"Villas and Bellafranco companies are now one." Deklarasyon ng attorney ni Troy habang inilalahad ang mga papeles sa harapan nila ng kasama niyang abogado sa loob ng opisina ng lalake.
Napatango naman siya saka kumawala ang malalim na buntong-hininga.
"And it means we have to stay in one office, my dear." Ani ng binata na seryosong ipinukol ang tingin sa kanya. Pakiramdam ni Al ay galit pa ito dahil sa pagtataboy niya palabas sa condo niya.
"I suggest you to stay here in Villas, Miss Bellafranco, since you will soon be a Villas." Wika naman ng abodago nito. Muli siyang napabuntong-hininga at sumulyap sa kasamang abodago at binigyan ito ng senyales upang magsalita.
"As of now, since she's not yet married to Mr. Villas, she will still stay at her company's office." Paliwanag ng kanyang abogado.
"I need to settle first the things I will leave there in my office to someone I trusted the most." Dagdag naman ni Al.
"Ok, fine then." Pormal na ani ni Troy na hindi pa rin ngumingi.
Lihim naman kinabahan si Al sa ekspresyon ng mukha nito na nakikita niya noon tuwing magkrukurs ang landas nilang dalawa at mapaguusapan ang kompetisyon. Alam niya kasing may gagawin na naman itong ikaiinis niya.
Tumayo sila at nagkamayan ang kani-kanilang abogado.
"So we'll leave you two here?" Tanong ng abogado ni Troy.
"No. I think wala na kaming dapat pang pag-usapan ni Miss Bellafranco." Sarkastikong wika ng lalake na madilim ang mikha.
"Ok." Sagot naman niya saka tinalikuran ang lalake at lumabas ng opisina nito.
"And why are you here, future Mrs. Villas? Hindi ba dapat ay nasa Villas ka na?" Bungad sa kanya ni Trina pagpasok niya sa kanyang opisina. Tila pagal siyang naupo sa kanyang swivel chair.
"I am not yet a Villas, Trina." Sagot niya.
"Yes, I know but soon you'll be so I think dapat sinasanay mo na ang sarili mo with Troy." Ani nito habang ipinapatong ang mga dalang folders sa mesa niya.
"I don't know Trina. Hindi ko yata kayang sanayin ang sarili ko with him. Every time na nakikita ko siya ay naalala ko lang lahat ng mga kasalanan niya sa'kin." Mapait niyang wika saka pumikit at minasahe ang ulo.
"So anong plano mo? Hindi ka na makakaatras sa kasal nyo lalo na ngayon at nag-merge na ang companies nyo." Tanong ng kaibigan na naupo sa upuan sa harap ng mesa niya.
"I really don't know." Ani niya sabay buntong-hinga at kinuha ang cellphone at nag-dial. SUmenyas naman si Trina na lalabas na at tango lamang ang itinugon niya dito.
"Hello, Mr. Hernandez. This is Miss Bellafranco-
"About the project you proposed last time, I'm sorry. We already signed a deal with the Villas just today." Putol ng kausap sa iba pa niyang sasabihin.
"Just today?! Right after we talked?" Galit na singhal ni Al sa sarili. Hindi niya napigilan ang mapabuga sa hangin.
"I thought Mr. Villas informed you already about that since you'll be marrying soon, and so I hope it will also be fine with you since the project will be both headed by your companies." Muling pagpapaliwanag ng lalake.
Tama. May point naman ito. Iisa na nga lang naman pala ang mga kumpanya nila ngayon kaya kahit hindi siya ang nakakuha sa proyektong ito ay ok lang dapat, ngunit hindi maintindihan ni Al kung bakit inis ang kanyang narararamdaman.
"Yes, ofcourse. I know it. I call you to inform you about it." Pagsisinungaling niya.
"That's great then, Miss Bellafranco."
Matapos na makipag-usap dito at idinayal naman niya ang numero ni Troy. Hindi nito sinasagot ang kanyang tawag kahit ilang pa-ring na ang ginawa niya.
Inis na tumayo siya at sinuot ang kanyang coat at muling tinahak ang kalsada patungo sa Villas Building.
Lahat ng mga mata ng mga empleyadong naroroon ay napakapinid sa kanya habang patungo siya sa opisina ng lalake. Makikitang abala ito sa pagpipirma sa mga papeles. Napaangat ang ulo nito ng tila may ibinulong ang secretary nito.
"Welcome back, Miss Bellafranco!" Nakangising ani nito saka sumenyas sa secretary nito na iwan muna sila. Pagkatapos ay muli nitong itinuon ang pansin sa mga papeles na pinipirmahan.
"Why did you tell me about the deal with Mr. Hernandez?" Napakapamey-awang niyang ani.
"Why don't you like to stay here?" Balewala namang pag-iiba ng usapan nito na ang pansin ay nasa mga papeles pa rin.
"So this is all about that. Kinuha mo na naman ang client ko dahil hindi mo na naman nakuha ang gusto mo sa akin. We're partners now, remember? So I should know before you make decisions. That decision should be mutually agreed by both parties!" Pagpapaliwanag niya dito sabay agaw sa papeles na binabasa nito. Sinalubong niya ang madilim nitong mukha.
"I know. But what's wrong about the project? You should thank me because I get the project. Kung hindi ako nakealam, baka sa ibang kumpanya na nakipag-deal si Mr. Hernandez." Sagot ng lalake na tumayo at tumunghay sa kanya. Dahil 6'2 ang height nito habang siya ay 5'5 lamang kaya napaangat siya ng ulo upang makipaglaban ng titigan dito.
"Definitely. He probably deals with Bellafranco." Mabilis niyang tugon.
Napangisi ang lalake at dahan-dahang lumapit sa kanya hanggang gahibla na lamang ang pagitan ng kanilang katawan.
"Are you competing with me until now, Al?" Nakangisi pa ring tanong nito.
"That's the question I should ask you. You know I was working with that project before you." Inis na wika niya.
"I am helping you, Al. One of my executives informed me that Mr. Hernandez planned to deal with the Hiroshi Group of Companies, one of our competitors in terms of software development, so I easily contacted Mr. Hernandez and offered him what would benefit him more. I am glad he accepted my offer." Mahinahong pagpapaliwanag nito.
Nakaramdam namang ng pagiging guilty si Al sa sinabi nito. Napahinga siya ng maluwag at nag-iwas ng tingin dito.
"At alam mo ba sa pakiramdam, Al, ang tumulong ka sa isang tao, pero imbis na pasalamatan ka niya, ay siya pa ang nagalit sayo?" Pangungunsenyang tanong nito.
Napabuga naman siya sa hangin at muli itong tiningnan. Maaliwalas na ang mukha nito na tila nahalata na naiintindihan na niya ang sitwasyon.
"Fine. I'm sorry." Ani niya bilang pagsuko dito. Sumilay naman ang malawak na ngiti nito sa labi sa narinig.
Nagpatango-tango ito ngunit tila hindi kumbinsido sa paumanhin niya.
"Well, I like you're sorry but I will not accept that unless you do what I want." Makahulugang wika nito kasabay ang kakaibang kislap sa mga mata.
"What do you want then?" Pabuntong-hingang wika niya.
"Stay here in my office."