Chapter 15 - Cold

Wala silang imikan ni Troy ng bumalik siya sa bahay. Tahimik lang din nitong kinuha ang unan at kumot nito at sa sala natulog.

Paggising niya ay tahimik ang buong resthouse. Napabuntong-hininga siya ng makitang andun na ang mga maleta niya at bag. Matapos maligo at magbihis ay nagtungo siya sa kusina kung saan nakahain na ang almusal. Iginala niya ang paningin at wala siyang makita at maramdamang Troy sa loob.

Muli siyang napabuntong-hinga habang nagtitimpla ng kape. Naalala niyang malungkot nitong mukha pagbalik niya sa resthouse matapos sumigaw ng "I hate you, Troy" sa kalagitnaan ng gabi. Alam niyang narinig iyon ng lalake dahil hindi na siya nito kinausap at kinibo.

Naisipan na lamang niyang lumabas at mahiga sa duyan na nakasabit sa ilalim ng puno ng niyog. Napakunot ang noo niya ng maaninag ang bulto ng katawan ni Troy na umahon mula sa dalampasigan. Alam niyang lalapit ito sa pwesto niya dahil nakita niyang nakapatong ang tuwalya nito s mesa malapit s duyan niya.

"Good morning!" Bati niya dito ngunit tila wala itong naririnig na kinuha ang tuwalya at hindi siya pinansin.

Napabuga siya sa hangin habang sinusundan ito ng tingin habang papasok sa bahay. Napahinga na lamang siya ng malalim saka tumitig sa bughaw na kalangitan.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatitig sa langit pero napukaw ang atensyon niya sa bangkang de motor na paparating. Agad siyang tumayo at nakitang sakay noon si Valerie at ang driver ng bangka. Kinawayan niya ang kaibigan.

"Valerie, at last you're here!" Masiglang salubong niya dito habang paika-ika.

"Oh, poor you! My brother called last night and told me about your feet. He told me you need to go back para mapa-check ang sugat mo." Ani ng babae.

Napaawang naman ang labi niya dahil maliit na sugat lang naman ang natamo niya. Magsasalita sana siya ngunit dumating si Troy na hila-hila ang mga bagahe niya. Agad din niyang nagsalo ang bag niya na inihagis nito sa kanya.

"Mauna na kayo sa pier, Valerie. Hintayin nyo na lang ako sa airport." Wika nito sa kapatid na hindi man lang siya nagawang sulyapan.

"O-ok.." Nagtataka namang ani ni Valerie na pinagpapalitan ang tingin sa kanila ng kapatid.

Pairap naman niyang kinuha ang mga bagahe na nakalimutan na may sugat ang paa kaya muli siyang nawalan ng balanse ngunit agad na nahapit ni Troy ang bewang niya upang maalalayan siya.

Dahil gahibla lang ang pagitan ng kanilang mukha ay kita niya ang malamlam nitong mga mata. Ngunit walang salita na namutawi dito. Tahimik lang siya nitong binuhat sa bangka at saka si Valerie ang kinausap.

Tila nakaramdam siya ng lungkot habang papalayo ang bangka nila sa isla at naiwan ang lalake.

"What happened sa inyo ni Kuya, Al?" Tanong ni Valerie habang nakasakay sila ng bangka.

"Ganun pa rin, friend.." Malungkot niyang saad. Hindi niya maintindihan kung bakit tila may kirot sa puso niya.

"Everything will be ok soon, Al. Siguro hindi palang kayo nakakapag-adjust ni kuya sa isa't-isa." Pagpapalakas nito ng loob. Tumango na lamang siya saka itinuon ang paningin sa malawak na karagatan.

Nang marating nila ang airport ay iniwan siya sandali ni Valerie upang tawagan ang kapatid. Pagbalik nito ay balisa ang babae.

"Hindi makakasabay sa atin si kuya, Al. May bagyo at hindi kakayanin ng bangka na sunduin siya." Ani nito.

"What?!" Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng pagaalala para dito.

"We can't leave him here alone, Valerie." Ani niya.

"Kuya can handle himself, Al. Don't worry, ok?" Wika nito saka siya giniya para pumasok na sa loob.

Nagwo-worry ba siya para dito. Sa isiping iyon ay napabuga siya sa hangin. Kelan pa siya naging concern sa lalaki?