Chapter 9 - 9

"ATE! ATE! May lalaking naghahanap sa 'yo sa labas ng bahay!" katok sa kanya ni Arix sa harapan ng kanyang kuwarto. Kinusot niya ang kanyang mga mata at napatingin sa relo niya sa bed side, alas otso pa lang ng umaga. Sino'ng lalaki naman ang naghahanap sa kanya ng gano'n kaaga? It's Saturday and it's her half day resy day, dahil mamayang hapon pa siya naka-sked na magpunta sa gadget shop nila para tumulong, pero binubulabog na siya ni Arix. Nang hindi siya agad nakasagot ay mabilis na nitong pinihit pabukas ang siradura ng kanyang pintuan. "Ate, may bisita ka nga! Isang guwapong lalaki na mukhang mayaman, grabe, ang ganda ng ducati motor niya, kung close kayo n'on ate, pakisabi hiramin ko naman ang motor niya!"

Napahikab naman siya bago napakamot ng ulo sa pagtataka sa sinasabi ng kapatid niyang bisita daw niya. Pinalayas na niya ang kapatid sa kuwarto niya saka saglit na nag-toothbrush, naghilamos at nag-ayos ng sarili bago tuluyang lumabas sa kanyang kuwarto, naabutan niya sa hapag-kainan nila si Hyoscine—ang kaisa-isang pinsan niya na nakatira sa katabing bahay, mas bata ito sa kanya ng tatlong buwan at close sila nito—anak ito ng nakababatang kapatid na lalaki ng mama niya. At madalas itong nakikikain sa bahay nila kapag weekends at wala itong pasok, nag-aaral ito sa isang government University sa kursong BS Education.

"Hi, cousin!" nakangiting bati nito sa kanya.

Kumaway din siya dito at mabilis na lumapit dito para kumuha ng hotdog. "Tirhan mo ako ng sinangag, ha." Aniya dito, bago siya nagtungo sa pintuan ng bahay nila para harapin ang lalaking bisita daw niya, ngunit napatigil siya sa tuluyang paglabas ng bahay nang sa bungad pa lang ay nakikita na niya sa labas ng gate nila ang mukha ni Yasser!

Yes, it was Yasser! The super handsome Yasser! Mukhang nahanap na nito nang tuluyan ang bahay niya kaya siya pinuntahan! Ano'ng gagawin ko? Tulirong sabi niya, saka siya mabilis nagtago sa likod ng pintuan dahil lumingon sa kinaroroonan niya ang binata. Ang lakas ng kabog ng puso niya at hindi na niya alam kung ano'ng gagawin. Hindi pa siya prepared! Tatlong araw na simula nang mapag-usapan nila ang tungkol sa pagpapahanap nito ng kababata nito—at ngayon nga ay nahanap na siya. Nahiling niyang sana ay walang picture na magpapatunay na siya si Twynie para maaari pa niyang maitanggi!

Napakagat siya sa ibabang labi niya habang sinisilip ang lalaki sa labas ng bahay nila. Nagulat na lang siya nang biglang tapikin ni Hyoscine ang likuran niya at nagtataka itong napasilip din sa sinisilip niya sa pintuan.

"Sino'ng lalaking 'yon?" nagtatakang tanong nito.

"Si ano—" napatigil siya sa pagsasalita nang bumaling siya sa pinsan niya dahil biglang may lumitaw na ideya sa isipan niya. Maganda si Hyoscine, maganda din ang pangangatawan at maputi, medyo hawig din sila nito—pumayat lang siya. "Hyoscine, break na kayo ni Aston, 'di ba?" tanong niya.

Malungkot itong tumango sa kanya. Nauna pa itong nagka-boyfriend sa kanya, sabagay maganda kaya ligawin. "Nagmo-move on na ako, e. Bakit mo naitanong?" malungkot na sabi nito.

May mahigit isang buwan na simula nang mahuli nitong may ibang kinahuhumalingang babae ang kasintahan nito—kaya ito nakipag-break sa lalaki, first boyfriend nito ang lalaki at first love—na nagtagal din ng more or less isang taon. Naalala nga niya, wala pa yatang isang linggo itong nilagawan—basta alam niya ay na-love at first sight ito kay Aston, kaya nang ligawan ito ng lalaki ay saglit lang itong nagpaligaw. Ang dami nga nitong naiiyak no'ng nakipag-hiwalay ito sa lalaki, mas nalungkot pa nga ito kaysa sa nainis sa panloloko ng lalaki.

