Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 26 - Chapter 25

Chapter 26 - Chapter 25

Lei's Point of View

It's Saturday morning at maaga akong nagising dahil sasamahan kong mamalengke sina Manang Felly at ate Nene ngayon para sa kanilang lulutuin mamayang gabi. Ngayong araw na kasi ang pagpunta nila Damon sa mansion kasama ang kanyang mga magulang para pag-usapan ang engagement party namin nung Chinese na iyon na gaganapin next week at gaganapin iyon sa araw ng kaarawan ko.

"Tuloy na tuloy na ba talaga iyong engagement party niyo nung anak ni Mr. Sy next week?" tanong sa akin ni ate Nene habang naglalakad kami papasok ng palengke.

Tumango lang naman ako bilang sagot.

"Payag kang matali sa taong hindi mo gusto?"

"Katherine, iyang bibig mo." Sita naman sa kanya ni Manang Felly na nasa unahan namin.

"Okay lang po, Manang." nginitian ko ang matanda saka ko naman tiningnan si ate Nene na nasa tabi ko. "Kahit naman sabihin ko sa Lola ko na ayaw kong makasal sa anak ni Mr. Sy ay wala pa rin magbababago. Kahit umayaw ako, ipapakasal pa rin niya ako sa Chinese na iyon. Alam mo naman si Lola, may isa lang siyang salita at hindi mo ito magbabago pa."

"Bakit kaya ganyan kayong mayayaman no?"

"Hindi ako mayaman ate, si Lola ang mayaman."

Umiling naman siya habang naglalakad pa rin kami at nakasunod kay Manang Felly. Papunta kasi kami ngayon sa bilihan ng mga gulay.

"Uso pa rin pala ang arrange marriage no?" rinig kong tanong ni ate Nene. "Buti na lang hindi ako naging mayaman tulad mo. Kung nasa sitwasyon mo lang siguro ako ngayon? Nako, baka umalis na ako sa bahay at makikipagtanan ako sa lalaking gusto ko, kaysa naman iyong ikasal ako sa hindi ko naman gusto!"

Napapasang-ayon na lamang ang utak ko sa mga sinabi ni ate Nene. Kung pwede lang sanang makipagtanan ay ginawa ko na, pero ang problema ay wala naman akong boyfriend na pwede kong itanan.

Natigil naman kami sa paglalakad nang nasa bilihan na kami ng mga gulay.

Napatingin naman ako sa paligid ko. Maraming tao at naghalo-halo ang amoy. Nandiyan ang amoy ng mga malalansang isda, kanal, mga bulok na gulay at prutas at iba pa.

"Ano iyon suki?" tanong ng nangtitinda kay maang Felly.

"Bigyan mo nga ako ng isang kilong repolyo at kalahating carrots." tumango lang naman ang nangtitinda kay Manang at nagsimula na siyang kumuha ng mga sinabi sa kanya ni Manang Felly.

Habang abala akong nakatingin sa mga gulay na nasa harapan ko ay bigla akong hindi naging komportable sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin. Kaya ang ginawa ko ay nilibot ng mga mata ko ang lugar kung nasaan ako at hinanap ko kung may nakatingin ba sa akin o wala, hanggang sa dumako ang mga mata ko sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa amin.

Parang may kamukha ang babaeng iyon?

"Lei..." bumalik naman ako sa diwa ko nang marinig ko ang boses ni Manang Felly. "Tara na, ano pang tinitingnan mo diyan? May nakita ka ba na gusto mong bilhin?" tanong nito sa akin.

"Wala po, Manang. Sige po, tara na po." wika ko at nauna na akong naglakad palabas ng palengke.

Habang naglalakad ako palabas ng lugar na iyon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang babaeng nakita ko kanina at nakatingin lang ito sa akin.

Sino kaya ang babaeng iyon?

Parang nakita ko na dati ang mukhang niya.

Okupado ang isipan ko ngayon kaya hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag nila Manang Felly at ate Nene.

"Lei, okay ka lang ba?" nag-aalala ng tanong sa akin ni ate Nene kaya naman tinanguan ko lang siya.

"Sigurado ka ba, hija? Kanina ka pa namin tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo." dagdag naman ni Manang Felly.

"Sorry po." iyon lamang ang naisagot ko sa kanila at nauna na akong pumasok sa kotse kung saan hinihintay kami ni kuya Roger.

Pagpasok ko naman sa sasakyan ay napatingin sa akin si kuya Roger at saka nginitian niya ako kaya ganoon din ako sa kanya.

"Nabili niyo na ba ang lahat na kakailanganin sa mansion para mamaya?" tanong nito sa amin nang makapasok na rin sa loob ng sasakyan sina Manang Felly at ate Nene.

