Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hate Me or Love Me (Tagalog)

πŸ‡΅πŸ‡­Blessedy_Official1
28
Completed
--
NOT RATINGS
198.7k
Views
Synopsis
Alam ni Al na wala siyang magagawa kundi pakasalan si Troy- ang lalakeng kalaban noon ng kanyang kumpanya at ang itinuturing niyang mortal na kaaway mapanegosyo man o sa personal. Ngayong pagmamay-ari na nito ang kanyang pinakamamahal na kumpanya, kaya ba niyang ibigay maging ang kanyang sarili dito upang makuha lang ang lahat nang nawala sa kanya? *********************************************** (Basahin ang kapanapanabik na istorya nina Al at Troy sa "Hate Me or Love Me" Don't forget to rate it, give your positive review & some power stones. Thank you!) HATE ME OR LOVE ME Copyright by B. M. Cervantes All Rights Reserved, 2020
VIEW MORE

Chapter 1 - Number 1 Enemy

"Ok ka lang, Al?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Trina ng mahalatang kanina pa siya balisa sa loob ng opisinang pinagtratrabahuhan.

Isang malalim na buntong-hinga na lamang ang isinagot niya dito. Alam niyang hindi pa niya kayang ipaliwanag ang sitwasyon niya dito.

Nagkibit-balikat na lamang ang kaibigan saka muling itinuloy ang pag-aayos ng mga papeles sa mesa nito.

Napapikit siya at tila kumuha ng lakas ng makitang nakarehistro ang pangalan ng ina sa screen ng kanyang cellphone.

"Ma." Tipid niyang bati ditto.

"Pinapaalala ko lang sa'yo na kadarating lang dito sa Pilipinas ni Troy. We're invited by his mom tonight. You better welcome your fiancΓ©." Wika ng ina sa kanilang linya na lalong nagpasakit ng ulo niya.

"Do I have a choice, ma?" Inis na sagot niya.

"Of course you have a choice, my dear. If you choose to continue this set-up, then both Bellafranco and Villas companies will be saved from bankruptcy which means both families future depend on the two of you. If you back out, then start preparing for the worst. So what will you choose?" Matatag na wika ng ina sa kabilang linya.

"Pwede bang none of the above, ma? Why should I take all the responsibilities?" Giit niya dito. Dahil napalakas ang boses niya ay kunot ang noong nilingon siya ng kaibigan. Mabilis naman siyang tumayo at nagtungo sa balkonahe ng building upang di na marinig pa ni Trina ang pinag-uusapan nila ng kanyang ina.

"Dahil you're the only Bellafranco who can save the family." Pagpapaala ng ina sa kanya na silang dalawa na lamang ang magkasama sa buhay. Pumanaw na ang ama dahil sa isang car accident na ikinamatay din ng ama ni Troy Villas VI. Ang pag-iisang dibdib ng dalawang tagapagmana ang solusyon upang mapag-isa ang dalawang kompanya at maiwasang umalis ang mga investors.

"I don't think I can do it, ma." Ani niya na pilit pinalalakas ang loob. Alam niyang mahirap na magpakasal sa taong hindi mo naman naging kasintahan ngunit mas mahirap na ikasal ka sa taong matagal mo ng kinamumuhian. That's right- Troy is her number 1 enemy. Magmula nang bata pa sila hanggang sa pareho na silang nakakuha ng pwesto sa kani-kanilang kumpanya, naging kakumpetensya na niya ito sa pagkuha ng mga investors. Marami ng beses na nagkukrus ang kanilang landas ngunit maaanghang na mga salita ang binibitawan nila sa isa't isa.

"I know you can, anak. Just set aside your personal issues with Troy anak. Think about your father & the future of our family." Pakiusap ng ina.

"Al! Al! Kanina pa kita hinahanap." Humahangos na wika ni Trina ng makalapit ito.

"Bye, ma. See you later." Paalam niya sa ina saka ibinulsa ang cellphone at hinarap si Trina.

"What's wrong?" Tanong niya dito. Bago pa man ito makasagot ay iniluwa na nag elevator na nakaharap mismo sa kinaroroonan niya ang lalakeng ayaw niyang makita.

"Hi!" Nakangising bungad sa kanya ni Troy na pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. White shirt at pants lamang ang suot nito at rubber shoes na parang halatang hindi magtatagal sa sadya nito sa kanya. Hindi makakaila na lalo itong tumikas sa paglalagi sa Amerika. Halatang sobrang alaga sa gym ang katawan nito dagdag pa ang mapupungay nitong mga mata. Hindi mo aakalain na sa matamis na mga ngiting laging nakaguhit sa mga labi nito ay natatago ang isang mapanganib nitong pagkatao.

Sumenyas naman si Trina na iiwan na sila. Alam kasi ng kaibigan kung gaano kalalim ang pagkamuhi niya sa lalake dahil ilang beses na nitong inaagaw ang mga projects at investors na siya ang unang nakakakuha.

Isang matalim na irap ang ibinigay niya dito saka humalukipkip at tumanaw sa malawak na siyudad na kitang-kita sa balkonaheng kinaroroonan.

"Wow! I've just come back after a year at 'yan ba ang matatanggap kong pagsalubong? You don't miss me, my future wife?" Natatawang wika nito na binigyan pa ng diin ang huling salita.

"I'm sure my mom told you na hindi ko sisiputin ang party mo mamayang gabi." Tila hindi interesadong sagot nito.

"Well, I'm sure you know na time is my most precious possession and I don't want to waste it. So tell me now whether you'll do it or not so I can better think of other possible ways to save my company and abandon yours." Balewala namang ani nito na sinalubong ang matatalim niyang mga tingin.

"Why do you want to marry me?" Diretchahan niyang tanong na lalong ikinalawak ng tingin nito. Muli siya nitong pinagmasdan mula ulo hanggang paa saka muling itinunghay ang mga mapupungay nitong mga mata sa kanya.

"I don't want to marry you but that's the only best option to make things work according to our plans, Al." Makahulugan nitong ani.

"You know why I'm hesitant to do it, Troy? I can't even stand a single second to see you." Inis na singhal niya dito. Isang malakas na halakhak naman ang isinagot ng lalake sa kanya.

"I know. It's ok to hate me, Al…but don't hate yourself once you'll witness that everything your father worked for all his life fall apart just because of your selfishness." Mariing bulong nito sa kanya.

"See you tonight!" Nakangiting ani nito sabay kindat sa kanya at tuluyan na siyang iniwan. Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa kanya.