"Kailangan ko ang tulong mo!" aniya dito.

Nagtataka itong napatitig sa kanya. "Ano 'yon?"

"Prentend to be me."

"Pretend to be you? Ha?"

Tinuro niya ang lalaking nasa labas ng bahay nila na naghihintay sa kanya. "He is Yasser, my grade school bff, nagkahiwalay kami for ten years at ngayon nga ay hinanap niya ako para makita uli—I was so cute during grade school, alam mo 'yan, kaso balyena na ako ngayon at ayokong makita niya akong balyena, kaya tulungan mo ako!"

"Eh, ano naman kung balyena ka? Maganda ka naman at matalino, ah!"

"I love you for that, cousin!" nakangiting sabi niya. "Pero wala pa akong sapat na lakas para harapin siya ngayon, kaya please, Hyoscine!"

Muling bumaling ang babae sa lalaki at pinakatitigan ito. "Ang guwapo niya!"

Saglit siyang pinangambahan, paano pala kung magkagustuhan ang dalawa, paano na siya sa huli? Argh! Wala na siyang time para isipin ang tungkol doon. Basta kailangan niya nang magpapanggap na siya.

"T-Tutulungan mo na ba ako?" aniya.

Nagkibit-balikat ito. "Guwapo siya pero di ko siya gusto, e." Nakalabing sabi nito. Napailing-iling na lang siya. Guwapo si Aston, para itong Daniel Padilla, pero mas angat naman si Yas ng isang milyong beses sa ex-boyfriend nito. "Pero sige na nga, I'll help you. What should I do?"

"Magpapanggap kang ako." aniya, saka niya ikinuwento ang mga dapat nitong gawin. Inubos niya muna ang hawak na hotdog saka niya sinamahan si Hyoscine sa labas para kausapin ang lalaki. Nagulat ang lalaki nang makita din siya doon.

"What are you doing here, Yasser?" kunwari ay tanong niya.

"Dito kasi 'yong sinabi ng PI ko kung saan ko makikita si Twynie."

Tumango-tango naman siya at nakahinga nang maluwag, hindi pa nga nito kilala si Twynie! "Really?" kunwari ay gulat na sabi niya. Alam niyang dapat ay hindi niya ito ginagawa, pero hindi pa kasi siya handa!

"Hi there! I'm Twynie! Ano'ng kailangan mo sa akin?" mabilis na singit ni Hyoscine sa usapan nila. Bumaling naman agad si Yas sa pinsan niyang nakangiti sa lalaki noon.

"Y-You're Twynie?" tanong ni Yas.

"Wow! What a small world, pinsan ko ang kababata mo?" dagdag naman niya kuno, gulat na gulat si Yasser sa nalamang katotohanan. "Pinag-uusapan lang natin 'to last time, at sa dinami-dami ng Twynie sa mundo, ang pinsan ko pala ang kababata mo. Amazing!" Aniya.

"S-She's really Twynie?" ani Yas sa kanya, saka ito bumaling sa pinsan niya. "Twynie, it's me Yas, hindi mo na naalala?"

"Really?" Naakangiting sabi naman ni Hyoscine, na kulang sa pag-arte dahil walang pananabik sa boses nito.

Mabilis inabot ni Yas ang kamay ng pinsan niya. "It's really nice to see you, again," masayang sabi nito. "I really didn't expect na pinsan ka ni Twynsta, kaya pala magka-pangalan kayo." Anito. Hindi nito alam na ang Twynie ay nickname ng Twynsta na buong pangalan niya.

"Bakit hindi kayo pumasok para magkakuwentuhan? Sampung taon din kayong hindi nagkita." Aniya, saka siya naunang pumasok sa loob ng bahay at sumunod naman ang dalawa. "Nag-agahan ka na ba, Yas?"

"Yes, sorry napaaga ako, excited na kasi akong makita si Twynie." Anito. Iginiya ni Hyoscine ang binata para maupo sa sofa.

"Drinks?" offer niya na ikinailing nito, kaya sa huli ay iniwan na lamang niya ang dalawa.

"Ate, sino ang lalaking 'yon? Bagong boyfriend ni Hyoscine?" mayamaya ay tanong ni Arix na nasa likuran din pala niyang katulad niya ay sumisilip sa dalawang nasa salas at nag-uusap.

