Chapter 11 - 11

NAGLALAKAD noon si Twynsta paakyat ng kanilang school building nang may mabilis na humarang sa kanyang harapan, pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Yasser na hingal na hingal. Napangiti siya agad dito—ang ganda naman agad ng umaga niya dahil nakita niya ang guwapong mukha ng lalaking ito. Sobrang thankful sila ni Hyoscine sa treat ni Yasser sa kanila kahapon, lalo na siya.

Pagkatapos nilang kumain sa Shakeys kahapon dapat ay manunood silang tatlo ng sine, kaya lang ay tumawag ang isang kaklase ng pinsan niya dahil may group activity daw ang mga ito, na nakalimutan nito, kaya sa huli ay naiwan silang dalawa ng binata.

Sila na lang tuloy ang nanood ng sine. Ang daming mga taong napapalingon sa kanila habang magkasama silang naglalakad; marahil iniisip ng mga ito na magkasintahan sila at hindi matanggap ng mga ito, pero hindi na lang niya pinansin. Si Yasser ang bumili ng ticket nila at sa balcony sila pumuwesto. Romcom movie ang napili nilang panuorin.

The movie was very funny and so kilig, pero syempre mas lalo siyang kinikilig dahil sa ideya na para silang nagdi-date at sa tuwing nagkakadaiti ang kanilang mga braso sa armrest ng upuan.

Bukod pala sa magkasundo sila sa mga movie genres, masarap din nitong kakuwentuhan and he's very witty. Kaya simula pagkabata ay magkasundo na sila dahil pareho sila ng mga gusto nito—kung hindi lang siguro ito pumayat, para na silang sina B1 at B2, ngunit kahit sino pa ito; mapa-payat o matabang Yasser, cute na cute pa rin ito sa kanyang mga mata.

"Giniginaw ka ba?" naalala pa nga niyang tanong ng lalaki sa kanya, malakas kasi ang aircon sa loob ng sinehan—hindi naman sapat ang stored fats niya para protektahan siya sa lamig, kaya nang tumango siya sa binata ay mabilis nitong inabot ang mga kamay niya at ikinulong sa mga kamay nito—kumabog nang mabilis ang puso niya. Sobrang kilig na kilig siya dagdag pa na inihatid din siya nito pauwi.

Dahil hapon na no'ng mag-malling sila, gabi na siya naihatid ni Yasser pauwi sa bahay nila—ngunit sa tapat ng bahay nina Hyoscine sila huminto. Hindi na niya hinayaang makababa si Yasser sa sasakyan nito at pinauna na niya ito dahil baka pagod na rin ito.

Nagmamadali siyang naglakad patungo sa bahay nila at naabutan niya ang parents niya sa salas na hinihintay siya. Namataan daw siya ni Arix na bumaba sa isang sasakyan tt dahil sa pangungulit ng pamilya niya sa sinong lalaking kasama niya, sa huli ay ikinuwento niya ang tungkol sa batang bff niya no'ng grade school, at nasabi na din niya ang tungkol sa pagpapanggap nila Hysocine at sinabihan ang mga ito na maki-ride on na lang.

Sa kabuuan, Yasser really made her day, yesterday!

"Wait," humihingal na sabi ni Yasser saka ito huminga nang malalim at bumuga ng hangin bago ito muling nagsalita. "I-I really had fun yesterday." Nakangiting sabi niyo kaya hindi rin niya napigilang mapangiti. Hinabol siya nito para sabihin lang 'yon?

"Ako din naman, salamat, Yas." Aniya. Sabay silang naglakad nito. "Hindi dito 'yong building n'yo." Pagpapaalala niya.

"Ihahatid lang kita sa room mo." Anito.

Muli na naman siyang napangiti. Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya, kaya mabilis siyang bumaling dito. "B-Bakit?" kinakabahang tanong niya.

"Nakatingin kasi sila lahat sa atin, so, inggitin natin sila." Pilyong sabi nito, saka ito ngumiti. Kaya habang naglalakad sila ay magkahawak kamay sila. "If someone tries to bully you, just tell me, I'll wring their necks!" anito.

"Naku! Huwag ka nang magsayang ng lakas, di-deadmahin ko na lang sila." Aniya. Napatingin siya sa magkahawak kamay nila, it's really sweet. Daig pa nito ang feels na napapanood niya si Justin Bieber na kumanta.

"Yeah, I think that's a lot better." Nakangiting pagsang-ayon naman nito.

"Okay na ba kayo ng mommy mo ngayon?" mayamaya ay tanong niya, na-curious din kasi siya sa misunderstanding nito with his mom, ang close kasi ng mga ito noon—nakailang beses din kasi niyang nakikita ang parents nito noon sa school dahil hatid-sundo ang kaibigan niya and they were really nice and approachable people kahit super yaman ng pamilya ng mga ito. Hindi agad nakasagot ang lalaki sa kanya, bumuga muna ito ng hangin at napatigil sa paglalakad saka binitiwan ang kamay niya. "Sorry, masyado yatang personal." Nagsisising wika tuloy niya, sumeryoso kasi ang mukha nito.

