Naging pormal ang dinner nila ni AL. Halatang hindi interesado ang babae na makipagkwentuhan sa kanya kaya tahimik lang nilang inubos ang pagkain at pagkatapos ay inihatid na niya ito sa bahay. Siya naman ay dumiretcho na rin ng uwi.
"How's your dinner with Al?" May panunudyong salubong sa kanya ng ina. Tinext kasi siya nito kung makakasabay siya sa dinner kaya napilitan siyang sabihing sabay sila ni Al.
"Well, based on his looks..it didn't do well." Pang-aasar ng bunsong kapatid na si Valerie na sumulpot sa likuran ng ina. Tatlong taon ang tanda niya rito ngunit parang magkaibigan ang turingan nila dahil na rin siguro dalawa lamang silang magkapatid.
"I'm just tired." Pagal na sagot niya na naupo sa sofa at pumikit. Tumabi naman ang ina sa kanya saka minasahe ang kanyang noo.
"I like it. Thanks ma!" Papuri niya sa maseha ng ina habang nakapikit pa rin.
"Anyway, anak. I have tickets for you and Al." Ani ng ina na ikinamulat ng kanyang mga mata. Tumambad sa kanyang paningin ang inilabas nitong tickets na agad naman niyang kinuha at pinag-aralan.
"Puerto Galera? We're not yet married, ma..honeymoon agad?" Natatawa niyang ani.
"Ofcourse, not. I just want you two to spend a week together. Be compatible with each other's company before the wedding. Hindi ako tanga, anak. I know the two of you will just get married because of the companies." Pagpapaliwanag ng ina.
"That's a lie, ma. I know Al is kuya's first love, di ba kuya?" Sabad ni Valerie na nakaupo din sa tabi niya.
Naiiling siyang muling pumikit na tila lalong sumakit ang ulo niya sa sinasabi ng dalawa niyang kausap.
"Don't deny, kuya. I've read your diaries in high school and-"
"That was when I was still a high school student, Valerie. A definition of love from a 13-year old's perspective is not definitely what love is!" Giit niua habang nakapikit pa rin at dinadama ang ginagawang pagmamasahe ng ina sa noo niya.
"Still, you had feelings for her before. At sabi nga nila, first love never dies!" Tila nag-iimahinasyong wika pa ng kapatid.
"Yes, I like her. That's what you want to hear, right?" Natatawa niyang ani.
"At sino bang hindi magugustuhan si Al, anak. She's beautiful and smart." Wika naman ng ina.
"So you're lucky, kuya. Akalain mo, you'll be marrying your first love!" Giit naman ng kapatid. "And as what I've heard, you are also her first love." Bulong ng kapatid sa kanya. Agad siyang napamulat at napatitig dito.
"You're source?" Nagseryoso ng wika ng lalake na interesadong hinarap ang kapatid.
"Will Marcus." Sagot ng kapatid na nagpaayos ng kanyang pagkakaupo sa sofa.
"Her ex?" Pagkukumpirma niya. Kaklase niya si Will mula high school hanggang college. Isa pa ito sa malalapit niyang kaibigan noon. Ito pa ang unang nakaalam na may pagtingin siya kay Al at nangako pa ito na paglalapitin sila. Ang hindi niya alam ay may lihim din pala itong pagtingin sa babae. Simula ng promahan nito si Al ay naging kakumpetensya na niya ito sa lahat ng bagay.
"Yes." Buong tiwala namang sagot ng kapatid.
"How did you get that info, anak?" Tanong ng ina.
"Well. Honestly kuya matagal ko ng alam. Pero nag-iba ang situation niyo. Naging sila ni Will, you started hating Al until you two became worst enemies. I witnessed everything kuya kaya I decided not to tell you." Pagpapaliwanag ng kapatid.
"W-what? I did not get it, Val." Naguguluhan niyang wika.
"She liked you first before Will. Nakalimutan mo na yata na AL and I were best friends in high school. She had a crush on you then, kuya. She thought you didin't like her so when Will courted her, she decided to be with him to get over you." Paliwanag ng kapatid.
"Oh, myβ¦My poor, son." Pang-aasar ng ina na ikinangiti naman niya.
"Ma, I have her now so why worry?" Maaliawalas ang mukhang ani niya. Ngunit bahagyang lumamlam ang kanyang mga mata ng maalala ang naging pag-uusap nila ng dalaga kanina.
"I am not happy about this." Ani ni AL habang nsa loob sila ng restaurant.
"She's not happy about marrying me?" Tanong niya sa isip na tila kumirot sa kanyang puso.
"Well, you look terrible kuya. I'm sure there's something wrong." Ani na kapatid na ikinabuntong hininga niya.
"That's why you need these tickets, anak." Ani ng ina sabay kindat sa kanya.
"But I'm sure Al won't like that idea, ma." Mapait na wika niya sa ina.
"I have a plan, kuya." May kakaibang kislap sa matang wika ng kapatid. Napatawa siya at niyakap ito ng mahigput matapos nitong ilahad ang sinasabing plano sa kanya.