Tinanguan lang naman siya ni Manang Felly bago nito inilagay ang seatbelt niya. Nakaupo ngayon sa harapan si Manang Felly katabi si Kuya Roger, samantalang kami naman ni ate Nene ay magkatabing nakaupo sa likod ng sasakyan.

"Ang Damon ba na tinutukoy mo na anak ni Mr. Sy ay iyong lalaking bumisita noon sa mansion?" tanong sa akin ni ate Nene kaya naman nilingon ko siya.

Nakatingin ito sa akin habang hinihintay niya ang sagot ko.

"Oo, siya nga 'yon. Bakit?"

"Chinito pala siya?"

"Syempre, Chinese nga siya ate 'di ba?"

"Ay, oo pala." natatawang sambit nito at saka siya napakamot sa batok niya. "In fairness, gwapo siya at mukhang mabait. May posibilidad naman siguro na magkagusto ka sa kanya, no?"

"No way!" sigaw ko kaya naman napalingon sa amin sina manang Felly at Kuya Roger.

"Anong problema?" tanong sa amin ni Manang Felly pero umiling lang naman ako kaya tinanguan lang niya ako bago siya muling napatingin sa harapan ng sasakyan.

Hinarap ko naman ulit si ate Nene at saka ko sinagot ang tanong nito kanina sa akin.

"Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking iyon dahil napaka-bully niya sa akin. At isa pa, parang aso't pusa kami pag magkasama, kaya imposible ang sinasabi mo ate."

"The more you hate, the more you love." natatawang sambit nito sa akin at saka niya ako tiningnan sa mga mata ko."O, baka naman kasi may iba kang gusto kaya imposible kang magkagusto kay Damon?" natigilan naman ako sa tanong niya.

Ako may ibang gusto? E, wala nga akong gusto ni isa sa mga kaklase ko at sa kahit na sino. Mga mukha kasi silang tubol.

"Anong ibig mong sabihin, ate?"

Nagkibit-balikat lang naman siya at napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Hindi ka naman magkakagusto sa iba kung may gusto ka na talaga dati pa. Kagaya na lamang kapag nagsasagot ka sa isang exam. Hindi mo na mabibilugan pa ang isa pang sagot na nasa test paper mo kung may nauna ka nang binilugan at ballpen pa ang ginamit mo."

"Paano kung lapis iyong gamit niya?" biro kong tanong sa kanya pero seryo niya itong sinagot.

"Kung lapis ang gamit niya it means, he's not sure about his answer. Nagdadalawang isip siya sa mga sagot na nasa harapan niya. Dahil sa hindi siya sigurado sa nauna ay mas pinili niya ang ibang sagot without knowing na tama pala ang una niyang binilugan kaysa sa bago niyang pinili. Kaya siguro may pambura ang lapis dahil puwedeng-puwede mong baguhin ang una mong sagot at palitan ito ng bago." napako naman ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang itsura ni ate Nene na napalingon sa akin.

Umiiyak ito.

"Katherine, bakit ka umiiyak?"

Pinunasan naman niya ang luha niyang lumandas sa pisngi niya at isang malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin. Isang ngiti na alam kong peke.

"Okay lang ako. Naalala ko lang iyong napanood kong drama kanina. Iyon kasi iyong linya ng babaeng bida sa napanood ko kaya nadala ako." sagot nito saka niya ako nginitian muli at ibinaling niya ang kanyang atensiyon sa labas ng bintana.

Alam kong nagsisinungaling siya sa akin. Alam kong hindi sa dramang napanood niya kung bakit siya umiiyak ngayon dahil wala namang nakakaiyak sa mga sinabi niya. I know there is something wrong that's why she is crying right know.

Hindi ko na lamang siya tinanong pa muli kaya naman nanahimik na lamang ako sa kinauupuan ko at hinintay na makarating kami sa mansion.

Hapon na pero abala pa rin ang mga katulong na nasa mansion. Nandiyan iyong mga naglilinis ng loob ng bahay, iyong iba naman ay nasa labas para magwalis at ayusin ang mga bulaklak at meron ding nasa pool area kung saan nililinis nila ang pool at ang nasa paligid nito.

Kapag talaga may bisita na darating doon lang talaga naglilinis ng mabuti ang mga Pilipino sa kanilang tahanan.

Habang ako naman ay nasa kusina at tinutulungan sina Manang Felly at ate Nene na nagluluto ng ulam para mamaya. Magaling kasing magluto sina Manang Felly at ate Nene kaya naman sila ang inatasan ni Lola na magluto ng pagkain para sa mga bisita namin.

"Manang Felly, tikman mo nga po itong niluluto ko kung tama iyong timpla niya." tawag ko kay Manang habang hinahalo ko ang niluluto kong adobo na siyang paborito kong pagkain.

