"Valerie?! Oh my God..." Gulat pero masayang ani ni Al ng tumawag ang kaibigang matagal ng hindi nakakausap simula ng magpunta ito sa Germany. Sandali niyang sinulyapan si Troy naabala sa pakikipag-usap sa secretary nito ngunit bigla rin siyang sinulyapan ng marinig ang pangalan ng kapatid.
"I'm back, Al. I miss you. Can we meet tonight?" Malambing na wika nito sa kabilang linya.
"S-sure." Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa kakaibang sulyap sa kanya ni Troy. Ngunit may isang bahagi ng isip niya na nagbubulong na marahil ay gusto lang siyang makita at makausap ni Valerie.
Mahigpit ang ginawang pagyakap nila sa isa't-isa sa halos dalawang taong hindi nila pagkikita.
"You still look the same- so gorgeous, girl!" Masayang bulalas ni Valerie ng magkita sila sa isang eksklusibong cafe.
"You, too- still pretty. How's Germany?" Pagsisimula niya sa usapan.
"Well, the best thing about Germany is that I met my boyfriend Lukas." Nakangiting sagot nito sabay kindat sa kanya.
"Really?! Good for you! Tell me about him. I am curious about the man who tamed the pussy cat." Natatawa niyang wika.
"Well, he's also a Filipino. He's rich, handsome, and hot. He's perfect." Tila wala sa sariling ani nito.
"Oh.. so you are really in love..." Natatawa niyang ani.
"So how about you and my brother? I am really so happy hearing the news that you two will get married."Ani nito sabay kindat sa kanya.
"Honestly? I hate seeing him." Pag-amin niya dito na muntik ng ikabuga nito sa ininom na kape.
"Why? You still can't forget what he did to you? it's just business, Al. Don't take those things personally." Malungkot na wika nito.
Napabuntong-hininga naman ng malalim si Al.
"I know, Val. But he made my life so miserable!" Paliwanag niya dito habang inaalala ang mga panahong laging muntik nang malugi ang kanyang kumpanya dahil dito, ang halos araw-araw niyang pagpapalano upang maisalba ang kumpanya habang dinadamdam pa ang pagkamatay ng ama dahil na rin sa sobrang stress na isa sa kanyang sinisisi ay ang lalake, at ang halos wala niyang tulog upang matapos lahat ng papeles para sa ikasusulong ng kumpanya niya.
"And I can't stand seeing him everyday, Val!" Pagpapatuloy niyang pagtatapat dito habang lalo pang sumimangot sabay inom sa kape na inorder.
"Give my brother a chance, Al. I know him. If he's decided into something, he'll do everything to make it work." Paliwanag naman ni Valerie saka rin humigop ng kape sa tasa nito.
"I don't think so, Val. He annoys me everyday! can we just change the topic?" Inis niyang wika habang inaalala ang ginagawa pa rin nitong pakikipagkompetensya sa kanya kahit na napagkasundun na nila sa harap ng kani-kanialng abugado ang pag-memerge ng kanilang mga kumpanya.
Naiiling na lamang si Valerie habang pinagmamasdan andg inis na mukha ni Al.
"Ok. How about winding up a little bit? I am planning kasi to go to Puerto Galera next week. Why don't you come with me? Para atleast, ma-relax ka muna..without my brother." Suhestyon ni Valerie.
"That sounds good, Val...pero sa tingin mo ba papayag ang kuya mo?" Tanong naman niya dito.
"I think so. Remember, he's my brother. He'll do anything for me." Nakangiting ani nito sabay kindat dito. Kinuha nito and cellphone sa bag.
"Hello, kuya! Pwede ko bang hiramin muna si Al for a week?" Tanong nito sa kausap sa kabilang linya. Matagal itong nakikinig sa sinasabi ng kausap kaya alam niyang hindi pumayag ang lalake.
"Ok." Tipid na lang nitong sagot saka muling ibinalik ang cellphone sa bag.
"So what did he say?" Tanong niya dito.
"He said Yes! You better prepare na, girl!" Masaya naman nitong pagbabalita sa kanya.
"Really?! Hindi niya makapaniwalang bulalas.
"Yup! Ang dami niyang bilin actually. He cares for you." Nakangiting wika ni Valerie.
"Dahil pag may masamang nangyari sa akin sa resort, babagsak ang kumpanya niya." Sagot naman niya saka humalukipkip.
"You're so nega, girl! Come on. Let's go shopping na lang ng mga kailangan nating dalhin." Wika nito.Wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa babae.
Isang private plane ang sumalubong sa kanila pagbaba sa kotse. Binuhat ng driver ang kanilang mga gamit ni Valerie.
Napahinga siya ng maluwag pagupo sa malambot na upuan sa loob saka lumagok sa kopita na may wine sa mesa. Naupo naman sa harapan na upuan niya si Valerie.
Maya-maya pa ay nakaramdam na siya ng hilo. Ang nagaalalang mukha ni Valerie ang huli niyang naaalala bago siya tuluyang mawalan ng malay.