinatay na nito ang tawag.

Humiga naman ako sa kama at tiningnan ang litrato niya kasama ako na nasa wallpaper ng cellphone ko.

"Good night, Lei."