"And what's the meaning of this?" Takang tanong sa kanya ni Trina ng makitang dala-dala ng mga tauhan nila ang mga kabundok na files at ipinasok sa opisina niyang nabakante din ng ilang linggo dahil sa pamamalagi niya sa Villas.
Hinintay niya munang makalabas ang mga inutusan maghakot at maiwan silang dalawa bago sagutin ang kaharap.
"From now on, I'll be staying here." Matatag niyang deklarasyon.
"How about Troy? I mean, alam ba niya ito?" Di makapaniwalang bulalas nito.
"He's my fiance but it doesn't mean na lahat na lang ng desisyon ko sa buhay ay papakealaman niya." Madilim ang mukhang ani niya at tila pagal ang katawang naupo sa kanyang swivel chair.
"So nag-away kayo for sure." Nakangising ani ni Trina na nakapamay-awang sa harap niya.
"You may call it that way pero hindi na ako mag-oopisina sa Villas." Matatag na wika niya.
"And do you think ganun ganun lang palalampasin ni Troy eto? Baka nga maya-maya anjan na siya!" Napapantiskuhang ani nito ngunit napaawang ang labi nito ng biglang bumukas ang pinto at iluwa si Troy na madilim ang mukha. Naiiling na lamang na lumabas si Trina at isinara ang pinto.
"What's this?" Mahinahong tanong ng lalaki sa kanya.
Nagsimulang maningkit ang mga mata niya. Muling bumalik sa isipan niya ang larawan nito. Lalong nagngitngit ang isipan ng kunwa'y nagseselos pa ito kay Matt. Iyon pala ay ito ang may ginagawang kababalaghan sa likuran niya.
"I will not stay in Villas anymore." Matagtag niyang wika sabay irap dito.
Napatawa naman si Troy at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.
"Why? What happened, babe? You just kissed me a while ago." Nagtatakang ani nito sa ikinikilos niya.
Napapikit siya sa alaala kung gaano sila ka-sweet kanino bago niya matanggap ang X Files email.
"Let's say I want a space muna, Troy." Mahinahong wika niya.
"Are you breaking up with me, Al?" Hindi makapaniwala nitong bulalas.
"Remember, hindi naman naging tayo, Troy." Nakangisi niyang ani.
"Hmmm..." Tipid na wika ng lalake saka lumapit sa kanya at naupo sa swivel chair sa harap niya. Sandali siya nitong pinag-aral at kunot-noong nag-isip kung ano ang maaring dahilan ng kanyang biglaang pagkagalit dito.
"Don't think too much, Troy. I just asking for a little bit of space but our engagement is still set based on the agreement." Siya na ang pumutol sa iba pang iniisip.
Huminga ito ng malalim.
"Alright. I'll let you stay here for few days but you have to be back pag na-clear mo na ang mind mo. I don't know your problem, babe. But talk to me about it, please?" Paglalambing nito na ang mga mata ay nagsusumamo.
Nanatili lamang siyang nakahalukipkip. Bumuntong-hininga ito saka tumuyo.
"Remember, I love you, ok? See you tonight sa condo. You have to tell me everything later, ok? I'll cook your favorite spaghetti." Nakangiti nitong ani sabay kindat sa kanya. Hindi niya ito pinansin hanggang sa tuluyang nakalabas.
"So mabuti naman at wala akong narinig na away." Ani ni Trina pagpasok.
Huminga na lamang siya ng malalim saka halos kuyumusin ang hawak na papel. Kailangan niyang magplano ng dapat gawin sa sandaling mapatunayan niyang niloloko siya ni Troy.