"Amin nga at matikman ang niluto mo." kumuha naman ng kubyertos si Manang para tikman ang niluto ko.

"Kumusta Manang?" tanong ko nang makita kong tinikman na nito ang niluto ko.

"Puwede na..." nginitian niya ako. "puwede ka ng mag-asawa." biro nito kaya naman natawa na lamang kami ni ate Nene.

"Hay nako Manang Felly..." umiiling na wika ni ate Nene sa kanya habang naghihiwa ito ng sibuyas.

Napatingin naman ako sa pambisig na orasan ko nang matapos kong patayin ang kalan na ginamit ko sa pagluluto ng adobo. Alas-sais na kasi ng gabi kaya naman tinanggal ko na ang suot kong apron at ibinigay ito kay Manang Felly. Maliligo na kasi ako dahil mamayang alas-siyete ang dating ng pamilya Sy sa mansion.

"Kayo na po ang bahala rito, Manang. Maliligo na po ako." paalam ko sa kanila ni ate Nene bago ako lumisan sa lugar na iyon.

Pagkalabas ko naman ng kusina ay nakasalubong ko si Lola na bihis na bihis na.

"Bakit hindi ka pa naliligo, Francheska?"

"Nagluto pa po kasi ako, Lola. But don't worry po, maliligo na rin po ako. Papunta na nga po ako sa kwarto ko e." turo ko sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Tumango lang naman siya sa akin at saka ito pumasok sa kusina. Kaya ako naman ay patakbo kong tinungo ang kwarto ko at agad na naligo.

Mabilis lang ang ginawa kong pag ligo dahil minamadali ako ni Lola. Habang nasa banyo ako kanina ay katok siya nang katok at sinasabi nitong ilang minuto na lang daw ay meron na ang mga bisita namin. Kaya heto ako ngayon, nakaupo ako at pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang blower habang nakaupo sa harapan ng salamin.

Nakasuot ako ngayon ng isang kulay krema na bistida na hanggang tuhod ang haba at pinaresan ko ito ng dollshoes. Hindi kasi ako mahilig sa mga sandals lalo ba iyong mga may heels kaya naman karamihan sa mga gamit ko ay dollshoes.

Tumayo naman ako sa harap ng salamin nang matuyo na ang buhok ko at tiningnan ang kabuuan ko.

"Parang magsisimba naman ako sa itsura ko ngayon." bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang damit ko.

Napalingon naman ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig kong may kumatok dito at saka bumukas ito at iniluwa niya rito si ate Nene.

"Nandiyan na iyong mga bisita niyo."

"Sige ate, susunod na po ako." tumango lang naman siya at saka isinara na ang pinto.

Ang akala ko ay naka-alis na siya nang tuluyan pero nagulat ako nang makita ko siyang sumilip muli sa kwarto ko.

"Maglagay ka naman ng polbo sa mukha mo at konting lip tint sa bibig mo." pagkasabi niya iyon ay tuluyan na siyang umalis.

Napatingin naman muli ako sa salamin. Walang koloreteng nakalagay sa mukha ko maski sa bibig ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga make-ups at lipstick dahil noong naglagay ako sa mukha ko noong bata ako ay nagka-allergy ako, kaya mula noon ay hindi na ako gumagamit ng mga pangkolorete sa mukha.

"Simplicity is beauty." nang sabihin ko iyon ay huminga na muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto ko at tinungo ang living room ng mansion kung nasaan sila ngayon.

Nasa hagdan pa lang ako pero naririnig ko na ang boses ni lola at iba pang boses na pagmamay-ari ng mga bisita namin na kararating lang.

"It's nice to see you again, Divina." rinig kong sambit ni Lola.

Sino iyong Divina? Iyon ba ang mama ni Damon?

"It's nice to see you, too. Mrs. Corazon." rinig kong sambit naman ng babaeng tinawag kanina ni Lola na Divina.

"By the way, Mrs. Corazon, where is your grandchild? Where is the future wife of my son?" kumunot naman ang noo ko nang marinig ko ang boses na iyon.

"Iyon na kaya ang papa ni Damon?" tanong ko sa sarili ko.

Papa nga siguro iyon ni Damon dahil base sa boses niya ay parang Chinese naman ang pagbigkas niya at iyong way nang pananalita niya. Parang boses ng duwende na naiipit.

"My grandchild?" muling tanong sa kanya ni Lola.

Nakababa na ngayon ako sa hagdan at naglalakad na ako patungo sa kanila. Nakatalikod sa akin ang mag-asawang Sy kasama ang kanilang anak na si Damon kaya hindi nila ako nakitang bumaba at si Lola lang ang napatingin sa direksiyo ko.

"She's here..." turo sa akin ni Lola kaya naman napalingon sa gawi ko ang mga bisita namin. "She's my grandchild, Eileithyia Mharie Francheska Isabelle Vizconde."

"Good evening sir..." bati ko sa lalaking katabi ngayon ni Damon na sa tingin ko ay siya ang ama ni Damon. "Good evening ma'am." ngayon naman ay hinarap ko ang kaisa-isang babae na kasama nila, ang ina ni Damon.

"Just call us, tito and tita." hinawakan ako ng mama ni Damon sa balikat at nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.

Ito ang pangalawang beses na nakita ko sila. At ito rin ang unang beses na makakausap ko sila at tungkol pa sa engagement party namin ng anak nila. Noong nasa hospital kasi si Lola ay hindi ko sila nakausap kung saan iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ang mga magulang ni Damon.

"Ma'am handa na po ang pagkain." napatingin naman kami lahat sa isang katulong na lumapit kay Lola.

"The food is ready!" masayang anunsyo ni Lola. "Let's go. Kumain na tayo para habang kumakain tayo ay pinag-uusapan naman natin ang nalalapit na engagement party ng mga bata."

"That's a great idea."

Nasa dining table na kami at nakaupo habang inihahanda naman ng ibang kasambahay ang mga niluto namin nila Manang Felly at ate Nene sa lamesa nang ungkatin ng papa ni Damon ang tungkol sa engagement party namin ng anak niya.

"So, when is the engagement party?" tanong ng ama ni Damon na si Mr. Dexter.

"Next week, Friday." sagot naman sa kanya ni Lola.

Napatingin naman ako kay ate Nene nang lumapit ito sa akin at saka bumulong ito sa akin habang nilalagyan niya ng tubig ang baso ko.

"Kung ako sa'yo, sasabihin kong ayaw kong matali sa taong hindi ko naman gusto..."

"I don't want to marry, Eileithyia."

Nagkatinginan naman kami ni ate Nene nang marinig namin ang sinabi ni Damon

"Mukhang inunahan ka na ng fiance mo." bulong sa akin ni ate Nene bago ito umalis sa tabi ko.

"What are you talking about Damon?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ng ama niya.

Napatingin naman ako sa mga magulang ni Damon at sa Lola ko. Halos hindi maipinta ngayon ang kanilang mga mukha habang nakatingin sila sa taong nasa tabi ko.

"Hijo, akala ko ba payag kang pakasalan ang apo ko?" halos pabulong na tanong sa kanya ni Lola.

"Sorry, but I don't like your grandchild." walang pasabing sagot nito sa Lola ko.

"Damon!" nagulat naman ako nang sumigaw ang mama niya kaya napatingin ako sa ginang. "stop joking around! Hindi nakakatuwa."

"I'm not joking mom..." napatingin naman ako sa katabi ko na seryosong nagsasalita habang nakatingin siya sa mama niya. "it is true that I don't like Eileithyia that's why I don't want to marry her." nilingon naman niya ako kaya napaupo ako ng maayos at tinitigan siya.

"Hindi ba ayaw mo rin ang arrange marriage na ito, Eileithyia?" nagulat ako nang tanungin naman ako ni Damon.

Napatingin ako sa mga magulang niya at sa Lola kong naghihintay sa sagot ko.

Oo, inaamin kong hindi ako pabor sa arrange marriage na ito pero natatakot akong aminin dahil inaalala ko ang kondisyon ni Lola. Paano kung bigla siyang atakihin ngayon sa puso kapag sinabi kong hindi talaga ako pabor sa arrange marriage na ito?

Matalim ang mga mata kong nilingon si Damon nang malakas niyang sinipa ang paa ko na nasa ilalim ng lamesa.

"Sige na, um-oo ka na. Alam ko namang ayaw mong matali sa akin at ganoon din ako." mahinang bulong nito sa akin habang kagat-kagat niya ang ngipin niya para hindi mahalata ng mga magulang niya at ang Lola ko na nagsasalita siya.

Napalunok na muna ako at nagdasal at tinawag lahat ng Santo bago ko hinarap ang mga magulang niya at ang Lola ko para sabihin sa kanilang hindi rin ako payag sa arrange marriage na gusto nila.

"I'm sorry, Lola. I'm sorry Tito Dexter...Tita Divina..." Isa-isa ko silang tiningnan bago ko tuluyang sabihin sa kanila ang matagal ko nang gustong sabihin sa Lola ko. "I don't want to marry, Damon. Tulad nang sinabi niya kanina, ayaw ko pong maikasal sa taong hindi ko naman gusto. At sa edad ko po na ito ay hindi pa po ako handang ikasal. I'm sorry, but there is someone else I like at hindi po si Damon iyon."