Chereads / Hate Me or Love Me (Tagalog) / Chapter 22 - Real Gilfriend

Chapter 22 - Real Gilfriend

"6 P.M. Boitiz Cafe"

Muling tiningnan ni Al ang email sa kanyang cellphone habang nakaupo sa ni-reserve sa kanyang table ng unknown sender niya.

Maya-maya pa ay napaawang ang labi niya ng makita ang papalapit na si Will at naupo sa tabi niya.

"It's you." Hindi niya makapaniwalang bulalas.

"I've told you I'll help you to know the real Troy Villas, Al." Makahulugang wika nito saka inabot sa kanya ang isang envelop.

Agad naman niyang kinuha at binasa ang mga papeles.

Parang biglang siyang nahilo at hindi makahinga sa nabasa. Villas Company is a fast-growing company. Never ito nalugi based sa five-year report na hawak niya na iba sa copy na binigay ni Troy sa kanya noon.

"How sure I am na true copy etong hawak mo?" Pagkukumpirma niya dito.

"See?May seal at pirmado yan lahat ng board." Ani ng lalaki na agad nga niyang tiningnan. Tama ito.

"Troy bought your company. It's not merging as what you think. You don't have the rights over your own company, Al." Masakit na katotohanang wika nito habang pinagmamasdan ang paniningkit ng mata niya habang binabasa ang mga dokumento na orihinal na pirmado ng mga board at ni Troy.

Napapikit siya. Paanong nagawa ni Troy na lokohin siya? Palabas lamang pala ang lahat.

"And the woman?" Pigil sa galit na tanong niya.

"Mas magandang siya na ang magpaliwanag sa'yo, Al." Wika ni Will saka itinuon ang pansin sa magandang babaeng pumasok. Tumayo si Will at umupo na muna sa may kalayuan sa kanila upang makapag-usap sila.

"I am sure you are familiar with me in case you already went to Troy's room." Nakangising wika nito. Hindi naman napigilan ni Al ang makaramdam ng kirot sa sinabi nito. Mukhang nanggaling na rin pala ang babae sa silid ni Troy. Sa isiping iyon ay nakuyom ni Al ang kamao.

"Anyway, I'm Zara. Troy's "real" girlfriend." Binigyan pa nito ng diin ang bawat salita.

Napaawang ang bibig niya at napatitig dito saka siya napahalakhak.

"I'm here to tell you the truth. To let you understand how pathetic you are believing in all these lies made by Troy para patuloy kang saktan at pabagsakin since day one." Nakangisi nitong ani.

"Why should he do that? If binili niya ang company q, bakit hindi na lang niya sinabi kung gusto niya talaga akong saktan? Bakit kailangan niya na ipapaniwala sa akin na minerge na lang? At bakit kailangan pa niyang maki-pagengage sa akin?" Nanlalaban ang tinging tanong niya dito.

"Oh my, oh my...poor Alaire Rotchielle Bellafranco! I thought you know Troy well? Hindi pa pala." Natatawa nitong ani saka muling seryosong tumunghay sa kanya.

"Now that he has your company na pilit mong sinalba laban din sa kanyang mga kamay, the only thing left na hindi niya nakukuha is you, my dear." Makahulugan nitong ani.

Tila parang bombang sumabog naman ito sa harapan ni Al. Tama. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Bakit agad niyang pinalambot ang puso para sa lalaki?

Pinilit niyang patatag ang postura at humalakhak ng malakas. Napakunot naman ang noo ng babae.

"What if I tell you na alam ko ang lahat ng plano ni Troy? at hindi niya alam ay siya ang nahuhulog sa patibong ko?" Balik na tanong niya sa babae.

Tiningnan siya nito na halatang di naniniwala sa kanya.

"Oh my, oh my, Zara. Mukhang ikaw ang hindi nakakilala kay Troy. Do you think it's you who love him? He supposed to stay in Singapore "with you" for five days. But after two days, umuwi na siya because he can't take to not see me and be with me. And right now, is Troy with you? Ha! I doubt." Pang-aasar niyang bulalas.

Napabuga naman sa hangin ang babae.

"He doesn't know that I am also playing with his games. After naming mapa-annul ang kasal, sino kaya sa amin ang uuwing luhaan?" Nakangisi niyang ani.

Tumayo si Will at lumapit sa kanila dahil napansin na nito ang init sa pagitan ng dalawang babae.

"We will leave now, Al. Just call me if you need my help." Makahulugan nitong wika saka iginiya ang kasamang babae palabas.

Tila naman naninikip ang dibdib ni Al. Agad siyang nagtungo sa parking lot papasok sa sasakyan niya. Doon niya ibinuhos ang sari-saring emosyon.

Natagpuan niya ang sarili sa isang bar. Nilango niya ang sarili sa alak na para bang maalis nito ang sakit na nararamdaman.

"Alaire, stop this now!" Mabilis na inagaw ni Matt ang hawak niyang alak. Tinawagan niya kasi ito kanina at niyaya.

"Hey, handsome boy!" Nakangiti niyang ani saka kinurot ang pisngi nito.

"I'll take you home." Ani nito na inabot ang bayad sa bartender saka hinapit ang bewang ni Al at itinayo ito.

"No, please don't take me home, Matt. Take me somewhere else, please?" Pakiusap niya dito na pinapupungay ang mata.

"Fine." Sagot nito at napabuntong- hininga nang tuluyan ng mawala sa ulirat ang dalaga. Binuhat na lamang niya ito at isinakay sa kanyang kotse.