Chereads / Hate Me or Love Me (Tagalog) / Chapter 13 - Pride

Chapter 13 - Pride

"Will! Wala kayong training ngayon?" Ani niya ng makitang papalapit ang lalake sa kanya sa upuan sa garden ng school na nakapwesto sa ilalim ng hindi kataasang pine tree. Naupo ito sa tabi niya.

"Examination sched natin, di ba, eto... nire-relax muna ang utak kaya nagpunta ako dito sa garden." Ani nito.

Inayos niya ang mga gamit saka tumayo.

"Kailangan ko pang mag-review para sa next subject ko, Will. Mauna na ako ha?" Paalam niya dito.

"Wait, may alam akong place kung saan best na mag-review. Do you want to check it out?" Yaya nito. Napaisip naman siya. Alam niyang hindi siya makakapagreview sa garden at puno na sa library.

"Ok." Sang-ayon naman niya at sumama dito. Hindi nila alam na nakasunod ang naningkit na mata ni Troy na nasa di kalayuan at kita na magkasama silang umakyat sa third floor.

"What's that?" Tanong niya kay Will ng may iaabot na papel sa kanya. Nasa office sila ng football team. Katulad ng sinabi nito ay tahimik doon dahil wala namang training kaya hindi pupunta doon ang ibang players.

"Di ba second year ka? I got that test paper from my cousin na nag-take ng Set A." Ani nito.

Napaawang naman ang bibig niya ng makita ang test paper.

"So gusto mo akong mangodigo, Will?" Hindi siya makapaniwala.

"It's not me. Troy wanted me to give that to you." Sagot nito.

"Troy?!" Hindi siya mapakapaniwala sa narinig. Troy is a consistent top 1 sa klase nito from 1st year to 3rd year. Gawain ba ito ng lalake?

"Well, I'm Troy's childhood friend. He will do everything to be on top kahit mag-cheat pa. That's very easy for him. No, he wanted to help you. He heard na gusto mong makuha ang highest honor." Paliwanag nito.

Napapikit siya at tila hindi makapaniwala sa sinasabi nito.

"I never cheat in school in my entire life, Will! I don't know what's with you or with Troy kung siya man talaga ang may pakana niyan!" Inis siyang tumayo at kinuha ang gamit. Ibinato niya rin ang test paper kay Will at iniwan ito.

Mainit pa ang ulo niya ng marating ang classroom. Huminga siya ng malalim saka sinulyapan si Valerie na nakatutok sa notebook nito at nagrereview.

Nagsimula na ang examination nila at napahinto sila ng ibagsak ng teacher nila ng malakas ang kamay nito sa desk ng isa nilang kaklase.

'You're cheating Mr. Lopez! Wag ka ng magkaila pa!" Sigaw ng guro sa kaklase niya saka kinuha ang isang papel na bahagyang nakalabas sa bulsa nito.

"So-sorry, Ma'am." Pag-amin naman nito.

"Binigay lang po sa akin ito ni Allaire." Dugtong pa nito. Lahat ay napatingin sa kanya. Maging ang guro niya ay nanlalaki ang matang hindi makapaniwala.

"Hindi po 'yan totoo, Ma'am! Wag po kayong maniwala sa kanya!" Mangiyak-ngiyak niyang ani na hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Mag-explain na lang kayo sa Discipline Office. Sumama kayo sa akin, right now!" Matatag na utos ng guro.

Kahit anong paliwanag ni Al ay hindi naniniwala ng guro at ang discipline officer ng school. Wala kasi siyang mapakitag ebidensya na hindi sa kanya ang galing na kodigo lalo pa at sulat kamay talaga niya ang pangalan na naroon. Pinatawan sila ng kaklase niya ng one week na community service sa school.

"Al." Wika ni Troy ng makita sa harapan niya ang madilim na mukha ng babae sa SSG Office.

"You are the SSG President- ang iniidolo ng mga estudyante at ang unang-unang dapat magpakita ng magandanag halimbawa, pero ano? Ikaw ang may pinakamasamang budhi!" Singhal niya dito saka pagalit na ilapag sa harapan nito ang kodigo na ibinintang sa kanya. Agad namang naglabasan ang ilang estudyanteng naroroon.

"Ano bang problema mo, ha? Bakit kailangan mo pang sirain ang pangalan ko?!!!" Patuloy niyang sigaw dito. Tahimik lang na nakatunghay sa kanya ang lalake saka tumayo at nakangising humarap sa kanya.

"Let' say...masama lang akong magalit, Al. You first show your interest in me. Then ignored me. At ngayon you are seeing my friend, Will. I should be the first one to ask you why you're doing this?" Tanong nito sa kanya.

Napaawang ang bibig niya. Ang totoo'y hindi niya gustong tangggapin na may kinalaman si Troy dito at kung maniniwala siya kay Will. Pero ngayon na inamin mismo ng lalake, hindi niya alam kung paano kokontrolin ang galit.

"So this is all about your pride! Akala mo lahat ng babae magkakagusto sa'yo! Akala mo katulad ako ng ibang babaeng magkakandarapa sa'yo! Pwes, hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo!!!" Sigaw niya sa mukha nito saka patakbong iniwan ang lalake.

Inis na kinuha ni Troy ang cellphone at nag-dial.

"Stop messing with Al from now on." Bungad niya dito.

"That's the last job I'll do for you, Troy. You're successful now for making Al hate you." Ani nito. Napabuntong-hininga naman siya. Alam niya sa sarili na hindi niya alam ang salitang concern at affection since hindi niya iyon naramdaman sa ama. Ang tanging ginagawa lamang niya para paamuin ang isang tao ay bigyan ito ng banta o leksyon para alam nilang ilugar ang mga sarili. Marami na siyang ginawan ng nakatulad ng pinagawa niya kay Al upang patunayan na hindi siya maaring banggain. Ngunit tila naiinis siya sa sarili kung bakit tila nakaramdam ng kirot ang kanyang puso ng sigawan siya ni Al at maramdaman ang pagkamuhi nito sa kanya.

Hindi niya malaman kung bakit natagpuan niya ang sarili sa isang flower shop at kung bakit bumili siya ng isang chocolate cake na heart-shaped at pinalagyan pa niya ng "I'm Sorry" message. Ngunit hindi pa siya nakakababa sa kotse para lapitan si Al na pasakay sa kotse nito nang makita niya sa Will na hinapit ang bewang ng dalaga at siniil ng halik ang labi nito.

Nakuyom niya ang mga kamao at nagtangis ang kanyang mga bagang.