Chapter 3 - Will

"You're marrying Troy Villas VI?! For real?!!" Namimilog ang matang bulalas ni Trina habang kumakain sila sa isang restaurant. Agad niya kasing tinext ito na magkita sila matapos ang party sa mga Villas. Kunwa'y iniyakan niya ito sa cellphone kaya agad itong napasugod ng punta sa kanya.

"Yes." Lumuluha niyang wika habang panay ang punas ng tissue at pagsinghot.

"Oh…my…god…!!! Eeeeeee!!!" Kinikilig nitong tili na walang pakealam sa paligid.

"Trina!!!" Saway niya sa kaibigan.

"See?! Kayo pa rin talaga ang magkakatuluyan in the end. Your worst enemy will be your best lover!" Kinikilig pa rin nitong wika.

"I thought you're my friend, Trina!" Reklamo niya dito. Kahit na personal assistant niya ito ay itinuring na niya ito bilang kanyang kapatid. Ito ang pinagsasabihan niya ng kanyang mga problema at sikreto.

"So anong plano niyo?" Seryoso ng tanong nito.

"After a month will be the target date ng kasal namin. Well, he planned everything na pala talaga so naka-ready na lahat- even my bridal gown." Pagpapaliwanag niya.

"Tapos?" Tila nabibitin na tanong ng kaibigan.

"Anong tapos?" Natatawa niyang tanong din dito.

"Saan ang honeymoon?" Kinikilig nitong tanong.

"Walang honeymoon! Never! Over my dead body!" Inis na singhal niya sa kaibigan.

"So wala talagang effect sayo si Sir Troy?" Pag-uusisa nito.

"Wala! As in zero attraction! It's 100 % hate!!!" Nangigigil na ani niya.

Napapailing na lamang ang kaibigan. Hindi nila namamalayan ang mga matang nakatuon sa kanilang kinaroroonan.

"Is that you, Alaire?" Pagpukaw ng atensyon sa kanya ng isang tinig.

Agad na napaangat ng ulo si Al at napaawang ang kanyang bibig ng tumunghay sa kanya ang napakakisig na binata na may kakaibang kislap ang mga mata.

"Will Marcus!" Agad siyang tumayo at nakipag-beso beso dito.

"Well, this is my friend Trina. Trina, this is Will." Pakilala ni Al. Nakipagkamayan naman ito.

"Can I join you?" Tanong nito sa kanya.

"S-sure." Napipilitan namn niyang sagot.

"Al, I really have to go. Walang kasama si lola." Paalam ni Thrina kaya naiwan na lamang sila ni Will.

"So?" Tanong niya sa lalake.

"So?" Balik naman na tanong nito sa kanya habnag nakangiti.

"I thought you would never come back." Wika niya. Mula kasi ng makipag-break siya dito matapos ang mahigit na tatlong taon nilang relasyon ay umalis ito ng bansa at hindi na bumalik pa. Alam niyang naging masakit din sa kanya ang desisyon ngunit kailangan niyang mag-focus sa kumpanyang naiwan ng ama at i-set aside muna ang pansariling kasiyahan. Hindi ito maintindihan ng lalake kaya napilitan na lamang siyang makipaghiwalay dito.

"That's actually my plan. But things didn't work out for me in the US. I had no choice but to sell my company and other assets in the US and return here." Paliwanag nito.

"I'm sorry, Will. I've always been praying for your happiness since the day that you left."Pagpapalubag loob naman niya sa lalake.

"Well, I think I am really meant to be here…to be here with you." Makahulugan nitong ani. Isang mapait na ngiti naman ang isinukli niya dito.

"I'm getting married, Will." Pagtatapat niya dito.

"I know you'll be marrying Troy Villas VI. That's the hottest news around lately. Even tabloids have it." Natatawa nitong ani.

"So you know…." Napahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Inaasahan niyang maiintindihan na ng lalake ang sitwasyon nilang dalawa.

"And I will not allow it to happen." Seryosong deklarasyon nito.

"Will?!!" Gulat niyang bulalas.

"I didn't realize then na hahantong sa ganito ang lahat- na you have to marry that guy who you hated & almost ruined your career! I know you're just marrying him for the sake of your company, Al. I will not allow you again to ruin yourself! I will never let you go again, Al." Ani nito saka hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Let's do this together, Al. I will help you. I can give you all the investors my company had before. Just let me be part of your life again, Al. I still love you." Pagsusumamo nito.

"Will…that was three years ago. I moved on already. Iba na ang sitwasyon ngayon. I'm sorry." Nagmadaling siyang tumayo at nilisan ang restaurant. Naiwang kuyom ang kamao ni Will.