"Oo." Sagot na lang niya, para hindi na niya kailangang magpaliwanag sa kapatid.

"Makikipagkaibigan nga ako sa kanya par mahiram ang ducati—" akmang maglalakad na ang kapatid niya nang mabilis niyang hinila ang damit nito. "Ate!" reklamo nito.

"Huwag kang istorbo sa kanila!" aniya.

"Eh, bakit ba dito dinala ni Hyoscine 'yong lalaki? Eh, sa kabila lang ang bahay nila, ah! Saka bakit ikaw ang hinahanap kanina ng lalaki, tapos si Hyoscine pala?"

"Huwag ka na ngang tanong nang tanong dyan, bumalik ka na sa kuwarto mo para mag-aral, dahil kung hindi, ikaw mamaya ang magbabantay sa shop." Aniya, maagang nagtungo sa shop nila ang parents niya, kaya wala na ang mga ito sa bahay nila nang mga sandaling 'yon.

"Fine!" sabi naman nito, saka na ito naglakad pabalik sa kuwarto nito. Nakahinga siya nang maluwag. Habang sumisilip siya sa dalawa ay narinig niyang tumunog ang phone niya sa nakabukas niyang kuwarto na malapit lang sa kinaroroonan niya, kaya mabilis siyang nagtungo doon—may text message siya, si Hyoscine, at tinatanong nito ang tungkol sa nakaraan nila ng binata—eh, wala naman itong alam sa grade school days niya, dahil magkaiba sila ng school nito noon. Private school kasi siya nag-aaral dahil matalino daw siya, hindi kasi gano'n katalinuhan ang pinsan niya. Nag-reply naman siya sa pinsan niya ng mga dapat nitong sabihin.

"Cousin, ano ba ang mga paborito mong pagkain?" mayamaya uli ay text sa kanya ni Hyoscine.

"Lahat except sa ma-mayonaisse at butter." Reply niya. Naglakad na siya pabalik sa puwesto kung saan siya sumisilip at nakikinig ng usapan ng dalawa. "F-Favorite singer ko? Si Justin Bieber." Sagot ni Hyoscine, nanlaki ang kanyang mga mata sa isinagot ng pinsan, alam kasi ni Yas na favorite niya si JB.

"Pareho pala kayo ni Twynsta." Ani Yas.

"Ah, medyo." Ani Hyoscine. Mukhang okay naman si Hyoscine kasama si Yas. Gumagaling na sa pag-arte ang pinsan niya. "Ikaw? Magkuwento ka naman tungkol sa 'yo."

Lumaki naman agad ang tainga niya para makinig sa sasabihin ni Yas. "Mas prefer ko na ngayon ang veggies since I was a chubby guy before," kuwento nito.

"Talaga?" ani Hyoscine, saka nito mabilis tinakpan ang bunganga—nagpapanggap itong siya kaya dapat ay alam nito ang grade school memory nila ng lalaki.

"Yeah, mino-monitor ko na ang pagkain ko ng mga processed foods, kunwari kapag kumain na ako kanina ng meat, sa susunod na araw na ang susunod." Paliwanag nito. "I love fruit shakes and juices, I always eat fruits in the morning. I don't drink coffee and beers. I love music."

"Kaya pala ang ganda ng kutis mo kasi ma-fruit at veggies kang tao." Ani Hyoscine.

"Hindi naman." Nakangiting sabi ni Yas. "By the way, are you free tomorrow?"

"Bakit?"

"I'm gonna treat you somewhere. It's been ten years since the last time we saw each other," nakangiting sabi nito. Tila tuwang-tuwa talaga si Yas makita ang kababata nito. "Hindi ko pala nakikita ang mama at papa mo." Anito. Nanlaki ang kanyang mga mata, mamaya mabuko siya sa pinaggagagawa nila ng pinsan niya, kaya dapat i-inform na din niya agad ang mga ito.

"They're okay. Sina Mama at papa ay may gadget shop."

"Gadget shop? Kung saan nagta-trabaho si Twynsta?"

Tumango si Hyoscine. "O-Oo, nagpa-part time doon ang pinsan ko."

"Schoolmate kami ni Twynsta and we used to talk a lot. She's nice."

"Yes, she's also a good cook and a good eater."

"Eater?"