Chereads / Hate Me or Love Me (Tagalog) / Chapter 12 - Fight

Chapter 12 - Fight

"Pool Party?" Tanong niya kay Valerie ng iinvite siya nito. Sem-break kasi nila at tinanong niya ito kung ano ang pwede nilang gawin para mag-relax.

"Yes. Di ba sabi mo gusto mong mag-enjoy?" Ani nito.

"Ok, basta wala ang kuya mo." Giit niya. Napatawa naman ito.

"Tayo-tayo lang ng mga classmates natin. Hindi ugali ni kuya ang maki-party sa party ng iba." Pangungumbinsi nito.

Napahinga siya na malalim at sumang-ayon dito.

Malalakas na tunog ng musika at mga hiyawan ang sumalubong kay Al sa swimming pool area ng mansion ng mga Villas. Pamilyar na sa kanya ng lugar dahil doon niya unang nakita ang hubad na katawan ni Troy. Sa isiping iyon ay hinamig niya ang sarili at pinilit ngumiti at binati ang mga kaklaseng naroon na.

Napatili siya ng itulak siya ni Valerie sa pool matapos magbihis at isuot ang kanyang color black na two-piece swimsuit. Natatawa namang agad niya itong nahila kaya nahulog din ito sa tubig. Masaya silang naghahalakhakan ng biglang mamatay ang musika at lahat sila ay mapatingin sa kung sinumang nagpatay ng speaker.

"Kuya?" Nagtatakang wika ni Valerie na umahon sa pool at lumapit sa kapatid na naka-swimming trunks kasama ang mga barkada nito na naka-swimming trunks din. Halos lahat ng mga babaeng kasama nila ay namimilog ang mga mata na nasa harapan nila ang mga iniidolo at pinagpapantasyahan ng school.

"You never mentioned about this, Valerie. Paano ba 'yan, akala namin walang tao dito sa pool. We planned about this din. Ok lang ba na maki-join na lang kami sa inyo?" Tanong nito na tila hindi alam na naroroon siya dahil kay Valerie lang ito nakatingin. Gusto na ni Al na umahon at itago ang sarili at tumakas bago pa man maki-join ang mga ito sa kanila.

"Yes!!!" Nakabibinging sigaw naman ng mga kaklase niya kasabay ang muling pagtunog ng musika. Sabay-sabay na nagtalunan sa pool ang mga ito. Agad namang pumunta sa tabi si Al upang hindi siya mapansin ng mga ito.

"Why are they here?" Inis niyang bulong kay Valerie.

"I have no choice, friend. Nag-agree ang lahat." Paliwanag ni Valerie. Inis naman niyang pinukol ang mga mata kay Troy at sa mga barkada nito na nasa pool na nakikipagtawanan sa mga babaeng kaklase nila.

"This is insane." Bulong niya sa sarili saka tila may kumislap sa isip niya. Hindi niya alam kung ayaw lang talaga siyang pansinin ng lalake o talagang hindi lang nito alam na andun siya.

Kaya naman tila slow motion ang ginawa niyang pag-ahon. Lahat ng mga mata'y napatingin sa kanyang magandang hubog ng katawan at makinis na kutis na nakaladlad dahil sa suot lamang na two-piece swimsuit.

Kakaibang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Troy ng makita ang pag-ahon niya pero hindi siya nag-abalang sundan ito. Gusto niyang matiyak kung may interes din ang babae sa kanya. Maaring tumalab ang plano niya na kunwari'y hindi niya ito pinapansin upang makita kung gagawa ito ng paraan upang makuha ang atensyon niya.

Narinig niya sa katulong nila ang Pool Party na ino-organize ng kapatid para sa mga kaklase nito kaya alam niyang pupunta si Al. Ito na ang pagkakataong hinhintay niya. Kaya naman ng pumasok sila sa pool area kasama ang barkada niya, si Al agad ang unang hinanap niya. Agad naman niya itong nakitang nakikipagtawanan sa mga kasama sa pool ngunit nagkunwari siyang di ito nakikita. Maging nang mag-dive sila ng barkada sa pool ay kita niya ang mabilis nitong pagpunta sa tabi at nakipagsiksikan sa mga kaklase para hindi niya makita.

"Hi!" Wika ng papalapit na si Will sa kinauupuan niya matapos na umahon at ibalot sa robe ang sarili. Naupo rin ito sa tabi niya.

"Hi! Will, right?" Bati naman niya dito. Nakangiti naman itong tumango.

"I'm just curious bakit parang di ka yata nag-eenjoy?" Tanong nito na pinagsalin siya ng juice sa baso. Inabot nito sa sa kanya na kanya namang tinanggap.

"I was enjoying actually but you guys came." Mapait niyang wika dito. Napatawa naman ito.

"Well, we're sorry. Troy just badly wanted your attention." Balewala nitong ani.

"My attention?" Napapantiskuhan niyang tanong saka sinulyapan si Troy nakatingin sa gawi nila ni Will habang nakikipag-usap ito sa mga kasama sa pool.

"He's used to have the girls he likes, but you're different. You keep pushing him away. And he feels challenged." Ani nito.

"You mean he likes me?" Di niya makapaniwalang bulalas.

"I am not sure if that "like" is the "like" for a girl to be his woman, or the "like" to tame the woman he believes should be controlled." Makahulugang nitong ani.

Naiintindihan niya kung ano ang gustong sabihin ni Will. Base sa mga kwento ni Valerie sa kanya tungkol sa kapatid nito, alam niyang ugali ni Troy na mangontrol na tao. Gusto niya ay siya lang ang laging nangunguna sa lahat ng bagay. Hindi siya pumapayag na hindi nakukuha ang kanyang gusto. Lahat ay nakukuha nito.

"Pwes, ibahin mo ako Troy. You are my crush but it doesn't mean you can play with my emotions." Ani niya sa sarili saka lumagok sa baso ng juice na hawak.

"I am too young, Will, para pagaksayahan ng panahon ang kahit sinong lalake..kahit si Troy pa 'yan. I want to focus muna sa studies ko." Bagkus ay sagot niya kay Will saka bahagyang napalunok ng makitang umahon na si Troy sa tubig at nagbalot ng tuwalya saka nakangiting lumpit sa kanila.

"Hi! Don't like the pool?" Tanong ni Troy sa kanya saka bumaling kay Will na napawi ang ngiti sa labi dahil sa tila naniningkit na tingin ni Troy sa kanya.

"Gumagabi na kasi so kailangan ko na ring umuwi." Nagmamadali siyang tumayo at inayos ang gamit.

"Pero kasisimula pa lang yata ng party nyo?" Tanong ni Troy.

"I forgot, my term paper pa pala ako isa-submit bukas. Bye!" Nagmamadaling paalam ni Al saka iniwan ang dalawa. Binalingan naman ni Troy si Will.

"What did you tell her?" Tanong niya sa lalake dahil mula sa pool kanina ay kita niya kung paanong nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Al ng kausap ni Will. Mas lalo pang naningkit ang mata nito nang magtama ang kanilang mga mata.

"Nothing. I said I will help you, right?" Ani nito.

"Did I tell you to help me, Will?" Naiiling na ani niya saka nasabunot ang buhok sa ulo at umalis sa pool area at dumiretcho sa shower room ng kwarto niya. Hindi niya gusto ang mga tingin ni Will kay Al. At mas lalong hindi niya gusto ang katotohanang nais ng inituring na kaibigan na makipagkumpitensya ngayon sa kanya para kay Al.

Hindi pa siya natalo sa anumang laban. Hindi pa siya natutong sumuko kailanman.