Chereads / Hate Me or Love Me (Tagalog) / Chapter 27 - Just Love

Chapter 27 - Just Love

"Are you really going to end it like I died?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Al habang binabasa niya ang script ng pelikulang sinulat ni Valerie.

"Films are just fiction, Al." Reklamo naman ni Valerie ng hilahin ang papel na hawak niya.

"Don't name your characters Al and Troy, then!" Singhal niya dito. Kasalukuyan kasi nilang tinetake ang major na film making bilang second course nila matapos ang business.

"Fine." Nakanguso namang sagot nito.

"So who's the mastermind pala sa panghohostage?" Tanong niya dito.

"WilI! Who else?!" Natatawa nitong ani.

"At ginawa mo pa akong kontrabida dyan!" Reklamo ng lalake na nakaupo sa tapat nila na abala sa paglilinis ng lente ng kamera.

"Bakit? Di ba naging kayo ni Al? Syempre inaassume ko na magseselos ka to the extent na maoobsess ka sa kanya!" Paliwanag nito.

Naiiling na lamang si Will saka umakbay sa katabi nitong babae.

"I have found my one true love na so stop it, Valerie!" Nakasimangot na ani nito ngunit nakangiting kinindatan ang katabi.

"Alright, I think nag-over time na tayo. Let's call it a day." Tila pagal niyang wika saka tumayo.

"It's almost eleven na, Al. Sabay ka na, ha. Nagpasundo ako kay kuya." Ani nito na may tono ng pangaasar.

Napabuga naman siya sa hangin ngunit bago pa siya makapagreact ay huminto na ang magarang kotse sa harapan nila.

Tila slow motion sa paningin ni Al ang pagbaba ni Troy na mapupungay ang mga matang sumulyap sa kanya.

"Ride na, girl!" Pukaw ang atensyon sa kanya ni Valerie na nakasakay na pala sa loob ng passenger's seat.

Naiilang naman siyang sumakay.

"Am I your driver?" Reklamo nito.

"Ikaw na ang tumabi kay kuya, Al." Ani ni Valerie ng sikuhin siya.

"You are his sister!" Pinanlalakihan naman ng mata na ani niya dito.

"Come here, Al." Pagtawag nito sa kanya na pinalambing pa ang boses.

Napapikit siya saka inis na naupo sa tabi nito.

"Sorry na, babe. Please?" Nakangiting pakiusap nito na pinapungay pa ang mga mata.

"Hay kuya, bakit kasi hindi ka mag-aral magpalit ng diaper ng bata? Gigisingin mo na lang ba lagi ang asawa mo 'pag nagpupu si Bella?" Pang-aasar ng kapatid.

"Paandarin mo na ang sasakyan, Troy! Kawawa si mommy mo, siya nagbabantay kay baby!" Pairap niyang wika dito.

"Kiss me muna, babe. Please?" Nakangiting ani nito.

"Oy, may kasama kayo!" Paalala ni Valerie.

Natatawa naman siyang binigyan ng maliit na halik sa labi si Troy. Napapikit na tumitili naman si Valerie. Alam niyang may dinagdag si Valerie sa script na sinulat nito na adaptation ng love story nila ni Troy na hindi naman nangyari lalo na ang hostage taking. Gusto lang daw nitong maging exciting ang kwento.

In reality, matapos siyang bumalik sa Villas ay agad siyang sinalubong ng halik ng lalake at nag-propose ito sa harap ng mga empleyado nito. Naging engrande ang kasal nila na dinaluhan ng mga maiimpluwensyang tao sa bansa.

Hindi pa man nakakalipas ang isang taon ay nabiyayaan na sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Bella.

"So what do you think, Al, ang magandang title nung movie na gagawin ntin?" Maya-maya ay tanong ni Valerie.

Sandali siyang nag-isip at kakaiba ang kislap na sumilay sa mga mata saka sinulyapan ang kaibigan.

"No Hate, Just Love." Nakangiting wika niya. Tila kinilig naman si Valerie sa sagot niya.

"Hmm..just love." Pag-uulit ni Troy saka siya tiningnan ng matiim.

"Just love." Ani rin niya na binigyan ito ng isang matamis na ngiti.

-W A K A S-