"Thanks, Matt." Ani ni Troy na iuwi ng lalaki si Al sa condo nito. Tinulungan niya itong maihiga ang babae sa kama nito.
"She's not been ok since she left Villas, Troy. She doesn't like to tell me but I believe it's definitely about you." Ani ni Matt na inabot ang kopita ng wine na inabot ni Troy. Kasalukuyan silang nasa sala.
Napabuntong-hininga naman si Troy.
"I know. I have an asset who is following her for a while now." Wika niya.
"You mean a stalker?" Tanong ni Matt.
Bahagya namang napatawa si Troy.
"I have to protect her, Matt. I love her and I'll do everything to keep her. That's my promise to her dad." Wika niya sabay lagok sa alak.
"But why you don't like to tell her everything? She seems confused." Paliwanag ni Matt.
Bumuntong-hininga si Troy saka muling lumagok ng alak.
"I want her to give me her love a 100%, Matt. I want her to love me without a doubt. If she keeps hating me, then it means she's not trusting me enough to ignore the lies around her." Malungkot niyang ani.
Napahinga naman ng malalim si Matt.
"What are you planning to do now?" Tanong ni Matt.
Napaisip naman si Troy at napasulyap sa silid ni Al.
"I'll act as if nothing happens and see what Al is planning- if she believes or not to all those people who want to destroy me." Ani niya.
"What if she believes them?" Mapanubok na tanong ni Matt.
"Then I don't deserve her and she doesn't deserve me." Matatag niyang wika ngunit sumisigaw ang isip niya na hindi siya makapapayag na mawala sa kanya ang babae.
"So you will let her go?" Muling tanong nito.
"I did not say that." Natatawa niyang sagot. Wala sa isip niya ang i-let go ang babae. Wala sa bukabolaryo niya ang sumuko.
"If I were Alaire's fiance, I will also do everything to keep her." Ani ni Matt.
"So you better do everything to keep her Troy. I can see in her eyes that she loves you." Pagpapatuloy nito.
Napangiti naman siya. Alam niyang nagkamali nga siya na pinagselosan niya ito. Mukhang magiging malapit niya ding kaibigan ang lalake tulad ni Al.
"Cheers to that, Matt!" Nakangiti niyang ani.
Napatawa naman si Matt at itinaas na rin ang kopita.
Nang magpaalam na si Matt at umalis ay napagpasyahan ni Troy na matulog na sa tabi ni Al. Kinintalan niya muna ng maliit na halik sa pisngi at labi ang babae bago na siya pumikit at nahimbing.
Kinabukasan, pupungas-pungas si Al ng magmulat. Nasapo niya ng ulo dahil sa hangover.
Napailing siya ng makita na nasa sarili siyang silid at katabi ang mahimbing pa na si Troy. Naaalala pa niya ang bilin kay Matt na huwag siyang iuwi sa condo.
"Good morning, babe!" Namumungay ang matang bati ni Troy sa kanya.
Inis na bumangon siya at padabog na pumasok sa CR at ibinagsak ang pinto pasara. Nang lumabas siya ay wala na si Troy sa higaan.
"Breakfast is ready, babe. I said yesterday I'll cook you spaghetti pero di ka umuwi agad. So eto, ininit ko na lang. Taste it, babe." Masiglang yaya ng lalake.
"Did you not get it, Troy? I don't want you here. Why are you here in my condo at the very first place?" Singhal niya dito na pinagkrus ang braso at humarap dito.
Kita niya ang pagkapawi ng ngiti ng lalake at napalitan ito ng madilim na mukha na madalas niyang namamalas noong kakumpetesya pa niya ito.
"You have to tell me why are you like that, Al." Seryoso nitong ani nito na nagpamulsa na humarap din sa kanya.
"I have nothing to explain. It's you who should explain to me." Matigas niyang wika.
"Like what?" Balik na tanong niya.
"Like what you did in Singapore." Pagsisimula niya saka naupo at inis na naglagay ng spaghetti sa pinggan. Naupo rin si Troy habang pinapanuod siya sa ginagawa.
"You know I was in business trip there, Al." Napapantiskuhang ani nito.
"Business trip, huh?" Inis niyang wika habang malinaw sa isip ang mga litrato ng lalake kasama si Zara.
"How about meeting girls?!" Pairap niyang tanong dito saka sumubo. Natigilan siya dahil masarap nga talaga ang spaghetti na niluto ng lalake.
"It tastes good right?" Nangingiting ani ni Troy ng makitang namilog ang mata niya at napatitig sa kinakain.
"I'm asking you a question!" Pagsusungit niyang singhal dito.
"Girls? Hmm..." Sandali siyang nag-isip. "My clients." Pagpapatuloy niya.
"Clients." Napapantiskuhan niyang pag-uulit.
"So..is it normal that you kissed a client, bring her to hotel, and stay with her there?" Tanong niya na itinigil muna ang pagkain upang makita ang reaksyon ng lalaki.
"Oh...I know now what you're talking about, babe." Natatawang wika ni Troy.
"Don't call me babe!" Inis na singhal niya dito.
"I did not know that my ex was there. I was staying in a hotel. She came to me, asking to get back to me. But I told her I am in love with you. She asked for a last kiss before she said goodbyde and I gave her a kiss. That's it!" Maaliwalas ang mukhang paliwanag niya.
"How did you know about it, Al? Have you sent someone to stalk me? Are you that obssessed with me?" May panunudyong tanong ni Troy.
"Why should I believe in you?" Tanong niya dito.
Nawala naman ang ngiti sa labi ni Troy. Napabuntong-hingi siya.
"When are you going to trust me, Al?" Seryosong tanong ni Troy na tila binabasa ang nasa isipan niya.
"I want to trust you, Troy. But you keep on doing things that make me doubt you!" Giit niya dito.
"Like what? You keep on judging me first, Al, before you even ask me. What should I do?" Mapait na wika nito.
"I am asking you now." Muling giit niya.
Mapait naman itong ngumiti.
"You are asking me 'just' now after mong umalis sa Villas, uminom kasama si Matt, at sungitan ako pagkagising mo." Ani nito na malamlam ang matang tumitig sa kanya.
Napapikit naman siya at huminga ng malalim. May point naman ito. Agad nga siyang nagalit ng makita ang mga pictures at hindi niya muna ito pinagpaliwanag.
"I am sorry." Kagat-labing wika niya.
Napabuga sa hangin ang lalake at saka tumayo.
"You know, Al, I am trying to work this out. I love you. But it seems it's so hard for you to trust me and love me back." Mabigat ang kaloobang wika ni Troy.
"Now tell me, are we going to continue with our wedding next week or not? If yes, then trust me. Sa akin ka lang makinig, Al. If not, then I'll give Bellafranco to you back as it is but I won't assure you if you can stop it from bankrupcy." Mapait na wika ng lalake.
Napaawang ang labi niya at napatitig dito. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kirot sa puso sa isipang may bahagi pala sa utak ng lalake na hindi ituloy ang kasal.
Pinilit niyang hamigin ang sarili. Hindi ba una palang ay ayaw niya naman talagang makasal sa lalake? Una palang ay kinamumuhian na niya ito? Hindi ba't ang nais lamang niya ay makuha muli ang kumpanya?
"I'll give you only today to decide, Al. Dahil kung itutuloy natin ang kasal ay marami pa tayong aayusin." Wika nito bago siya iniwan at umalis.
Tuluyan namang lumagpak ang luha sa mga mata ni Al habang sumusubo siya ng spaghetti. Hindi niya maintindihan kung bakit may sakit siyang nararamdaman sa puso. Nasasaktan siya ng maramdaman na tila handa ito sa anumang magiging desisyon niya- maging kahit pa marahil hindi na matuloy ang kanilang kasal.