"No, it's fine!" anito, saka ito nagsimulang maglakad kaya sinundan niya ito, sa walang masyadong tao sila nagtungo. "Actually, it's not just misunderstanding," pauna nito, saka ito sumandal sa pader at namulsa sa pantalon na suot, napatitig naman siya dito, he looks sad. "My mom has decided to get married again." Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig at hindi siya agad nakasagot sa sinabi nito. Natahimik silang dalawa hanggang sa ito rin ang bumasag sa katahimikan nila. "Three years ago when dad has died, my mom met a guy, a customer in the shop, two years younger than mom, they became friends and a few months later, she announced that she was going out with that man, exclusively," napailing ito, kitang-kita sa mga mata nito ang kalungkutan. "Ano'ng point niya nang pagsasabi sa akin ng desisyon niya kung wala rin akong karapatang kontrahin 'yon?" may sakit na dumaan sa mga mata nito. "And this year, they had decided to get married. Against ako sa desisyong 'yon, kaya ako umuwi dito sa bansa at nag-decide na dito na lang din tumira."

"H-Hindi ka ba masaya para sa mom mo kasi masaya na uli siya?" nagdadalawang-isip siya kung magtatanong nito.

"Kasal na siya kay dad,"

"Your mom is just around forties," sagot niya, kaedad kasi ito ng mga magulang niya. "And maybe she really had fallen in love with that—"

"Stop!" awat nito sa kanya, kaya natahimik siya sa kinatatayuan niya. "I don't wanna argue about this nor even to talk about this."

"Sorry."

"It's not your fault, pasok ka na, baka nandyan na 'yong teacher mo."

"Sige." Tuluyan na siyang nagpaalam sa binata. Pagkapasok niya sa loob ng classroom ay kasunod lang niyang pumasok ang teacher nila at saka nag-start ng klase. Next week na sila mag-start magsuot ng white uniforms.

After a long discussion and a short quiz, natapos din ang klase. Muling bumalik sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Yasser. Hindi kailanman sumagi sa isipan niya na sasapit ang gano'ng pagsubok sa buhay ng bff niya, hindi tuloy niya mapigilang maawa. Alam kasi niya kung gaano ito ka-close sa mga magulang nito no'ng bata pa ito. Hindi niya maiwasang malungkot para sa kaibigan.

Meryenda break. Mabilis siyang lumabas sa classroom para hanapin ang lalaki sa benches kung saan niya ito madalas makita. Nakita niya ito sa hindi kalayuan, nagtaka siya dahil wala yatang umaaligid na mga babae sa lalaki ngayon.

"Ano kayang problema niya? He really looks so sad and he even asked a favor to leave him alone." Narinig niyang nagtatakang sabi ng isang babaeng dumaan sa tabi niya, marahil ay si Yasser ang tinutukoy nito.

Mabilis naman siyang naglakad patungo sa lalaki hanggang sa makalapit siya sa kinauupuan nito, nakatungo ito at tila malalim ang iniisip, hindi tuloy niya alam kung kakausapin ito, pero bumuka ng kusa ang bibig niya. "Y-Yasser..." Mabilis na nag-angat ng tingin ang binata sa kanya at doon niya nakitang namumula ang mga mata nito—parang pigil na pigil nito ang pag-iyak. "I'm sorry, dahil sa akin—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang mabilis itong tumayo para yakapin siya nang mahigpit. Hindi siya nakakilos sa ginawa nito instead ay hinayaan na lamang niya ito, kusang umangat ang kamay niya para hagurin ang likuran nito.

"I'm just really so sad right now, I'm sorry." Narinig niyang sabi nito.

"It's okay, I understand you, and I'm sorry for bringing out that topic."

Umiling-iling ito. "Lagi ko naman iniisip 'yon, e. Saka lang 'yon nawawala kapag kasama kita."

"Ako?" hindi niya makapaniwalang sabi. Kumabog ang puso niya.

"Thanks for being with me."

"W-Walang anuman." Sagot niya. "Kung nandito lang sana si Twynie para—"

"You're more than enough."

Hindi niya napigilang tipid na ngumiti sa sinabi nito. "Huwag mo munang isipin ang tungkol dyan, maaayos din 'yan, in God's perfect time." Aniya, kumalas siya sa pagkakayap sa lalaki at mabilis na inilabas ang ginawa niyang burger na maraming lettuce since nalaman niyang vegetarian pala ito. "I've made a burger with many lettuce and tomatoes." Nakangiting sabi niya.

Nagliwanag naman agad ang mukha nito. "Thanks." Anito, saka niya inabot ang burger sa lalaki at muling naupo sa bench. "Sa susunod ako naman ang pagpapatikim sa 'yo ng specialties ko." Cute na sabi nito, hindi talaga niya maiwasang ma-cute-an kapag nagtatagalog ito, ang cute-cute!

"You know how to cook?"

"Hindi gano'n kagaling pero pwede na din." Anito, tuluyan na din itong napangiti. "So, how's Twynie? Hindi ko kasi siya naihatid kahapon dahil nagmamadali na siya."

Bigla namang tumamlay ang pakiramdam niya. Sabi na nga ba at mata-topic nila si Twynie—nakakaloka lang dahil nagseselos siya sa sarili niya—well, kay Hyoscine, dahil ito naman si Twynie sa mga mata ng binata.