Chereads / Hate Me or Love Me (Tagalog) / Chapter 25 - Hold On

Chapter 25 - Hold On

Hindi makapaghintay si Troy na masilayan muli ang magandang mukha ng fiance nang malamang bumalik ito ng Villas.

Lubhang nagalak ang puso niya sa pagbabalik nito dahil isa lamang ang ibig sabihin noon- gusto siyang pakasalan ng babae. At alam niyang walang ibang makapagpapasaya dito kundi ang muling maabalik sa pangalan ng babae ang sariling kumpanya. Kaya ginawa niya lahat ng paraan na makumbinsi ang board at lahat ng investors na pumayag at manatili ang kanilang mga shares dito.

Binilinan niyang mabuti ang sekretarya ng babae patungkol sa lunch meeting na sa totoo lang ay isang eksklusibong date para sa kanila.

Napakunot ang noo niya ng makita ang humahangos na si Beatriz sa parking lot.

"Sorry po sir pero nagmamadali pong umalis si Ma'am. Masama daw po ang pakiramdam." Nag-aalalang ani nito.

"What time siyang umalis?" Tanong niya.

"Mga five minutes palang po sir." Sagot nito.

Napatango siya dahil natitiyak niyang maabutan pa niya ang sasakyan nito.

"Wait po, Sir." Muling ani ng sekretarya ng dalaga bago niya isara ang pinto ng kotse. Halatang balisa ito.

"Yes?" Tanong niya.

"Nagkulong po kasi si Ma'am sa opisina kanina at nag-iiyak po mula nung binigay ko po ang envelop na pinabibigay nyo." Pagtatapat ng babae.

"Tears of happiness, maybe." Nangingiti niyang ani.

"Tingin ko po, hindi sir. Nagwawala po kasi at sumisigaw." Sagot nito na nakapagpawala sa magandang silay ng kanyang mga ngiti. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot.

Mukhang na-misunderstood ng babae ang intensyon niya. Naiiling siyang mas pinabilis pa ang pagmamaneho.

Napakunot ang noo niya na makita ang kotse ni Al na nakahinto sa tabi ng daan. Nanlaki ang mata niya ng makita ang isang lalake na buhat-buhat ito at walang malay saka isinakay sa isang itim na van.

Mabilis niyang sinundan ang van habang tinatawagan ang mga pulis. Alam niyang napansin ng van ang pagsunod niya dahil mas lalo pang pinabilis nito ang sasakyan.

"Hold on, babe. Please." Dasal ni Troy habang pinapatatag ang sarili habang nakikipagkarerahan. Bahagya siyang napahinga ng maluwag ng marinig ang wang-wang ng mga sasakyan ng pulis na hinahabol na rin ang van.

"Ikaw na muna ang bahala dyan sa office, Matt. Hinahabol ko ngyon ang kumidnap kay Al." Ani niya sa kabilang linya.

"What?!" Di makapaniwalang bulalas ni Matt.

Pinutol na niya ang linya at itinuon ang paningin sa sinusundang van hanggang sa mapalibutan na ito ng mga pulis kaya napahinto na ito.

Hinarangan siya nang mga pulis para hindi makalapit dito pero tanaw niya ang dahan-dahang paglabas ng lalake kasama si Al na nagkamalay na, ngunit nakatutok dito ang baril ng lalake.

Parang huminto ang oras para kay Troy. Pigil ang kanyang hininga. Ito ang pakiramdam na sa anumang oras ay maaring mawala sa kanya si Al.

Tila nabibingi siya ng mga sandaling iyon bagamat malakas ang mga hiyawan ng mga tao sa paligid, at ang boses ng pulis na nakikipagnegosasyon sa hostage taker ni Al.

Tanging ang napakabilis at napakalakas na pintig ng puso lamang ang kanyang naririnig.

Tila naging slow motion ang bawat sandali- ang kanyang pilit pagsingit sa katawan ng mga nakaharang na pulis upang makita siya ni Al at hindi ito panghinaan ng loob habang nasakamay ng nangho-hostage dito.

Hindi naman siya nagkamali dahil agad na sumulyap ang luhaang mata nito sa kanya.

"I love you, babe." Lumuluha ang matang buka ng bibig niya na alam niyang malinaw na mababasa ng dalaga.

"I love you, too." Pagbuka rin ng bibig nito na ikinahagulgol niya saka siya napapantiskuhang napangiti kahit na puno ng luha ang mga mata sa katotohanang sa ganoong kalagayan aaminin ng dalaga ang tunay na nararamdaman para sa kanya.

Ngunit napawi ang ngiting iyon ng hilahin siya ng mga pulis palayo sa babae kasabay ang mga malalakas na putok na baril.

"Al! Al!!!!!" Sigaw niya na pilit na humuhulagpos sa mga bisig ng pulis kasabay ang patuloy na pagragasa ng masaganang luha sa kanyang mga mata.

Maya-maya pa ay binitawan na siya ng mga pulis kaya mabilis siyang sumiksik sa mga malalaking bulto ng katawan ng mga pulis hanggang tila siya natuod ng sa wakas ay narating niya ang lugar malapit sa pinagpwestuhan ni Al at nang nanghostage dito ng makitang wala na ang dalawang nakatayo doon, kundi ang dalawang katawang duguang nakahandusay sa daan.

"Al! Nooo!!" Sigaw niya na agad niyang akmang pupuntahan ang walang malay na dalaga na may dugong umaagos mula sa tagiliran nito ng muli siyang mulang pigilan ng mga pulis.

Nanghihinang wala siyang magawa habang pinapanuod na buhatin si Al at isakay sa strecher at ipinasok sa ambulansya. Agad naman siyang nakawala sa pagkakahawak ng pulis at patakbong pumasok sa loob ng ambulansya kung saan ay nakalagay na ang oxygen kay Al habang inaampat ng doktor ang dugo mula sa tagiliran nito.

"She will die kung hindi niyo pa bibilisan ang takbo!" Sigaw ng doktor habang mas pinatulin pa ng driver ang pagpapaandar.

"Hold on, babe. Please. Come back to me. I love you. Please. You'll be my wife right? Magpapakasal pa tayo. Please, Al. Hold on for me, baby, please?" Umiiyak niyang bulong dito habang kinikintalan ng halik ang pisngi.

"She's having a cardiac arrest. Prepare the cardiac defibrillator now!" Utos ng doktor sa mga kasama nitong nurse saka inilagay ang aparato sa dibdib ng babae at nagpasimula ang mga itong irevive ang walang malay na dalaga.