Chereads / Hate Me or Love Me (Tagalog) / Chapter 16 - Real Feelings

Chapter 16 - Real Feelings

Dalawang araw na mula ng makabalik sila at hindi pa rin mapakali si Al. Cancel ang mga flight sa aiport dahil sa bagyo at wala din kuryente kaya alam ni Al na hindi niya matatawagan si Troy.

"You better sleep with me tonight, Al. What do you think?" Nag-aalalang tanong ni Valerie ng puntahan siya sa opisina. Namumugto kasi ang mata niya at malalim ang kanyang eyebags na halatang wala siyang sapat na tulog.

"Ok." Pilit ang ngiting ani niya.

"Allaire, iha, welcome to our home!" Masiglang bati ng ina ni Valerie na mababanaag din ang lungkot sa mata.

"All of us are worrying about Troy but I'm sure hindi siya pababayaan ng Diyos. He will come back home safely." Wika ng ginang na niyakap siya ng mahigpit.

"You're worried about my brother, right?" Panunudyo ni Valerie sa kanya habang nakahiga silang magkatabi.

"Why should I?!" Inis naman niyang ani.

Napatawa naman ito.

"Well, I am telling you this hindi para maalis ang galit mo sa kuya ko. But this is a secret I promised my brother not to tell you." Seryosong ani naman ng katabi kaya napabaling siya paharap dito.

"What's that?" Tanong niya dito.

"You were my brother's first love way back in high school days, Al." Sagot nito.

Napatawa naman siya ng malakas at napatitig dito.

"I am not joking, friend." Seryoso nitong ani kaya naging seryoso na rin ang mukha niya.

"If that's the truth, why he did not say anything to me then?" Tanong niya.

"That's the question you have to ask him pag umuwi na siya, Al." Sagot nito.

"Really? You are unfair!" Natatawang singhal niya dito saka hinampas ito ng una. Gumanti naman ito hanggang mapuno ng tawanan ang kwarto nila. Napahinto sila ng biglang bumukas ang pinto.

"Girls, Troy is here!" Ani ni ng ginang. Agad naman silang napatayo ni Valerie. Hinila siya nito pababa sa living room ng mansion.

Natakpan niya ang bibig sa nakitang itsura ni Troy. Basang-basa ito na halatang sinuong ang malakas na ulan. Malamlam ang matang nakatitig ito sa kanya.

"Get Troy a towel and clothes, Yaya Maring!" Utos ng ina nito sa katulong na mabilis na tumalima.

"Did you not miss me?" Tila nahihirapang tanong nito sa kanya nang tila blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha ng dumating sila ni Valerie.

Napalunok siya at pinigil na lumagpak ang nangingilid na luha sa mga mata. Halos hindi na siya makakain at makatulog sa pag-aalala dito.

Nang ibuka ng lalaki ang mga braso upang anyayahan siyang yakapin ito ay hindi na siya nagdalawang-isip na yakapin ito na mahigpit kahit basang-basa ito ng ulan.

Kinikilig naman at masayang nagtinginan si Valerie at ang ina nito.

"I miss you so much, babe." Bulong sa kanya ni Troy habang yakap siya ng mahigpit saka siya kinintalan ng maliit na halik sa labi na hindi alintana may kasama sila.

"Pareho na kayong basa ni Al, anak. Magpalit muna kayo ng damit then you eat dinner." Wika ni ina.

"You better change your clothes, Troy." Ani niya dito na naguguluhan pa rin sa nararamdaman. Pero ang natitiyak niya ay masaya siyang makita na ligtas ang lalake.

Ngumiti naman ito saka siya muling kinintalan ng maliit na halik sa labi saka nagmadaling umakyat sa silid nito.

Namumula naman ang mukhang bumaling siya kay Valerie.

"Pahiramin muna kita ng damit." Ani ni Valerie saka siya binigyan ng isang kindat.

"I'll go home na lang. Troy needs rest. Thanks, tita." Paalam niya.

"W-wait, iha!" Naririnig niyang pagtawag sa kanya ng ina ni Troy ngunit mabilis siyang lumabas ng mansion at pinatakbo ang kanyang sasakyan.

Kailangan niya munang hamigin ang sarili. Masyado na siyang naapektuhan ngayon ni Troy. Kailangan niya munang tiyakin kung ano ang nararamdaman niya para dito at kung ano talaga ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya.