Chereads / Hate Me or Love Me (Tagalog) / Chapter 4 - How Business Works

Chapter 4 - How Business Works

"Al, Mr. Chan refused to do the bidding with us. He said the Villas Company offered triple than our price." Bungad sa kanya ni Trina pagdating niya sa opisina.

"What's with Troy?! Nalulugi na ang company niya and yet nakukuha pa niyang magpresyo ng malayo na sa katotohanan para lang agawin sa iba ang mga tao!" Nangagalaiti niyang wika.

"Well, that's not the real question, Al." Paalala ni Trina na ang lalakeng binabanggit niya ay ang lalakeng magiging asawa niya niya next month.

Inis na kinuha niya ang cellphone at idinayal ang numero ng lalake.

"Yes, babe?" Bungad sa kanya ng lalakeng tila inaasahan na ang pagtawag niya.

"Troy! What are you doing this?" Singhal niya dito. Isang mapang-asar na halakhak na naman ang isinagot nito sa kanya.

"That's how business works, babe. Don't worry, I'll make up to you. Dinner?" Paglalambing nito.

"Eat dinner, yourself!" Galit na sagot niya dito sabay pagputol sa linya.

Napapailing na lamang si Trina ng makitang pinagdiskitahan niya ang mga papeles na pinalipad niya dahil sa sobrang inis.

Maya-maya pa ay bumulaga ang isang delivery boy na may dalang mga bulaklak at inabot sa kanya.

DON'T THROW THESE FLOWERS PLEASE? I'M JUST MAKING UP TO YOU. HAVE DINNER WITH ME PLEASE? I'LL PICK YOU UP AT 8. –TROY

"Sweet naman pala…" Ani ni Trina na nakibasa din sa hawak niyang card. Napailing naman si Al at itinapon sa basurahan ang mga bulaklak.

"Sayang naman, Al! Ang ganda ng mga flowers. Akin na lang ha." Wika ng kaibigan saka kinuha ang mga bulaklak at inilagay sa vase nito sa mesa.

Dahil sa dami ng trabaho ay inihiga ni Al ang pagal na katawan sa kanyang higaan matapos makauwi. Hindi niya namalayan na nakahimbing na pala siya. Naalimpungatan siya ng marinig na nakabukas ang kanyang TV, Napabuntong-hinga siya saka tumayo.

"Ma, gabi na. Bakit-" Napahinto siya sa iba pang sasabihin ng makita si Troy na feeling at home na nakaupo sa sofa at nanunod ng TV. Naubos na rin nito ang sodang kinuha sa kanyang ref at mga chichirya.

"Why are you here?" Galit na wika niya habang nakapamey-awang.

"I asked your mom about your address. She gave me your key. Remember, we are supposed to be having dinner? It's past 8. Magbihis ka na." Utos nito ng makitang nakapang-business attire pa siya dahil hindi pa niya nagawang magbihis pag-uwi.

Inis na iniwan niya ito sa sala. Pagbalik niya ay naka-nighties na siya.

Kita niya ang pagkawala ng matamis nitong ngiti. Alam niyang madalang lang itong nagagalit. Ngayon ay madilim ang mukha nito at mukhang papatay ng tao. Agad nitong pinatay ang TV at agad siyang sinugod. Napasigaw siya at mabilis na kumaripas ng takbo papasok sa kanayng kwarto na agad niyang ini-lock.

"Go home, Troy! I am tired! I want to sleep!" Sigaw niya saka nagtalukbong ng kumot.

Sandali siyang nakiramdam. Inaasahan niyang bubuksan ni Troy ang pinto ng kanyang silid. Napahinga siya ng maluwag ng marinig na sumara ang main door niya na nangangahulugan na lumabas na ito ng condo niya.